“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko.
“Troy, nasaan ka na?”
In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob.
“Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor.
Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
Ang official soundtrack ng pang-wakas na kabanata ay It Might Be You. Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa at magbabasa pa lamang ng istoryang ito. Loiuse and Troy's story is one of my favorites stories that I have written so far. Ibinuhos ko rito ang aking puso kaya sana ay magustuhan niyo. Maraming salamat ulit. :)
“Ang guwapo talaga ni Sir Troy.” Nakasimangot akong bumaling sa isang empleyado na panay ang tingin sa boss ko na katabi ko ngayon. Tahimik lang itong nag-s scroll sa kaniyang phone at sure akong narinig niya ang pinagsasabi ng mga empleyadong napapadaan sa kinaroroonan namin pero halatang balewala ito sa kaniya. “Ang suwerte talaga ng secretary niya, palagi siyang kasama. I’m sure may hidden desire rin ‘yang babaeng iyan kay Sir Troy.” Gusto kong matawa sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ako? May hidden desire sa boss ko? Asa! Nakita ko namang nag-angat ng tingin sa akin ang boss ko. “May kailangan ka?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. Tumawa naman siya sa si
“Naayos mo ba yung schedule ko ngayong araw?” tanong niya pagkapasok niya kinabukasan sa kaniyang opisina. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kaniyang kape nang bigla siyang lumapit sa akin. “What’s that smell?” Mas lalo pa siyang lumapit at halos idikit ang kaniyang ilong sa aking leeg. Inis na inilapag ko ang hawak na mug sa mesa at inis na humarap sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-amoy sa leeg ko. Inis na itinulak ko ang kaniyang mukha palayo sa akin. “Nagchange ka ng perfume?” balewalang tanong niya. Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. Iyon talaga ang itatanong niya? At ano namang pakialam niya kung nagpalit ako ng perfum
“Ma, bumili na ako ng gamot niyo pang dalawang buwan.” sabi ko pagkakita ko kay Mama na kalalabas lang sa kaniyang kuwarto. Mukhang kauuwi rin lang nito galing sa salon na kaniyang pinagtatrabahuhan. Sinalubong ako nito para matulungan ako sa pagbubuhat ng mga groceries na pinamili ko. Sumunod naman na bumaba galing sa second floor ang nakababata kong kapatid na si Chase. Suot pa rin nito ang salamin at halatang kagagaling lang sa pagbabasa. Kagaya ni Rio, graduating na rin ito sa high school. Lumapit ako agad sa kaniya nang mailapag ko ang pinamili sa lamesa. Matagal akong tumitig sa kaniya at saka bumaling sa kaniyang salamin. Marahan ko itong inalis sa kaniyang mata at tiningnan kung maayos pa ba ito. Tiningnan ko ang grado nito ngunit agad ko ring inilayo sa mata ko dahil bigla akong nahilo sa sobrang taas ng grado ng kaniyang salamin. Napanguso ako at isin
“Chase bumangon ka na at magsisimba pa tayo.” saad ko pagkatapos ilang beses kalampagin ang kuwarto ng kapatid ko. Kanina ko pa ito kinakatok at kanina pa rin ako naiinis dahil parang wala itong pakialam sa paulit-ulit na pagkatok ko. Kanina pa ako nakaligo dahil ang usapan namin sama-sama kaming magsisimba ngayong araw ng Linggo sa Cathedral tapos hanggang ngayon tulog pa rin sila. “Richelle Louise hinaan mo naman ang pagsasalita mo. Pati yata kapit-bahay plano mong gisingin.” saad ni Mama na kalalabas lang ng sarili nitong kuwarto at nag-iinat pa ng katawan. Gusto kong matawa. May nanggigising ba na mahina magsalita? Inirapan ko lang si Mama at ibinalik ang atensiyon sa pinto ni Chase at kinalampag iyon nang paulit-ulit. “Chase, ‘pag hindi ka pa lumabas, babawasan ko ang allowance mo.” Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay mabilis pa sa alas kuwatrong bumukas ang pinto ng kuwarto nito at iniluwa nito sa harapan ko ang kapatid kong dinaig pang
“So saan kayo pupunta nila Tita Belle at Chase after nito, Ate Rich?” curious na tanong ni Riye habang kumakain kami.Umayos naman ako sa pagkakaupo at sandaling ibinaba sa plato ko ang hawak na kutsara para kunin ang baso na may lamang juice at uminom doon.“Si Mama, mauuna nang umuwi kasi a-attend siya sa meeting ng mga homeowners sa village, kami ni Chase dadaan sa ophthalmologist niya at barbershop.” saad ko sabay turo ng buhok ng kapatid kong medyo mahaba na.“Sama ako Ate Rich, mahaba na rin ang buhok ko.” sabi ni Rio habang kumakain ng desert.“Ako na ang maggugupit ng buhok mo.” biglang singit ni Sir Troy.Napanguso naman ang kapatid niya habang ako ay sumimangot. Napaka-kill joy talaga.“Kuya naman, minsan lang eh. Lagi na lang ikaw ang nagugupit ng buhok ko. Tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nilang hindi pantay ang buhok ko.” Reklamo ng k
“Andami mo namang dadalhin, ate.” puna sa akin ng kapatid kong si Chase.Nandito siya ngayon sa kuwarto ko dahil sira ang aircon sa kuwarto niya. Dinala niya lahat ng librong ginagamit niya sa eskuwelahan at itinambak ang mga iyon sa working table ko. Sinamaan ko siya nang tingin at sinenyasang tumahimik. Sa pagkakaalam ko kasi, nandito siya para mag-aral at hindi mag-ingay. Busy ako ngayon mag-asikaso ng mga gamit na dadalhin ko sa Palawan para sa kasal ng crush ko na pinsan ni Sir Troy.“Real talk ate, parang dinaig mo pa yung lalayas sa dami ng dress na dadalhin mo.”Pinagtaasan ko nang kilay ang kapatid ko. Lakas maka-comment huh. Palibhasa walang alam sa nangyayari sa akin. Porket hindi niya kilala ang boss ko bilang reklamador at maarte. Kung sa tutuusin, kung kaya ko lang dal’hin ang buong closet ko sa Palawan ay gagawin ko. Paniguradong boss ko na naman kasi ang mamimili ng isusuot ko.“Maganda ba?
“Wow himala, ang konti ng dadal’hin mo.” puna ng kapatid ko sa akin habang inaasikaso ko at chinicheck nang mabuti ang mga gamit na dadal’hin ko.“Pasalamat na lang din talaga ako kay Sir Troy dahil binilihan niya ako ng damit na susuotin. Makakahinga ako nang maluwag dahil konti lang ang bibitbitin ko.” sagot ko naman pagkatapos kong isara ang zipper ng maleta.Nanatiling nakatayo ang kapatid ko sa may pintuan mukhang hinihintay ako nitong matapos. Nakita kong hawak nito ang kaniyang necktie. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kaniya at kinuha sa kamay niya ang necktie. Pinatuwid ko siya sa pagkakatayo para maayos kong maitali ang necktie niya.“Magka-college ka na, hindi ka pa rin marunong magsuot ng necktie.”Tipid siyang ngumiti habang natitig sa akin.“Nandiyan ka naman ate.”Nginisihan ko siya at tinulak palayo ang kaniya mukhang gamit ang palad ko. &nb
Alas dos na ng hapon nang makarating kami sa Pier. Bumaba muna kami ng sasakyan para bumili ng ticket sumakay muli para dumaan sa nagtitimbang ng sasakyan. Pagkatapos namin ay pansamantala muna naming iniwan ang sasakyan para magtungo sa grocery store at bumili ng kape at makakain. Ilang oras din kasi ang biyahe sa barko, just in case na magutom kami, bumili na ako ng mga puwedeng kainin. Paglingon ko sa pinakadulong bahagi ng estante ay may nakita akong kandila roon. Napalingon ako kay Sir Troy na abala sa pagkuha ng energy drink sa fridge ng café. Itinuro ko ang kandila sa tindera at sinabing bibili ako ng dalawang piraso. Mabuti na lang at pumayag itong pagbentahan ako ng tatlong piraso dahil may store na hindi nagbebenta ng per piraso.Nang makapagbayad na si Sir Troy ay sinabi kong mauna na siyang bumalik sa sasakyan. Kumuha na rin ako ng lighter at isinama sa kandila na nasa cashier’s desk.Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw si Si