“Ayos na mga gamit niyo?” tanong ni Richard.
Kasalukuyan naming inaayos ni Sir Troy ang mga gamit sa compartment ng sasakyan niya. Karamihan kasi sa mga gamit ay kundi pasalubong, mga damit namin na nasuot na kaya sa likuran nalang namin nilagay.
“Sigurado ba talaga kayong uuwi na kayo?” tanong naman ni Eunice.
Tumango naman si Sir Troy. Pinagpag ko pa ang alikabok sa kamay ko bago nagmadaling kinuha ang alcohol spray sa bag ko para linisin ang kamay ko. Pagkatapos ay lumapit ako kina Richard at Eunice. Sumunod naman sa akin si Sir Troy at tumayo sa tabi ko.
“Sure na kami. Ilang araw na rin kaming missing in action sa kumpanya. Baka pagbalik namin doon, baka magulo na.” saad ni Sir Troy.
Ngumiti lang ako at saka pabirong hinampas sa balikat si Richard.
“Galingan mo sa honeymoon ha, dapat may result agad next month. Ninang ako!”
Dahil sa sinabi ko ay agad naman akong binatuk
It’s good to be back. Napangiti ako nang makita ang mga nagtataasang buildings habang nakasakay sa taxi. Ang sabi ko sa sarili ko pagkauwi sa bahay, hindi muna ako papasok ng opisina dahil magpapahinga ako. Nagpaalam na rin ako kay Sir Troy. Ang akala ko nga ay hindi niya ako papayagan. Pero pakiramdam ko ay nasayang din lang ang pagpapaalam ko dahil narito ako ngayon at excited na bumalik sa opisina.Paghinto ng taxi ay mabilis akong nagbayad at nagmadaling bumaba. Bitbit ko ang isang paperbag kung saan nakalagay ang mga keychains at sweets na pinamili ko para sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pagpasok ko sa lobby ng building ay mabilis na sumaludo ang guwardiya roon. Huminto ako sa paglalakad at sumaludo rin pabalik dito. “Welcome back, Miss Richelle.”“Thank you very much, Manong.” sabi ko. Mabilis akong naglakad papalapit dito at kumuha ng isang keychain at isang bar ng chocolate at nilagay sa lamesa nito.
“Ha?” tanong niya.“Ha?” balik-tanong ko rin sa kaniya.Ano ulit yung sinabi ko? Sandali akong nag-isip at sinubukang paganahin ang utak ko. Nang maalala ko kung ano ang eksaktong sinabi ko kay Sir Troy ay mabilis kong naitakip ang palad ko sa aking bibig.“May sinabi ba ako?” kunwaring tanong ko sa kaniya.“Meron.” sagot naman niya at seryosong nakatingin sa akin.Tumawa ako at nagpanggap na nakalimutan ang sinabi ko. Inilagay ko pa ang kamay ko sa aking batok at yumuko.“Meron ba? Wala talaga akong maalala. Kita mo, sa dami mong pinapagawa sa akin, nabablanko na yung utak ko.”Tumitig pa siya sa akin nang matagal bago siya nagpasyang tumalikod. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay malayo na siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik-tapik ito upang kalmahin ang puso ko. Mabilis kong isinara ang baunan at nap
Napatulala si Sir Troy nang lumapat ang labi ko sa kaniyang pisngi. Mukhang hindi niya iyon inasahan. Maging ang nasa paligid namin kabilang na si Mama ay natigilan din.“Ah, happy birthday.” alanganing sabi ko.“Kain na tayo.” dagdag ko pa saka nagmadaling kumuha ng pinggan at inabutan siya. Kumuha na rin ako nang para kay Chase at Mama.Nang magsalita si Rio at nagsimula nang magbiro ay gumaan na rin ang atmosphere ng paligid. Nakahinga na rin ako.“Kuya Troy, hindi ka na gumalaw riyan. Ayos ka lang ba?” puna ni Chase sa Boss ko.Napatingin naman ako sa kaniya, pero nang magtama ang aming mga mata ay napaiwas ako agad. Inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain. Nang makita kong puno na yung pinggan ko ay mabilis akong tumalikod para sana lumabas ng kusina. Pero bago ko pa man magawa iyon ay agad akong tinawag ni Mama.“Richelle. Saan ka pupunta?” tanong ni Mama sa akin.
“Hala ang guwapo.” dinig kong sambit ni Riye. Naitakip pa nito ang palad sa kaniyang bibig habang nakasunod ang tingin sa naglalakad na si Leon patungo sa akin.“Ate, kilala mo?”Sinamaan ko nang tingin ang kapatid ko.“Sa tingin mo ba tatawagin niya akong Louise kung hindi?”Chase’s mouth formed an “o”. He seemed amaze because of the Leon’s look. Para itong modelo na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin ng kapatid ko. Mas lalo akong namangha sa hitsura nito nang bigla nitong hawiin ang buhok na tumatabon sa kaniyang mata.“Kuya, ano na? Hindi pa ba tayo uuwi?”Napatingin naman ako kay Sir Troy. He was looking at Leon seriously. Ilang sandali pa ay lumipat na rin sa akin ang tingin niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway.“Riye, Rio. Get inside.” malamig ang boses niyang sabi sa kaniyang mga kapatid.Hindi
Hindi ko alam kung magre-reply ako sa text ni Sir Troy. Kagat ang aking ibabang labi ay humiga ako sa aking kama habang nakatitig pa rin sa mensaheng galing sa kaniya.Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali niya. It’s really hard predict what’s inside his head. Pinag-isipan kong mabuti kung anong gagawin ko, and I ended up with a decision na huwag na siyang replyan. Magkikita rin naman kami bukas. Kapag nakahanap ako ng magandang timing o hindi kaya kapag hindi siya busy, saka ko siya tatanungin.Akmang ilalapag ko na ang phone ko sa aking bedside table nang bigla itong mag-vibrate. Dali-dali ko naman itong tiningnan.Sir Troy: Did you enjoy the night with him?Sir Troy typing…Hinintay ko pa ang sunod niyang text pero nawala ang typing na nakalagay.Sir Troy: Siguro nga, nag-enjoy ka kasi nagkita ulit kayo.The moment I read it, napangiti ak
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak saka bumaling sa kaniya mismo.“S-seryoso ba?” nauutal na tanong ko.Nang ngumiti siya at tumango ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Seryoso ba siya? Bakit naman niya ako yayayain sa isang date?“Uy si Sir Troy, joker.” sabi ko saka pilit na tumawa.Tumitig naman siya sa akin.“I’m not joking Louise.”Umiwas ako nang tingin sa kaniya at mabilis na binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.“Bakit mo naman ako yayayaing makipagdate?” tanong ko sa kaniya.He smiled at me.“I want to treat you out not as my secretary, not as my best friend kundi bilang ikaw, Louise. Hindi mo ba talaga napapansin?”Napalunok ako.“Na?”“Na nagugustuhan na kita.”With that, mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Mabut
Napamaang ako nang tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nang makahuma ako ay pabiro ko siyang hinampas sa kaniyang braso.“Ikaw ah, ‘yang mga banat mo. Akala mo naman madadala ako sa ganiyan mo?”Pinagtaasan niya ako ng kilay saka siya ngumisi.“Bakit hindi ba? Ni minsan hindi ka naguwapuhan sa akin o natuwa man lang sa mga sinabi ko?” tanong niya sa akin habang ang kaniyang mata ay nagpapalipat-lipat sa mata at labi ko. Napalunok naman ako at umiwas nang tingin. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad sa kaniya.Gusto ko lang talaga malaman ang paraan kung paano kakalma sa tuwing inaasar niya ako.“Uy Miss Rachelle. Long time no see. Hindi ka na bumibisita sa amin sa HR office.” Napaangat ako nang tingin nang marinig ang boses ni Andra, ang middle aged na head ng Human Resources Department. Hindi ito mahilig bumaba rito sa cafeteria. Ano kayang meron nga
Gulat kaming napatingin sa kaniya.“Troy…” mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Pero hindi siya tumingin sa akin. Nanatili ang tingin niya kay Mama, wala itong planong bumitaw sa pagkakatitig kay Mama. Naguguluhang tumingin naman sa akin si Mama. Naramdaman ko ring humawak si Leon sa braso ko.“Louise.”Bumaling ako kay Leon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa ganitong pagkakataon. Pakiramdam ko nagkabuhol-buhol ang takbo ng isipan ko.“Louise, seryoso ba itong kaibigan mo sa sinasabi niya?” kinakabahang tanong ni Mama.’Lumingon muna ako sandali kay Leon saka tumango sa kanilang dalawa.“Pero—““Hindi lang naman ikaw ang puwedeng manligaw kay Louise, ako rin.” pagputol ni Troy sa sasabihin sana ni Leon.Umiwas nang tingin si Leon sa kaniya at saka tumayo ito.“Troy puwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Ma