Share

Chapter 30

“Ha?” tanong niya.

“Ha?” balik-tanong ko rin sa kaniya.

Ano ulit yung sinabi ko? Sandali akong nag-isip at sinubukang paganahin ang utak ko. Nang maalala ko kung ano ang eksaktong sinabi ko kay Sir Troy ay mabilis kong naitakip ang palad ko sa aking bibig.

“May sinabi ba ako?” kunwaring tanong ko sa kaniya.

“Meron.” sagot naman niya at seryosong nakatingin sa akin.

Tumawa ako at nagpanggap na nakalimutan ang sinabi ko. Inilagay ko pa ang kamay ko sa aking batok at yumuko.

“Meron ba? Wala talaga akong maalala. Kita mo, sa dami mong pinapagawa sa akin, nabablanko na yung utak ko.”

Tumitig pa siya sa akin nang matagal bago siya nagpasyang tumalikod. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay malayo na siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik-tapik ito upang kalmahin ang puso ko. Mabilis kong isinara ang baunan at nap

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status