CHAPTER 231Natawa naman si Camille sa sinabi na iyon ng kanyang kaibigan dahil kilalang kilala na talaga siya nito.“Talagang kilalang kilala mo pa rin ako,” natatawa pa na sabi ni Camille. “May gusto kasi akong puntahan ngayon at gusto ko sana na magpasama sa’yo,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman si Hazel dahil sigurado siya na may gagawin na naman ang kanyang kaibigan kaya ito nagpapasama sa kanya ngayon.“Tsk. Pasalamat ka talaga at wala akong ginagawa ngayon dahil kung nagkataon ay hindi talaga kita sasamahan,” naiiling pa na sabi ni Hazel. “Hintayin mo na lamang muna ako rito at magpapalit lamang ako ng damit,” dagdag pa niya at saka niya t8nalikuran ang kaibigan.“The best ka talaga kahit kelan. Salamat best,” sagot ni Camille at ngiting ngiti pa nga ito habang nakatanaw sa kanyang kaibigan na papasok na sa silid nito.Hindi naman na liningon ni Hazel ang kanyang kaibigan at nagdiretso na nga siya sa kanyabg silid upang magpalit ng kanyang damit.Saglit lamang na
CHAPTER 230KINABUKASAN….Maaga naman na nagising si Camille pero mas maaga nga ang kanyang ama na nagising dahil naabutan niya ito roon na nagkakape na.“Good morning dad,” bati ni Camille sa kanyang ama at agad na rin siyang lumapit dito upang humalik sa pisngi nito.“Good morning din hija,” bati rin naman ni Miguel dito. “Ang aga mo yata na nagising ngayon. May lakad ka ba?” tanong pa niya.“Ahm. Balak ko po na mamasyal ngayon dad. Maglibot libot po,” sagot ni Camille at saka siya naupo sa may tabi ng kanyang ama.“Mamasyal? Nang ganito kaaga?” kunot noo pa na tanong ni Miguel dahil hindi naman mahilig mamasyal ang kanyang anak at sobrang aga pa talaga. “Bakit hindi ka na lamang magpahinga muna rito sa bahay? Mahaba haba ang byahe natin kahapon at alam ko na pagod ka pa,” pagpapatuloy pa niya.“Nakapagpahinga naman na po ako kagabi dad. At gusto ko lamang po talaga na mamasyal ngayon dahil matagal tagal din po akong nawala rito. Balak ko rin po na bisitahin si Hazel ngayon,” sagot
CHAPTER 229Sa kabilang banda naman ay kalalapag pa lamang ng sinakyang eroplano ng mag amang Camille at Miguel. Talagang tinuloy din ng mag ama ang pagbabalik bansa nila lalo na at wala talagang balak na magpapigil si Camille na umuwi ng Pinas.Matapos nga nilang makuha ang kanilang mga gamit ay agad na rin silang lumabas ng airport at habang hinihintay nga nila ang kanilang sundo ay hindi naman maiwasan ni Camille na mapangiti. Sigurado kasi siya na narito rin sa bansa si Harold at bigla tuloy siyang na-excite na makita muli ang binata dahil namimiss na niya ito.Ilang saglit pa nga ay dumating na rin ang kanilang sundo kaya naman agad na silang sumakay roon dahil pawisan na rin talaga silang dalawa dahil sa sobrang init ng panahon.“Anak, gusto ko lamang na ipalala sa’yo ang mga sinabi ko tungkol kay Harold. Sana ay pag isipan mo muna iyong mabuti at wag kang magpadalos dalos ng desisyon,” sabi ni Miguel kay Camille nang malapit na sila s akanilang mansyon.Napatingin naman si Cami
CHAPTER 228“Ayos lang naman yun. At isa pa ay siya naman talaga ang bumili ng bahay na ito. Nakakahiya na talaga dahil malaki na ang nagastos nyo sa akin sa ospital pagkatapos ay mayroon pa kayong ibinigay na bahay sa amin ni nanay. Sobra sobra na yata ito,” sagot pa ni Jillian.“Wag ka ng mahiya pa dahil soon ay magiging isang pamilya na rin naman tayo. At kaya ito ginagawa ni mommy ay dahil gusto niya na maging kumportable kayo ni nanay Leony,” sagot naman ni Harold at saka niya inakbayan si Jillian habang nakasunod pa rin sila sa kanyang ina.“Maraming salamat talaga sa inyo. Sobra sobra na talaga ito,” sabi pa ni Jillian at hindi na nga natapos ang pasasalamat niya kay Harold.“Tama na nga iyang pagpapasalamat mo na iyan sa akin dahil ilang beses mo na yata iyang sinabi sa akin. Hindi mo naman kailangan na palagi akong pasalamatan dahil ginagawa ko ito sa’yo dahil mahal kita at gusto ko na nasa maayos ka na lagay,” sagot naman ni Harold dito.Isang malalim na buntong hininga nama
CHAPTER 227Napagtanong tanong na kasi niya ang background ni Jillian noon pa at nalaman nga niya na may matalik nga itong kaibigan na palagi nitong kasama. Base pa nga sa mga nalaman niya ay dalawa raw ang kaibigan na iyon ni Jillian pero ang isa raw ay paminsan minsan na lamang kung pumunta sa dalaga at ang isa naman daw ay palagi nga nitong kasama at yun ay walang iba nga kundi si Jane.“Pero ma’m—” hindi naman na ituloy ni Jane ang kanyang sasabihin ng bigla na ngang nagsalita muli ang ina ni Harold.“Wala ng pero pero hija. Samahan mo na lamang din si Jillian dito at sigurado rin naman ako na mamimiss nyo ang isa’t isa kapag pinaghiwalay ko kayo. Kaya sige na hija… tanggapin mo na rin ang bahay na ito,” pagpuputol ni Shirley sa nais sabihin ni Jane dahil paniguradp siya na kagaya ni Jillian ay tatanggihan nito ang bahay na iyon.Napatingin naman si Jane sa kanyang kaibigan na si Jillian na nakangiti na sa kanya at ng mapansin nga nito na nakatingin siya rito ay tumango nga ito sa
CHAPTER 226Matapos nga nilang mag usap usap roon at nang medyo kalmado na nga ang mag inang Jillian at Leony ay inaya naman na ni Shirley sa loob ang mga ito. Hindi na kasi talaga sila nakapasok muna sa loob kanina dahil nga gusto ni Shirley na isorpresa ang mag ina sa labas pa lang ng bahay na iyon at hindi naman niya akalain na mag iiyakan pa pala sila roon.Pagkapasok nila sa loob ay agad ng iginala nila Jillian ang kanilang paningin sa loob ng bahay at talagang namangha sila sa ganda noon. Simple lamang naman ang bahay na iyon at isang palapag lamang pero napakalawak naman noon. Pinili talaga ni Shirley ang bahay na walang taas dahil nga sa baka mahirapan pa sa pagpanhik ang ina ni Jillian at isa rin sa inisip niya ay buntis nga si Jillian at baka mahirapan din ito na magtaas baba pa sa hagdan. Kaya naman isang malawak na bahay na lang ang kanyang pinili.Meron din ngang garden doon na mapaglilibangan ng ina ni Jillian na taniman at meron din nga roon na swimming pool na pwede r