Share

CHAPTER 150

Author: Anne
last update Huling Na-update: 2025-06-27 15:47:07

CHAPTER 150

Muli na lamang niyang inabala ni Harold ang kanyang sarili sa kanyang ginagawa at inaalam niya ang totoong naging problema ng kanilang kumpanya.

Nagkaroon kasi ng problema sa finance department nila at malaking pera rin talaga ang nawawala sa kanila. Idadag pa na hindi nila malaman kung bakit biglang nagpull out ang ilan sa mga investors nila. Kaya naman hinahanap din ni Harold ang dahilan kung bakit nangyari iyon.

Halos maghapon naman na inabala ni Harold ang kanyang sarili sa loob ng kanyang opisina. At kahit pa medyo masakit pa ang kanyang ulo ay pinilit niyang gawin ang mga dapat niyang gawin. Isa na nga roon ang nga papeles na dala dala ng kanyang sekretarya kanina. Tinapos rin talaga niya iyon dahil ayaw niya na kukulitin na naman siya ni Camille.

Halos gabi na rin talaga ng makauwi si Harold sa kanyang bahay. Pasalampak pa nga siya na naupo sa kanyang sofa at napabuntong hininga na lang siya dahil sa napakatahimik talaga ng kanyang buong bahay.

“Sana ay makabalik na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 179

    CHAPTER 179Wala naman ng inaksaya pang oras si Louie at agad na siyang pumunta sa naturang restaurant. At habang nasa daan nga siya ay nagtatalo pa rin nga ang kanyang isip kung ano ba ang dapat niyang gawin.Gusto na kasi talaga niyang sundin ang sinasabi ng kanyang asawa pero naisip niya na paano naman niya mababayaran kaagad si Mr. Rodriguez gayong wala naman siyang ganong kalaking halaga para mabawi niya ang kanyang kumpanya. Kaya talagang gulong gulo ang kanyang utak ngayon kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.Pagkarating ni Louie sa naturang restaurant ay agad naman ng itinuro ng staff kung saan ang table nila at nadatnan na niya roon si Mr. Rodriguez na naghihintay sa kanya. Kaya naman isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan bago siya nagpasya na lumapit na rito.“Good afternoon, Mr. Rodriguez,” agad na bati ni Louie rito at saka niya inilahad ang kanyang kamay rito.“Good afternoon,” sagot din naman ni Miguela t saka niya tinanggap ang pakikipag

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 178

    CHAPTER 178“Hello Shirley! Kumusta kayo riyan ni Harold?” agad na tanong ni Louie pagkasagot niya sa tawag ng kanyang asawa at pilit pa niyang pinapasigla ang kanyang boses na para bang walang nangyayari.“Ayos lang naman kami rito ng anak mo kaya wag mo kaming alalahanin. Napatawag ako dahil ako ang dapat na mangamusta sa’yo. Kumusta? Nakausap mo na ba si Mr. Rodriguez? Nasabi mo na ba sa kanya na hindi na matutuloy ang usapan ninyo na ipapakasal mo si Harold sa kanyang anak?” seryoso naman na sagot ni Shirley mula sa kabilang linya.Mahigit isang buwan na rin kasi ang nakalipas simula ng umalis siya at binigyan pa niya talaga ng oras ang kanyang asawa para magkaroon ito ng pagkakataon na gawan ng paraan ang ginawa nitong problema. Kaya ngayon ay napatawag nga siya rito upang kumustahin na ang tungkol sa bagay na iyon.Bigla naman napalunok ng sarili niyang laway si Louie at laking pasalamat na lang talaga niya dahil hindi niya kaharap ngayon ang kanyang asawa dahil kung nagkataon a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 177

    CHAPTER 177 Ilang minuto rin nga na nanatili roon si Jillian habang hawak ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib dahil para bang bigla siyang nahirapan na huminga kaya naman pinakalma na rin muna niya ang kanyang sarili dahil wala siyang mahingan ng tulong dahil wala ngang dumaraan na mga empleyado roon dahil ang floor na iyon ay para lang nga sa kanilang boss.Nang maramdaman ni Jillian na medyo ayos na ang kanyang paghinga ay dahan dahan nga siyang tumayo ng tuwid at isang malalim na buntong hininga pa nga ang kanyang pinakawalan at naipikit pa nga niya ng nariin ang kanyang mata.Hindi talaga niya akalain na darating sa punto na aalukin siya ng ama ni Harold ng pera para lamang layuan niya ito. Sobrang durog na durog pa nga sita ngayon dahil bukod sa hindi na nga niya kasama si Harold ay ganoon pa ang trato ng ama nito sa kanya.At kahit nga medyo nanghihina pa ang tuhod n8 Jillian ay pinilit na niya ang kanyang sarili na makabalik sa kanilang department para makaupo siya ng maayo

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 176

    CHAPTER 176“Oo… pinatawag kita dahil gusto sana kitang makausap ng masinsinan,” seryoso naman na sagot ni Louie kay Jillian at umayos pa nga ito ng kanyang pagkakaupo.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Jillian at hindi nga niya magawang salubungin ang nagbabagang tingin sa kanya ng ama ni Harold.“A-ano pong gusto ninyong pag usapan natin, sir? K-kung tungkol po ito kay Harold ay wala na po talaga akong balita pa sa kanya at hindi ko po alam kung nasaan na ba siya ngayon,” sagot ni Jillian.“Mabuti naman kung ganon. Nabanggit mo na rin naman ang tungkol kay Harold ay sige simulan na natin ang usapan na ito para matapos na kaagad tayo,” sagot ni Louie at pinaupo na rin muna niya si Jillian sa katapat niyang upuan.Nanatili naman na walang imik si Jillian at sobrang kaba na talaga ang nararamdaman niya ngayon dahil wala talaga siyang ideya kung bakit siya gustong kausapin ng ama ni Harold gayong wala na nga silang komunikasyon ni Harold.“Alam ko na hindi ka magpapatalo at ipag

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 175

    CHAPTER 175“Kumusta ka hija? Kumusta ang department mo?” seryosong tanong ni Louie kay Rose.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Rose dahil ramdam niya na para bang may kakaiba sa ama ni Harold.“A-ayos lang naman po ako sir. At ang department ko naman po ay maayos din naman po ang lahat at wala pong anumang problema,” tila kinakabahan pa nga na sagot ni Rose.Dahan dahan naman na tumango si Louie at saka ito bumuntong hininga.“Nasa department mo pala si Ms. Jillian Flores. Kumusta sya? Ayos ba siyang magtrabaho?” tanong pa ni Louie.Sandali naman na natigilan si Rose dahil sa naging tanong ni Louie sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan para kay Jillian dahil alam niya na ayaw nga ng ama ni Harold dito.“Ayos naman po magtrabaho si Ms. Jillian sir. Sa katunayan nga po ay siya ang may pinakamagandang performance sa aming department kaya wala po talaga akong problema sa kanya,” sagot ni Rose at talagang pinuri pa niya si Jillian dahil mahusay naman talaga ito sa trabaho.. “B-ba

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 174

    CHAPTER 174Napaawang na lang nga ang bibig ni Jillian habang titig na titig nga siya kay Ms. Rose na nagsisimula ng gawin ang kanyang trabaho.“T-teka lang… h-hindi mo naman yan kailangang gawin. Kaya ko naman na kaya hindi mo na ako kailangang alalahanin pa,” awat pa ni Jillian kay Ms. Rose.Tumingin naman si Rose sa gawi ni Jillian at saka niya ito seryosong tinitigan.“Alam mo Jillian oras na malaman ni Harold na buntis ka at pinabayaan kita rito ay malalagot talaga ako roon. Kaya sige na. Magtrabaho ka na para mabilis na itong matapos,” seryosong sabi ni Rose kay Jillian at saka niya sinimulang gawin ang mga dapat gawin ni Jillian.Napabuntong hininga na lamang nga si Jillian dahil mukhang wala talagang balak na magpaawat si Ms. Rose sa ginagawa nito. Kaya pa naman talaga niyang magtrabaho sadyang bigla lang siyang nahilo kanina kaya naman napatigil siya sa kanyang ginagawa.Ilang oras din na tinulungan ni Rose si Jillian sa gawain nito dahil paalis alis rin nga siya upang mag ik

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status