CHAPTER 175“Kumusta ka hija? Kumusta ang department mo?” seryosong tanong ni Louie kay Rose.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Rose dahil ramdam niya na para bang may kakaiba sa ama ni Harold.“A-ayos lang naman po ako sir. At ang department ko naman po ay maayos din naman po ang lahat at wala pong anumang problema,” tila kinakabahan pa nga na sagot ni Rose.Dahan dahan naman na tumango si Louie at saka ito bumuntong hininga.“Nasa department mo pala si Ms. Jillian Flores. Kumusta sya? Ayos ba siyang magtrabaho?” tanong pa ni Louie.Sandali naman na natigilan si Rose dahil sa naging tanong ni Louie sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan para kay Jillian dahil alam niya na ayaw nga ng ama ni Harold dito.“Ayos naman po magtrabaho si Ms. Jillian sir. Sa katunayan nga po ay siya ang may pinakamagandang performance sa aming department kaya wala po talaga akong problema sa kanya,” sagot ni Rose at talagang pinuri pa niya si Jillian dahil mahusay naman talaga ito sa trabaho.. “B-ba
CHAPTER 174Napaawang na lang nga ang bibig ni Jillian habang titig na titig nga siya kay Ms. Rose na nagsisimula ng gawin ang kanyang trabaho.“T-teka lang… h-hindi mo naman yan kailangang gawin. Kaya ko naman na kaya hindi mo na ako kailangang alalahanin pa,” awat pa ni Jillian kay Ms. Rose.Tumingin naman si Rose sa gawi ni Jillian at saka niya ito seryosong tinitigan.“Alam mo Jillian oras na malaman ni Harold na buntis ka at pinabayaan kita rito ay malalagot talaga ako roon. Kaya sige na. Magtrabaho ka na para mabilis na itong matapos,” seryosong sabi ni Rose kay Jillian at saka niya sinimulang gawin ang mga dapat gawin ni Jillian.Napabuntong hininga na lamang nga si Jillian dahil mukhang wala talagang balak na magpaawat si Ms. Rose sa ginagawa nito. Kaya pa naman talaga niyang magtrabaho sadyang bigla lang siyang nahilo kanina kaya naman napatigil siya sa kanyang ginagawa.Ilang oras din na tinulungan ni Rose si Jillian sa gawain nito dahil paalis alis rin nga siya upang mag ik
CHAPTER 173“Tsk. Hindi mo kailangang gawin yan dahil hindi naman kayo close ni mommy,” inis pa na sagot ni Harold.“It’s okay anak. Hayaan mo na lang siya tutal ay narito na rin naman siya at palagpasin mo na lamang,” sabat na ni Shirley.Nagtataka naman na tinitigan ni Harold ang kanyang ina dahil kanina lang nga ay inis na inis ito kay Camille pero ngayon ay mukhang kinakampihan pa nito ang dalaga.“Mom!?” sabi ni Harold.Hindi naman nagsalita si Shirley at kinindatan lang niya ang kanyang anak. At agad naman na nakuha ni Harold ang ibig sabihin nito kaya naman nanahimik na lamang siya.“Pagpasensyahan mo na ang anak ko hija. Masyado lang siguro syang napagod sa trabaho kaya nagsusungit,” baling ni Shirley sa dalaga.“Ayos lang po tita. Sanay na rin naman po ako,” sagot ni Camille. “Ahm. Hindi na rin po ako magtatagal. Alis na rin po ako para po makapagpahinga na po kayo,” dagdag pa niya at saka siya tumayo sa kanyang kinauupuan.“Sige hija. Mag iingat ka,” sabi ni Shirley sa dalag
CHAPTER 172Agad naman na dumiretso si Camille sa kusina na akala mo naman ay alam na alam niya ang pasikot sikot sa loob ng bahay ni Harold. Kaya naman habang tinitingnan nga ito ng binata ay naipilig na lang niya ang ulo niya dahil alam niya na nagpapapansin nga ito sa kanyang ina. “Ahm. Pasensya na po pala kung naabala ko ang pagpapahinga ninyo. Gusto ko lang po kasi talaga na humingi ng pasensya sa inasal ko kanina. Pasensya na po talaga kayo,” sabi pa ni Camille matapos niyang ihain ang dala niyang pagkain.Naupo naman na rin muna ang mag ina at saka seryosong tiningnan ni Shirley ang dalaga.“Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad ng paulit ulit sa akin. Baguhin mo lang yang ugali mo ay ayos na yun,” sagot ni Shirley sa dalaga.Saglit naman na natigilan si Camille dahil sa sinabi na iyon ni Shirley. At nang makabawi nga siya ay agad din naman siyang ngumiti rito.“O-opo tita. Pasensya na po talaga kayo,” sagot ni Camille na pilit na nagpapakumbaba sa harap ng mag ina.Bumu
CHAPTER 171“E sa nanay ni Harold… hindi mo ba sasabihin? Sabi mo ay ayos naman siya bakit hindi mo subukan na sabihin sa kanya anak,” sabi pa ni nanay Leony.“Naisip ko na rin naman po yan nay. Pero sa ngayon po ay gusto ko pa po munang pag isipan na mabuti dahil ayaw ko po na magpadalos dalos ng desisyon lalo na po at nay bata na involve dito,” sagot ni Jillian. “Sa ngayon po siguro ay magfocus po muna ako sa anak ko at sa inyo. Ayaw ko na po munang pasakitin ang ulo ko lalo na po at buntis ako at bawal mastress. Kaya saka ko na lamang po sila iisipin kapag nakapanganak na po ako. Kaya ko naman po ito lalo na po at nariyan po kayo na mga nagmamahal sa akin at sa anak ko,” dagdag pa niya.Agad naman na napangiti si nanay Leony dahil sa sinabi ni Jillian. Ngayon pa lang nga ay nakikinita na niya kung gaano kabuting ina si Jillian sa magiging anak nito kaya sobrang saya ng puso niya dahil kahit na kapos sila sa pera ay napalaki naman niya ng maayos si Jillian ng mag isa.“Natutuwa ako
CHAPTER 170“Wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Ang isipin mo ngayon ay kailangang maging malusog si baby at ipaparamdam natin sa kanya na mahal na mahal natin siya kahit hindi nyo kapiling ang kanyang ama. Kaya wag ka ng umiyak. Makakasama yan sa apo ko,” pagpapatuloy pa ni nanay Leony habang may matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.“Salamat po nay! Maraming salamat po. Pasensya na po kayo kung naglihim po ako sa inyo. Natatakot po kasi talaga ako na baka kung anong mangyari sa inyo kapag nalaman ninyo ang ginawa ko na iyon at nabuntis pa ako,” sagot ni Jillian at saka niya pinunasan ang kanyang luha.“Pero tama po kayo nay. Wala man po ngayon si Harold sa tabi namin ay dapat po na iparamdam ko sa anak namin kung gaano ko siya kamahal. Alam ko darating ang araw na babalik si Harold. At kapag dumating na ang araw na iyon ay tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib ko kung ano man ang magiging desisyon nya. Kung tatanggapin nya ba kami ng anak namin o hindi ay ayos lang kung al