CHAPTER 259“Ayaw mo bang umalis na rin sa trabaho mo na iyan? I mean baka gusto mo na rin maghanap ng ibang trabaho ganon,” sabat na ni Harold na kanina pa tahimik na nakikinig sa mga ito.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni April.“Gusto ko na rin namang umalis sa trabaho ko na iyan dahil alam ko naman na hindi maganda ang trabaho ko pero kasi… ang hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. At kung makahanap naman ako ng trabaho palagi namang sakto o kulang pa ang sinasahod ko. Samantalang sa bar malaki laki ang kita ko yun nga lang talagang kailangang mag doble ingat para hindi makakuha ng sakit,” sagot ni April kay Harold.Dahan dahan naman na tumango si Harold dahil kadalasan naman talaga na reklamo rin ng mga trabahador ay sakto lang ang kinikita nila at madalas din ay kulang pa dahil sa sobrang mahal na ng mga bilihin“Wag kang mag alala kapag okay na ang lahat sa plano kong buksan na sarili kong kumpanya ay kukuhanin kita bilang empleyada roon at wag ka
CHAPTER 258Nagkatinginan naman sila Harold at Jillian at napangiti na lamang sila sa reaksyon na iyon ng ina ni Harold.“Mom, baka naman po bumili na kayo kaagad ng susuotin nyo sa kasal namin,” biro ni Harold sa kanyang ina.“Aba syempre naman. Bibili na talaga kaagad ako at isasama ko si Leony sa pagbili ko dahil sabay na kaming mamimilo ng isusuot naming dalawa,* sagot ni ShirleyNagkatawanan naman sila roon dahil sa naging sagot na iyon ng ina ni Harold dahil obvious naman na excited na talaga ito sa magiging kasal ng dalawa.“Binabati ko kayo mga anak. Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan nyong dalawa. Nawa ay magmahalan pa kayo lalo na at paparating na ang inyong mga anak,” sabi naman ni Leony kila Harold at Jillian.“Salamat po nay,” sagot ni Jillian at saka niya yinakap ang kanyang ina.“Salamat po nay. Wag po kayong mag alala dahil pakamamahalin ko pa po lalo si Jillian,” sagot ni Harold.“Tiwala naman ako sa’yo hijo. Alam ko na magiging masaya sa piling mo ang aki
CHAPTER 257Hindi naman na napigilan pa ni Jillian ang pagbagsak ng masagana niyang luha dahil sa tanong na iyon ni Harold sa kanya. Sa totoo lang ay hindi talaga ito inaasahan ni Jillian. At ang buong akala rin talaga niya ay nasa tabi niya ngayon si Harold dahil sa kanilang mga anak. Ilang buwan kasi na nawala si Harold at hindi niya alam kung saan ba talaga ito nagpunta dahil ang sabi lang nito ay may trabaho itong inasikaso sa ibang bansa kaya ito nawala kaya naman hindi rin niya maiwasan na mag isip ng kung ano ano. Kaya naman kahit na nagbalik na si Harold ay hindi niya magawang maging masaya ng sobra dahil hindi niya alam kung talaga bang mahal pa rin siya nito.Hindi rin kasi maintindihan ni Jillian ang kanyang sarili dahil simula ng mabuntis siya ay mabilis na siyang maiyak at magdamdam at hindi rin talaga niya maiwasan na mag isip ng kung ano ano ngayon. Kaya naman naisip na lamang niya na dala nga ito ng pagbubuntis niya kaya siya nagkakaganyan.“Jillian Flores, will you m
CHAPTER 256Dahan dahan naman na naglakad si Harold papunta kay Jillian habang may matamis na ngiti ang nakapaskil sa labi nito. At nang tuluyan na nga itong makalapit kay Jillian ay hinawakan naman nito ang kamay ng kanyang nobya.“Ano na naman ba ang pakulo mo na ito?” tanong ni Jillian kay Harold ng tuluyan na itong makalapit sa kanya.Bahagya naman na natawa si Harold dahil sa tanong na iyon sa kanya ni Jillian.“Wag mo akong tawanan Harold tinatanong kita,” sabi pa ni Jillian at saka niya inirapan ito.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Harold at saka siya biglang sumeryoso. Kinakabahan pa nga siya ng mga oras na iyon pero pinipilit niyang lakasan ang kanyang loob dahil gusto niyang mapasaya si Jillian.“Jillian, a-alam mo ba na nararamdaman ko na nag aalangan ka sa relasyon nating dalawa ngayon. Alam ko naman na nagkakaganyan ka ngayon dahil ang akala mo ay narito lang ako sa tabi mo dahil sa mga anak natin. Kaya naman ngayon ay narito ako sa harapan mo da
CHAPTER 255“A-ayoko lang kasi na sobra akong masaktan kung sakaling h-hindi talaga kami ni Harold para sa isa’t isa. Noong bigla nga siyang nawala ay labis na akong nasaktan kaya ayoko ng maramdaman pa ulit iyon,” mahinang sabi ni Jillian.“Hindi ka masasaktan, Jillian dahil ipaglalaban ka ni Harold. Kaya dapat ay ganon ka rin. Ano ba kasi ang nangyayari sa’yo? Nasaan na ba ang Jillian na palaban noon?” sagot ni Rose rito.Hindi naman nagsalita si Jillian at nanatili lamang na nakayuko ang kanyang ulo.Napabuntong hininga na lamang din si Rose at napapailing na lamang siya kay Jillian dahil sa pagiging nega nito.“Ang mabuti pa ay tara na muna sa labas. Baka kailangan mo lang ng sariwang hangin,” pag aaya na ni Rose kay Jillian.“T-teka lang. May lakad kasi kami ni Harold ngayon,” sabi ni Jillian ng maalala niya na aalis nga pala silang dalawa ngayon.“Tsk. Mamaya na yang date nyo na yan. Tara na muna sa labas dahil may surpresa ako sa’yo,” ngiting ngiti pa na sabi ni Rose. “Pero ba
CHAPTER 254Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ni Jillian ng naramdaman niya ang paggalaw ng kanyang mga anak sa loob ng kanyang tyan.Bigla namang may kumatok sa pinto ng kanyang silid kaya naman napatingin siya roon.“Bukas yan,” sigaw ni Jillian.Agad naman na bumukas ang pinto ng kanyang silid at nagulat pa nga siya ng ang pumasok doon ay si Rose na ngiting ngiti habang naglalakad na papalapit sa kanya.“Rose? Anong ginagawa mo rito?” agad na tanong ni Jillian sa dalaga.“Yes, it’s me the one and only Rose,” nakangiti pa na sabi ni Rose kaya naman bahagya na lamang na natawa si Jillian dito.“Well, namiss na kasi kita kaya ako narito. Kumusta na? Pasensya ka na kung ngayon lang kita ulit nabisita. Ang dami kasing trabaho e kaya hindi na ako makasingit ng pagpunta rito. Infairness ha lalo ka yatang gumaganda ngayon. Hiyang ka ba sa pagmamahal ni sir Harold?,” sabi pa ni Rose na abot tenga na yata ang ngiti.“Tsk. Nambola ka pa. Ang sabihin mo lumaki lalo ako,” sagot ni Jillian a