Share

CHAPTER 257

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-08-07 14:08:06

CHAPTER 257

Hindi naman na napigilan pa ni Jillian ang pagbagsak ng masagana niyang luha dahil sa tanong na iyon ni Harold sa kanya.

Sa totoo lang ay hindi talaga ito inaasahan ni Jillian. At ang buong akala rin talaga niya ay nasa tabi niya ngayon si Harold dahil sa kanilang mga anak. Ilang buwan kasi na nawala si Harold at hindi niya alam kung saan ba talaga ito nagpunta dahil ang sabi lang nito ay may trabaho itong inasikaso sa ibang bansa kaya ito nawala kaya naman hindi rin niya maiwasan na mag isip ng kung ano ano. Kaya naman kahit na nagbalik na si Harold ay hindi niya magawang maging masaya ng sobra dahil hindi niya alam kung talaga bang mahal pa rin siya nito.

Hindi rin kasi maintindihan ni Jillian ang kanyang sarili dahil simula ng mabuntis siya ay mabilis na siyang maiyak at magdamdam at hindi rin talaga niya maiwasan na mag isip ng kung ano ano ngayon. Kaya naman naisip na lamang niya na dala nga ito ng pagbubuntis niya kaya siya nagkakaganyan.

“Jillian Flores, will you m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 265

    CHAPTER 265Napatulala naman si Miguel ng tuluyan na ngang makalabas si Louie ng naturang silid at naiwan na lamang siya na mag isa roon.“AHHHHHH,” galit pa na sigaw ni Miguel habang nakakuyom ang kanyang kamao.Sigurado kasi si Miguel an hindi ito matatanggap ng kanyang anak lalo na at talagang humaling na humaling ito kay Harold at wala talaga itong ibang lalaki na gusto kundi si Harold lamang.Samantala pagkalabas naman ni Louie sa naturang restaurant ay napabuga na lamang siya ng hangin sa kanyang bibig. Hindi kasi niya alam kung ano ba ang maaaring mangyari pagkatapos nito. Hindi niya alam kung matatahimik na ba ang mag amang Miguel at Camille pero sa nakikita niya ay mukhang walang balak na magpatalo ang mag amang ito.Agad na rin naman siyang umalis sa naturang restaurant at dumiretso uwi na rin nga siya pero nagtataka siya dahil wala ang kanyang asawa at mga anak doon. Sinubukan pa noyang tawagan si Shirley pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kaya naman dumiretso na l

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 264

    CHAPTER 264“Hindi ba at nag usap na rin naman na tayo noon pa. Nasabi ko na rin naman sa’yo na baka kapag ipinilit natin ito ay pareho lamang din silang masasaktan dahil hindi naman sila nagmamahalan na dalawa. Maaaring ang anak mo nga ay mahal ang aking anak pero ang anak ko ay hindi natin kayang pilitin yun… hindi natin kayang diktahan ang puso nya,” sabi pa ni Louie.“Sana ay noong una mo pa iyan naisip at hindi ngayon na asang asa na ang anak ko na magiging asawa na niya si Harold,” galit naman na sagot ni Miguel. “Ama ka rin Louie kaya sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin dahil kung sa anak mo ito mangyayari ay paniguradong hindi ka rin matutuwa,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman muli si Louie at saka siya dahan dahan na tumango.“Tama ka… kung mangyayari man iyan sa anak ko ay masasaktan din talaga ako. Kaya naman gaya ngayon ay hindi ko rin kaya na pilitin ang aking anak sa gusto mong mangyari. Kaya pasensya ka na talaga Miguel,” sagot naman ni Louie.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 263

    CHAPTER 263Sa kabilang banda naman ay matyagang naghihintay sa restaurant si Louie kay Miguel. Mahigit kalahating oras na rin kasi itong late sa sinabi niyang oras dito pero umaasa pa rin siya na darating nga ito dahil talagang gusto na niyang magkaliwanagan silang dalawa.Naka ilang ulit na rin na sinubukang tawagAn ni Louie si Miguel pero ring lang ito ng ring at hindi siya sinasagot. Naka ilang buntong hininga na rin siya at tila ba nauubusan na rin siya ng pasensya pero kailangan niya munang magtiis dahil.siya ang nay kailangan dito.Maaga kasi talaga niyang tinapos ang kanyang mga trabaho dahil may usapan nga sila ni Miguel na magkikita sila ngayon pero heto at hanggang ngayon ay wala pa rin ito.“Nakakainis. Nasaan ka na ba Miguel? Paano tayo magkakaliwanagan nito kung hindi ka sisipot,” naiinis ng sabi ni Louie at saka siya uminom muli ng wine na nasa harapan niya.Ilang minuto pa ang nakalipas at bigla ng bumukas ang pinto ng silid kung nasaan si Louie dahil VIP room talaga a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 262

    CHAPTER 262“Ano sa tingin mo Jillian? Ayos lang ba sa’yo na magpakasal na muna tayo sa judge bago ka manganak?” tanong naman ni Harold kay Jillian.“Kung ano sa tingin nyo ay mas maganda ay sige lang. Ayos lang naman sa akin,” sagot ni Jillian.Dahan daham naman na tumango si Harold alam din naman kasi niya na medyo nahihiya pa rin si Jillian sa kanya lalo na kapag may usapang gastos na. Hanggang ngayon pa rin nga ay palagi pa rin itong nagpapasalamat sa kanya dahil sa mga tulong nito sa mag ina kaya naman palagi rin niya itong sinasabihan na hindi naman nito kailangan na magpasalamat palagi sa kanya.“Kung ayos naman na pala kay Jillian ay sige… bukas na bukas ay ipapaayos ko na kaagad ang mga kakailangan ninyo sa kasal at sa ngayon ay tayo tayo lang din muna ang makakaalam at makakasaksi nito. Mas mabuti na rin yun para maging safe kayo,” sagot naman ni Shirley.“Sige po mom. Kapag okay na po ang lahat ay magpapakasal na po kami kaagad lalo na po at malapit ng manganak si Jillian.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 261

    CHAPTER 261Bigla namang natigilan sa pagkain niya si Harold at saka siya napatingin kay Jillian at napansin niya na may tinitingnan nga ito kaya naman napatingin din siya sa tinitingnan nito at nakita niya na titig na titig ito kay Rose.“Matagal ko ng kaibigan iyang si Rose at parang kapatid ko na rin nga iyan. Open din siya sa akin kapag may problema siya o anuman at sa tagal ko ng kaibigan iyang si Rose ay wala pa yan naipakilala sa akin kahit isang lalaki na naging nobyo nya,” sagot ni Harold. “Bakit mo pala naitanong love?” tanong pa niya.“Ahm… w-wala naman. Kanina kasi ay parang iba ang ikinikilos niya at ilang beses ko na siyang nahuli na nakatitig kay Jeffrey,” sagot ni Jillian at bigla nga silang nagkatinginan ni Harold.“Napansin mo rin pala iyon,” sabi ni Harold. “Hindi kaya inlove na ang kaibigan ko?” dagdag pa niya habang may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.“Yan nga rin sana ang sasabihin ko e. Baka nga inlove na siya kay Jeffrey,” sagot ni Jillian at

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 260

    CHAPTER 260“May problema ba?” hindi na maiwasang tanong ni Jillian kay Rose ng mapansin niya na nakatingin ito kay Jeffrey.Bigla namang bumalik sa wisyo si Rose at napakurap kurap pa siya habang nakatitig kay Jillian.“Ha!? W-wala naman… a-ang sabi ko ay c-congrats sa inyong dalawa ni Harold. Masayang masaya ako para sa inyong dalawa,” kandautal pa na sagot ni Rose kay Jillian.Tahimik naman na nakikinig si Harold sa pag uusap ng dalaqa at hindi niya maiwasang mapataas ang isang kilay ng masundan din niya ang tinitingnan nito kanina.Bigla namang tumikhim si Harold kaya naman sabay pa na napatingin sila Jillian at Rose rito.“Parang may naaamoy ako na kakaiba ngayon ah,” pagpaparinig ni Harold. “Naamoy mo rin ba yun love?” tanong pa niya kay Jillian.Napatitig naman si Jillian kay Harold at ng tumingin ito kay Jeffrey ay parang nakuha na niya ang gusto nitong ipahiwatig.“Ah. Oo naman love. Naamoy ko rin yun. Amoy na amoy ko pa nga eh,” sagot naman ni Jillian na sinakyan din ang tri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status