Share

CHAPTER 345

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-09-05 16:23:15

CHAPTER 345

Saglit naman muna na pinakatitigan ni Jillian ang kanilang kambal na anak na sila Harlene at Harvey at saka niya ito magaan na hinalikan sa noo. Nagdahan dahan pa nga siya sa kanyabg pagkilos dahil baka magising ang mga ito.

Agad na rin naman na umalis sila Harold at Jillian upang isa isahin ang table ng kanilang mga bisita na mukha namang nag enjoy sa kanilang kasal.

Samantala, napapangiti na lamang talaga si Leony habang nakatingin sa kanyang anak kasama si Harold. Sobrang saya kasi talaga ng puso ni Leony ngayon dahil natagpuan na ng kanyang anak ang magpapaligaya rito. Masaya siya dahil nasa maayos ng buhay ang kanyang anak at hindi na nito mararanasan pa ang maghirap.

Habang nakatitig pa si Leony sa kanyang anak na papalayo ay hindi niya lubos maisip na ang anak niya dati na mag isa siyang itinataguyod at ipinipilit na ilaban ang kanyang buhay ay mayroon ng sariling pamilya. Sobra pa siyang napabilib sa kanyang anak dahil talagang kinaya nitong malagpasan ang lahat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 352

    CHAPTER 352“Pero mom, dad sobrang mahal po nito,” sagot pa ni Harold dahil alam naman niya na hindi basta basta ang presyo ng ganito kalaking lupain.“It’s okay son. Hindi naman mahalaga ang presyo nyan dahil ang mahalaga naman sa amin ng mommy mo ay mapasaya namin kayo sa regalo namin sa inyo. At isa pa ay pwede naman natin itong gawing bahay bakasyunan at pwede mo rin ipagpatuloy na gawing negosyo ito,” sagot naman ni Louie. Simula rin kasi ng magkagulo sila ng dahil sa kagagawan niya ay napagtanto niya na dapat na mas pahalagahan niya ang kanyang pamilya at kung may paglalaanan naman siya ng pera ay mas mabuti pa na sa maganda ito ilagay kesa sa pagsusugal.Nagkatinginan naman sila Harold at Jillian dahil talagang hindi sila makapaniwala sa ibinigay ng magulang ni Harold sa kanila.“Wag na kayong magdalawang isip pa r’yan dahil wala na rin naman kayong magagawa dahil sa inyo ko na ito ipinangalan. Kaya kahit tanggapin nyo man ito o hindi ay inyo na talaga ito,” sabat naman ni Shir

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 351

    CHAPTER 351Napangiti naman si Louie sa sinabi na iyon ni Jillian at ngayon talaga niya napagtanto na napakabait pala talaga nito gaya ng sabi ng kanyang asawa noon sa kanya.“Tama po si Jillian dad. Nangyari naman na po ang nangyari at tapos na po iyon kaya wag na lamang po nating balikan pa. Masaya naman na po tayo ngayon at yun namam po talaga ang mahalaga,” sabat naman ni Harold.“Salamat sa inyo,” sagot ni Louie sa dalawa. “Masaya ako para sa inyo mga anak dahil nakikita ko kung gaano ninyo pahalagahan ang inyong pamilya. Wag sana kayong magbabago at wag nyo na akong gayahin pa. Wala rin naman akong ibang hiling para sa inyo kundi ang magkaroon kayo ng masaya at nagmamahalan na pamilya,” pagpapatuloy pa ni Louie.“Don’t worry dad dahil hinding hindi ko po pababayaan ang pamilya ko. Pangako po iyan,” sagot naman ni Harold sa kanyang ama.“Salamat din po pala dad dahil tinanggap nyo po ako sa inyong pamilya. Wag din po kayong mag alala dahil gagawin ko po ang lahat para maging isan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 350

    CHAPTER 350Habang masayang pinapanood nila Harold at Jillian ang mga nagkakasayahan nilang mga kaibigan at mga bisita ay lumapit naman na sa kanila ang mga magulang ni Harold na kanina pa abala sa kanilang mga kasosyo sa negosyo. Guatong gusto na nga sana ni Shirley na iwan ang kanyang asawa sa paglilibot dahil gusto na lang sana niyang maupo kasama si Leony at ang kanilang mga apo kaso ay nahihiya naman siya sa mga naroon kung hahayaan niya na mag isa lang na mag iikot ang kanyang asawa.“Congratulations mga anak,” agad na bati ni Shirley sa bagong kasal.“Thank you po mom,” magkapanabay naman na sagot nila Harold at Jillian.“Congratulations sa inyo Harold at Jillian,” bati rin naman ni Louie sa dalawa.“Thank you po dad,” sagot naman ng dalawa.“Hay naku! Grabe, nakakapagod maglibot. Kung pwede ko nga lamang na hayaan ang iyong ama na maglibot ay ginawa ko na talaga kanina pa. Kaso ay baka naman sabihin nila ay masyado akong maarte,” reklamo na ni Shirley.Bahagya naman na natawa

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 349

    CHAPTER 349Napabuntong hininga naman si Leony at saka niya nginitian ang dalawa. Sa totoo lang ay nahihiya na talaga siya sa mga ito dahil ang lahat ng kanyang mga pangangailangan ay ang mag asawa talaga ang nagbibigay lalo na ang kanyang pang maintenance na gamot. Gusto rin talaga sana niya na may maibigay siya na regalo sa mga ito ngayong araw ng kasal ng mga ito pero wala naman kasi siyang sapat na pera para ipambili ng gusto sana niyang iregalo sa mga ito.“Maraming salamat talaga sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa at biniyayaan ako ng anak at manugang na napakababait. Wala akong ibang hangad sa inyo mga anak kundi ang malusog na pangangatawan at mahabang buhay pa. At sana rin ay mas magmahalan pa kayo lalo hanggang sa inyong pagtanda,” sabi ni Leony sa dalawa.“Wala po iyon nay. Mahal ka po namin at mahalaga ka po sa amin kaya namin ginagawa ang lahat ng ito para sa inyo,” sagot naman ni Jillian.“Salamat anak. Alam ko na magiging mabuti ka ring ina sa iyong

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 348

    CHAPTER 348Pasimple naman na siniko ni Jillian ang kanyang asawa para tumigil na ito dahil ramdam niya na naiinis na talaga si Rose sa pangungulit na iyon ni Harold.Agad naman na nakuha ni Harold ang ibig sabihin na iyon ni Jillian kaya naman tumigil na siya sa kanyang pangungulit kay Rose.“Ang mabuti pa ay maiwan na muna namin kayo rito at pupuntahan naman muna namin sila nanay at ang kambal,” sabi ni Jillian.Agad naman na inakbayan ni Harold ang kanyang asawa pagkasabi nito noon.“Tara na nga wife. Ang hirap naman kasi kapag parehas na mahiyain at ang isa ay sanggano pa. Good luck na lang talaga,” sabi ni Harold at sinadya talaga nito na paringgan ang dalawa na halata namang nagkakahiyaan talaga.“Maiwan na muna namin kayo rito ha. Mag enjoy lang kayo at wag na muna kayong uuwi ha dahil may after party pa tayo mamayang gabi at mag stay pa raw tayo rito ng ilang araw,” sabi ni Jillian para matigil na sa pang aasar si Harold kay Rose.“Naku mabuti pa nga na ilayo layo mo sa akin y

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 347

    CHAPTER 347“Matanong nga kita Rose. Ano ba kasi ang tipo mo sa isang lalaki? Gusto mo ba matangkad? Gwapo? Mayaman? Ano?” sunod sunod naman na tanong ni Harold kay Rose dahil ito na naman ang nakita nilang asarin ngayon.“Tsk. Bakit ba kasi ako na naman ang nakita ninyo? At isa pa alam mo hindi naman kailangan na may tipo akong lalaki dahil darating at darating din naman yan kung meron at tatanggapin ko naman siya kahit na ano pa siya… at kung wala naman e di wala. Pwede naman akong mabuhay ng walang lalaki. Nakaabot na nga ako sa ganitong edad kahit na wala akong nobyo ngayon. Kaya wag nyo na akong pagtripan pa,” sagot naman ni Rose sa kanyang kaibigan.Napakibit balikat naman si Harold sa naging sagot na iyon ni Rose.“Pero kunwari Rose… kunwari lang ha. May lalaking dumating sa buhay mo ngayon. Tapos nagtapat sya ng nararamdaman nya para sa’yo na mahal ka nga niya. Anong gagawin mo?” sabat naman na ni April.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rose dahil muk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status