Share

Chapter 3- Rest and Recreation

Hindi namalayan ni Feona na nakatulog na pala siya sa kakaiyak at hindi man lang niya nagawang maghaponan. Mugto ang mga matang uunat- unat si Feona dala ang kanyang bihisang Type A na uniporme ay dire diretso sa banyo ng kampo. Namataan siya ng dalawang Juniors na kawal na naghahanda ng almusal sa may kitchen. Nagkatinginan lang ang mga ito at hindi umimik. Makalipas ang ilang minuto ay nakagayak na si Feona na nagtungo sa kitchen. "Private Bartolome, isang sunny side up na itlog at 1 cup na kanin tapos black coffee please. Maghihintay ako sa may mesa." Mahinahong utos ni Feona at tuloy tuloy na naupo. Hinugot ang cellphone sa bulsa, tiningnan lang ang screen at naiiling na ibinalik sa bulsa. Pagkuway, tumayo at Nagtungo sa kinaroroonan ng ibang kawal. " Pfc Santiva, ihanda mo ang platoon mo, ang saksakyan at pupunta tayo sa battalion sa bayan." Mahinang wika ni Feona ngunit ma otoridad. "First Leutenant Amorsolo will be handling this company habang nasa leave ako or baka magpadala ng ibang company commander ang battalion." Dagdag pa ni Feona. Pagkaraay handa na ang pito ka tao kasama ang driver ng saksakyan nila.

Hapon na nang makaalis si Feona sa battalion. Tinapos muna niya lahat ng kailangan para sa kanyang 1 month leave. Sa susunod na linggo pa sana ang schedule ng R and R niya pero nagawan niya ng paraan na maadvance ito ngayon. Hindi siya nakiusap at nagmakaawa o kahit ipinakita ang kahinaan niya bilang isang babaeng ang puso ay nasaktan. Ginawa niya lamang ang tama. Oo, aminado si Feona na matatag siya, nililok na siya nga panahon at pangyayari sa kanyang buhay. Pero, sa pagkakataong ito hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang gawin. Pakiramdam niya ay naging pera peraso ang puso niya sa kaloob looban. Hindi na niya alam ngayon kung ano nga ba ang mga gusto niya. Ano nga ba ang desire ng kanyang Brave heart. Sobrang naguguluhan si Feona sa mga nangyayari. Bago pa man siya umalis kanina sa kampo nilang walang ka signal-signal ay ini off na niya ang kanyang cellphone. At hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa siya nag tangkang e -on ito. Natatakot siya at hindi pa siya handa sa maaaring dumagsang mensahe at tawag sa kanyang cellphone oras na kanyang ma e-on ito. Hindi muna siya umalis sa battalion kaya naabutan siya ng hapon dahil hinintay niya pa na mag radyo mula sa dating kampo na safe na nakabalik doon ang mga taohan.

Nagpalit na ng kasuotan si Feona. naka denim jeans na siya at rubber shoes, kulay olive na t -shirt at nakatarentas ang hanggang balikat na buhok. Lulan siya ng bus ngayon papuntang Maynila. Nasa kandongan niya ang nag iisa niyang backpack bag. Sa tingin ay simpleng simple, hindi makikilala na siya si Captain Feona Alvarez. "Ay! ang swerte ng pabebe na babaeng ito at nag propose na si James Alvaro no?"Napalingon si Feona sa dalawang nag uusap na sa tanto niya ay mga kolehiyala na nakaupo sa may gawing gilid niya. Napasikdo na naman siya sa kanyang dibdib. "Iyan lang pala ang blind item gf niya matagal na bakit di pa yan agad nilantad. Eh! anak naman iyan ng coach ng team niya!" Hirit pa nang isang medyo cubby. Sinusubok talaga si Feona ng tadhana. Sa dinami dami ba naman ng masasakyang bus at mga makakasamang pasahero, e, dito pa siya naka jackpot sa mga nag-uusap ng mga topic na lalong nagpasikip sa kanyang dibdib. "Ang sabihin mo gimik lang ng team nila." Reklamo noong isang tsinita. "Hindi daw gimik no! agaran daw ang kasal kasi buntis na si babygurl." kumento naman noong medyo chubby. Nagulantang lalo si Feona sa narinig. Tinakpan ng dalawang kamay niya ang dalawang tenga niya at isinubsob ang mukha sa nakakandong niyang bag. Hindi mapigilan ni Feona na bumuhos naman ang mga luha niya. Sobrang sakit at kawalang pag-asa ang nararamdaman niya ngayon. Muli nakatulog na naman siya. Malalim na ang gabi ng gisingin si Feona ng kundoktor ng bus at nagdeklarang nasa maynila na sila. Nakaramdam si Feona ang pagkalam ng sikmura kaya nang makababa siya ng bus ay agad siya kumain muna sa may turo-turong kainan sa may terminal lang. "Kapitan." napalingon si Feona nang may tumapik sa kanya. "Jigz, paanong andito ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Feona nang mapagsino ang lalaking nasa harapan niya. Si Jigz ay civillian personnel nila na miyembro ng S2. "Tumawag sa akin si BatCom kanina at pinaaabangan ka. Sa tingin niya daw sa iyo kanina ay may dinaramdam ka. Nag alala siya." Mahinahon namang sagot ni Jigz. Natawa si Feona."Kumain ka na ba? kain ka muna." yaya pa ni Feona sa kaharap na lalaki. Suminyas si Jigz. "Tapos na kapitan. Malalim na ang gabi at hindi mabuti sa binibining katulad mo na mag isa lang bumabyahe.Pinigilan daw po kayo kanina ni BatCom na bukas nalang magpaMaynila. Nagpumilit daw po kayong kaya mo daw." Turan pa ni Jigz. Napakamot si Feona sa kanyang ulo. "Jigz, balita ko kabuwanan ni misis mo? Bakit mo iniiwan?"Iniba ni Feona ang usapan. Si Jigz naman ang napakamot. "A, e! Hindi naman po kapitan, katunayan kasama ko po siya nasa sasakyan." Nahihiyang sagot ni Jigz. "Sige, ganito nalang. Ihatid nyo ako sa isang hotel sa may Taguig at doon narin kayo magpalipas ng gabi. Kukuhanan ko din kayo ng inyong silid sa hotel para hindi na ma stress c misis. Tapos ako na bahala sa sarili ko. Bukas, hindi ko na kayo aabalahin didiretso na ako ng airport para makauwi na ako ng Davao." Nakangiting pakiusap ni Feona. " Areglado boss." Nakangiti pang sagot ni Jigz at nagsenyas na parang may padadaaning reyna patungo sa kanyang sasakyan. Natutuwa si Feona sa mga pangyayari. Narealize niyang sobrang mahal parin siya ng Diyos. Despite of all her heartaches ang pains in life, lagi namang may pagkakataong may mga taong handang tumulong sa kanya. Sa totoo lang, hindi alam ni Feona kung saan tutungo kanina kung hindi lang dumating si Jigz baka naglalakad lakad siya para makakuha ng taxi at kahit pa isa siyang woman in uniform magiging delikado parin para sa katulad niyang babae ang kalaliman ng gabi.

Sobrang dinaramdam talaga ni Feona ang nangyari sa kanila ni James. Masyado ba siyang naging kampante? Marami kaya siyang mga pagkukulang sa relasyon nila. Walang nangyaring closure sa pagitan nila ng kasintahan. Bigla bigla nalang niyang malalaman via national television na may papakasalan na ito. Sobrang nashock at nasurpresa si Feona. Nagsisisi tuloy siyang tinaggap ang assignment sa lugar na walang ka signal- signal. Nakamasid lang si Feona sa bintana ng sasakyan ni Jigz. Nakasakay siya sa may hulihang bahagi. Samantalang, panaka- nakang sumusulyap si Jigz at ang asawa nito na nakaupo sa passenger seat sa review mirror kay Feona. Nagtataka man ang mag- asawa ay pinili nalang manahimik at pinigilang huwag nang magtanong pa. Pinahid ni Feona ang mga luhang nag uunaha namang nagsilundagan sa kanyang mga mata. Kung totoong buntis ang babaeng pakakasalan daw ni James ay siguradong ang hindi papayag niya na may mangyari sa kanila sa kama ni James ay isang pagkukulang niya sa kanilang relasyon. Oo, purok hawak at halik lang ang kayang ibigay ni Feona sa kasintahan. Impit na pinigilan ni Feona ang kanyang hagulgol. Napansin iyon ng mag asawa at makahulogan lamang silang nagkatinginan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status