Sobrang seloso ni Marco! Please pa-add po sa library and pa-follow na rin. Paki like na irn po. Salamat, see you po sa next chapter!
Ashlyn“Dito ka, Rere. Ako sa kanan. Tiyakin mong bantayan ang lahat ng exit points. Bawat sulok, bawat posibleng lagusan. Kung sakaling lumabas si Asher, dapat hindi siya makalayo,” utos ko, halos habol ang hininga habang sinisikap na manatiling kalmado.“Opo, Ma'am,” tugon niya. Halata sa tinig niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Pareho kaming lumalaban sa kaba at pagod.Ang maze garden ay hindi basta simpleng taniman ng mga halamang ornamental. Para itong isang dambuhalang labyrinth mataas ang mga hedges, mga isa at kalahating metro ang taas na medyo okay lang sa mga bata, at sa bawat liko’y may sulok na pwedeng taguan ng isang bata. Isang lugar na parang dinisenyo para sa paglalaro… o pagtatago.Habang binabaybay ko ang mga daan, bawat hakbang ay katumbas ng tumitinding kaba. Naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabilis, mabigat, parang may hinahabol akong multo ng pangamba. Minsan, iniisip kong baka hininga na iyon ni Asher. Pero sa bawat pagliko ko, wala pa
AshlynHindi pa man ako nakalalayo mula sa restroom ay may kutob na akong hindi maganda. Mula sa kalayuan, narinig ko ang sigaw ni Ana, kasunod ang pag-echo ng pangalan ni Asher sa paligid."Asher!" sigaw ng isa pang boses na kung hindi ako nagkakamali ay mula kay Rere. Baki? Nasaan si Marco?Napakunot ang noo ko. Mabilis akong lumingon sa direksyon ng pinanggalingan ng ingay. Mula sa pagkakatayo ko, nakita ko si Rere na patakbo, paikot sa maze garden. Wala si Asher. Wala rin sina Ana at Maya pati na si Marco.Kinabahan ako. Agad akong napatakbo, hindi ko na alintana ang init ng semento sa ilalim ng flats kong sapatos."Asher?! Rere!" sigaw ko habang hinahabol ang direksyon nila. Nanlalamig ang aking palad habang hawak ang sling bag. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa pagtakbo, kundi dahil sa takot.Pakiwari ko ay mabibingi ako sa sariling kaba. Baka kung ano ang mangyari sa anak ko. No, hindi ko dapat hayaan na mapaano si Asher.Pagdating ko sa bukana ng ma
MarcoSabado ng umaga. Maaga kaming umalis ng aking pamilya kasama ang dalawang yaya para sa meeting ko with Mr. Vergara. Sinalubong kami ng amoy ng brewed coffee at tahimik na ambiance ng isang high-end café sa BGC, perfect para sa ganitong klaseng discussion.Nakareserba na ang table namin sa may dulo, malapit sa salaming tanaw ang labas. Pagdating ko, naroon na si Mr. Vergara, naka-long sleeves, reading glasses, at mukhang may pinagbabatayan ng mood. Tahimik siyang nakasandal habang binubuklat ang printed layout na pinasa ko kahapon."Good morning, Mr. Vergara," bati ko habang iniabot ang kamay ko."You're on time. Good, and you're with-" Tinanguan niya ako at tinuro ang bakanteng upuan. "Let's make this quick, Marco. Gusto kong matapos ‘to bago mag-lunch.""They're my family. It's Saturday so para sa kanila sana ang araw na ito kaya sinama ko na para diretso gala na rin. They will be staying on another table.""It's okay, Marco. At humanga ako sa pagiging family man mo." Tumayo si
MarcoNapatunayan ko nang hindi talaga ako pwedeng mapalagay. Kahit anong pilit kong iwasan, lumilitaw pa rin ang mga multo ng nakaraan gaya ni Ashley. Simula nang nagpakita siya sa opisina ko, muling nabuhay ang mga tanong na pilit ko nang ibinaon sa limot.Hindi pa kami tapos. At kahit anong gawin ko, ramdam kong hindi pa rin siya lubusang nawawala sa pagitan naming dalawa ni Ashlyn.Pero kahit pa ganoon, hindi pwedeng tumigil ang mundo ko. May kumpanya akong kailangang pangalagaan. At ngayon, kaharap ko si Ashlyn, ang babaeng sa kabila ng lahat ay patuloy na nagiging matatag sa kabila ng sakit na nararanasan.Nasa living area kami ng bahay. Nakaupo siya sa couch, habang ako naman ay hindi mapakaling nakaupo sa tabi niya. Pinagmamasdan namin ang kambal naming masayang naglalaro sa playpen. Ngunit hindi makapokus ang utak ko sa kakulitan nila, dahil sa bigat na gustong kumawala sa dibdib ko.Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.“May problema ba, Marco?” tanong niya. May lambing s
MarcoPagkatapos naming makuha si Asher, pakiramdam ko’y unti-unting bumabalik ang kaayusan sa buhay ko. Sa wakas, may katahimikan na ring namayani, kahit panandalian. Hindi ko na gaanong inaalala si Ashley, lalo at may mga tao akong palaging nakabuntot sa kanya. Binabantayan ang bawat galaw niya, kahit saan siya magpunta.Pero kahit ganon, hindi ako lubusang mapalagay lalo at sariwa pa sa isip ko ang impormasyong ibinigay ni Sandro. Posibleng nasa panganib si Ashlyn. Lalo na at wala na kay Ashley ang anak naming si Asher, wala na siyang panangga, wala na siyang alas para manipulahin ako.Nagpatuloy lang ako sa trabaho. Araw-araw akong pumapasok sa opisina, mas maaga na rin akong umuuwi para makaiwas sa trapiko. Gusto kong makasabay sa hapunan ang pamilya ko, kahit man lang doon ay maramdaman nilang buo kami. Mabuti na lang at napaka-reliable nina Andy at ng tatlo kong secretary na hindi ko alam kung anong mangyayari sa kumpanya kung wala sila.Tuwing darating ako sa opisina, nakalata
AshlynHindi pumapalya, sa tuwing may pagkakataon kami ni Marco, nauuwi iyon sa pagtatalik. At hindi lang basta init ng katawan ang dahilan; para sa akin, iyon ay pag-asa. Isang tahimik ngunit masidhing panalangin na sana, sa paglipas ng mga araw, sa bawat pagniniig namin, ay mabigyan kami ng pagkakataong makabuo.Dama ko ang pagmamahal at pagkalinga niya sa akin sa bawat haplos, sa bawat paghinga niya sa aking leeg habang magkayakap kami sa gabi. Hindi lang siya basta mapagmahal na asawa, isa siyang haligi ng tahanan na kahit abala sa negosyo ay sinisiguradong hindi kami napapabayaan.Napakapasensyoso ni Marco. Kung nasa bahay siya, wala siyang ibang inaatupag kundi ang pag-aalaga sa amin ng mga bata. Siya ang nagpapaligo sa mga anak namin, siya ang nagluluto ng paborito kong sinigang kung nakakaramdam ako ng hilo. At kahit minsan, kahit pagod mula sa meeting, ay ipinipilit pa rin niyang makasama sa mga lakad ko lalo na kung sa hospital ang tungo ko.“Hindi ko kayang hayaan ka lang m