Share

Chapter 4

Penulis: R.Y.E.
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-26 16:45:51

Kasalukuyan...

Ashley

Iyon ang naging simula nang aming kataksilan sa iisang babaeng pareho naming mahal. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagi guilty din si Marco. Maaaring pinaglabanan nya ng husto ang nararamdaman niya para sa akin, kaya mas pinili niya ang magalit kapag kaharap ako.

Hindi sa sinisisi ko ang aking kakambal, pero ang lagi niyang pagkawala ay nagbigay  ng pagkakataon sa amin ni Marco. Pakiramdam ko ay hindi rin kayang iwan ng bayaw ko ang kakambal ko dahil nga sa sobrang bait nito. Hindi ko mapigilan ang masaktan kapag naghahalikan sila sa harapan ko. Yes, hindi pwedeng tumanggi si Marco kung ayaw niyang makatunog sa amin si Ashlyn. Kaya naman mas pinili kong manatili na lang sa aking silid kapag pareho silang nasa penthouse, at ngayon nga ay sa bahay na nila.

After ng first time namin ni Marco ay nagdesisyon akong maghanap ng trabaho. Pero pinigilan niya ako dahil mas gusto niya na nasa bahay lang ako kaya nag isip ako na mag freelancing job na lang. At ngayon nga ay novel writer ako. May nakilala ako online na artist at magaling mag drawing at nagpartner kami para sa isang web novel. Yung parang manga pero mga romance story dahil iyon ang isinusulat ko. Ang alam nila ay virtual assistant job iyon and ewan ko ba pero parang hindi naman ako ang tipo ng tao na makwento kaya hindi ko idinetalye pa sa kanila iyon.

“Ashley,” ang tawag ni Ashlyn ng makapasok siya sa aking silid. Kasalukuyan akong nagsusulat at hangga't maaari sana ay ayaw kong maabala.

“Yes?” Ang takang tanong ko. Oo at iniiwan kong hindi naka lock ang pinto. Wala si Marco at nasa kanyang opisina habang wala naman itong pasok na bihirang mangyari.

“It's lunch time, sis. Let's go and eat. Wala na nga si Marco tapos hindi mo pa ako sasabayan.” Ang sagot niyang tila nagmamaktol. “Aalis din ako mamaya for a 3 day trip kaya sana ay sabayan mo ako sa pagkain.” dagdag pa niya. Ang akala ko ay wala itong pasok, yun pala ay kailangan din niyang umalis for another out of town.

“Wala pa akong gana, lagi naman sumasabay sa atin ang mga kasambahay kaya hayaan mo muna na sila lang ang makasama mo ngayon.” Ang sabi ko naman. Yes, kahit sobrang yaman ni Marco ay kasabay naming kumakain ang mga kasambahay kapag wala ang aking bayaw. Ganun ang gusto ni Ashlyn para hindi daw mailang ang mga ito at para daw maisip nila na she treated them as part of our family.

Malapit din naman sa kanya ang mga kasambahay. Madalas nga siyang purihin ng mga ito lalo na kapag wala siya. Madalas kong nauulinigan na kahit nung simula palang ng pagsasama nila ni Marco ay sobrang mabait na ang kakambal ko sa kanila. Dahil doon ay sobrang proud ako sa kanya na nagiging dahilan upang salakayin ako ng guilt at usigin ng aking konsensya.

“Gusto ko kasabay kita, tayo na nga lang ang pamilya dito eh.” Ang sabi pa niya na tila nangungusensya na tumalab naman sa akin. Tumayo ako sa aking kinauupuan, pero bago yon ay siniguro ko muna na nai-sleep mode ko ang aking laptop. Wala namang pumapasok sa aking silid pero ayaw ko kasi na may gumagalaw sa mga personal things ko. 

“Halika na nga, para kang bata.” Ang sabi ko na lubos na ikinatuwa niya. “Akala ko ba ay mas matanda ka sa akin, bakit kung umasta ka ay parang bata?” Ang pang aasar ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa hagdan. Humarap pa ito sa akin na tatawa tawa habang nagsasalita. 

“Masarap din naman maging bata kung minsan– ay!” Napansin ko na mahuhulog siya sa hagdanan kaya naman mabilis ko siyang sinaklolohan at inabot ang nakaangat niyang kamay na tila iniaabot sa akin. Ngunit bigla siyang napahawak sa balustre ng hagdan at hindi yata napansin ang kamay kong umaabot sa kanya, habang ako naman ay dumiretso sa hagdanan. Dahil sa kagustuhan kong mailigtas si Ashlyn ay sobrang pwersa ng paghabol ko kaya diretso ang pagkahulog ko. 

“Ash!!!!” Narinig ko pang tili ng kakambal ko bago ako tuluyang nawalan ng malay matapos kong gumulong pababa.

Masakit ang aking katawan lalo na sa bandang likod ng ako imulat ko ang aking mga mata. Napansin kong nasa aking silid ako at pamaya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Ashlyn kasunod si Marco. “How do you feel?” Ang nag aalalang tanong ng aking bayaw. 

“I'm really sorry, sis. Sa kagustuhan mong i-save ako ikaw pa ang napahamak.” Ang umiiyak na sabi ni Ashlyn. 

“Okay lang. Medyo na out balance din ako.” Ang sagot ko. “Stop crying na dahil hindi mo naman kasalanan ito.” 

“Hindi ko pa rin mapigilang sisihin ang sarili ko. I'm too reckless. Hindi dapat ako naglalakad ng patalikod.”

“It's okay. I was there and we were talking happily, hindi natin gusto ang nangyari.” ang sagot ko naman habang iyak na ito ng iyak at naaawa na rin ako. 

“May masakit pa ba sayo?” Ang tanong ni Marco. 

“Medyo masakit lang ang katawan ko which is natural lang dahil nga nahulog ako. But sa palagay ko naman ay walang nabaling buto.” ang tugon ko para hindi na rin ito mag alala. “Magpapa check up na lang just to make sure.”

“Paano ba yan sis, hindi kita masasamahan. May trabaho ako and I will be gone for 3 days. Hindi bale, mag a-apply na lang ako ng leave.”

“No need, Ash. Sa pakiramdam ko naman ay kaya kong kumilos. Kayong mag asawa do your work, huwag niyo akong intindihin.”

“Bakit mo nasasabi yan? You're injured tapos ayaw mong magpasama.” Ang galit na sabi ni Marco. Alam kong galit siya at ayaw lang niyang ipahalata kay Ashlyn. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis ko siyang nakilala. Madali kong malaman ang pagbabago ng mood niya. 

“Ayaw ko lang mag alala kayo sa akin at maabala pa kayo sa mga dapat nyong gawin.” Ang sagot ko naman. 

“Kung ayaw mo ay bahala ka.” Ang sabi nito sabay labas ng aking silid. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. 

“I'm sorry for my husband's behavior. Nag aalala lang iyon sayo kagaya ko.”

“Okay lang. Ganito na lang, para mapalagay ka eh di magpapasama na lang ako sa isa sa mga katulong.” Ang suggestion ko sa kanya. Tumango tango naman ito, 

“Mas mabuti pa nga para hindi ka nag iisang aalis. At least kahit papaano ay alam kong may mag aalalay sayo.”

“So stop worrying now, okay?”

“Yes sis. And thank you for trying to save me from falling.” Ang madamdaming sabi niya bago ako niyapos. “Hindi ka nakapag lunch kanina and sabi ng doktor ay you can eat na when you wake up. Magpapaakyat na lang ako dito ng pagkain mo.”

“Okay.” Ang tugon kong nakangiti bago siya lumabas muli ng aking silid. Don palang ako nakahinga ng malalim. Sobrang delikado ng nangyari sa akin sa totoo lang. Kung titignan ay napaka tarik ng hagdanan ng mansyon. Laking pasalamat ko at walang nangyaring masama sa akin talaga.

Sa palagay ko naman ay wala talaga dahil ang sakit na nararamdaman ko ay yung parang nabugbog lang. Isa pa sure na tumawag naman ng family doctor si Ashlyn at natignan na ako kaya wala na akong dapat pang alalahanin. Ang pag visit ko sa doktor ay para lang din mapayapa si Marco. Alam kong iyon ang gusto niyang mangyari. 

Maya mayang konti ay may dumating na katulong na may dalang tray ng pagkain. “Kamusta po ang pakiramdam nyo Ma'am?” Ang tanong niya. 

“Medyo okay naman, Ana.” Ang tugon kong nakangiti. Mabait ito at kasundo ko rin at ang madalas kong kakwentuhan sito sa mansyon.

“Kumain po muna kayo para malamnan ang tiyan nyo.” Sabi niya habang inaayos ang pagkain sa bed table.

“Salamat.” Ang sabi ko at gusto niya pa sana akong subuan pero tumanggi na ako dahil kaya ko naman gawin iyon mag isa kaya pinanood niya na lang ako habang nagkukwentuhan.

Medyo natagalan ako kumpara sa normal na kain ko pero ang mahalaga ay naubos ko. Inayos ni Ana ang pinagkainan ko tsaka siya nag paalam at umalis na.

Naiwan akong nagmumuni sa nangyari kanina. Sobrang natakot ako para kay Ashlyn and that made me realized that I love her. Pero bakit ko nagagawang lokohin siya? Anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang relasyon namin ni Marco na kanyang asawa? Kung ako siguro yon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Pero siguradong magagalit ako kung sakaling magkabaliktad kami ng sitwasyon. 

I could see sincerity on her face kapag masaya siya or malungkot para sa akin. She always try to be with me and spend her time with me kapag nandito siya sa bahay at wala si Marco. Lagi niya akong pinapaalalahanan na inumin ang mga gamot ko para daw sabay kaming gumaling. Inuusig ako ng aking konsensya dahil doon. Actually, matagal na. Pero sadyang napaka rupok ko at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

R.Y.E.

Sana po ay magustuhan niyo po itong story ng kambal na sila Ashley at Ashlyn. Pa-follow at pa-add na rin po sa library. paki like na rin po, salamat.

| 63
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
ano kaya ang kahinatnan ng kwento ito
goodnovel comment avatar
Adora Miano
naku kawawa si Ashlyn tong kwento
goodnovel comment avatar
Vergara
Grabe intriguing siya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 145- The End

    AshlynKinabukasan, mabigat ang aking katawan. Para bang bawat kalamnan ko ay humihingi ng pahinga. Masama ang aking pakiramdam at tinatamad akong bumangon, ngunit ramdam ko rin ang init ng sikat ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina.“Rise and shine, Sweet…” malambing na wika ni Marco. Nang imulat ko ang aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang kanyang nakangiting mukha, tila ba siya ang pinakamagandang tanawin sa umaga. Kaya kahit gaano kasama ang aking pakiramdam, hindi ko napigilan ang mapangiti. Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Tinanggap ko ang halik na iyon, malambot, mainit, at puno ng pag-aalaga.“Hmmm…” bahagyang ungol ko nang palalimin pa niya ang halik, para bang hinahayaang lamunin kami ng init ng umaga. Ihahanda ko na sana ang sarili ko para sa isang mainit at masayang simula, ngunit bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng aking sikmura.Mabilis kong tinulak si Marco at halos hindi na ako nakapagpaliwanag nang d

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 144

    AshlynNaunang naligo si Marco at habang nasa bathroom siya ay nasa kwarto naman ako ng mga bata at binabasahan sila ng bedtime story. Nang pumasok ang asawa ko upang siya naman ang humarap sa mga bata ay ako naman din ang naglinis ng aking katawan.Kalalabas ko lang ng walk-in closet para ilagay sa marumihan ang robe at tuwalya na ginamit ko ng pumasok si Marco. Ang liwanag mula sa lampshade sa tabi ng kama ay nagbibigay ng malambot na glow sa paligid, tila inaanyayahan kaming magpahinga, pero iba ang nasa isip ko nang mga oras na iyon.Marco locked the door quietly, his eyes never leaving mine. May kung anong lalim sa tingin niya, parang sinasabi na ngayon, wala nang ibang mundo kundi kaming dalawa lang. Lumapit siya nang dahan-dahan at ng nasa harap na niya ako ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, tsaka hinalikan ako nang marahan, isang halik na puno ng lambing, ngunit may halong pagnanasa na unti-unting tumitindi.“Ang ganda mo,” bulong niya habang dinadampian ng halik ang

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 143

    Three years later…AshlynTatlong taon na ang lumipas, pero para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa bawat paggising ko tuwing umaga, minsan ay sumisilip pa rin ang alaala ng huling araw na nakita ko si Ashley.Dama ko pa rin ang kirot. Hindi ko man gustuhin, nakaukit na sa puso’t isipan ko ang araw na iyon. Subalit natutunan ko na ring tanggapin na may mga sugat na hindi agaran na maghihilom, pero maaari pa ring mamuhay kahit dala-dala ang peklat.Kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong maging ina at asawa sa pamilyang umaasa sa akin. Unti-unti kong itinayo muli ang sarili ko, pinilit maging normal ang lahat kahit na may mga gabing tahimik akong umiiyak. Alam kong ang mga kasalanan at sama ng loob ni Ashley, siya na ang bahalang humarap at magpaliwanag sa Panginoon.Hindi rin nagkulang si Marco. Sa bawat araw na tila gusto kong bumigay, siya ang naging lakas ko. Ramdam ko ang kanyang pang-unawa, ang tahimik niyang suporta na hindi kailanman nanghusga sa akin.Ngayon, narito ka

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 142

    AshlynNailibing na si Ashley.Tahimik ang paligid habang isa-isa nang nagsiuwian ang mga taong nakiramay. Naiwan ako sa tapat ng kanyang puntod, hawak pa rin ang maliit na puting sobre na ibinigay sa akin ng nurse ng dalhin sa morgue ang kakambal ko. Ang liham na iniwan ng kapatid ko bago niya kitlin ang sarili niyang buhay.Masakit. Masakit dahil kahit sa huli, hindi niya pa rin nagawang humingi ng tawad.Hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. O para man lang sa Diyos. Sana bago siya nalagutan ng hininga, naisip niyang lumapit sa Kanya. Pero wala. Ang iniwan niya sa akin ay ang parehong damdaming gusto kong burahin sa pagitan naming dalawa: galit, inggit, at poot.Pagkatapos naming dalhin ang kanyang bangkay sa morgue, saka lumapit sa akin ang nurse. May pagkailang siyang inabot ang liham, waring nag-aalangan kung ibibigay ba talaga iyon o itatago na lang habang buhay.Pagkarating namin sa bahay, agad kong naramdaman ang biglang paghigpit ng dibdib ko. Tahimik ang paligid, p

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 141

    AshlynTahimik kaming nakaupo ni Marco sa gilid ng kama, mga kamay namin ay magkahawak, ngunit parehong may bigat sa dibdib. Ang buong bahay ay tila tahimik na sumasalamin sa alon ng mga emosyong hindi namin masambit agad. Ang ilaw sa lampshade ay may malamlam na liwanag, sapat lang para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya,” bulong ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-angat ng luha sa aking mga mata. “Sa halip na matuwa ako na ligtas siya, na buhay pa rin siya... bakit parang mas lalo pa akong nasasaktan?”Hinagod ni Marco ang likod ng kamay ko, tila sinusubukang palakasin ang loob ko, pero ramdam ko rin ang tensyon sa kaniyang bisig."Sinabi niya ‘yon habang alam niyang ikaw ang tunay kong asawa," mahinahon ngunit mariing sabi niya. "Walang pasintabi, walang pagkilala sa tama at mali. Wala siyang pinagsisisihan."Tumango ako, bagamat mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Akala ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya… matatauh

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 140

    AshlynTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Ashley. Okay na ako at dalawang araw na rin ang lumipas mula ng dalhin dito si Ashley at operahan. Ang sabi ng doktor ay okay na ang kanyang kalagayan maliban sa kanyang likod dahil sa tinamong saksak nang harangin si Ismael.Si Marco ay nasa labas lang ng silid. Gusto kong makausap ng sarilinan si Ashley kaya hiniling ko na hintayin na lamang niya muna ako.Tinitigan ko ang kakambal ko. Kahit nakahiga siya, pilit pa rin niyang pinananatili ang tikas ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi ko maikakaila ang sakit at pagod sa mga mata niya, pero ang pinaka-matindi ay ang sa kanyang likod. Lahat ‘yon ay dulot ng pagtatanggol niya kay Marco. Ito ang unang beses na magkakausap kami. “Salamat,” mahina kong sambit habang hawak ang kanyang kamay. “Kung hindi mo hinarangan si Ismael, baka… baka wala na si Marco ngayon.”"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Marco. Mahal na mahal ko siya..." tugon niya na hindi inaalis ang ting

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status