Share

Chapter 6

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2024-09-27 16:46:08
Marco

Hindi ko akalain na magagawa kong lokohin ang aking asawa. Mahal na mahal ko siya at alam ko yon sa aking sarili. Nang mangyari ang aksidente ay parang gumuho ang aking mundo. Natatandaan kong mabilis akong pumunta sa ospital at hinanap siya. Nilukob ako ng sobrang takot ng malaman kong wala itong malay at hindi sigurado kung kailan magigising.

Lumipas ang ilang araw at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong isa sa kambal ang nagising na at iyon nga ay walang iba kung hindi ang aking asawa.

Noong una ay hindi nila malaman lung sino ang sino. Kasama kasi niya sa aksidente ang kanyang kakambal na si Ashley at mga magulang nila na hindi na rin nakaligtas.

Magkamukhang magkamukha silang magkakambal at aaminin ko na kahit ako ay nalilito. Pero ng makita ko ang suot na sing sing ng isa sa kanila ay kinilala ko ito bilang aking asawa.

Masaya akong malaman na nagising siya. Yun nga lang ay wala itong maalala. Pero okay lang naman sa akin. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari kaya
R.Y.E.

Pwede ba yon? Natural may masasaktan sa kanila. See you po sa next chapter.

| 24
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maricar Reotorio
parang si ashley ang asawa nia dto tapos ung ashlyn ay nagpapanggap lang na asawa.
goodnovel comment avatar
Kwen Rodriguez Patron
I think si Ashley aka ashlyn yalaga yung asawa niya,taz si ashlyn aka ashley binalktad niya lang ang oangyayari
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 132

    MarcoKinakabahan ako. Hindi lang basta kaba, kundi isang matinding kaba na unti-unting pumipiga sa dibdib ko habang patuloy ang pag-ikot ng mga malalabo at delikadong senaryo sa isipan ko.Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Hindi ko maiwasang mapaisip habang nakatingin sa direksyon ng dating bahay nila Ashlyn. Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan, pilit na kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. May kaba at may halong pagtataka.Napatingin ako sa pagdating ni Ashley. Tulad ni Ashlyn, maaga rin siya, hindi pa man sumasapit ang takdang oras ng kanilang pagkikita. Ang itsura niya ay parang napabayaan na ang sarili. Malayong malayo sa Ashley na kilala ko kahit noon pa mang hindi pa nangyayari ang aksidente. Parang wala siyang iniintindi, at sa tingin ko ay hindi niya ako napansin.May pinaplano kaya siya? Napalunok ako ng bahagya. May kutob akong hindi ko maipaliwanag.Maya’t-maya, tumingin na naman ako sa orasan na suot ko sa kaliwang pulsuhan. 9:22 AM. Hindi pa sila dapat n

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 131

    AshlynPero bigla, isang mahinang tunog ang gumising sa malalim kong pag-iisip.Isang kaluskos sa labas. Napaangat ako ng tingin.Hindi ako gumalaw. Sa halip ay tumindig ako, nilakasan ang loob at huminga nang malalim.Bumukas ang pinto.Tahimik. Walang salita. Pero ramdam na ramdam ko ang lamig ng presensya niya.Nakatayo si Ashley sa bungad. Nakasuot siya ng itim na blouse at dark jeans, ang buhok ay buhol-buhol at tila hindi rin nakatulog. Sa loob ng ilang segundo, tiningnan lang niya ako. Walang imik. Walang emosyon sa mukha.Tila nanigas ang lahat ng ugat sa katawan ko. Pareho parin kami ng mukha. Pero ang titig niya, matalas, puno ng lamig, at may halong paghamak.“Maaga ka,” matalim niyang bungad habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.“Gusto ko lang balikan ang mga alaala bago kita kausapin,” sagot ko, pinipilit manatiling kalmado kahit nanlalamig ang palad ko.Pumasok siya nang dahan-dahan, at umupo sa lumang sofa, hindi alintana ang dumi non, na para bang siya pa rin

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 130

    AshlynTahimik akong nakatayo sa tapat ng dating naming bahay.Kinakalawang na ang gate, at ang puting pintura sa mga dingding ay halos hindi na makita sa dami ng lumot, alikabok, at bitak. Ang hardin na dating pinagmamalaking taniman ni Mommy ng mga orchids ay ngayon ay puro ligaw na damo na lang ang laman.Ganito na pala ang itsura ng tahanang minsan ay tinawag naming “buhay.”Our old homeAlam kong alas-diyes pa dapat ang tagpuan namin ni Ashley, pero heto na ako ngayon, alas otso pa lang ng umaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa tapat ng dati naming tahanan, isang bahay na punô ng alaala, ng halakhak, at ng mga luhang minsang ibinahagi namin bilang isang buo at masayang pamilya.Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko si Marco. Sinabihan ko siyang pupunta na ako rito, at gaya ng inaasahan, agad siyang nag-alok ng suporta."Sigurado ka bang kaya mo?" tanong niya habang hinahawakan ang kamay ko.Tumango ako kahit may kaba. "Oo. Kailangan ko itong harapin. Hindi

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 129

    AshlynKinabukasanMaaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock. Tahimik ang buong paligid. Maging ang mga ibon sa labas ng bintana ay tila ayaw bumigkas ng kanilang kanta. Marahil ay nararamdaman din nila ang bigat sa dibdib ko.Pagkababa ko sa kusina, nadatnan ko si Marco na tahimik na naghahanda ng kape. Nakasuot pa siya ng gray shirt at pajama, gulo-gulo pa ang buhok niya pero nanatiling alisto ang mga mata.“Hindi ka na nakatulog?” tanong niya habang inaabot sa akin ang isang mug.Umiling ako. “Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero alam mo na, isip dito, isip doon.”Lumapit siya’t bahagyang kinuyom ang balikat ko. “Nandito lang ako. Huwag mong sarilinin, Sweet. Kahit gaano kabigat, sabay natin bubuhatin.”Hindi ko napigilan ang mapatingin sa kanya at ngumiti, kahit may luha sa gilid ng aking mata. “Salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."Sa mga nangyayari, alam ko na siya ang pinaka-apektado sa lahat. Ang pinaka hindi mapakali. Bukod sa

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 128

    AshlynAno ang pinaplano niya?Bakit niya ako kailangang makausap?Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan, matapos ang lahat ng ginawa niya?Mabigat ang dibdib kong napahiga sa kama, mahigpit na nakahawak pa rin sa cellphone na kanina ko pa tinititigan. Napapikit ako, pilit pinapakalma ang puso kong hindi mapakali.Anong dapat kong ire-reply?Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang batuhin ng lahat ng galit na naipon ko sa mga taon ng katahimikan, ng panloloko, ng kasinungalingan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon… isang bahagi ng puso ko ang umaasang may kapayapaang pwedeng marating, kung haharapin ko siya."Ashley, kung ano man ang masamang pinaplano mo, hinding-hindi ko hahayaan na mangyari."Mahinang usal ko sa sarili, kasabay ng biglaang pagbangon. Tumitig ako sa screen ng cellphone, pinunasan ang luha sa sulok ng mata, saka marahang nagtipa ng sagot."When and where?"Pinindot ko ang send at halos sabay noong pagtibok ng puso ko ang paglabas ng mensahe.Siguro… siguro nga'y kailangan na

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 127

    AshlynIlang araw na ba ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Marco ang buong katotohanan tungkol sa aksidente sa pamilya namin, at higit sa lahat, ang pagkakasangkot doon ni Ashley. Ang mas masakit pa, hindi lang basta siya nadawit… siya mismo ang may pakana ng lahat.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang matinding kirot sa puso ko. Parang tinutusok ng libong karayom ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan ni Marco, mga salitang nagpabagsak sa mundo ko, mga katotohanang hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanya.Ngunit alam kong hindi ako pwedeng manatiling ganito. Hindi ako pwedeng magpalamon sa sakit at galit. Kailangan kong bumangon, huminga nang malalim, at harapin ang lahat. Kailangan kong turuan si Ashley ng leksyon, hindi dahil gusto kong gumanti, kundi dahil gusto kong iligtas siya sa sarili niyang pagkakalubog.Kanina, bago pumasok si Marco sa opisina, halatang nag-aalangan siya. Nakatayo lang siya sa may pinto, hawak ang door knob, at ilang beses

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status