Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Marcus bago nagsalita kay Divine. Nakapasok na nga nang tuluyan ang best friend niya na si Ivan sa loob ng airport at hindi na nila masilayan ito. Hindi naman puwedeng tumayo lang silang dalawa sa labas ng airport. Kailangan na nilang umalis at bumalik sa bahay nina Divine. Doon na rin nga si Marcus mananatili sa bahay ng kaibigan niya na si Ivan para may kasama si Diving na kapatid nga nito. May dala na rin siyang mga damit niya sa bahay nila.
"Wala na ang Kuya Ivan mo. Kailangan na nating umalis at bumalik sa bahay n'yo. Wala naman tayong gagawin dito sa labas ng airport. Pagtitinginan lang tayong dalawa ng mga tao dito kung hindi pa tayo aalis. We have to go now, Divine," seryosong sabi ni Marcus kay Divine na nasa harapan niya. Napapansin niya na hindi masyadong makatingin sa kanya si Divine nang diretso. Ang ginawa ni Divine matapos niyang magsalita ay tumango ito sa harapan niya at dahan-dahan na ibinuka ang mga labi para sumagot sa kanya kahit papaano. "Sige po. Umalis na po tayo dito. Bumalik na po tayo sa bahay, Kuya Marcus," mahinang sagot ni Divine sa guwapong kaharap niya na lihim niyang minamahal na rason kung bakit siya nahihiya at ang puso niya ay ayaw magpaawat sa bilis ng pagtibok nito. Marcus shook his head and smiled at her. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ni Divine sa ginawang 'yon ni Marcus sa kanya na pagngiti nito. Mas lalong lumalabas ang kaguwapuhan nito sa tuwing ngingiti ito. Ang tamis-tamis pa nga ng ngiti nito na kung may langgam lang ay nilalanggam na ito. "Sige, Divine. We have to go to your house now," sabi ni Marcus sa kanya na nakangiti pa rin sa harapan niya. "Opo, Kuya Marcus," sabi pa nga niya sa lalaking lihim niyang minamahal. Ayaw ni Divine na tawagin na kuya si Marcus dahil para sa kanya ay hindi bagay na tawagin ito na may "kuya" lalo na may nararamdaman siya para dito. Hindi bagay sa kanya. Kung puwede lang na tawagin niya sa pangalan lang nito ay ginawa na niya kaso nga lang ay hindi naman maganda pakinggan lalo na matanda ito sa kanya. Wala siyang choice kundi ang tawagin ito na may "kuya" kahit ayaw nga niya. Naunang lumakad patungo sa kotse si Marcus at nakasunod naman siya dito. Pinagbuksan siya ni Marcus ng pinto ng kotse. Nagpasalamat naman nga siya kay Marcus pagkabukas nito at pumasok na nga siya sa loob. Magkatabi sila doon sa unahan habang si Marcus ay katabi niya na nagmamaneho. Tahimik lang nga siya sa tabi nito. Her heart is still beating faster. "Ano'ng oras na ba, Divine?" basag ni Marcus sa katahimikan sa loob ng kotse habang nagmamaneho siya. Tiningnan ni Divine ang wristwatch niya para malaman kung anong oras na nga. Five minutes na lang bago sumapit ang alas onse ng umaga. Umihip muna si Divine ng hangin bago sinagot ang katanungan ni Marcus sa kanya kung anong oras na nga. She slowly looked at his handsome face. "Five minutes bago mag-alas onse ng umaga po," mahinang sagot ni Divine kay Marcus na lalaking gusto niya na lihim niyang minamahal. Tumango-tango ito pagkasabi niya at saka nagsalita, "O, talaga? Sige. Five minutes na lang pala bago sumapit ang alas onse ng umaga. Nagugutom ka na ba?" Tinatanong si Divine ni Marcus kung nagugutom na nga siya. Kung sa nagugutom ay nagugutom na nga siya. Kaunti lang kasi ang kinain niya kanina. Hindi naman niya dinamihan ang pagkain niya kanina dahil sa aalis sila. Kapag kasi aalis siya ay kaunti lang ang kinakain niya, hindi siya kumakain ng marami. Kapag nasa labas talaga ay kaunti lang ang kinakain niya. Ewan ba niya sa sarili niya kung bakit ganoon siya na kapag sa labas siya ay kaunti lang ang kinakain niya at kapag nasa bahay lang siya ay marami. Siguro ganoon talaga siya. Tumango naman nga si Divine sa tanong na 'yon sa kanya ng kasama niya na si Marcus. "Opo. Nagugutom na po ako," sagot nga niya. "Kaunti lang po kasi kanina ang kinain ko kaya mag-a-alas onse pa lang ay nagugutom na po ako." "A, okay. Kung nagugutom ka na ay mabuti pa na kumain na muna tayo bago umuwi sa bahay n'yo, okay? Puwede naman na kumain ng lunch dahil kaunting minuto na lang ay alas onse na," sabi ni Marcus sa kanya. "E, ikaw po? Nagugutom ka na ba rin ba?" tanong ni Divine sa kanya. He shook his head quickly. "Oo, Divine. Nagugutom na rin ako kagaya mo. Kape lang ang ininom ko at tinapay ang kinain kanina bago ako tumungo sa bahay n'yo kaya nagugutom na talaga ako. Kumain na muna tayong dalawa bago umuwi sa bahay n'yo, Divine," sagot ni Marcus sa kanya. "Saan naman po tayo kakain?" tanong niya kay Marcus. He breathes deeply before he speaks to her. "Marami. Marami tayong puwedeng pagpilian kung saan tayo puwedeng kumain ng lunch, Divine." "Alam ko naman po 'yon. Bahala ka po kung saan mo gusto na kumain tayong dalawa. Hindi naman po ako mapili sa pagkain, eh, kahit ano ay kakainin ko po. Kahit saan po tayo kumain ay walang problema po. Ikaw na po ang bahala kung saan tayo kakain, Kuya Marcus," sagot ni Divine sa kanya. "Gusto ko na pong kumain. Bahala ka na po kung saan mo po ako dadalhin para kumain ng lunch ngayon." "Talaga ba, Divine?" paniniguradong tanong sa kanya ni Marcus. She shook her head and replied, "Opo, Kuya Marcus. Bahala ka na po kung saan mo ako dalhin para kumain tayo ng lunch ngayon. Kahit anong klaseng pagkain ay kinakain ko po. Hindi naman po ako maarte, eh. Bahala ka na po." Muling tumango sa kanya si Marcus bago nagsalita, "Sige, Divine." "Okay po." Natahimik muli silang dalawa matapos ang pag-uusap nilang 'yon ng ilang segundo. Malinaw na sa kanila ang pinag-usapan nilang 'yon. Bahala na si Marcus kung saan niya dalhin si Divine na kasama niya. Dinala niya si Divine sa isa sa mga paborito niyang restaurant na madalas niyang kinakainan. It's a Filipino restaurant. "Nakakakain ka na ba sa restaurant na 'to?" tanong ni Marcus sa kanya pagkababa nila sa kotse. She licked her lips before she speaks to him. "Hindi pa po. Hindi pa po ako nakakain sa restaurant na 'yan. Sa dami ko na pong nakakinan ay hindi pa po ako nakakain d'yan," nakangiwing sagot niya kay Marcus. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi naman bumagal 'yon. Bumilis pa nga, eh. "O, talaga?" tanong ni Marcus sa kanya. Hindi kasi ito makapaniwala sa nalaman niyang 'yon na hindi pa nakakain sa restaurant na 'yon si Divine. She slowly nods her head and said, "Opo. Hindi pa po talaga. First time ko po na kakain d'yan since dito mo po ako dinala, Kuya Marcus." "Okay. Akala ko pa naman ay nakakain ka na dito. Hindi pa naman pala. Hindi mo pa ba naririnig ang tungkol sa restaurant na 'to dati, huh? Sikat ang restaurant na 'to, Divine," sabi ni Marcus sa kanya. "Naririnig ko naman po dati pero hindi naman po namin pinupuntahan lalo na ng mga kaibigan ko po, eh," paliwanag ni Divine sa kanya. "A, ganoon ba? Kaya pala pero ngayon ay napuntahan mo na, Divine. Matitikman mo na ang mga masasarap na pagkain dito ngayon. Masasarap ang mga pagkain dito, Divine. Kapag natikman mo ay sigurado ako na baka bumalik ka pa dito. Yayain mo muli ako na kumain muli sa restaurant na 'to," nakangising sagot ni Marcus sa kanya. Ngumiti lang ng kaunti si Divine pagkasabi sa kanya ni Marcus na may kasamang biro. "Tingnan po natin, Kuya Marcus." Tuluyan na nga silang dalawa na pumasok sa loob ng restaurant na 'yon. Um-order kaagad sila ng kakainin nila. Si Marcus ang magbabayad sa kakainin nga nilang dalawa. Sa menu pa lang ay nakikita na ni Divine na masasarap nga ang mga pagkain na restaurant na 'yon. Mabilis naman nga na nai-serve sa kanila ang in-order nilang pagkain. Dahil parehas na nga silang dalawa nagugutom ay kumain na sila. Hindi na nila pinatagal pa lalo na nasa harapan na nila ang pagkain. Tahimik nga lang sila habang kumakain ng lunch.Nagawa pa rin ng dalawa na patawarin si Ivan ngunit hindi sa araw na 'yon na pumunta ito sa mansion. Lumipas muna ang ilang buwan bago nagawang patawarin nilang dalawa ito. Naging mag-best friends muli ang dalawa matapos 'yon. Lumalaki na nga ang tiyan ni Divine. Nalalapit na rin siyang manganak. Lalaki ang isisilang niya sa susunod na buwan. Excited na excited na talaga ang mga magulang ni Marcus. Ito nga ang bumili ng magiging damit at gamit ng magiging anak nilang dalawa kaya wala silang ginastos ni Marcus. Hinayaan naman nila ang mag-asawa dahil ito ang nagpresenta. Maging silang dalawa ay excited na rin na makita ang bunga ng pagmamahalan nila. May halong kaba at takot si Divine dahil wala pa naman siyang karanasan sa panganganak. Natatakot kasi siya na baka hindi normal ang panganganak niya kagaya ng ibang mga babae.Sa mansion pa rin si Divine nakatira kahit nagkaayos na silang dalawa ng Kuya Ivan niya. Bihira itong pumunta sa mansion para bisitahin silang dalawa ni Marcus dahi
Five days later..."May gusto sa 'yong kumausap, honey," wika ni Marcus pagkapasok niya sa kuwarto nilang dalawa ni Divine. Kumunot ang noo ni Divine sa sinabing 'yon niya."Huh? May gustong kumausap sa akin? Sino naman, honey? Nasaan ang gustong kumausap sa akin?" tanong ni Divine sa kanya."Nasa baba ang gustong kumausap sa 'yo, honey. Hinihintay ka niya," sabi nito na hindi sinasabi kung sino nga 'yon na taong gusto siyang makausap."Sino? Sino ang gustong kumausap sa akin, honey? Mga kaibigan ko ba? Si Janna ba?" sunod-sunod na tanong ni Divine sa guwapong boyfriend niya."Hindi sila. Hindi mga kaibigan mo ang gustong kumausap sa 'yo, honey," sagot nga ni Marcus sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya."Ano? Hindi ang mga kaibigan ko? E, kung hindi ang mga kaibigan ko ay sino naman, honey? Sino ang gusto na makausap ako, huh?" tanong ni Divine sa kanya.Huminga nang malalim si Marcus bago nagsalita sa kanyang muli."Gusto ka makausap ng Kuya Ivan mo, honey. Nasa baba siya. H
Binisita muli ni Divine ang puntod ng mga magulang niya kasama ang boyfriend niya na si Marcus sumunod na hapon kung saan wala itong ginagawa. Kung abala naman nga ito ay hindi naman niya ito yayayain na pumunta sila sa sementeryo para bisitahin muli ang mga magulang niya.Habang kaharap ang puntod ng mga magulang niya ay sinasabi niya dito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya lalo na ang mga nalaman niya na hindi talaga niya inaasahan. Inamin niya rin na galit at masama pa rin ang loob niya sa Kuya Ivan niya. Mahigit isang oras silang dalawa ni Marcus doon sa sementeryo. Hapon na rin naman kaya hindi na masyadong mainit pa. Ang sarap-sarap nga ng simoy ng hangin at napakatahimik sa lugar na 'yon. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng sementeryo na 'yon. Bago sila umuwi sa mansion ay nagtake-out na muna sila ng fried chicken dahil nagki-crave si Divine. 'Yung malaking bucket ng fried chicken ang in-order nila. Paborito kasi ni Divine ang fried chicken lalo na ngayon n
"Hindi lang sa atin naglihim ang kapatid ko kundi nagsinunggaling pa siya sa atin, honey. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko na natuklasan mo. I never knew that he would do this. Pinaniwala niya tayong dalawa na totoo na kaya siya pumunta sa Singapore para sa trabaho niya at sa kompanya nila ngunit hindi naman pala. Magbabakasyon lang pala silang dalawa doon. Nakakainit ng ulo sa totoo lang, honey. Masasampal ko muli si Kuya Ivan kapag nakaharap ko siya dahil sa nalaman kong 'to mula sa 'yo. Siya lang naman pala ang marami ang tinatago pero kung makapagsabi siya sa akin ay pakiramdam mo ay ang bait-bait niya na walang ginagawang kalokohan. I'm so disappointed to him, honey. Mas Malala pa talaga siya sa ating dalawa," nadidismaya na sagot ni Divine sa boyfriend niya na si Marcus.Tumango-tango si Marcus pagkasabi niya."Sinabi mo pa, honey. Maging ako ay nadidismaya rin sa nalaman ko mula sa Kuya Ivan mo. I can't believe it. Hindi lang siya naglihim sa ating dalawa kundi ay nag
"Honey, may kailangan ka palang malaman," sabi ni Marcus kay Divine na girlfriend niya pagkarating niya sa mansion nila sumunod na gabi. Hindi pa nga siya nakakapagbihis ng damit na pambahay ay 'yon kaagad ang sinabi niya dito."Ano 'yon, honey?" tanong naman kaagad ni Divine sa kanya. "Ano'ng kailangan ko na malaman, huh?""It's about your brother, honey," sagot kaagad ni Marcus sa kanya. Kumunot ang noo ni Divine pagkarinig sa sinabing 'yon ng boyfriend niya na tungkol 'yon sa Kuya Ivan niya."What? It's about my brother? Seryoso ka, honey?" paniniguradong tanong pa niya dito.He shook his head and said, "Yes, honey. Tungkol sa Kuya Ivan mo na best friend ko ang sasabihin ko sa 'yo at wala nang iba pa. May kailangan kang malaman tungkol sa kanya.""Ano ba ang nalaman mo sa kanya, honey? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanya?" tanong pa nga niya na nakakunot ang noo.Her boyfriend slowly nods his head and said, "Yes, honey. Meron pa talaga at kahit ako ay ganoon rin, eh. Nga
Naging masaya naman nga ang buhay ni Divine sa mansion kasama ang guwapong boyfriend niya na si Marcus. She was treated special there. Pinagsisilbihan siya nang maayos ng mga kasambahay. Binibigay sa kanya ang kung ano man ang naisin niya. Mas lalo pa nilang dalawa minahal ang isa't isa. Alam na rin ng kaibigan niya na si Janna kung nasaan siya ngayon dahil sinabi na niya dito lalo ang naging dahilan kung bakit siya umalis na sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Nalulungkot naman nga ang kaibigan niya na si Janna sa nalaman niya dahil tuluyan na talagang nagkalayo ang loob ng dalawang magkapatid. Gayumpaman ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa tamang panahon. Umaasa siya na magkakabati ang dalawa lalo na magkapatid pa rin silang dalawa kahit ano ang mangyari sa mundo. "Kumusta ka maghapon dito sa mansion, honey?" tanong ni Marcus sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto nilang dalawa. Kagagaling lang nito sa kompanya nila. Ginabi na ito ng uwi kasama ang daddy niya. May pasalubong
Bumili muna silang dalawa ng bulaklak at kandila bago tumungo sa sementeryo. Hindi naman sila nagtagal doon sa sementeryo. Gusto lang talaga ni Divine na bisitahin ang mga magulang niya dahil nami-miss niya ito. Sinabi rin niya sa harapan ng puntod ng mga magulang niya ang tungkol sa nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya. Kahit hindi niya sabihin 'yon sa mga magulang niya ay alam nito at nakikita ang nangyayari sa kanilang dalawa na magkapatid. Dumiretso na silang dalawa na magkasintahan sa mansion matapos nilang pumunta sa sementeryo. Kinabahan si Divine pagkarating sa mansion ng boyfriend niya. Kanina pa silang dalawa hinihintay ng mag-asawa na magulang ni Marcus sa loob ng mansion. Kaya pagkapasok nila sa loob na magkahawak-kamay ay sinalubong kaagad sila nito. Binati kaagad ni Divine ang mga magulang ng boyfriend niya na tuwang-tuwa pagkakita sa kanila lalo na sa kanya. Binati rin siya nito pabalik. Niyakap siya ng dalawa. "We're so happy to see you again, Divine," ma
Nang makakain silang dalawa sa fast-food chain na 'yon ay hindi naman na sila nagtagal pa. Umalis na silang dalawa na magkasintahan para tumungo sa mansion ni Marcus. Tahimik muli ang dalawa habang binabaybay ang daan. Laman ng isipan ni Diving ang Kuya Ivan niya. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ang lahat ng 'to kung saan ay aalis siya sa bahay nila. "Alam na ba nina tita at tito ang tungkol sa pagtira ko sa mansion n'yo, honey?" basag ni Divine ng katahimikan sa loob ng kotse ng boyfriend niya.Gusto lang niya malaman kung alam na nga ng mga magulang nito ang tungkol sa pagtira niya sa mansion nito. Mabibigla kasi ito kapag wala pa itong alam na doon siya titira dahil umalis na nga siya sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Bago nga sumagot sa katanungan niya ang kanyang boyfriend na si Marcus ay humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga.He nodded his head. "Oo, honey. Alam na nga ng mga magulang ko na simula sa araw na 'to ay sa mansion ka na namin titira," nakangising sabi
Sa bandang huli ay pumayag na lang si Divine na sa mansion na lang siya ng boyfriend niya tumira pagkaalis niya sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Iyon ang nais mangyari ng boyfriend niya at saka ayaw nito na mapahamak siya kaya para masigurado na walang mangyayaring masama sa kanya ay sa mansion na lang niya siya patitirahin kaysa sa kung saan pa ito tumira na hindi naman niya nasisigurado na ligtas ito araw-araw. Bukas na bukas ay susunduin siya ng guwapong boyfriend niya na si Marcus sa bahay nila. Nang matapos ang pag-uusap nila sa kabilang linya ay itinabi na muna ni Divine ang cell phone niya at nagsimula na nga siyang mag-impake ng mga gamit niya na dadalhin sa pag-alis sa bahay nila. Malapit na maghating-gabi nang matapos siya sa pag-iimpake ng mga gamit niya. Kakauwi pa lang ng Kuya Ivan niya. She had no idea where he came from. Natulog naman na siya pagkatapos niya na mag-impake. Handa na ang mga gamit niya na dadalhin niya pag-alis sa bahay nila. Kahit hatinggabi na natulo