Nasarapan nga si Divine sa kinain nilang dalawa na lunch. Masasarap ang lahat ng pagkain na in-order nila at hindi nga nagkamali si Marcus sa sinasabi sa kanya. Hindi talaga ito nagsisinungaling sa kanyang harapan. Marami nga siyang nakain dahil gutom na siya. Pagkatapos nga nilang kumain ay inilalabas na ni Divine ang kanyang wallet para bayaran ang bills ng kinain nilang dalawa ni Marcus na best friend ng Kuya Ivan niya. Nakita naman nga siya ni Marcus na inilabas ang kanya wallet. Hindi pa naman kasi sinasabi ni Marcus kay Divine na siya ang magbabayad ng kinain nilang dalawa kaya naglalabas ito ng wallet para magbayad.
"Ano'ng ginagawa mo, Divine?" tanong ni Marcus kay Divine habang hawak-hawak na nito ang wallet niya. "Magbabayad na po, Kuya Marcus. Kumain po tayo, 'di ba? Tapos na po tayong kumain kaya kailangan na magbayad. Magbabayad na po ako ng kinain nating dalawa," sabi ni Divine sa kanya. Tatayo na sana ito nang pigilan siya ni Marcus. Hinawakan siya nito sa kanang kamay niya dahilan upang matigilan siya. Bumilis pa nga ang tibok ng puso niya. Nagkatitigan silang dalawa. "Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Marcus sa kanya. Umawang ang mga labi ni Divine. "Magbabayad po. Magbabayad na po ako ng kinainan nating dalawa," sabi ni Divine kay Marcus. "Bakit mo po ako pinipigilan, Kuya Marcus?" Marcus took a deep breath and sighed deeply. "Divine, huwag ka nang mag-abala pa na bayaran ang kinain nating dalawa. Itago mo na lang 'yang wallet mo," sabi ni Marcus sa kanya. "Bakit po?" kunot-noong tanong ni Divine sa kanya. "Ako na ang magbabayad ng kinain nating dalawa ngayon, Divine. You have to keep your money and I'll pay it now. Libre ko," sabi ni Marcus sa kanya at nginitian siya nito. Nanlaki ang mga mata ni Divine matapos niyang marinig ang sinabing 'yon ni Marcus sa kanya na ito na ang magbabayad ng kinain nila, libre nito. "A-Ano po? I-Ikaw ang magbabayad ng kinain nating dalawa? Sigurado ka po ba?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Divine kay Marcus. He shook his head again. "Oo, Divine. Ako ang magbabayad ng kinain nating dalawa. Huwag ka nang mag-abala pa na bayaran ang kinain nating dalawa, okay? Itago mo na lang ang wallet mo. Libre ko na," sabi pa ni Marcus sa kanya. "May pera ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Divine. "Oo. I have money. I-libre ba naman kita kung wala akong pera. Kaya ako na ang magbabayad ng kinain natin dahil may pera ako, Divine. Itago mo na 'yang wallet mo please," sagot ni Marcus sa kanya. "Nagtatanong lang naman po ako sa 'yo," sabi ni Divine sa kanya. "Halata bang wala akong pera, Divine?" tanong pa ni Marcus sa kanya. Nakangiwi pa rin siya. "Hindi naman po," sagot niya sa guwapong si Marcus. "Minamasama mo po ba ang sinasabi ko?" "Of course not, Divine. Ako na ang magbabayad ng kinain natin. You have to keep your money," sabi ni Marcus sa kanya at tumayo na nga ito. "Hintayin mo ako dito dahil ako na ang magbabayad. Ayaw ko na gumastos ka, okay? Wala namang problema na ilibre kita, Divine." Wala naman ngang nagawa si Divine kundi ang hayaan na lang si Marcus na bayaran ang kinain nila. Hindi na siya nakipag-argue pa dito. Pagkabayad nito ng kinain nilang dalawa ay bumalik kaagad ito sa mesa. "Nabayaran ko na ang kinain nating dalawa, Divine," sabi ni Marcus sa kanya. She nodded quickly and said, "Salamat sa pagbayad. Ako na dapat ang magbabayad ng kinainan natin tapos sinabi mo na ikaw na lang. Wala naman akong magagawa pa kaya hinayaan na lang po kita. Nakakahiya naman sa 'yo nito." "Divine, huwag ka nang mahiya pa sa akin please. Okay lang kung nilibre kita for the first time. Mahihiya ka pa ba n'yan sa akin? Tayong dalawa ang magkakasama sa bahay n'yo habang wala ang best friend ko na kapatid mo. Wala ka dapat ikinakahiya sa akin, okay? Kung ano ang kailangan mo ay magsabi ka lang sa akin, Divine. Iyon pa naman ang alam ng Kuya Ivan mo, eh. Ako muna ang kuya mo habang wala pa siya," sabi pa ni Marcus sa kanya. "Alam ko naman po 'yon. Dahil wala si Kuya Ivan dito sa Pinas ay ikaw na muna ang makakasama ko sa bahay hanggang sa dumating siya next week mula sa Singapore. Kung ako lang po ang masusunod ay—" "Ano, Divine? Kung ikaw ay masusunod ay ano? Ano'ng gagawin mo, huh?" tanong ni Marcus sa kanya na nakakunot ang noo. Huminga nang malalim si Divine bago nagsalita kay Marcus. "Kung ako lang po ang masusunod ay kahit mag-isa lang po ako sa bahay ay walang problema. Walang problema na ako lang po ang nandoon kaso nga si Kuya Ivan ay ayaw naman. Ayaw niya akong payagan na mag-isa sa bahay. Wala naman sa aking mangyayaring masama kahit mag-isa lang ako sa bahay. Hindi naman ako magpapapasok ng mga taong hindi ko kakilala at isa pa ay ila-lock ko palagi ang pinto ng bahay namin para wala talagang makapasok kahit isa," sagot ni Divine kay Marcus. "Gusto mo nga ngunit ayaw naman ng Kuya Ivan mo kaya wala kang magagawa. Alam mo naman na napaka-overprotective ng Kuya Ivan mo at hindi talaga 'yon papayag sa nais mo na mag-isa ka lang sa bahay n'yo habang nasa Singapore siya. Mabuti na nga na kasama mo ako para walang problema at may makakasama ka. Malulungkot ka lang kung ikaw lang mag-isa sa bahay n'yo. Wala kang makakausap kung kailangan mo nang makakausap, Divine," sagot nga ni Marcus sa kanya. "Ayaw mo ba na kasama ako, huh?" Napanguso si Divine. "Hindi naman po." "Talaga ba?" tanong pa ni Marcus sa kanya. Tumango naman nga siya at nagsalita, "Opo. Gusto ko naman po na kasama ka kaso nga lang ay hindi po ako sanay na kasama ka palagi, eh." "Divine, I know that. Maging ako ay ganoon rin naman. Hindi naman ako sanay rin na kasama ka palagi pero ngayon ay magkasama tayong dalawa kaya dapat na masanay tayo na magkasama. Isang buwan tayong magsasama sa bahay n'yo at baka higit pa kasi hindi pa sigurado ang Kuya Ivan mo kung isang buwan lang talaga pero ang sabi niya ay isang buwan. Baka mag-extend sila doon kasama ang boss niya," ani Marcus sa kanya. "Sana po ay hindi mag-extend sila doon sa Singapore. Isang buwan lang ay sapat na," nakangusong sagot ni Divine sa kanya. Nagkibit-balikat si Marcus at nagsalita, "We don't know yet, Divine. Tingnan na lang natin. Uulitin ko muli sa 'yo, hindi mo kailangan na mahiya sa akin, okay? Dapat masanay na tayo sa isa't isa. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang sa akin. Hindi naman na tayo iba, 'di ba?" Divine gave him a quick nod. "Opo. Salamat sa sinabi mo." Lumabas na silang dalawa sa loob ng restaurant na 'yon. Hindi na sila nagtagal pa sapagkat tapos na rin naman silang kumain. Nakakahiya naman na tumagal pa sila lalo na may mga nagsisidatingan pang mga tao na kakain sa restaurant na kinainan nilang dalawa. Nakatulog si Divine habang nagmamaneho si Marcus pauwi sa bahay nila. Nagising lang siya nang malapit na sila sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Hindi na siya naghintay pa na pagbuksan ng best friend ng Kuya Ivan niya ng pinto ng kotse dahil binuksan na niya ito para lumabas siya. Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Nakasunod sa kanya si Marcus na tahimik lang. Doon niya patutulugin si Marcus sa guest room ng bahay nila. Hindi naman puwedeng sa kuwarto ng Kuya Ivan niya ito matulog. Kahit best friend ito ng Kuya Ivan niya ay kailangan pa rin nito na sa guest room matulog. Malaki naman ang kuwarto doon at saka malinis. Malaki rin ang kama sa guest room. Makalipas ang ilang oras ay nagpadala na ng mensahe kay Divine ang Kuya Ivan niya. He informed her that he's already in the land of Singapore kasama ang boss niya. They landed safely there. Wala naman ngang naging aberya sa flight nila. Nakahinga na si Divine nang malalim nang malaman niya na nakarating ang Kuya Ivan niya nang ligtas sa Singapore kasama ang boss nito.Nagawa pa rin ng dalawa na patawarin si Ivan ngunit hindi sa araw na 'yon na pumunta ito sa mansion. Lumipas muna ang ilang buwan bago nagawang patawarin nilang dalawa ito. Naging mag-best friends muli ang dalawa matapos 'yon. Lumalaki na nga ang tiyan ni Divine. Nalalapit na rin siyang manganak. Lalaki ang isisilang niya sa susunod na buwan. Excited na excited na talaga ang mga magulang ni Marcus. Ito nga ang bumili ng magiging damit at gamit ng magiging anak nilang dalawa kaya wala silang ginastos ni Marcus. Hinayaan naman nila ang mag-asawa dahil ito ang nagpresenta. Maging silang dalawa ay excited na rin na makita ang bunga ng pagmamahalan nila. May halong kaba at takot si Divine dahil wala pa naman siyang karanasan sa panganganak. Natatakot kasi siya na baka hindi normal ang panganganak niya kagaya ng ibang mga babae.Sa mansion pa rin si Divine nakatira kahit nagkaayos na silang dalawa ng Kuya Ivan niya. Bihira itong pumunta sa mansion para bisitahin silang dalawa ni Marcus dahi
Five days later..."May gusto sa 'yong kumausap, honey," wika ni Marcus pagkapasok niya sa kuwarto nilang dalawa ni Divine. Kumunot ang noo ni Divine sa sinabing 'yon niya."Huh? May gustong kumausap sa akin? Sino naman, honey? Nasaan ang gustong kumausap sa akin?" tanong ni Divine sa kanya."Nasa baba ang gustong kumausap sa 'yo, honey. Hinihintay ka niya," sabi nito na hindi sinasabi kung sino nga 'yon na taong gusto siyang makausap."Sino? Sino ang gustong kumausap sa akin, honey? Mga kaibigan ko ba? Si Janna ba?" sunod-sunod na tanong ni Divine sa guwapong boyfriend niya."Hindi sila. Hindi mga kaibigan mo ang gustong kumausap sa 'yo, honey," sagot nga ni Marcus sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya."Ano? Hindi ang mga kaibigan ko? E, kung hindi ang mga kaibigan ko ay sino naman, honey? Sino ang gusto na makausap ako, huh?" tanong ni Divine sa kanya.Huminga nang malalim si Marcus bago nagsalita sa kanyang muli."Gusto ka makausap ng Kuya Ivan mo, honey. Nasa baba siya. H
Binisita muli ni Divine ang puntod ng mga magulang niya kasama ang boyfriend niya na si Marcus sumunod na hapon kung saan wala itong ginagawa. Kung abala naman nga ito ay hindi naman niya ito yayayain na pumunta sila sa sementeryo para bisitahin muli ang mga magulang niya.Habang kaharap ang puntod ng mga magulang niya ay sinasabi niya dito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya lalo na ang mga nalaman niya na hindi talaga niya inaasahan. Inamin niya rin na galit at masama pa rin ang loob niya sa Kuya Ivan niya. Mahigit isang oras silang dalawa ni Marcus doon sa sementeryo. Hapon na rin naman kaya hindi na masyadong mainit pa. Ang sarap-sarap nga ng simoy ng hangin at napakatahimik sa lugar na 'yon. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng sementeryo na 'yon. Bago sila umuwi sa mansion ay nagtake-out na muna sila ng fried chicken dahil nagki-crave si Divine. 'Yung malaking bucket ng fried chicken ang in-order nila. Paborito kasi ni Divine ang fried chicken lalo na ngayon n
"Hindi lang sa atin naglihim ang kapatid ko kundi nagsinunggaling pa siya sa atin, honey. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko na natuklasan mo. I never knew that he would do this. Pinaniwala niya tayong dalawa na totoo na kaya siya pumunta sa Singapore para sa trabaho niya at sa kompanya nila ngunit hindi naman pala. Magbabakasyon lang pala silang dalawa doon. Nakakainit ng ulo sa totoo lang, honey. Masasampal ko muli si Kuya Ivan kapag nakaharap ko siya dahil sa nalaman kong 'to mula sa 'yo. Siya lang naman pala ang marami ang tinatago pero kung makapagsabi siya sa akin ay pakiramdam mo ay ang bait-bait niya na walang ginagawang kalokohan. I'm so disappointed to him, honey. Mas Malala pa talaga siya sa ating dalawa," nadidismaya na sagot ni Divine sa boyfriend niya na si Marcus.Tumango-tango si Marcus pagkasabi niya."Sinabi mo pa, honey. Maging ako ay nadidismaya rin sa nalaman ko mula sa Kuya Ivan mo. I can't believe it. Hindi lang siya naglihim sa ating dalawa kundi ay nag
"Honey, may kailangan ka palang malaman," sabi ni Marcus kay Divine na girlfriend niya pagkarating niya sa mansion nila sumunod na gabi. Hindi pa nga siya nakakapagbihis ng damit na pambahay ay 'yon kaagad ang sinabi niya dito."Ano 'yon, honey?" tanong naman kaagad ni Divine sa kanya. "Ano'ng kailangan ko na malaman, huh?""It's about your brother, honey," sagot kaagad ni Marcus sa kanya. Kumunot ang noo ni Divine pagkarinig sa sinabing 'yon ng boyfriend niya na tungkol 'yon sa Kuya Ivan niya."What? It's about my brother? Seryoso ka, honey?" paniniguradong tanong pa niya dito.He shook his head and said, "Yes, honey. Tungkol sa Kuya Ivan mo na best friend ko ang sasabihin ko sa 'yo at wala nang iba pa. May kailangan kang malaman tungkol sa kanya.""Ano ba ang nalaman mo sa kanya, honey? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanya?" tanong pa nga niya na nakakunot ang noo.Her boyfriend slowly nods his head and said, "Yes, honey. Meron pa talaga at kahit ako ay ganoon rin, eh. Nga
Naging masaya naman nga ang buhay ni Divine sa mansion kasama ang guwapong boyfriend niya na si Marcus. She was treated special there. Pinagsisilbihan siya nang maayos ng mga kasambahay. Binibigay sa kanya ang kung ano man ang naisin niya. Mas lalo pa nilang dalawa minahal ang isa't isa. Alam na rin ng kaibigan niya na si Janna kung nasaan siya ngayon dahil sinabi na niya dito lalo ang naging dahilan kung bakit siya umalis na sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Nalulungkot naman nga ang kaibigan niya na si Janna sa nalaman niya dahil tuluyan na talagang nagkalayo ang loob ng dalawang magkapatid. Gayumpaman ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa tamang panahon. Umaasa siya na magkakabati ang dalawa lalo na magkapatid pa rin silang dalawa kahit ano ang mangyari sa mundo. "Kumusta ka maghapon dito sa mansion, honey?" tanong ni Marcus sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto nilang dalawa. Kagagaling lang nito sa kompanya nila. Ginabi na ito ng uwi kasama ang daddy niya. May pasalubong