Share

Chapter 5

Author: Jay Sea
last update Last Updated: 2024-10-16 17:05:10

Dalawang araw bago umalis ang Kuya Ivan niya ay nag-iimpake na ito ng kanyang mga damit na dadalhin papunta sa Singapore kung saan ito mamalagi ng isang buwan o higit pa. Bukas ang pinto ng kuwarto nito kaya pumasok si Divine. Dahan-dahan lang ang pagpasok niya doon.

Kahit abala ang Kuya Ivan niya sa pag-iimpake ng mga damit nito ay napansin kaagad siya sa pagpasok sa loob ng kuwarto nito. Tumigil ito sa pag-iimpake at humarap sa kanya na nakangiti. Nakangiting nakatingin rin si Divine sa Kuya Ivan niya.

"O, nandito ka pala sa kuwarto ko, bunso..." nakangising sabi nito sa kanya na tinanguan naman nga niya.

"Nag-iimpake ka na pala ng mga damit na dadalhin mo po patungong Singapore sa susunod na araw, Kuya Ivan," dahan-dahan na sabi niya bilang sagot dito.

"Oo, bunso. Nag-iimpake na nga ako. Dapat kahapon pa kaso may trabaho pa ako tapos kanina kaya ngayon lang ako nakapag-impake na gabi na," sagot kay Divine ng Kuya Ivan niya.

"May oras ka pa naman po, Kuya Ivan. Hindi mo naman po kailangan na magmadali, eh," sagot ni Divine sa kanya. "Bukas po ba ay papasok ka pa sa trabaho mo?"

"Hindi na, bunso. Hindi na ako papasok bukas. Iyon kasi ang sabi ng boss ko na huwag na akong pumasok bukas. Magprepare na lang ako sa biyahe namin susunod na araw," sagot kay Divine ng Kuya Ivan niya.

Divine nods her head and speaks, "Mabuti nga po na hindi ka na niya pinapasok pa sa trabaho bukas para makapagprepare ka pa po."

"Oo nga, eh. Sa airport na lang kami magkikita sa susunod na araw ng boss ko, bunso," sabi ni Ivan sa kapatid niya. "Kaya ngayon na gabi ay nag-iimpake na ako para bukas ay wala na akong iisipin pa o gagawin. Magpapahinga na lang ako."

Mabilis lang si Divine sa loob ng kuwarto ng Kuya Ivan niya. Lumabas naman na siya makaraan ang ilang segundo para bumalik sa kuwarto niya. Kung magtatagal pa kasi siya doon sa kuwarto ng Kuya Ivan niya ay maiistorbo niya ito sa pag-iimpake. Ayaw naman niya na maistorbo ito nang tuluyan. Wala naman silang kailangan pa na pag-usapan pa.

Humilata kaagad si Divine sa malambot niyang kama pagkapasok niya sa kanyang kuwarto. Hindi pa naman siya inaantok. Tinatamad na siyang magbasa pa ng libro kaya hindi na niya ginawa pa. Gusto niyang ipahinga ang kanyang mga mata. Nakatingala siya sa kisame.

Habang nakatingala siya sa kisame ay laman ng isipan niya si Marcus na best friend ng Kuya Ivan niya na lihim niyang minamahal. Sa susunod na araw ay ito na ang kasama niya sa pag-alis ng Kuya Ivan niya patungong Singapore.

Malapit na mag-alas onse ng gabi si Divine nakatulog nang tuluyan sa kuwarto niya. Walang ibang laman ang isipan niya kundi si Marcus. Halu-halo ang nararamdaman niya sa totoo lang. Masaya siya na kinakabahan na natatakot.

Wala naman silang dalawa ginawa kinabukasan ng Kuya Ivan niya sa bahay nila. Um-order lang sila ng kakainin nila simula lunch hanggang dinner dahil tinatamad na sila magluto pa lalo na ang Kuya Ivan niya na aalis na bukas. Maaga nga silang natulog lalo na ang Kuya Ivan niya na lilipad bukas patungong Singapore.

Maagang pumunta si Marcus sa bahay nilang magkapatid dahil ito ang magmamaneho ng kotse ni Ivan na best friend niya. Ang kotse nito ang gagamitin sa paghatid nito sa airport. Iiwanan nito sa garahe nila ang kotse niya at gagamitin na lang ang kotse ng best friend niya dahil 'yon kasi ang gusto ni Ivan. Sinusunod lang niya ang nais ng best friend niya para walang problema.

Pagkakita pa lang ni Divine sa kanya ay bumilis kaagad ang tibok ng puso nito. Hindi na naman tuloy ito mapakali. Binati naman nga nila ang isa't isa ngunit hanggang doon lang 'yon. Tinulungan na nga ni Marcus ang best friend niya na si Ivan sa paglagay ng maleta nito. Isang maleta lang ang dala nito dahil 'yon raw ang sabi ng boss niya.

Kung wala na nga siyang maisuot sa Singapore ay ito na raw ang bahala sa kanya. Bibilhan siguro siya ng bagong damit na maisusuot. Ayaw kasi ng boss niya ng maraming dala. Sumusunod lang si Ivan sa boss niya.

Habang nasa biyahe sila patungong airport ay tahimik lang silang lahat. Si Marcus nga ang nagmamaneho ng kotse ng best friend niya at magkatabi ito sa unahan.

Nang lumabas ang dalawa ay lumabas naman na si Divine sa kotse ng kapatid niya. Hindi na siya naghintay pa na pagbuksan siya ng kapatid niya lalo na si Marcus. Pasulayp-sulyap lang siya dito. Wala siyang kaalam-alam na napapansin 'yon ni Marcus. Ayaw lang na magpahalata sa kanya.

"I have to say goodbye to you for now, bunso," sabi ni Ivan sa kapatid niyang si Divine bago siya pumasok sa loob ng airport. "Uuwi naman ako next month. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo, okay? 'Yung mga sinabi ko sa 'yo ay huwag mong kalilimutan. Nand'yan naman ang best friend ko na si Marcus para samahan ka sa bahay. Habang wala ako ay siya na muna ang magiging kuya mo, bunso. Hindi ka naman niya pababayaan, eh. Magsabi ka lang sa kanya kung ano ang kailangan mo o kahit ano pa. 'Wag kang mahihiya sa kanya, bunso. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo, bunso?"

Tinanguan naman nga kaagad ni Divine ang Kuya Ivan niya sa sinabing 'yon sa kanya. Wala na siyang sinabi pa na kung anu-ano pa.

"Opo, Kuya Ivan. Naiintindihan ko po ang sinasabi mo sa akin. Alam ko naman po ang mga gagawin ko habang wala ka po, eh. Kasama ko naman po si Kuya Marcus kaya wala ka na pong kailangan na problemahin o isipin pa tungkol sa akin. Wala naman pong mangyayaring masama sa akin. Hindi niya po ako pababayaan," sagot ni Divine sa Kuya Ivan niya.

"I know. Hindi ka naman nga niya pababayaan. Siya muna ang magiging kuya mo habang wala ako dito sa Pinas. Uulitin ko muli sa 'yo ha, kung ano'ng kailangan mo ay magsabi ka lang sa Kuya Marcus mo dahil siya na ang bahala. Mami-miss kita, bunso," sabi pa kay Divine ng Kuya Ivan niya.

"Opo. Mami-miss rin po kita, Kuya Ivan. Mag-iingat ka po sa biyahe n'yo at huwag mo pong pababayaan ang sarili mo," sabi ni Divine sa kanya at pinapaalalahanan naman niya ito na huwag pababayaan ang sarili.

He gave her a quick nod and replied, "Oo naman, bunso. Hindi ko pababayaan ang sarili ko. Mag-iingat kami sa biyahe. Salamat. Kapag nami-miss mo ako ay puwede naman tayo mag-video call kapag hindi ako busy."

"Opo, Kuya Ivan. Magvi-video call po tayong dalawa kapag nasa Singapore ka na po. Mag-iingat po kayo sa biyahe!" sabi ni Divine sa kanya at muli niya itong tinanguan.

"Oo naman. Salamat muli sa 'yo, bunso. See you next month," nalulungkot na sabi nito kay Divine na kapatid niya. Kahit pansamantala niyang iiwan ito ay nalulungkot pa rin siya.

He has nothing to worry anymore because his best friend Marcus will be the one who would take care of her for the meantime. Ito muna ang bahala sa kapatid niya na si Divine kaya panatag ang kalooban niya na aalis ng bansa.

"See you next month po, Kuya Ivan," sabi ni Divine na naluluha.

Nagyakapan silang dalawa na magkapatid nang napakahigpit na yakap sa loob ng limang segundo. Pinunasan naman nga ni Divine ang kaunting luha sa mga mata niya.

Sumunod na kinausap ni Ivan ang best friend niya na si Marcus. Pinaalalahanan lang niya ito tungkol sa kailangan nga nitong gawin habang wala siya sa kapatid niya na si Divine.

"Ako na ang bahala sa kanya, bro. Wala ka nang kailangan na problemahin pa. Hindi ko siya pababayaan. Ako na muna ang magiging kuya niya habang wala ka. I'll give you an update about her araw-araw para alam mo kung ano ang nangyayari habang wala ka," sabi ni Marcus sa kanya na nakangisi.

Ivan shook his head and said, "Okay, bro. It's clear to me. Maraming salamat talaga sa 'yo. Walang makakasama ang kapatid ko sa bahay kung wala ka. Hindi mapapanatag ang kalooban ko nito sa pag-alis kung mag-isa lang siya sa bahay. Alam mo naman na napaka-overprotective ko sa kapatid ko kaya ayaw ko na mag-isa siya sa bahay. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon. Salamat talaga sa 'yo, bro."

"Walang anuman 'yon, bro. Best friend kita kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to dahil ganoon naman talaga kapag mag-best friends. Nagtutulungan sa isa't isa at ganoon nga ang ginagawa natin, 'di ba?" sabi pa ni Ivan sa kanya.

"I know, bro. Maraming salamat talaga sa 'yo." Nagyakapan rin silang dalawa na mag-best friends matapos 'yon.

Hindi naman na nagtagal pa si Ivan sa labas ng airport. Pumasok naman siya sa loob dahil baka maiwanan siya ng eroplano. Hinihintay na siya ng boss niya sa loob. Kumaway-kaway pa nga siya kina Divine na kapatid niya at best friend na si Marcus habang papasok siya sa loob ng airport.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 98 [End]

    Nagawa pa rin ng dalawa na patawarin si Ivan ngunit hindi sa araw na 'yon na pumunta ito sa mansion. Lumipas muna ang ilang buwan bago nagawang patawarin nilang dalawa ito. Naging mag-best friends muli ang dalawa matapos 'yon. Lumalaki na nga ang tiyan ni Divine. Nalalapit na rin siyang manganak. Lalaki ang isisilang niya sa susunod na buwan. Excited na excited na talaga ang mga magulang ni Marcus. Ito nga ang bumili ng magiging damit at gamit ng magiging anak nilang dalawa kaya wala silang ginastos ni Marcus. Hinayaan naman nila ang mag-asawa dahil ito ang nagpresenta. Maging silang dalawa ay excited na rin na makita ang bunga ng pagmamahalan nila. May halong kaba at takot si Divine dahil wala pa naman siyang karanasan sa panganganak. Natatakot kasi siya na baka hindi normal ang panganganak niya kagaya ng ibang mga babae.Sa mansion pa rin si Divine nakatira kahit nagkaayos na silang dalawa ng Kuya Ivan niya. Bihira itong pumunta sa mansion para bisitahin silang dalawa ni Marcus dahi

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 97

    Five days later..."May gusto sa 'yong kumausap, honey," wika ni Marcus pagkapasok niya sa kuwarto nilang dalawa ni Divine. Kumunot ang noo ni Divine sa sinabing 'yon niya."Huh? May gustong kumausap sa akin? Sino naman, honey? Nasaan ang gustong kumausap sa akin?" tanong ni Divine sa kanya."Nasa baba ang gustong kumausap sa 'yo, honey. Hinihintay ka niya," sabi nito na hindi sinasabi kung sino nga 'yon na taong gusto siyang makausap."Sino? Sino ang gustong kumausap sa akin, honey? Mga kaibigan ko ba? Si Janna ba?" sunod-sunod na tanong ni Divine sa guwapong boyfriend niya."Hindi sila. Hindi mga kaibigan mo ang gustong kumausap sa 'yo, honey," sagot nga ni Marcus sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya."Ano? Hindi ang mga kaibigan ko? E, kung hindi ang mga kaibigan ko ay sino naman, honey? Sino ang gusto na makausap ako, huh?" tanong ni Divine sa kanya.Huminga nang malalim si Marcus bago nagsalita sa kanyang muli."Gusto ka makausap ng Kuya Ivan mo, honey. Nasa baba siya. H

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 96

    Binisita muli ni Divine ang puntod ng mga magulang niya kasama ang boyfriend niya na si Marcus sumunod na hapon kung saan wala itong ginagawa. Kung abala naman nga ito ay hindi naman niya ito yayayain na pumunta sila sa sementeryo para bisitahin muli ang mga magulang niya.Habang kaharap ang puntod ng mga magulang niya ay sinasabi niya dito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya lalo na ang mga nalaman niya na hindi talaga niya inaasahan. Inamin niya rin na galit at masama pa rin ang loob niya sa Kuya Ivan niya. Mahigit isang oras silang dalawa ni Marcus doon sa sementeryo. Hapon na rin naman kaya hindi na masyadong mainit pa. Ang sarap-sarap nga ng simoy ng hangin at napakatahimik sa lugar na 'yon. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng sementeryo na 'yon. Bago sila umuwi sa mansion ay nagtake-out na muna sila ng fried chicken dahil nagki-crave si Divine. 'Yung malaking bucket ng fried chicken ang in-order nila. Paborito kasi ni Divine ang fried chicken lalo na ngayon n

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 95

    "Hindi lang sa atin naglihim ang kapatid ko kundi nagsinunggaling pa siya sa atin, honey. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko na natuklasan mo. I never knew that he would do this. Pinaniwala niya tayong dalawa na totoo na kaya siya pumunta sa Singapore para sa trabaho niya at sa kompanya nila ngunit hindi naman pala. Magbabakasyon lang pala silang dalawa doon. Nakakainit ng ulo sa totoo lang, honey. Masasampal ko muli si Kuya Ivan kapag nakaharap ko siya dahil sa nalaman kong 'to mula sa 'yo. Siya lang naman pala ang marami ang tinatago pero kung makapagsabi siya sa akin ay pakiramdam mo ay ang bait-bait niya na walang ginagawang kalokohan. I'm so disappointed to him, honey. Mas Malala pa talaga siya sa ating dalawa," nadidismaya na sagot ni Divine sa boyfriend niya na si Marcus.Tumango-tango si Marcus pagkasabi niya."Sinabi mo pa, honey. Maging ako ay nadidismaya rin sa nalaman ko mula sa Kuya Ivan mo. I can't believe it. Hindi lang siya naglihim sa ating dalawa kundi ay nag

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 94

    "Honey, may kailangan ka palang malaman," sabi ni Marcus kay Divine na girlfriend niya pagkarating niya sa mansion nila sumunod na gabi. Hindi pa nga siya nakakapagbihis ng damit na pambahay ay 'yon kaagad ang sinabi niya dito."Ano 'yon, honey?" tanong naman kaagad ni Divine sa kanya. "Ano'ng kailangan ko na malaman, huh?""It's about your brother, honey," sagot kaagad ni Marcus sa kanya. Kumunot ang noo ni Divine pagkarinig sa sinabing 'yon ng boyfriend niya na tungkol 'yon sa Kuya Ivan niya."What? It's about my brother? Seryoso ka, honey?" paniniguradong tanong pa niya dito.He shook his head and said, "Yes, honey. Tungkol sa Kuya Ivan mo na best friend ko ang sasabihin ko sa 'yo at wala nang iba pa. May kailangan kang malaman tungkol sa kanya.""Ano ba ang nalaman mo sa kanya, honey? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanya?" tanong pa nga niya na nakakunot ang noo.Her boyfriend slowly nods his head and said, "Yes, honey. Meron pa talaga at kahit ako ay ganoon rin, eh. Nga

  • My Brother's Best Friend (Filipino)   Chapter 93

    Naging masaya naman nga ang buhay ni Divine sa mansion kasama ang guwapong boyfriend niya na si Marcus. She was treated special there. Pinagsisilbihan siya nang maayos ng mga kasambahay. Binibigay sa kanya ang kung ano man ang naisin niya. Mas lalo pa nilang dalawa minahal ang isa't isa. Alam na rin ng kaibigan niya na si Janna kung nasaan siya ngayon dahil sinabi na niya dito lalo ang naging dahilan kung bakit siya umalis na sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Nalulungkot naman nga ang kaibigan niya na si Janna sa nalaman niya dahil tuluyan na talagang nagkalayo ang loob ng dalawang magkapatid. Gayumpaman ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa tamang panahon. Umaasa siya na magkakabati ang dalawa lalo na magkapatid pa rin silang dalawa kahit ano ang mangyari sa mundo. "Kumusta ka maghapon dito sa mansion, honey?" tanong ni Marcus sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto nilang dalawa. Kagagaling lang nito sa kompanya nila. Ginabi na ito ng uwi kasama ang daddy niya. May pasalubong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status