MasukHindi maipinta ang mukha ni Zyrus matapos marinig ang huling sinabi ni Lexie. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay may napagtanto rin. Na sinusubukan lang siya ni Lexie pigilan sa pag alis niya.
Ilang beses nang pinipindot ni Zyrus ang open button, hanggang sa manginig na ang katawan niya sa pagtawa ng pagak. Nang tingnan niya muli si Lexie, inis at pagkairita lang ang pinapakita niya dito. “Pwede ba Lexie, tama na? Babalik din ako agad pagkatapos kong ayusin ang tungkol kay Hailey. Can’t you understand that she needs me now? Bibigyan kita ng mas engrandeng kasal pa dito, sige na. Hayaan mo na akong umalis.” Pero hindi na nakapagpigil si Lexie na sumabat bago pa nito matapos ang sasabihin. “You think I’m a joke, Zyrus? Wala ka nang papakasalan kapag umalis ka.” matapang na sambit ni Lexie. Bahagyang paos ang kanyang tinig, may bigat sa kaniyang lalamunan pero matatag at buo na ang desisyon niya ngayon. Oo, mahal niya si Zyrus. Sobrang saya niya noong nalaman niya na ikakasal na sila. Pero hindi ibig sabihin noon na hahayaan na niya ang lalaking apakan at wasakin ang purong pagmamahal niya dito. Masiyado siyang mahal ng lola niya para lang maging masokista. Sa isip niya, nakatatak na ang payo nito na hindi kailanman makakataas ang pagmamahal sa dignidad. There’s no love left for you if you failed to value yourself first. “We'll talk about it when I get back.” Muling sambit ni Zyrus, at sa pagkakataong iyon, hindi na pinigian ng lalaki ang tuluyang pagsarado ng elevator doors. Hanggang sa ang sariling repleksyon na lang ni Lexie ang kaniyang nakita sa nagsaradong pintuan. Habang pinapanood ni Lexie ang pagbaba ng numero sa panel, doon na siya nilukob ng mga emosyong kanina pa nag-uunahan sa utak niya. Sa wakas, ang mga namumuong tubig sa kanyang mga mata ay naging malinaw na luha, unti-unting gumulong pababa sa kanyang maputing balat, kasabay nito ang sakit na hindi niya gustong maramdaman. Ngunit hindi pa man nag-iilang minuto na hinahayaan ni Lexie ang sariling masaktan, narinig niya naman ang pagbukas ng isang double doors sa malapit. Kasabay nang pagbukas nang pinto ay ang pagluwa nito sa isang babae na nakasuot ng isang magarbong gown, nakakulot ang buhok, at maraming suot na mamahaling alahas. Bagaman may suot itong makapal na foundation, hindi naman noon naitago ang umaalpas na kulot na balat ng ginang. Sa tabi nito, nandoon ang isa ring vuluptous na babaeng kamukha ng ginang ngunit hamak na mas bata naman. “Where’s my son?” biglang tanong nito kay Lexie. Sigurado si Lexie na siya ang kausap ng ginang dahil ito lang naman ay ang ina ni Zyrus. Si Mrs. Zaira Martinez, ang katabi naman nito ay si Zamia Martinez, ang nakababatang kapatid na babae ni Zyrus. Hindi na lingid sa kaalaman ni Lexie na hindi siya gusto ng mga ito, lalo na ang ina ni Zyrus. Kung hindi lang naman dahil sa kasunduang kasal na pinilit ng kanilang mga lola at tiyahin mula sa pamilyang Martinez at Delos Reyes, na kailangan ni Zyrus na pakasalan si Lexie, hindi kailanman papansin ni Mrs. Martinez ang kagaya niyang isang babaeng galing lamang sa isang kilalang pamilya sa probinsya. May kaya man sila, probinsyana pa rin ang tingin ni Mrs. Martinez kay Lexie. Bahagyang yumuko si Lexie ng may paggalang at mahina ngunit malinaw siyang bumulong na, "Umalis na po siya, Mam— I mean Mrs. Martinez." Hindi pa nakakalimutan ni Lexie ang nangyari noong nakaraan na tinawag niyang ‘Mama’ ang ginang at labis iyong kinainis ng babae. Nagulat si Mrs. Martinez sa nalaman. At bago pa siya makapagsalita, narinig niya si Lexie na muling nagsalita. “Papunta po siya kay Hailey. At… wala na pong kasal na magaganap.” Sa dalawang balita na binitiwan ni Lexie, tila ang una lamang ang narinig ng ginang. Kitang kita ni Lexie kung paanong kumislap ang mata ng ginang nang marinig ang pangalan na iyon mula sa bibig niya. Gustong umikot ng mata ni Lexie. Wala talaga siyang magiging kakampi sa sino man sa mag inang ito. Sa halip na mahiya o magpakumbaba ang nanay sa ginawa ng kanyang anak kay Lexie, ito pa ang may lakas ng loob na tumingin ng masama kay Lexie at pagsabihan siya sa mapanlait na tono. “Anong klaseng girlfriend ka? Hindi mo man lang mapanatili ang fiance mo sa mismong araw ng kasal niyo, hinayaan mo pa siyang puntahan ang ibang babae. Wala ka talagang silbi!” malakas na bulyaw sa kaniya ni Mrs. Martinez. Hindi pa natatapos doon, ang vuluptous namang babae na naka pink gown ang sunod na nanghamak bago pa maipagtanggol ni Lexie ang kanyang sarili. “Oh, well Mommy, what do you expect from stupid girl like her? Look at her naman, sa ganda na nga lang sana siya babawi but her taste of fashion utterly disgust me! What kind of wedding gown is that? So old fashioned, gosh! Kung si Ate Hailey ang bride ngayon, for sure she will look like a goddess! No wonder, siya ang gusto ng Kuya ko,” mahabang litanya ni Zamia Martinez na puro naman panglalait. Maldita talaga ang dalaga at sa pagkakaalam ni Lexie ay close noon kay Hailey. Kaya hindi na nagtataka si Hailey sa inaasta nito ngayon. Lingid naman sa kaalaman ni Lexie, bago pa man bumalik si Lexie sa Santa Cruz, Laguna, si Zamia na ang nag-iisang little princess ng pamilyang Martinez. Ito rin ang pinakamamahal na apo ng kanilang Lola Felma. Pero mula nang dumating si Lexie sa mansiyon ng mga Martinez, palagi na siyang kinukumpara rito. Sa paningin ng sarili niyang Lola, mas maganda, magaling, at mabait kay Zamia si Lexie kaya lubos na kinagigiliwan. Dahil sa lahat ng ito, hindi na naalis kay Zamia ang pagkamuhi kay Lexie simula pa ng una niyang makilala ito. Sa dami nang panlalait na natamo ni Lexie sa mag-ina, hindi agad siya nakasagot. Kaya naman, hindi na nawala sa labi ni Zamia ang ngiti at galak dahil tingin niya ay nakaganti na rin siya kahit kaunti kay Lexie. Lalo pa ngayon na walang sinuman ang magtatanggol sa kawawang babae. Ngunit sa kaniyang hindi inaasahan, mula sa pagkakayuko ay mabilis na tumingala si Lexie para tingnan silang mag ina, diretso sa kanilang mga mata. Napanood rin ni Zamia ang pagbabago sa mga mata nito. Ang dating mapungay na mga mata ni Lexie ay naging matalim, at ang kalungkutan na nakita sa mukha nito ay napalitan ng kakaibang determinasyon. Sa maputing mukha, lalo pang nadepina ang emosyong ngayon ay matapang na pinapakita nito. Ang mabilis na pagbabagong iyon ay nadagdagan ng ngiting nang-uuyam ni Lexie. “Oh, hindi niyo po ba ako narinig, Mrs. Martinez? Zamia? Well, hindi ko naman kayo masisisi dahil tumatanda na rin talaga kayo “Anong sabi mo?” sabay na sabi ni Mrs. Martinez at Zamia na parehong may hindi makapaniwalang ekspresyon. “Paulit-ulit naman! Pero sige, para sa mahina niyong pandinig, I will repeat it. I called off our wedding, so, technically, I’m not your son’s girlfriend anymore.” Buong determinasyon na wika ni Lexie. Wala ring bahid ng takot siyang tumingin diretso sa mga mata ni Zamia Martinez, bawat salita ay malinaw at walang halong alinlangan. “Anong nakain mong masama, Lexie? Nababaliw ka na ba? Are you finally going insane?” Zamia asked her ruthlessly. “My dear Zamia, I thought you were just immature. I never imagined you can also be this stupid. Hindi mo ba gets? Sa araw mismo ng kasal namin, pinuntahan niya ang ex-girlfriend niya. Kaya nakipaghiwalay ako. Wala nang kasal ang magaganap. Malinaw na?” walang emosyon at tuloy tuloy na salita ni Lexie. Ikinaawang iyon ng labi ng mag ina. Noon, ilang ulit pinilit ni Lexie na kumbinsihin ang sarili na hindi naman si Mrs. Martinez ang papakasalan niya, si Zyrus naman, kaya sinubukan niyang tiisin ang pang-aalipusta ng ginang noon. Hindi rin sila titira sa iisang bubong kaya naisip ni Lexie na makakatakas rin siya sa kamalditahan ni Zamia, kaya niyang magtiis at magsakripisyo ng kaunti para sa ikakasaya nila ni Zyrus. But now that they called off their wedding, wala nang pagtitiis na magaganap. Biglang dumilim ang mukha ni Mrs. Martinez sa mga kalapastanganang narinig mula kay Lexie. Agad umakyat ang galit at pagkairita niya na nagresulta sa isang ngisi. Sa kaniyang pananaw ay hindi ang katulad lang ni Lexie na probinsya ang makakatalo sa kaniya. “Anong karapatan mong magsalita ng ganyan? Isa ka langng hampas-lupang galing sa probinsya! You think you have the upper hand? Suwerte mo na nga at pumayag ang anak ko na pakasalan ka! You are one ungrateful bitch! Talagang galing ka nga sa lahi ng mga palengkera at walang modo, bastos kang babae ka!” Hindi rin nagpafaig si Zamia. Agad niyang sinundan at dinagdagan ang pang aalipusta ng kaniyang ina kay Lexie. “My Mom’s right! Una pa lang ay alam na namin na ginamit lang ng hukluban mong lola ang nalalapit niyang kamatayan para maawa kami! She used well her pity card to tug some strings at our elderly and my Kuya’s conscience! Tuso siya! Pareho lang kayo—” Pero bago pa matapos ni Zamia ang sasabihin, biglang nag-iba ang ekspresyon ni Lexie. Lumamig ang boses niya at blanko ang tingin. Isang klase ng nakakatakot na emosyon na nagawang patahimikin ang kung ano pang idadagdag ni Zamia. “Mag-ingat ka sa mga lumalabas sa bibig mo, Zamia. Kung gusto mong bastusin ako, sige, hahayaan lang kita. Pero ‘wag kang magkakamali na idamay ang lola ko rito. Ibang usapan na ‘yon. Kayo kong palampasin kung tungkol sa akin, ngunit hindi ko na mapapalampas kung ang Lola Felisa ko na ang pagsasalitaan niyo ng masama!” Lola’s girl si Lexie. Lumaki kasi siya sa pangangalaga ng kaniyang Lola Felisa. Ito na ang nagpalaki at nagmahal sa kanya mula pagkabata. Kaya naman ang kaniyang Lola Felisa ang kanyang kahinaan. Walang sinuman ang may karapatang bastusin ito. Medyo natigilan si Mrs. Martinez at si Zamia sa biglaang pagdiin ng mga binibitiwang salita ni Lexie. This is just the first time they saw her this serious and dark. Nasanay sila ang mahina at malambing na Lexie ang kanilang kaharap. So the wild beast finally showed her true colors, huh? Ngunit ilang segundo lang din ay napagtanto ng mag-ina na babae lang naman si Lexie. Ano ba ang kaya nitong gawin sa kanila? Isa pa, there’s no one around this floor, so it’s two versus one. Dahil doon, muling nanumbalik ang kayabangan nila. Unang nagtuwid ng likod si Mrs. Martinez at muling hinarap ang matalim na titig ni Lexie. “So what now? You will hurt me? You will hurt my daughter? Totoo naman ang sinabi niya! You are an oppurtunist! O ano? Sasaktan mo ako? Sabi ko na nga ba, isa kang palengkera at hindi nararapat maging babae. Wala ka rinng modo dahil galing lang sa probinsya! Kaya naman hindi ka talaga type ni Zyrus! Subukan mo lang. Tingnan natin kung ano'ng gagawin sa’yo ni Zyrus pagbalik niya…” Habang dinuduro ni Mrs. Martinez, kasabay noon ay ang pagsugod nilang mag-ina papunta kay Lexie. Dahilan para unti-unting mapaatras ang huli. Ngunit ang hindi inaasahan ni Lexie ay ang pagtulak sa kaniya ni Mrs. Martinez! Naka-puting mermaid wedding dress si Lexie sa araw na iyon, nakasuot rin ng 3 inches high heels. At dahil sa hindi inaasahang pagtulak, nawalan siya ng balanse. Ngayon ay bumubulusok na si Lexie pabagsak sa sahig….“Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki. “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista
Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita. Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito. ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito. Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya. Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas. Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di
“Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw. Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag
Evil smile of Malia…. Hinaplos niya ang balikat ni Lexie. “Hey, don’t do that sad face. Hindi bagay sa’yo, mukha kang inagawan ng lollipop nyan bes. Ang daming lalaki sa mundo. Kung hindi nag-work ang isa, lipat sa iba ganun! Hindi ka kawalan, no. Sorry sila dahil sila ang nawalan! Kung ako lalaki, ako na magpapa-in love sa’yo at hinding hindi na kita papakawalan pa.” mahabang payo ni Malia. Napatawa si Lexie, kahit papaano. “Hindi naman ako malungkot. Maybe… hmmm, maybe hindi lang talaga kami para sa isa’t isa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Ang mahalaga masaya siya sa piling ni Hailey, masaya ako para sa kanila.” aniya sa mababang tono at may pilit na ngiti sa mukhang upang hindi makahalata ni Malia na nagpapanggap lang siya. Ngunit ang hindi alam ni Lexie, na mukhang kumbinsi si Malia pero sa katunay ito ay hindi naniniwala sa lahat ng sinabi niya. Alam nito kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan at halata naman sa mukha ni Lexie na may pinagtatakpan ito.
Bubuksan na sana niya ang bibig para ipaliwanag pero…Bigla na lang nagsalita si Kaizer. “Okay.” ani nito. Napatigil silang pareho.“Mr. Zapanta???”, hindi makapaniwalang sabi ni Manong Ben at halos mapatigil sa gulat.“…” si Lexie naman ay walang masabi at napalunok na lamang. Sa isip niya, ay…naku! Nagpakabait lang ako, hindi ko inasahang papayag talaga siya! Buti na lang, may natira pa siyang noodles. Walang choice si Lexie kung hindi kumuha ng isa pang mangkok at lagyan ito ng mainit na sabaw ng noodles. Pagbalik niya, wala na si Manong Ben. Si Kaizer na lang ang naroon. “Ito na po ang noodles, sana magustuhan niyo. Hindi na po ito masyadong mainit kaya mas masarap na pong higopin ang sabaw nito. ” aniya.Wala na namang naging tugon si Kaizer. Kaya't hudyat na ito upang magsimula na silang kumain. Kasabay nito ang pag-alis ni Manong Ben sa kusina, sapagkat wala siyang karapat upang tumutol pa. Amoy pa lang ni Kaizer sa noodles, alam na niyang masarap iyon. Pero nang ma
“A sibling is responsible for their sibling’s actions.” ani nito, na parang may pahiwatig. Kitatakotan man siya ng lahat, pero hindi siya kailanman mananakit ng isang babae. Lalo na hindi si Lexie. Maliwanag iyon sa kanya. Pero si Kier Vy… kahit kaibigan niya ito ibang usapan na iyon. Si Manong Ben ay tahimik lang. Hindi na kumontra. Samantala, sa kabilang siyudad na kinaroroon ngayon ni Kier Vy, halos hindi ito makatulog. Pagkatapos siyang pagalitan ng mga magulang niya dahil sa mga nangyari, dumiretso siya sa kwarto at nahiga, pagod na pagod, ngunit sa hindi malamang dahilan bigla siyang hindi mapakali. Pagkapikit niya, agad siyang dinalaw ng bangungot. Nandoon si Kaizer may ngisi sa mukha na tila may balak gawin sa kanya. Tinapon siya nito sa lupa na parang isang laruan. “You fooled your sister, so you’ll be the one to pay for it,” malamig na sabi ni Kaizer sa panaginip niya. “From now on, if I say east, you can't go west; if I tell you to beat a chick







