LOGINHindi niya sure kung dahil ba ito sa init ng panahon o kakaibang pinapakita ni Kaizer…..Habang naglalakad sila, sinabayan siya ni Kaizer ng hakbang. Hindi ito nagsasalita, diretso lang na nakatingin sa daan. Pero sa bawat maliit na kilos, tulad ng pagbukas ng pinto, ang bahagyang pagyuko para tingnan kung okay lang ang dalaga, naroon ang hindi maipaliwanag na pag-aalala.Hindi iyon napapansin ni Lexie. Pero sa bawat tahimik na sandali, si Kaizer ay patuloy na nag-o-observe. Hindi halata sa mukha pero obvious sa kanyang mga kilos.Ilang sandali lamang, nasa loob na sila ng restaurant. Agad silang nilapitan ng isang waiter. Si Lexie ay busy sa pamimili ng pagkain sa menu, habang si Kaizer naman ay nakatingin lang sa kanya ng tahimik. Sa pagtitig niya may napansin siya sa dalaga, simula noong naglalakad na sila papuntang restaurant.“Are you okay?” bigla nitong tanong.Nagulat naman si Lexie. “Huh? Ako? Oo naman. Bakit?”Umiling si Kaizer. “You’re quiet.”“Eh ikaw rin naman,” sagot niya
At sa isang kagaya ni Lexie, mas lalo niyang ayaw na ipakita iyon…..Bandang tanghali nagising si Lexie sa katok sa pintuan ng kanyang silid. Pumasok ang isang kasambahay at sinabihan siya na mag-ayos sapagkat may pupuntahan sila ni Kaizer at naghihintay na ito sa baba para sila ay magbreakfast. Kahit antok na antok pa si Lexie at nais pang matulog, pinilit niya paring bumangon dahil ayaw niyang sungitan na naman siya ni Kaizer. Agad na siyang nagtungo sa banyo upang maligo at pagkatapos nagsuot lang siya ng isang simpleng kulay lilak na bestida na binigay sakanya ni Kaizer noong araw na dumating siya sa mansyon. Bago tuluyan na bumaba tiningnan muna niya ang kanyang sarili sa salamin. Kitang kita ni Lexie na bagay sa kanya ang bestida, tama lang ang sukat nito sakanyang katawan. Nung kontento na siya, agad na siyang bumababa patungo sa dining area.Nakita niya roon si Kaizer na umiinon ng kape. Napansin niya ang suot nito na puting long sleeve, kahit lagi niyang nakikita na ganito
How did she even come up with that? Like seriously, where did that idea even come from?Late that night.Nakahiga nasi Lexie sa kanyang kama, tahimik na nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina lamang, mga sandaling gusto niyang kalimutan pero ayaw siyang tantanan.Minsan, bigla siyang napapasinghap, parang kinukulang sa hangin.Minsan naman, itinatago niya ang mukha sa unan para pigilan ang sigaw na gusto niyang ilabas. Hindi man niya aminin tila iba ang hatid nito sa kanyang puso, ramdam niya ang mabilis na tibok nito pati ang bahagyang pamumula ng kanyang mga pisngi. Sa gilid ng kwarto, sa tabi ng floor lamp, nakasabit ang suit jacket ni Kaizer na kanyang ginamit.Napatingin siya roon ng hindi niya namamalayan. At kasabay noon, bumabalik sa alaala niya ang naging biyahe nila pauwi kanina.Habang nasa biyahe, tahimik lamang si Kaizer. Nakapikit ang mga mata at hindi nagsasalita. Tanging paghinga lang nito ang kanyang naririnig.Para ka
“Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki. “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista
Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita. Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito. ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito. Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya. Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas. Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di
“Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw. Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag







