LOGIN
“Lexie, I’m calling off this wedding…”
Ang nakangiting mukha ni Lexie Delos Reyes ay nauwi sa isang hindi maipintang ayos. Bakit? Today is supposedly her wedding day. Nakaayos na ang lahat, nandito na ang lahat ng bisita, maging sila nga ng mapapangasawa niyang si Zyrus Martinez ay naka bihis na ng kani-kanilang wedding gown at suit. Alam ni Lexie na bawal sa pamahiin ng matatanda na magkita ang ikakasal hangga’t wala pang opisyal na seremonyas, but Lexie was too excited and happy to care about it kaya naman ay pinuntahan na niya si Zyrus sa kwartong nakalaan para sa groom. But… what is this that she is hearing? “I’m really sorry, Lexie. I have to go. May biglaang emergency, sobrang importante nito sa akin…” Pagkatapos sagutin ang tawag, lumapit si Zyrus Martinez sa kanyang fiance at binitiwan ang mga salitang iyon. Nanlaki ang mata ni Lexie, tila natulala at nabigla sa mga katagang sinabi ni Zyrus. Hindi niya akalain na may mangyayaring ganito, sa araw mismo ng kaniyang kasal. Hindi na ma-kontrol ni Lexie ang sarili, nag-uunahan na ang kanyang iba’t-ibang emosyon. Ngunit sa mga oras na iyon, isa lang ang nais niyang gawin. Ang tanungin ang lalaking pakakasalan niya sa desisyon nitong iyon. “Emergency? Importante? Zyrus, may mas importante pa ba sa’yo kaysa sa kasal natin?” Lexie desperately asked him, both confused and bewildered. “Oo, Lexie! At… may gana ka pa talagang itanong ‘yan when you knew this was just arranged? Don’t be petty, woman. I-postpone muna natin ang kasalang ito.” Matapos marinig iyon, parang biglang nanlamig ang pakiramdam ni Lexie. Ang maliit na kwartong ito na kinatatayuan nila ay tila biglang lumaki hanggang sa magmistula na siyang langgam. The nervousness is eating up her well being. This can’t be! Ang kasalang ito sa pagitan ng pamilya Delos Reyes at Martinez ay ginanap bilang isang private event sa isa sa pinaka malaking banquet sa kamaynilaan, ang Diamond Hotel Manila. At sa loob ng sampung minuto, gaganapin na ang pag-iisang dibdib ng mga apo ng pamilya. Lexie was supposed to be walking down the aisle with a bouquet on her hand, and Zyrus was just waiting for her in front, with a genuine smile on his lips. But… what is happening? Sa isang iglap, ang araw na pinakahihintay niya… No! Lexie refused to give up. Bagaman unti-unti nang namumutla ang kaniyang maputi na ngang kutis, pinilit niyang bumuntong hininga. Sa kabila ng sari-saring eksena sa kaniyang utak, pinili niya ang maging kalmado at magsalita ng mahinahon. “Zyrus, magsisimula na ang kasal natin, ilang miniuto na lang. Kahit gaano pa ka-importante yan, pwede namang ayusin pagkatapos ng kasal,” halos magsumamo na si Lexie sa harap ni Zyrus na ngayon ay tinatanggal na ang pulang neck tie na niregalo niya para sa kanilang kasal na ito. Mukhang desido na talagang umalis. Muling tumingin si Zyrus sa wedding hall sa likod ni Zyrus. Ang mga mata niya’y seryoso at puno ng pagmamadali. “Lexie, may kailangan talaga akong asikasuhin ngayon. It’s just the same if we reschedule this thing then get married the next day. What I’m going to do is my priority right now.” Pagkabitiw na pagkabitiw ng mga katagang iyon, mabilis na nilampasan ni Zyrus si Lexie para dumiretso sa pinto. Not minding at all how will Lexie face this mess, alone at that, if he really decided to go. For sure, the Delos Reyes clan will take this downfall. Tangina. Lexie’s mind is in a haywire now. Anong sinabi ni Zyrus? Pareho lang naman kung sa ibang araw na lang gaganapin ang kasal nila? Gustong matawa ng babae. Ang klase ng tawa na mapapaluha na siya sa saya. How can this mess just happen exactly on her wedding day? Iniisip niya na rin kung may sumpa ba siya o ano. Palagi na lang ganito, kailan ba talaga siya sasaya? Ang nakaawang na labi ni Lexie ay tinikom niya at malalaki ang hakbang na sinundan si Zyrus. Bago pa man marating ng lalaki ang pinto nagawa na ni Lexie na hawakan ang dulo ng suot nitong coat. “Please, Zyrus. I-I’m trying to be the bigger person now. A-Ano bang mas mahalaga pa sa kasal natin? Sabihin mo… maybe I can help or something? Please. Just don’t leave me like this.” Lexie was straight begging Zyrus not to leave, ngunit iritasyon lang ang nakita niya sa mga mata nito. Hindi lang iyon, nagawa rin ng lalaki na iwasiwas ang dulo ng manggas na hawak ni Lexie kaya nawala na ang hawak ni Lexie doon. At hindi lang iyon, pinagpagan rin ng lalaki ang parteng hinawakan ni Lexie, na para bang may mikrobyong kumapit doon dahil lang nahawakan ng babae. Nang makita ang lahat ng iyon, doon na naputol ang pisi ng pagtitimpi ni Lexie. Kaagad niyang hinarap ang lalaki, halos isang dangkal na ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. But unlike earlier that Lexie’s face was full of affection, galit na ngayon ang namamayani sa babae. “Kung desidido ka talagang ipagpaliban ng kasal na ito, at least! Bigyan mo ako ng rason kung bakit nangyayari ang kaletchehang ito sa araw dapat ng kasal ko. Kasal natin!” Halos bumuga ng apoy si Lexie sa maanghang na tanong na iyon. Zyrus, on the other hand cower in his wrath. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki bago mahinang nagsalita. Mga salitang sana ay hindi na lang nito isinatinig. “Hailey needs me.” Tatlong salita lang iyon ngunit tila isang libong pana yata ang diretsong tumama sa puso ni Lexie. Hailey? Si Hailey Smith na naman ba ang kahati niya? “H-Hailey? Is this the same Hailey that I know?” Ang matigas na tono ng babae ngayon ay nanghina nang itanong iyon. Ilang segundo ang lumipas ngunit walang sagot na nakuha si Lexie. Mukhang tama siya. Sa mismong sandaling maintindihan ni Lexie ang katotohanang iyon, tila may malamig na hangin na dumaan sa kanyang puso at tila nagtagal doon para patigasin ito. Ngunit sa kabila noon, naramdaman niya kung paanong gustong bumigay ng katawan niya. It felt like all her strength was drawn from her. Hailey Smith. Ang pangalang kahit sa panaginip ni Lexie ay hindi niya malilimutan. Kahit noong nasa probinsya pa siya, ito na ang bukang bibig ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Zyrus. Hailey was Zyrus ex. Marami nang ginawa si Zyrus para sa relasyon nito sa babae ngunit walang nagtagumpay. Umabot na nga sa puntong nauwi sa ospital si Zyrus dahil nakipagbasag ulo, parte ng pagrerebelde nito nang hindi inaprubahan ng matandang Martinez ang relasyon niya kay Hailey. At sa kung anong dahilan, isang araw ay nabalitaan na lang ni Lexie na umalis ng bansa si Hailey, tuluyang tinapos ang lahat sa kanila ni Zyrus. Yes, Zyrus already had done lengths for her. Kaya gasino na nga naman ang ipagpaliban sandali ang kasal nila mapuntahan lang ang babaeng iyon? Lexie wanted to cry foul! Akala niya ay mananatili na lang si Hailey sa mga nakaraan nila, ngunit hindi niya inaasahang mauungkat pa ito sa mismong araw ng kasal nila. Hindi niya rin akalaing kayang sirain ni Zyrus ang kasunduan sa pagitan ng pamilya Delos Reyes at Martinez para lang sa babae. Para lang kay Hailey. Nang hindi na siya makapagsalita, dahan-dahan siyang tinalikuran ni Zyrus. Hanggang sa sinumulan na nitong ihakbang ang mga paa, at naglakad patungo sa elevator. Kitang kita pa ni Lexie kung paanong halos magkumahog ang lalaki, at walang lingon likod na naglakad palayo sa kaniya. Ngayong hindi na siya kita ni Zyrus, doon lang hinayaan ni Lexie na mamula ang kaniyang mata sa pinipigilang luha. Parang may bikig rin sa kaniyang lalamunan at doon ay nagbara kaya maging paglunok ay hirap siya. Oo at nasasaktan siya pero malalagutan muna ng hininga si Lexie bago ipakita iyon kay Zyrus. Tama nang naniwala siya sa mala fairytale nilang kwento. Kung saan doon si Zyrus ang kaniyang knight in shining armor, at siya naman ang damsel in distress na kailangan ng prinsipeng magliligtas. Kaya pala ganoon na lang ang kilos ni Zyrus kapag kasama siya, si Hailey pa rin pala ang laman ng puso nito. Marahil ay likas na lang sa lalaki ang pagiging mabait, maaalahanin, at malambing. Masunurin lang din siguro itong anak kaya pumayag sa kasal nilang ito. Maybe, he really cares for her.. but that was just like how a brother treats her sister. Pero may kapatid bang hinahalikan sa noo, pinagbabawalan kang makipag-usap sa ibang lalaki, iginagalang at inirerespeto ang lahat ng gusto mo? Maaaring oo! But Zyrus was giving her mixed signals and Lexie just failed to read it! At sa puntong iyon, hindi gusto ni Lexie na matalo siya nang hindi man lang lumalaban. So with the last bits of hope in her, tinawag niya ang lalaking naghihintay sa pagbukas ng elevator doors. “Zyrus…” Matagumpay na nakalapit si Lexie kay Zyrus. Nang lingunin siya ng lalaki, siya namang pagyuko ni Lexie para doon kumuha ng lakas ng loob. Pinipigilan ni Lexie ang luha sa kanyang mga mata. Ang labi niyang maingat niya pang nilagyan ng lipstick kanina, ngayon ay nanginginig na. “Magsisimula na ang kasal... pwede bang hintayin mo na lang na matapos ito. Pakiusap, ito na ang huling pabor ko sa’yo…” Ngunit ang sinserong pakiusap na iyon ay sinagot ng iritado na pagbaling sa kaniya ni Zyrus. “Huh? Lexie, don’t you get it? This wedding is already cancelled! Do you really think there’s more important thing for me other than Hailey?” Biglang singhal sa kanya ni Zyrus, halatang nawawalan na ng pasensya. "May problema ngayon si Hailey, nasa ibang bansa siya at mag-isa. Kailangan ko siyang puntahan. Kapag may nangyari sa kaniya ngayon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Marami pang oras para sa kasal natin. Don’t be too selfish!” Diretso ang tingin ni Zyrus kay Lexie. Seryoso at puno ng determinasyon, parang sinasabi ng mga mata niya na, hindi pwedeng matuloy ang kasal ngayon… because it’s Hailey or no one else. Napakabigat sa dibdib ni Lexie ang mga sinabi ni Zyrus. Parang unti-unting nabasag ang puso niya, at hindi na niya kayang ituloy ang mga salita. Walang ni isang salita ang nais na lumabas sa kanyang bibig. Nakita niyang halos hindi na makapaghintay si Zyrus na puntahan si Hailey. Unti-unting namatay ang liwanag sa mga mata ni Lexie, at nanginig ang mahahaba niyang pilik-mata. Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas, at sa wakas, tumunog na rin ang elevator, hudyat na magbubukas na ito. Mabilis na pumasok si Zyrus, at walang salitang iniwan si Lexie sa kinatatayuan. Bago tuluyang magsara ang elevator doors, isang malinaw at matapang na boses ang narinig na umalingawngaw sa tahimik na hallway na iyon. “You fucking jerk.” Nanlaki ang mata ni Zyrus sa gulat sa narinig mula kay Lexie. Hindi pa nga namalayan ng lalaki na kusang pumindot ang kaniyang mga daliri sa open button para hindi tuluyang magsara ang pinto, marinig lang na hindi siya niloloko ng tenga niya. “W-What did you say, Lexie?” Hindi makapaniwalang tanong ni Zyrus. “You are one fucking jerk, Zyrus. You think you have the shots to call this thing off? No! You listen to me intently, boy…” A smirk plastered across Lexie’s lips before finally speaking. “I am calling off our wedding, Zyrus Martinez.”“Hindi para makasama ang mga matatandang 'yon.” saglit itong huminto.“Matagal na panahon ang lumipas pero pare-pareho ang kanilang mga sinasabi, sawang-sawa na ako." mahinang bulong nito na may pait sa boses.Nanatiling kalmado ang madidilim na mga mata ni Kaizer habang tahimik itong nakatitig sa kaniya. "It's a family obligation, Kyline. Don't make me repeat myself."Lalo pang ibinaba ni Kyline ang kaniyang ulo sa ilalim ng tingin nito, at pilit na sinabi, "Sige na nga, babalik na sa lumang mansyon!"Sumulyap siya sa bintana ng kotse gamit ang gilid ng kaniyang mga mata, bagamat may privacy screen, nararamdam niyang may tao sa loob kaya naman kumaway siya rito. Nakita ni Lexie ang kaniyang pagkaway, at dahil hindi na siya pwedeng magtago sa loob, itinulak niya ang pinto at bumaba. "Miss Kyline...""Huwag mo akong tawaging Miss Kyline, tawagin mo na lang akong Kyline," Masigla at malambing na sabi ni Kyline. "Ate Lex..."Bahagyang namula ang mukha ni Lexie nang tawagin siyang "ate."
Habang bumababa ito sa stage, ang kaniyang tingin ay muling tumitig kay Lexie.Tumingala naman si Lexie, at sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, sabay silang napangiti nang may pagkakaintindihan. Kinuha niya ang kaniyang iPad at tumayo upang magpaalam kay Camille.Nakalubog pa rin si Camille sa pighati ng pagkawala ng 500,000 thousand habang kumakaway para magpaalam sa asawa ng kaniyang boss.Ipinarke naman ni Ivan ang kotse sa tapat ng pintuan ng hotel at naghintay doon. Si Lexie na nakabalot sa kaniyang amerikana ay maliliit ang hakbang na sumakay sa loob.Hindi niya alam na pagkaalis na pagkaalis niya sa party ay muli siyang nabunot para sa isa pang bagong iPad sa lucky draw.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Kaizer mula sa hotel, nakasuot ng itim na overcoat sa ibabaw ng kaniyang amerikana. Ang sakto nitong lapat sa kaniyang katawan ay lalo pang nagpatingkad sa kaniyang kakisigan.Pagkaupo na pagkaupo ni Kaizer sa loob ng kotse, nakita niya ang nagniningning na mga mat
Tinatamad na si Lexie magtago kaya hinayaan na lamang niya ito at ipinagpatuloy ang pagkain.Pinagmamasdan ni Kaizer ang nag-aaway na magkapatid habang kumukunot ang kaniyang mga kilay, lalo na matapos ang isip batang pang-aasar ni Kier Vy.Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting inis sa kaniyang dibdib. Bahagyang gumalaw ang kaniyang mga labi bago muling lumingon para panoorin ang walang kakuwenta-kuwentang pagtatanghal sa stage.Pumasok sa kaniyang isip ang awitin at sayaw na ginawa ni Lexie noong kaarawan niya, at isang bahagyang init ang unti-unting bumalik sa kaniyang malamig na mukha.Ang pinaka-inaabangang bahagi ng taunang pagtitipon ay ang huling lucky draw. Buong gabi itong inaasahan ng lahat, umaasang mananalo ng malaking premyo para maging kumpleto ang pagtatapos ng taon.Nawala na ang sakit ng tiyan ni Camille. Pagkabalik niya ay pinagdikit niya ang kaniyang mga kamay at patuloy na bumubulong, "100,000 thousand cash, 100,000 thousand cash, 100,000 thousand cash!"Inu
Kaakit-akit ang kaniyang malalim na boses, at ang kaniyang guwapong mukha ay kusa namang nagdulot ng hiyawan ng pananabik mula sa mga babaeng empleyado na naroon.Inayos ni Kaizer ang kaniyang tindig at inilibot ang kaniyang matatalim na mata sa buong silid. "Good evening, everyone. Tonight is a celebration of your dedication and hard work throughout the year. The Zapanta Group continuously leads the market because of professionals like you. Enjoy the night, you all deserve it." at bahagyang ngumiti si Kaizer.Nakaramdam ng labis na katuwaan at pagmamalaki si Lexie noong una, ngunit pagkatapos nitong ngumiti mas lalong nagkagulo ang mga kababaihan. Kaya hindi napigilan ni Lexie na makaramdam ng kaunting selos.*May kaunting problema rin pala kapag napakaguwapo ng boyfriend mo… napakaraming karibal : ).Nang makita ni Camille na nakatayo sa kaniyang tabi ang tila hindi masayang ekspresyon ng dalaga, agad niya itong inaliw, "Napakaguwapo at napakayaman ni Sir Kaizer, walang babae ang hi
“Ang gusto ko lang ay manalo ng isang brand new iPad para sa artwork ko.”“Brand new iPad? Hindi ba kayang bilhin ni Sir Kaizer yun para sa'yo?” Hindi napigilan ni Camille ang magreklamo sa kaniyang isip ngunit hindi niya napansin na nasabi rin niya ito ng pabulong. “Mukha namang kagalang-galang si Sir Kaizer, pero bakit napakakuripot niya pagdating sakanyang asawa?” dagdag pa nito.DAhil hindi naman pwedeng sabihin ni Lexie na fake marriage lang sila ni Kaizer at babago palang nagsisimula ang totoo. Kaya naman tapat siyang sumagot, "Iba pa rin kasi ang saya kapag sarili mong suwerte ang nagpanalo sa'yo sa isang raffle, kaysa sa bigay lang ng iba, hindi ba?"Sumang-ayon si Camille, ngunit sa loob-loob niya ay labis siyang naiinis.*Napakakuripot talaga ni Sir Kaizer! Napakacute at napakaganda ni Mrs. Zapanta, kahit pa hilingin niya ang buwan ay hindi 'yon labis! Pero kahit isang simpleng iPad ay hindi man lang niya maibili. Kapag nanalo ako ng 100,000 thousand, ibibili ko agad si boy
Ang nagpapatakang maliliit na yelo kagabi ay huminto rin pala agad pagkatapos nilang mag-usap at tuluyang natunaw bago pa man mag-umaga dahil sa pagbabago ng temperatura.Nakatayo si Lexie sa harap ng malalaking bintana sa sala na walang maisagot sa kaniyang sarili. Ang lahat ng kaniyang pananabik at plano kagabi na maglinis ay nauwi lang sa wala ngayon dahil sa panahon.Nang hapon ding iyon, dumating si Manong Ben sa Zapanta's Mansyon kasama ang ilang tao mula sa isang sikat na boutique shop, bitbit ang ilang malalaking kahon ng mga mamahaling damit, sapatos, at mga gamit sa pampaganda para sa okasyon.Tiningnan ni Lexie ang mga damit na nakasabit sa may sala, bahagyang umubo dahil sa gulat, at tinanong ang lalaking kasalukuyang tahimik na umiinom ng kape sa kaniyang tapat, "Hindi ba't parang napakarami naman nitong dinala nila?"*Ang ganitong klaseng eksena ay sa mga nobela at teleserye lang karaniwang nangyayari para sa isang party?Tiningnan siya ni Kaizer gamit ang kaniyang kalma
Hindi maipinta ang mukha ni Zyrus matapos marinig ang huling sinabi ni Lexie. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay may napagtanto rin. Na sinusubukan lang siya ni Lexie pigilan sa pag alis niya. Ilang beses nang pinipindot ni Zyrus ang open button, hanggang sa manginig na ang katawan niya sa pagta
Naguguluhan pa rin sina Mr. at Mrs. Delos Reyes sa kalagitnaan ng abala nilang pag-aayos. Akala nila ay pauwi na ang mga kamag-anak ng pamilya Martinez dahil sa kung anong bulong-bulungan. Hanggang sa biglang nanahimik at napatingin silang lahat sa isang tagpo na nagpahinto sa oras. Tumayo pa mis
Sa rumehistrong pagkagulat kay Lexie, hindi siya agad nakakilos kaya’t mula sa postura ng pagkakasalo ay ang lalaki na ang umahon sa katawan niya para makatayo. Nang maramdaman ni Lexie ang pagtayo nito, saka lamang siya natauhan. Bahagya siyang lumingon upang makita kung sino ang nagligtas sa k
Nataranta si Lexie at hindi malaman ang reaksyon. Agad niyang sinubukang hawakan ang mga braso ni Mrs. Martinez gamit ang dalawang kamay. Pero nang makita ni Mrs. Martinez na malapit nang matumba si Lexie at sinusubukang abutin siya, imbes na tulungan ang babae ay lalo pang umatras ang ginang ng is







