MasukNataranta si Lexie at hindi malaman ang reaksyon. Agad niyang sinubukang hawakan ang mga braso ni Mrs. Martinez gamit ang dalawang kamay. Pero nang makita ni Mrs. Martinez na malapit nang matumba si Lexie at sinusubukang abutin siya, imbes na tulungan ang babae ay lalo pang umatras ang ginang ng isang hakbang. She looked at her with pity at the impending fall.
Hindi na dapat nagulat si Lexie sa naging reaksiyon ng ginang, ngunit hindi pa rin nawala sa kaniya ang pag-alpas ng gulat at sakit. Ipinikit na lamang ni Lexie ang kaniyang mata, nag-aantay na lang sa sakit ng pagbagsak. Ngunit ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari, bagkus, isang mainit at matibay na kamay ang umaalalay sa kaniyang likod para hindi tuluyang bumugsak. Ang malakas rin na pwersang iyon ang tumulong sa kaniya para makatayo ng maayos sa takong niyang mataas. Agad na nagmulat ng mata si Lexie dahil sa gulat. Nilingon niya ang tumulong sa kaniya at kalaunan ay umawang ang kaniyang labi nang mapagsino kung sino ang dumating. Anong ginagawa nito dito? Dapat ay nasa loob na ito ng hall?! “What the fuck is happening here! Anong karapatan niyong saktan ang kapatid ko?!” galit na galit na sambit ng baritonong boses ng kaniyang kuya. Napasinghap si Lexie sa nakikitang galit sa mukha ni Kier Vy Delos Reyes, ang nakakatandang kapatid niya. Pinapagmasdan ni Lexi ngayon kung paanong pulang-pula ang mga mata ng lalaki sa galit nito sa kaharap. Sa isang iglap, ang lahat ng sakit, panghihinayang, at kahihiyan ay sabay-sabay na sumabog sa dibdib niya. Hindi na alam ni Lexie ang gagawin. Hindi pa naiisip ni Lexie kung paanong ipagtatapat sa kaniyang pamilya ang kasal na hindi matutuloy, ngunit ngayong nandito na ang kuya niya… it’s happening quickly than expected. Tiningnan ni Mrs. Martinez ng masama ang lalaking naka kulay abo na suit, na buong katawan na itinatago si Lexie mula sa kanila. Ang mukha nito ay namumula, ang ugat ay naglalabasan na rin habang may mabibigat na hiningang nakikipag sukat tingin. “It’s just a small push, Mr. Martinez. Don’t be too dramatic over nothing. Kasalanan na ng kapatid mo kung lampa siya at hindi makatayo ng maayos. Pero, teka nga! At ikaw? Sino ka para bastusin ako at pagtaasan ng boses ng ganiyan? Ganiyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo? Mga walang modo!” Biglang sumingit naman si Zamia, “Tama! it's her fault, nadapa siya kasi hindi siya marunong magsuot ng heels! Trying hard lang kasi! Anong kinalaman doon ni Mommy?” Sa narinig, maigting na pagpipigil ng galit ang ginawa ni Kier Vy. Pilit pinapaalahanan ang sarili na mga babae pa rin ang kaharap niya, ang isa ay matanda pa. Ngunit hindi naman siya makatitiis na pagsasalitaan ng masama ang magulang kaya’t sumagot na lang para ipagtanggol ang sarili. “Hindi niyo na kailangang pakialaman ang pagpapalaki sa akin! Narinig ko ang lahat ng pang-aalipusta niyo sa kapatid ko! Anong sabi niyo? Swerte si Lexie sa anak mo dahil papakasalan niya ng lalaking walang bayag na iyon? Who had the guts to tell you that your son is all that mighty? Ang kapal naman po ng mukha niyong lahat! Akala niyo ba na madali lang apihin ang pamilya namin?!” Hindi nila alam narinig ni Kier Vy ang buong pag-uusap nila kanina. Ngayon, halos sumabog na sa galit ang dibdib ng lalaki. “And you, Zamia! You think you are a big shot because you belong to the high society? Mind you, hindi ka nababagay doon kung hindi ka lang mayaman! Paano mababagay doon ang may hita na parang elepante, baywang mong parang palanggana, at mukha mong busog na busog?! Ni hindi mo mapapantayan si Lexie kahit sa isang hibla lang ng buhok niya! Naiinggit ka lang sa kanya kaya parang lata ‘yang utak mo! Ang latang walang laman, maingay!” Namula ang mata ni Zamia habang nakaturo sa ilong niya si Kier Vy. Napaiyak siya at agad na kumapit sa braso ng kanyang ina para doon humingi ng tulong. "Mommy! Did you hear that? What he said was so painful!” sumbong ni Zamia sa kaniyang ina na ngayon ay may nanlalaking mata dahil sa narinig na panglalait sa kanila. How dare he?! Sa bawat litanya ni Kier Vy, tila sumasabog ang dugo ni Mrs. Martinez. Tatlong beses niyang sinubukang magsalita ng ‘You!’ pero wala siyang maisatinig na salita sa sobrang gulat. Ngayon lang may naglakas ng loob na pagsalitaan sila ng ganito! “And Mrs. Martinez…” matalim ang tingin na baling sa kaniya ni Kier Vy, mahina man ang boses nito ngunit ramdam namn ang galit sa tono nito. “Sabihin niyo po sa paborito niyong anak, huwag na huwag na siyang magpapakita sa harap ko! Kapag nakita ko siya ulit, o makita kong lumapit siya sa kapatid ko, makikita niya ang hinahanap siya! Bubugbugin ko siya hanggang hanggang hindi na siya makilala ng nanay niya…” makahulugang ngisi ni Kier Vy kay Mrs. Martinez. Si Kier Vy ay kilalang babaero sa buong Santa Cruz, Laguna. Mahilig makipag karera, makipag basag ulo, at hindi marunong sa negosyo kaya walang trabaho. Kaya naman agad na kinilabutan si Mrs. Martinez sa narinig na mga banta, hindi niya kailanman pagdududahan na kayang gawin ito ng binatang Delos Reyes! Wala nang masabi dahil sa takot na mapahamak ang anak na lalaki dahil sa tabil ng kaniyang bibig, naiirita si Mrs. Martinez na tumalikod at sinubukang iwan ang magkapatid na Delos Reyes. Ngunit hindi tuluyang umalis ang ginang ng walang huling pasaring. “Your family is really full of trash! Mga walang modo, at hindi marunong mga rumispeto! Para sabihin ko sa’yo hijo, wala nang ibang lalaki ang mangangahas na patulan ‘yang kapatid mo kung hindi ang Zyrus ko!” Pagkatapos noon, hinila niya ang kamay ni Zamia at mabilis na naglakad palayo sa takot sa mga banta ni Kier. “Fuck that bastard’s family!” Pag-aalburoto ni Kier nang sa wakas ay hindi na nila makita ni Lexie ni anino ng mag-ina. Agad na busangot ang mukhang iniharap ni Kier sa kaniyang kapatid na babae. “Kuya…” Mahinang tawag ni Lexie habang yakap ang braso niya. Sa boses nito, naroon pa rin ang kalmadong tono, pero may halong desperasyon na hindi maitago. Kung sakaling nakipagbasag-ulo si Kuya ngayon, baka siya pa ang palabasing masama. Mas lalong masisira ang imahe niya, tunay na babaero at bayolente. “Tama na… Hayaan na natin sila. Samahan mo na lang akong sabihin sa kanila na hindi na… tuloy ang k-kasal. Be with me, Kuya. Hindi ko ‘to kaya mag-isa. Please…” Sa narinig, agad lumambot ang matigas na ekspresyon ni Kier nang lingunin ang kapatid. He really has a special soft spot for her sister. Sa tanang buhay nila ay ito pa lang ang may kakayanang paamuin ang isang Kier Vy Delos Reyes. Sa totoo lang, ang lahat naman talaga ng gulo at kabalastugan na pinasok ni Kier sa mga nagdaang taon ay dahil lang din kay Lexie. Katotohang may ikinukubling sikreto… at hindi na kailangang malaman pa ni Lexie iyon. Napamura si Kier Vy nang mahina, at nang tingnan niya ang kapatid, huminga siya ng malalim para muling pakalmahin ang sarili. “Huwag ka ng malungkot mahal kong kapatid… I won’t let you go through that alone,” ani ni Kier at ibinuka ang mga bisig para alukin ng isang yakap ang kapatid. Mabilis namang sumunod si Lexie, kaya sa loob ng ilang segundo, nakapaloob na siya sa mainit na yakap ng kaniyang kuya. “‘Wag mo nang isipin ang gagong Zyrus na iyon. Hindi siya ang karapat-dapat na lalaki sa’yo. Kung hindi nga lang dahil kay Lola, hindi ko hahayaang mapunta ka sa lalaking ‘yon! Mabuti na lang at hindi talaga natuloy ang kasal,” mahabang litanya ni Kier sa kaniyang kapatid. Marahan niyang hinahaplos ang ulo ni Lexie para kumalma ang kapatid. Ramdam niya pa kasi ang kaunting panginginig sa babae. “Ako na ang bahala, Lex, hahanapan kita ng mas magaling, mas mabait, at mas gwapong lalaki!” masayang deklara ni Kier. Ngunit sa kabila ng mga sinasabi ni Kier, tila lumalampas lang ang lahat ng iyon sa kaniyang tenga. Okupado pa rin kasi ang isipan ni Lexie kung paanong iniwan siya ni Zyrus sa mismong araw ng kasal nila para lang sa ibang babae. Bahagyang kinagat ni Lexie ang kanyang labi. Patuloy na naglalaro ang eksena kanina bago sumarado ang elevator doors. Si Zyrus na nagmamadaling umalis, walang pakialam sa kaniya… at mas lalong walang pagtingin kay Lexie. Kung sasabihin ni Lexie ngayon na hindi siya nasasaktan, purong kasinungalingan lang iyon. Dahil si Zyrus… Si Zyrus ang nagbigay kulay sa mundo niya. At… si Zyrus lang ang tanging laman ng puso niya. “Ayos lang ako… pero si Lola…” mahinang bulong ni Lexie sa dibdib ng kaniyang nakakatandang kapatid. Anim na buwan na ang nakalipas nang ipagtapat sa kanila ng doktor na may taning na ang buhay ng kanilang Lola Felisa. May late stage terminal cancer ito, at pinaniniwalaang may isang taon na lang na ilalagi sa mundo. Matapos marinig ang kagimbal gimbal na balitang iyon, walang inaksayang panahon ang mga magulang niya para humingi ng tulong mula sa pamilya Martinez. Ang tanging huling na lang daw kasi ng matanda ay ang makita si Lexie, ang kaniyang paboritong apo, na ikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Sa paraang iyon, maaarii na daw pumanaw ang matanda. Sa kadahilanan ding iyon, mas pinaaga pa ang kasal nila ni Zyrus. At matapos nga ang ilang buwan na preparasyon ay dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ngunit… kung malalaman ito ng Lola Felisa ni Lexie, hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa matanda. Matapang lang si Lexie na sabihin kay Zyrus na siya ang bumubuwag sa kasal nila dahil sa galit, ngunit ngayong unti unti na niyang napapagtanto ang bigat ng pangyayari, hindi na alam ni Lexie kung ano ang kaniyang gagawin. Natatakot siyang mas makasama sa matanda ang kaalamang wala nang kasal ang magaganap. Nang maalala ni Kier ang kondisyon ng kanilang Lola, pareho na sila ni Lexie ngayon na bumagsak sa lungkot at takot. Pero ilang minuto lang, biglang kumalas si Kier sa yakapan nila ni Lexie. Mabilis niyang tinunghayan ang kapatid at inihayag ang naiisip na solusyon. “Huwag kang mag-alala, Lex. May naisip na akong idea.“ Bakas sa mukha ni Kier ang saya kaya’t tila nabuhayan na rin ng loob si Lexie. Kier confidently smiled and stared at her before finally speaking his brilliant idea. “Just wait for me here, Lex. Maghahanap lang ako. Maghahanap ako ng lalaking pinaka the best para maging asawa mo! Ang galing ko talaga!” At bago pa man makapagsalita si Lexie, lumakad na si Kier sa nakabukas na elevator at dire-diretsong pumasok doon. “Kuya... Wait! Saan ka pupunta? Kuya!” Ilang ulit pang tawag ni Lexie, pero hindi na lumingon ang lalaki. Bago pa tuluyang magbukas ang pintuan, nakita pa ni Lexi na nginitian siya ni Kier bago inilagay nito ang cellphone sa tainga. Walang ideya si Lexie kung paano nito gagawin ang binabalak nito. O magagawa nga ba ng kuya niya? A last minute groom? That’s just so impossible! Ilang minuto pang nakatulala at nakatayo si Lexie doon, hanggang sa mag sink in na talaga sa kaniya na hindi na tuloy ang kasal. At kailangan niyang harapin ang magulang, iba pang kamag-anak, at… ang kaniyang Lola Felisa para sabihin ang masamang balita. Sinikop na ni Lexie ang kaniyang mahabang mermaid gown, at nasa akmang iikot para tunguhin ang malaking double doors nang makaramdam siya ng kirot sa bukong-bukong. Marahil iyon ay mula sa muntik na niyang pagkatumba kanina. Pero pinilit pa rin ni Lexie ang sariling humakbang, na nagresulta ng kaniyang pag-ungol sa rumehistrong sakit. Lexie didn’t realize that the excruciating pain would make her fall again, ngunit hindi na niya iyon mapipigilan. Inaasaan na niya ang masakit na pagbagsak. Gaya kanina, mariing pagpikit na lang ang nagawa ni Lexie at pagdama sa sarili kung saan siya lubusang masasakatan. Ngunit gaya rin kanina, walang sakit ang dumating, bagkus isang mainit na tila bakal ang pumulupot sa kaniyang bewang, not letting her fall painfully. Agad na naisip ni Lexie na ang kuya niya ito. Ngunit paano gayong nakita niyang bumaba na ang lift sa ground floor? Flooded with her questions with the sudden appearance of her brother, saka lang niya binuksan ang mata para masagot ang kaniyang sariling tanong. But the brother that Lexie was expecting to see didn’t show up before her. Instead, a pair of beautiful black orbs is staring directly at her now. And this is definitely not her brother!“Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki. “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista
Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita. Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito. ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito. Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya. Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas. Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di
“Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw. Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag
Evil smile of Malia…. Hinaplos niya ang balikat ni Lexie. “Hey, don’t do that sad face. Hindi bagay sa’yo, mukha kang inagawan ng lollipop nyan bes. Ang daming lalaki sa mundo. Kung hindi nag-work ang isa, lipat sa iba ganun! Hindi ka kawalan, no. Sorry sila dahil sila ang nawalan! Kung ako lalaki, ako na magpapa-in love sa’yo at hinding hindi na kita papakawalan pa.” mahabang payo ni Malia. Napatawa si Lexie, kahit papaano. “Hindi naman ako malungkot. Maybe… hmmm, maybe hindi lang talaga kami para sa isa’t isa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Ang mahalaga masaya siya sa piling ni Hailey, masaya ako para sa kanila.” aniya sa mababang tono at may pilit na ngiti sa mukhang upang hindi makahalata ni Malia na nagpapanggap lang siya. Ngunit ang hindi alam ni Lexie, na mukhang kumbinsi si Malia pero sa katunay ito ay hindi naniniwala sa lahat ng sinabi niya. Alam nito kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan at halata naman sa mukha ni Lexie na may pinagtatakpan ito.
Bubuksan na sana niya ang bibig para ipaliwanag pero…Bigla na lang nagsalita si Kaizer. “Okay.” ani nito. Napatigil silang pareho.“Mr. Zapanta???”, hindi makapaniwalang sabi ni Manong Ben at halos mapatigil sa gulat.“…” si Lexie naman ay walang masabi at napalunok na lamang. Sa isip niya, ay…naku! Nagpakabait lang ako, hindi ko inasahang papayag talaga siya! Buti na lang, may natira pa siyang noodles. Walang choice si Lexie kung hindi kumuha ng isa pang mangkok at lagyan ito ng mainit na sabaw ng noodles. Pagbalik niya, wala na si Manong Ben. Si Kaizer na lang ang naroon. “Ito na po ang noodles, sana magustuhan niyo. Hindi na po ito masyadong mainit kaya mas masarap na pong higopin ang sabaw nito. ” aniya.Wala na namang naging tugon si Kaizer. Kaya't hudyat na ito upang magsimula na silang kumain. Kasabay nito ang pag-alis ni Manong Ben sa kusina, sapagkat wala siyang karapat upang tumutol pa. Amoy pa lang ni Kaizer sa noodles, alam na niyang masarap iyon. Pero nang ma
“A sibling is responsible for their sibling’s actions.” ani nito, na parang may pahiwatig. Kitatakotan man siya ng lahat, pero hindi siya kailanman mananakit ng isang babae. Lalo na hindi si Lexie. Maliwanag iyon sa kanya. Pero si Kier Vy… kahit kaibigan niya ito ibang usapan na iyon. Si Manong Ben ay tahimik lang. Hindi na kumontra. Samantala, sa kabilang siyudad na kinaroroon ngayon ni Kier Vy, halos hindi ito makatulog. Pagkatapos siyang pagalitan ng mga magulang niya dahil sa mga nangyari, dumiretso siya sa kwarto at nahiga, pagod na pagod, ngunit sa hindi malamang dahilan bigla siyang hindi mapakali. Pagkapikit niya, agad siyang dinalaw ng bangungot. Nandoon si Kaizer may ngisi sa mukha na tila may balak gawin sa kanya. Tinapon siya nito sa lupa na parang isang laruan. “You fooled your sister, so you’ll be the one to pay for it,” malamig na sabi ni Kaizer sa panaginip niya. “From now on, if I say east, you can't go west; if I tell you to beat a chick







