LOGIN“You don’t have to thank me.”
Isang simpleng sagot, ngunit parang nag-iba ang hangin. Nawala ang Mr. Romantic Pretend Fiancé na nakita kanina ng lahat. Bumalik ang totoong Kaizer, ang lalaking hindi mo mabasa, malamig pa sa yelo kong tumingin at walang sinong gustong lumapit. Ngunit sa ilalim ng lamig na iyon, may kakaibang init na nakatago. Parang may mga salitang gustong kumawala, pero pinipigilan. “Alam ko,” sagot ni Lexie na pilit ang ngiti. “Ginawa mo lang naman ‘yon kasi napag-usapan natin. Pero gusto ko pa rin magpasalamat. Kung hindi dahil sa inyo, baka tuluyan na akong pinilit ni Lola sa kasunduan.” Habang nagsasalita si Lexie, tahimik lang si Kaizer, nakasandal sa sofa at ang isang braso ay nakapatong sa sandalan na tila isang taong makapangyarihan. “Yeah,” aniya sa mababang tinig. “You owe me one. But don’t overthink it.” Napayuko si Lexie. Ang bawat sagot ng lalaki ay parang pader na hindi niya matibag. Pero sa kanyang isipan kailangan niyang magpatuloy. Dahil may gusto pa siyang hilingin mula dito. “Mr. Zapanta,” aniya, halos hindi maalis ang kaba sa kanyang tinig, “tutuparin ko ang usapan natin tungkol sa kapatid n’yo. Pero… may isa pa sana akong hihilingin.” Bahagyang kumurap si Kaizer. Ang mga mata niyang itim ay tila tumatagos nasa kaluluwa ni Lexie. “What is it?” malamig na tanong niya. Napakagat-labi si Lexie. Ilang segundo siyang nag-ipon ng lakas bago magsalita muli. “Pwede po ba akong… lumipat sa bahay n’yo?” Nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Kaizer sa pagkagulat. Naging tahimik muli ang buong paligid. Tanging tik-tak ng orasan ang lamang ang maririnig. Ngunit bago pa siya makasagot, agad na nagsalita muli si Lexie, na halos nanginginig at hindi masabi ng direto ang nais sabihin. “I mean….. puwede n’yo akong ituring na nagrerent sa guest room n’yo! Kaya kong magbayad ng renta, promise!”, sabay taas ng kamay niya na simbolo ng nangangako. Pagkasabi noon, napakagat-labi si Lexie sa sobrang hiya. Saka lang nag-sink in sa kanya ang mga salitang sinabi niya kay Kaizer. Ano ba ‘yan, Lexie?! Renta? Sa CEO ng Zapanta Group? Dahil dito gusto niyang magpakain sa sahig ngayon at hindi na muli magpakitang kay Kaizer. “Ah, huwag na lang po…” dagdag niya agad habang nakayuko, halos gusto niyang bawiin ang lahat. “Ako na ang bahala tungkol dito. Sorry po, nakakahiya. Pero salamat pa rin.” Tahimik lang si Kaizer. Walang reaksyon. Nakaupo siya ng tuwid, matikas at composed. Ang mga daliri niya ay bahagyang nakapatong sa hita. Tinitigan niya si Lexie pero hindi galit at hindi rin malamig. Normal na reaksyon na para bang nag-iisip kung bakit niya ito gustong tulungan. Ilang segundo ang lumipas nagsalita nasi Kaizer, “Why do you want to move into my house?” tanong nito sa mababang tono, na may halong pagtataka parin sa gusto ng kanyang isip. Napatingin si Lexie at bahagyang nagulat, “Ah… kasi…” Nabitin ang kanyang mga salita. Paano ko ba ipapaliwanag ‘to? aniya sakanyang isip. “Wala na po kasi akong mapupuntahan,” mahina niyang sabi. “Ayokong bumalik sa bahay. Ayokong makita si Zyrus o si Mrs. Martinez. Mas mabuti na pong… makalayo muna ako.” Tinitigan siya ni Kaizer sa mata ng tahimik na para bang inaalam nito kung nagsasabi siya ng totoo.. Maya-maya, bahagya tinapik ni Kaizer ang tuhod ni Lexie gamit ang mga daliri. Nagdulot ito ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ni Lexie. Isang maliit na galaw, pero parang sumabog ang init sa pagitan nila. Nagulat si Lexie. Hindi niya alam kung sinadya ba ito o hindi. Ngunit nang magtama muli ang kanilang mga mata, hindi siya makagalaw. Ang mga mata ni Kaizer ay may lalim na parang dagat, malamig sa ibabaw, pero may apoy sa ilalim. Hindi na kinaya ni Lexie ang paninitig ng lalaki kaya siya na mismo ang umiwas dito. Nagsalita naman ulit si Kaizer, “Fine,” mahinahon ngunit matigas ang tono nito. “But you’ll stay in the guest room… and don’t expect anything else.” Napakurap si Lexie at bahagyang nanglaki ang kanyang mga mata. “Ha? Ibig sabihin… papayag na po kayo?”, tanong niyang muli at hindi parin makapaniwala. Bahagya naman na tumaas ang sulok ng labi ni Kaizer, ngunit halos hindi naman ito mapansin. “Do I even have a choice?” aniya, malamig ngunit may bahagyang pag-aalala sa tinig. “Just make sure you’re not annoying. And don’t make noise.” Ngumiti si Lexie ng bahagya ngunit totoo. “Promise. Tahimik po ako… most of the time,” biro niya, sabay mahina ang tawa at muntik ng mahampas si Kaizer dahil sa tuwa. Bahagya namang natawa si Kaizer, isang mahinang “hmp” lang, pero para kay Lexie, iyon na ang unang beses na nakita niyang ngumiti ito nang totoo. Pagkaraan ng ilang segundo na katahimikan, nagtagpo ulit ang kanilang mga mata. At sa sandaling iyon, pareho silang may nararamdaman na hindi nila maipaliwanag, isang koneksyon, isang pag-unawa na hindi kailangan ng salita. Si Lexie, bagama’t kabado, ay nakaramdam din ng kakaibang kapanatagan sa presensya ni Kaizer. Samantalang si Kaizer, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay ayaw na niyang alisin ang tingin sa dalaga. Ang mga ilaw sa sala ay maliwanag, mainit, at ang hangin ay tila huminto sa pagitan nilang dalawa. Sa isip ni Kaizer, may isang tanong na paulit-ulit at hindi maalis, Why did I say yes? Hindi niya alam. Pero alam niyang mula sa sandaling iyon, may mababago. At hindi na niya sigurado kung gusto ba niyang pigilan iyon.“Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki. “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista
Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita. Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito. ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito. Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya. Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas. Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di
“Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw. Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag
Evil smile of Malia…. Hinaplos niya ang balikat ni Lexie. “Hey, don’t do that sad face. Hindi bagay sa’yo, mukha kang inagawan ng lollipop nyan bes. Ang daming lalaki sa mundo. Kung hindi nag-work ang isa, lipat sa iba ganun! Hindi ka kawalan, no. Sorry sila dahil sila ang nawalan! Kung ako lalaki, ako na magpapa-in love sa’yo at hinding hindi na kita papakawalan pa.” mahabang payo ni Malia. Napatawa si Lexie, kahit papaano. “Hindi naman ako malungkot. Maybe… hmmm, maybe hindi lang talaga kami para sa isa’t isa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Ang mahalaga masaya siya sa piling ni Hailey, masaya ako para sa kanila.” aniya sa mababang tono at may pilit na ngiti sa mukhang upang hindi makahalata ni Malia na nagpapanggap lang siya. Ngunit ang hindi alam ni Lexie, na mukhang kumbinsi si Malia pero sa katunay ito ay hindi naniniwala sa lahat ng sinabi niya. Alam nito kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan at halata naman sa mukha ni Lexie na may pinagtatakpan ito.
Bubuksan na sana niya ang bibig para ipaliwanag pero…Bigla na lang nagsalita si Kaizer. “Okay.” ani nito. Napatigil silang pareho.“Mr. Zapanta???”, hindi makapaniwalang sabi ni Manong Ben at halos mapatigil sa gulat.“…” si Lexie naman ay walang masabi at napalunok na lamang. Sa isip niya, ay…naku! Nagpakabait lang ako, hindi ko inasahang papayag talaga siya! Buti na lang, may natira pa siyang noodles. Walang choice si Lexie kung hindi kumuha ng isa pang mangkok at lagyan ito ng mainit na sabaw ng noodles. Pagbalik niya, wala na si Manong Ben. Si Kaizer na lang ang naroon. “Ito na po ang noodles, sana magustuhan niyo. Hindi na po ito masyadong mainit kaya mas masarap na pong higopin ang sabaw nito. ” aniya.Wala na namang naging tugon si Kaizer. Kaya't hudyat na ito upang magsimula na silang kumain. Kasabay nito ang pag-alis ni Manong Ben sa kusina, sapagkat wala siyang karapat upang tumutol pa. Amoy pa lang ni Kaizer sa noodles, alam na niyang masarap iyon. Pero nang ma
“A sibling is responsible for their sibling’s actions.” ani nito, na parang may pahiwatig. Kitatakotan man siya ng lahat, pero hindi siya kailanman mananakit ng isang babae. Lalo na hindi si Lexie. Maliwanag iyon sa kanya. Pero si Kier Vy… kahit kaibigan niya ito ibang usapan na iyon. Si Manong Ben ay tahimik lang. Hindi na kumontra. Samantala, sa kabilang siyudad na kinaroroon ngayon ni Kier Vy, halos hindi ito makatulog. Pagkatapos siyang pagalitan ng mga magulang niya dahil sa mga nangyari, dumiretso siya sa kwarto at nahiga, pagod na pagod, ngunit sa hindi malamang dahilan bigla siyang hindi mapakali. Pagkapikit niya, agad siyang dinalaw ng bangungot. Nandoon si Kaizer may ngisi sa mukha na tila may balak gawin sa kanya. Tinapon siya nito sa lupa na parang isang laruan. “You fooled your sister, so you’ll be the one to pay for it,” malamig na sabi ni Kaizer sa panaginip niya. “From now on, if I say east, you can't go west; if I tell you to beat a chick







