Share

Kabanata 6

Author: fyriee.mxn
last update Last Updated: 2025-11-10 00:51:12

  Tahimik. Ramdam ni Lexie ang bigat ng katahimikan sa loob ng sala. Ang mga mata ni Kaizer ay parang dilim ng gabi malamig at hindi mabasa. Hindi agad siya sumagot. Sa halip, tinitigan lang niya si Lexie, matalim ngunit hindi galit. Para bang sinusukat kung gaano katatag ang loob ng babae sa harap niya.

  Napalunok si Lexie. Ang tibok ng kanyang puso ay parang tambol sa dibdib mabilis, walang pahinga. Halos hindi siya makahinga sa kaba. Hindi niya alam kung bakit ganon kalakas ang epekto ng titig ng lalaking ito. Parang kaya nitong buwagin ang buong depensa niya gamit lang ang isang sulyap.

  “Mr. Zapanta…” mahina niyang sabi, halos pabulong, habang umaasang marinig kahit anong salita mula rito.

  Tahimik lang si Kaizer. Bahagyang gumalaw ang kanyang panga bago siya dahan-dahang tumango. Pagkaraan ng ilang segundo ng tensyon, nagsalita siya sa mababang tinig, malalim, kalmado, ngunit mabigat.

  “Hmm.”

  Isang maliit na tunog lang iyon, pero sapat para humingang muli si Lexie. Pagkaraan ng ilang sandali, ibinaling ni Kaizer ang tingin sa pamilya ni Lexie. Ang matalim niyang ekspresyon ay unti-unting lumambot, isang ekspresyon na bihira niyang gawin at ipakita sa iba.

  “I want to marry her.” muli niyang sambit. Ang bawat salita ay malinaw, diretso, at walang alinlangan.

  Parang nabingi ang buong paligid. Napako ang lahat sa kanya. Si Leanna, ang ina ni Lexie, ay napakurap. Si Lola Felisa ay bahagyang napasinghap. At si Lexie naman ay napanganga at nanlaki ang mata, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

  P-pakasalan?

  Ang puso niya ay parang biglang sumabog sa dibdib. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o kabahan. Hindi niya rin alam kung paano titigan ang lalaki na nasa kanyang harapan.

  Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kung anong hindi maipaliwanag na init ang dumaloy sa pagitan nila.

  Ang mga mata ni Kaizer ay tila may tinatagong lihim, hindi malinaw kung totoo ang sinasabi niya o bahagi lang ng palabas na napagkasunduan nila ni Lexie. Ngunit ang tono niya, ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, at ang paraan ng pagkakabitaw ng mga salita ay parang may halong katotohanan.

  Biglang umiwas ng tingin si Lexie, pilit niyang pinapakalma at kina-kausap ang sarili sa kanyang isipan. Hindi pwede. Hindi totoo ‘yun. Acting lang ‘to, Lexie. Huwag kang papadala sa lalaking yan. Bahagi lang ito ng hiningi mong favor!

  Sa kabilang banda napabuntong-hininga si Lola Felisa. Ang mga kunot sa noo nito ay tila nagluwag at kumalma. Nagsalita itong muli, “Kung ayaw talaga ni Lexie kay Zyrus, kanselado na ang kasunduan sa pamilya Martinez, wala ng kasalan na mangyayari,” mahinahon nitong sabi. “Ako na mismo ang kakausap kay Mrs. Martinez mamaya.” dugtong nito.

  Walang ka alam-alam ang Lola ni Lexie na matagal nang pinutol ni Zyrus ang kasunduan, at wala na talagang dahilan para ipilit pa iyon. Ngunit si Lexie, bagama’t dapat ay gumaan na ang kanyang pakiramdam, ay tila hindi pa rin siya mapalagay. Nagsalita naman ang kanyang Ina.

  “Mom,” biglang sabi ni Leanna, “ako na po ang kakausap sa pamilya Martinez tungkol dito. Magpahinga na lang po kayo at baka kung mapano pa po kayo”

  Tumango si Lola Felisa, halatang pagod na. Ngunit bago umalis muli siyang tumingi ng diretso sa mga mata ni kay Kaizer ng seryoso, ngunit may respeto.

  “Mr. Kaizer Dion Zapanta,” wika niya nang may awtoridad, “mula ngayon, sa’yo ko na ipagkakatiwala ang aming munting prinsesa.”

  Si Kier Vy na kanina pang tahimik sa tabi at nakikinig lamang ay biglang napataas ang kilay, at bahagyang nagulat. Hindi niya mapigilang matawa ng mahina dahil sa sinambit ng kanyang Lola Felisa.

  Grabe….. Si Lola lang talaga ang may lakas ng loob na tawagin si Kaizer nang ganon. Isip-isip niya habang pigil na pigil parin ang kanyang tawa.

  Samantalang, tahimik lang si Kaizer na nakikinig sa usapan ng Lola at Mommy ni Lexie, ngunit nang magsalita itong muli, may halong lambing na ang kanyang malamig na tinig.

  “Don’t worry, Lola. I’ll take care of her.”

  Nang marinig ni Lexie ang salitang Lola mula sa bibig ni Kaizer, halos mapasinghap siya. Ang tono nito ay hindi bastos, hindi rin pormal, tila may halong paggalang at katotohanan.

  Si Kier Vy naman ay napanganga at hindi makapagpigil na bumulong ngunit mahina. “Damn… ang galing niyang magpanggap.”

  Pagkaraan ng ilang minuto, nagpaalam na si Lola Felisa. Inihatid siya ng mga magulang ni Lexie pabalik sa ospital. Si Kier Vy naman ang magiging driver ng kotse papunta sa hospital, ngunit bago ito umalis, sumulyap muna ito kay Kaizer at tumungin dito ng masama na parang nagbabanta na huwag gumawa ng kahit na anong kalokohan si Kaizer.

  Nang tuluyang umalis ang sasakyan, naiwan ang katahimikan at tanging tibok nalang ng kanilang mga puso ang kanilang naririnig. Silang dalawa na lang ni Lexie ang naiwan sa malawak na villa. Sa gitna ng katahimikan ramdam ni Lexie na mabigat ang hangin. Parang bawat segundo ay naglalakad sa pagitan ng kaba at kakaibang kuryente.

  Umupo si Lexie sa gilid ng sofa, pinipisil ang dulo ng kanyang damit at hindi makatingin ng diretso sa kausap.

  “Mr. Zapanta,” mahinahon niyang sabi, “Thank you po… sa ginawa nyo kanina.”

  Dahil dito bahagyang lumingon si Kaizer kay Lexie ngunit malamig pa rin ang ekspresyon nito. sabay sabi, “You don’t have to thank me.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 16

    “Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki.   “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 15

      Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita.  Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito.   ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito.  Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya.  Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas.  Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 14

    “Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw.   Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 13

    Evil smile of Malia….   Hinaplos niya ang balikat ni Lexie. “Hey, don’t do that sad face. Hindi bagay sa’yo, mukha kang inagawan ng lollipop nyan bes. Ang daming lalaki sa mundo. Kung hindi nag-work ang isa, lipat sa iba ganun! Hindi ka kawalan, no. Sorry sila dahil sila ang nawalan! Kung ako lalaki, ako na magpapa-in love sa’yo at hinding hindi na kita papakawalan pa.” mahabang payo ni Malia.   Napatawa si Lexie, kahit papaano. “Hindi naman ako malungkot. Maybe… hmmm, maybe hindi lang talaga kami para sa isa’t isa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Ang mahalaga masaya siya sa piling ni Hailey, masaya ako para sa kanila.” aniya sa mababang tono at may pilit na ngiti sa mukhang upang hindi makahalata ni Malia na nagpapanggap lang siya.   Ngunit ang hindi alam ni Lexie, na mukhang kumbinsi si Malia pero sa katunay ito ay hindi naniniwala sa lahat ng sinabi niya. Alam nito kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan at halata naman sa mukha ni Lexie na may pinagtatakpan ito.

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 12

      Bubuksan na sana niya ang bibig para ipaliwanag pero…Bigla na lang nagsalita si Kaizer. “Okay.” ani nito.  Napatigil silang pareho.“Mr. Zapanta???”, hindi makapaniwalang sabi ni Manong Ben at halos mapatigil sa gulat.“…” si Lexie naman ay walang masabi at napalunok na lamang. Sa isip niya, ay…naku! Nagpakabait lang ako, hindi ko inasahang papayag talaga siya!  Buti na lang, may natira pa siyang noodles. Walang choice si Lexie kung hindi kumuha ng isa pang mangkok at lagyan ito ng mainit na sabaw ng noodles.  Pagbalik niya, wala na si Manong Ben. Si Kaizer na lang ang naroon. “Ito na po ang noodles, sana magustuhan niyo. Hindi na po ito masyadong mainit kaya mas masarap na pong higopin ang sabaw nito. ” aniya.Wala na namang naging tugon si Kaizer. Kaya't hudyat na ito upang magsimula na silang kumain. Kasabay nito ang pag-alis ni Manong Ben sa kusina, sapagkat wala siyang karapat upang tumutol pa.   Amoy pa lang ni Kaizer sa noodles, alam na niyang masarap iyon. Pero nang ma

  • My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father   Kabanata 11

    “A sibling is responsible for their sibling’s actions.” ani nito, na parang may pahiwatig.   Kitatakotan man siya ng lahat, pero hindi siya kailanman mananakit ng isang babae. Lalo na hindi si Lexie. Maliwanag iyon sa kanya.   Pero si Kier Vy… kahit kaibigan niya ito ibang usapan na iyon.   Si Manong Ben ay tahimik lang. Hindi na kumontra.   Samantala, sa kabilang siyudad na kinaroroon ngayon ni Kier Vy, halos hindi ito makatulog.   Pagkatapos siyang pagalitan ng mga magulang niya dahil sa mga nangyari, dumiretso siya sa kwarto at nahiga, pagod na pagod, ngunit sa hindi malamang dahilan bigla siyang hindi mapakali. Pagkapikit niya, agad siyang dinalaw ng bangungot.   Nandoon si Kaizer may ngisi sa mukha na tila may balak gawin sa kanya. Tinapon siya nito sa lupa na parang isang laruan.   “You fooled your sister, so you’ll be the one to pay for it,” malamig na sabi ni Kaizer sa panaginip niya. “From now on, if I say east, you can't go west; if I tell you to beat a chick

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status