Stan's POV
Merong mga nakakaalam na mag-asawa na kami. Meron din namang hindi. Bakit pa namin sasabihin sa kanila? Close ba namin sila? Tsk! Pati alam nyo na, medyo mapagmahal kasi ako sa mga babae."Oh Alex, nandito na tayo sa room mo." Pagpapa-alala ko sa kanya. Nakakapit pa rin kasi sa akin."Alam ko." Walang emosyon na sagot nya."Bakit hindi ka pa bumibitaw?" Ano 'to? Kasama ako hanggang room?"Ayaw mong kumakapit ako sayo? Arte mo ah!""Hindi naman sa nag iinar--""Eh bakit mo ako pinapabitaw?" Ito na naman po kami. O diba? Hindi ko talaga maintindihan kung anong ugali meron 'tong babae na to eh. Diba dapat magkaaway kami?"Kasi nandito na tayo sa room mo." Pilit ko talagang pinapa-alala sa kanya."Kunwari ka pa Stan! Sabihin mo baka mahuli ka lang ng mga kabit mo!" Lah!"Tsk! Wala akong kabit!" Nakaka init talaga ng ulo."Sipain kita dyan eh! Sinasabi ko sayo Stanley! Kapag nakita kitang may kalampungan dyan sa tabi-tabi, malilintikan ka talaga sa akin!" Pagbabanta pa nya.Naiinis na talaga ako sa babae na 'to. Pati simpleng pagbitaw lang pinag aawayan na namin. Dapat talaga lalaki ang nasusunod sa isang relasyon."Pwede ba Alex? Wala nga sabi akong kabit dito. Pati ano bang paki natin sa isa't-isa? Diba ayaw mo ng pinapakialaman ka?" Yeah, 'yun naman ang gusto nya eh.Napabitaw sya sa sinabi ko. Ngumiti pa sya."Ikaw nagsabi nyan ah? Kapag nahuli kita. Krrkk. (sign na putol leeg) "Then she walked away."Pare!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jc. Friend ko."Oh?""Hinatid mo asawa mo?" Nakangising tanong nya."Oo.""Sweet. Tara na?" Sweet? Nang-aasar ba sya?"Sige. Nasaan pala si James?""Nasa room na.""Ah ok. Tara."---Alex's POVTignan lang natin Stan.Nakasanayan ko kasing kumapit sa braso ng kasama ko kapag naglalakad.Hindi naman sa nagseselos ako kung may kafling sya. Ano na lang kasi sasabihin ng mga nakakaalam na may asawa na sya? Sasabihin nila na kawawa naman ako? Ayokong mangyari sa akin yun! Pati hindi ba sya makapag hintay? Aasikasuhin ko pa lang yung divorce namin mamaya!"Hoy Alex, tulala ka dyan ah." Si Georgia. One of my friend."Nagmumuni-muni?" Tanong sa akin ni Amanda. Friend ko rin."Iniisip ko lang-- ""Back to your seat guys!" Biglang pumasok si Ma'am.Buti na lang pumasok na agad si Ma'am. Wala talaga akong maikwento sa kanila eh.Tadan! Tapos na ang halos 2 hrs. straight na discussion.Lunch Break.Babalik kami sa room ng 12:30, at after 1 hr. ng klase ay uwian na.Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen. Nang may biglang humarang na lalaki sa harap namin. Hindi lang basta humarang, lumuhod pa. Sa harap ko?May inaabot syang bouquet."Alex Martin Please accept this flowers as a sign of my love to you." Sinabi nya yun ng nakayuko.'Woaah''Tapang nung guy ah'Yan lang naman ang mga bulungan sa paligid namin.Si Amanda at Georgia naman mga nagpipigil na ng tawa.Hindi 'to ang unang beses na may nagtapat sa akin kahit na m*****a ako.Kinuha ko yung flowers. Napatayo sya at wagas na ngumiti."Alex, can we go out on a date?" Woa~ walang pag aatubili. I like this guy. I like to kick him.Nilaglag ko yung flower na kinagulat nilang lahat. At inapakan ko yun.'Woaw~''Haha''Astig!''Lakas kasi ng loob nung guy eh.' Samot saring reaksyon."That's my answer." Nakatanga lang sya sa harap ko.Nilagpasan na lang namin sya. May nakalimutan ako kaya bumalik ako sa kanya."And one thing. Don't you dare come near to me again! UNDERSTAND?" Sigaw ko.Tumango lang sya.Bat ko nasabi yun? For pete's sake! Wala syang kadala-dala. Ilang beses nya ng ginagawa yun. Ngayon ko lang tinanggap yung inabot nyang flowers sa akin. Lagi ko kasi syang tinatanggihan.Nung nasa canteen na kami. Humanap na agad kami ng pwesto."Anong kakainin nyo? It's my treat. Natuwa kasi ako sa eksena kanina." Tanong ni Amanda."Wow! Sana pala lagi may magtapat kay Alex." Natatawang sabi ni Georgia."Tumigil nga kayo! Nag-iinit lalo ulo ko eh.""Kj mo naman Alex! Ako na lang pipili ng kakainin nyo." Umalis na si Amanda."Oh ow~" Biglang sabi ni Georgia."Why?""Tingin ko mas lalong iinit ang ulo mo kapag tumingin ka sa likod."Eh matigas ang ulo ko. Kaya tumingin ako sa likod.And I saw The Great Stanley. May lintang nakapulupot sa kanya.Nagtama ang mga tingin namin. He just smiled at me."Mukhang masaya asawa mo ah." Dagdag ni Georgia."Gusto mong palungkutin ko?" Napangiti ako ng nakakaloko."Hell Yes!"Kumuha muna ako ng pineapple juice. Naglakad ako sa table nila."Ow Hi Alex." Naiilang na bati sa akin ni Jc."Hi Jc, can I sit here?" Ngumiti ako ng malapad."O-Ofcourse." Nauutal nyang sagot.Then tumabi ako kay Jc. Nilapag ko muna yung juice ko sa table.Ako.Jc. Linta.Bakante Stan.James. ( Pabilog )Aasarin ko 'tong linta na 'to pati si Stan."Honey, say ahh~" Wow lang. May taga subo na si Stan. Ngumanga naman ang unggoy."A-Alex, you want?" Pag-aalok sakin ni James. Bat parang sila pa yung tense? Haha."Sure." Tumayo ako at inabot ang pagkain sa tapat ni James."OMG!" Hala! Yung juice ko ang malas! Natapon kay Linta.Aksidente ko kasing nabangga. Napatayo sya kaya napatayo na rin si Stan."Alex, why did you do that?" Galit na singhal nya sa akin."What?" Naguguluhang tanong ko. Napatayo na rin ako."Don't act innocent! Alam kong sinadya mo yung pagsanggi sa juice!" Tumataas na ang boses nya."Bat ko naman gagawin 'yun?""Gagawin mo naman talaga yun diba?" Pang aakusa nya pa sa akin."Damn Stan! Wag kang mangbintang!" Naikuyom ko ang kamao ko."Then why are you here in our table? You have your friends there. " Tinuro nya sila Georgia."Bakit? Bawal ba ang ALEX na makiupo dito? Nagpaalam naman ako kay Jc ah, at pumayag sya." Napatingin naman si Stan kay Jc nangingiti-ngiti lang."Just tell me bakit dito ka pa umupo kahit na nandun sila Georgia.""Woa~ Chill Bro." Singit ni Jc."Shut up Jc. Let's hear her reason." Sabay tingin nya sa akin ng masama."It's just--" Shit! Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na ' Iinisin ko kayo eh '"See? You can't answer. Kasi sinadya mo yun. You're really a Bitch." He says."Stan. Tama na Bro." Pag-aawat ni James."Hey Stanley Martin! Watch your mouth." Biglang dumating si Georgia."Shut up! Wag kang makisali dito Georgia." Baling nya kay Georgia.Wrong Move."Don't you dare talk to her like that!" Hindi ko na mapigilang tumaas ang boses."Why Alex? You're afraid na baka tapunan ko sya ng juice? Don't act like a child! You're already 20, umarte ka na naaayon sa edad mo." Umabante pa sya.Letse! Below the belt na yun ah? Aksidente ko lang naman na nabangga yung juice ah, kahit na bitch ako. Hindi ko magagawa na mangtapon ng juice, hindi bali ng matapon sa bunganga ko wag lang sa ibang tao.Tinulak ko yung linta na nakapagitan sa amin. I grab the collar of his uniform."Wala kang karapatan na husgahan ako! Bakit? Gaano na ba kita katagal nakasama sa iisang bahay? 1 month?" Nasusuklam sa singhal ko sa kanya.Napatingin naman sa akin si Linta, hindi nya siguro alam na may asawa na si Stan."At kapag inulit mo pa ya--" He cut me."Ano Alex? Anong gagawin mo? Sisipain ako? Babatukan? Tell me. Sawang-sawa na ako Alex!" He really got the guts to say that."Sawang-sawa ka na?" Hindi ko makapaniwalang tanong."Oo Alex! Akala ko kasi pag uwi natin galing bahay nyo, magiging ok na tayo. Nagsasawa na ako sa tuwing makikita kita, sa mga pananakit mo sa akin! Ayoko na!""Hey Stan. Stop." Awat sa kanya ni James.Parang nagulat din sya sa sinabi nya. Binitawan ko yung collar nya."Dapat sinabi mo ng maaga. Ikaw naman kasi eh, sinundo mo pa ako sa bahay, edi sana ngayon naaasikaso na natin yung divorce natin. Don't worry, nagsasawa na rin ako eh. I'll just tell Dad na nagkasawaan na tayo kaya maghihiwalay na tayo." Dire-diretsong sabi ko. Walang hingahan.Nagulat lahat ng nasa canteen.'Woa~ That was Hot! ''Saklap! Public Break Up ''Mag-asawa na pala sila? ''Yes. Single na si Alex! ' Mga bulungan ng nasa Canteen.I'm about to leave ng may nakalimutan ako, nagiging ulyanin na ako. Hinarap ko sila.Kinuha ko yung Orange juice na nasa lamesa. Nakatingin lang sila. Tinikman ko."Pwe! Pangit ng lasa. Mas favorite ko talaga ang Pineapple Juice." Nakakunot noo na sila.Lumapit ako kay Stan at tinapat sa ulo nya ang baso at binuhos ang laman. Nilapag ko sa table yung baso."Ganyan ang sinasadya. Wow. Bagay na kayo! Isang pineapple juice, at isang orange juice. Perfect! " Pumalakpak pa ako.Then I flip my hair pagtalikod ko."Tara na Georgia. May aasikasuhin pa ako."Salamat po sa lahat ng umabot dito at sa walang sawang pagsuporta. Sana ay suportahan nyo din ang isa ko pang story, Title: All About Her"Sorry na Jared! Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang cellphone mo eh!" Pagmamakaawa ko pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil kinaladkad nya ako papasok sa kwarto namin. Napaupo na lang ako sa sahig."Sorry? Ilang beses ko ng naririnig sayo 'yan! Putangina mo kang babae ka!" Hinaklit nito ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nasalubong ko ang namumulang mukha nya, marahil sa galit."I-Inilipat ko lang kasi nilinis ko 'yung lamesa." Pagpapaliwanag ko. Isa kasi sa pinaka ayaw nya ay ang pakialaman ang gamit nya."Tanga ka ba o ano? Malinaw na sinabi ko sayo, umpisa pa lang na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko! Lalo na ang cellphone ko!" Sigaw nya sa mukha ko kasunod ng isang malutong na sampal.Para akong nabingi sa impact ng sampal nya. Kusang tumigil ang luha ko, napatitig ako sa kanya. Bumubuka ang bibig nya pero wala akong
"Jb! Oh my--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla syang tumakbo sa tatay nya. Napaka sutil talaga."O Alex, ba't ka sumisigaw?" Salubong sa akin ni Stan habang hawak sa kamay si Jb."Yang bata na 'yan talaga! Iniwan na naman ang t.v na bukas, ilang beses ko na 'yan pinagsabihan na patayin ang t.v after manuod." Sumasakit ang ulo ko sa anak ko. He's only five years old."I forgot. Sorry nanay." Malambing na sabi nito."Jb, you're a big boy now. Listen to your nanay." Sabi naman ni Stan habang inaayos ang magulong buhok ni Jb.Tumango naman ang bata. "Pumunta ka muna sa kwarto mo, susunod ako doon." Utos ni Stan kay Jb."Opo." Kiniss pa ako nito bago umalis."Babe, I think we need a nanny for Jb." Tinignan ko ng masama si Stan."What do you mean? Na hindi ko kayang alagaan ang anak ko?!" "N-No! Syempre sobrang likot na ni Jb, hindi na sya pwedeng magstay mag isa sa bakeshop kapag busy
Alex's POVIt's been 8 months. Eight months ng paghihirap sa pagpapalaki kay Jb, pero sulit dahil sa konting ngiti lang ng anak namin ay napapawi lahat ng pagod namin.Abala ako sa pagluluto habang sya naman ay pinapatulog si Jb.Everything seems so perfect when our baby was born. Lalo kaming naganahan gumising sa umaga dahil alam namin na may magpapasaya sa amin.Ngayon ang iisipin namin ay palakihin ng mabuti si Jb. Minsan nga ay nagtatalo kami ni Stan kung anong kurso ang ipapakuha namin, hanggang sa marealize namin na malayo pa pala 'yun."Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan."Wala. Nakatulog na ba si Jb?" Hinarap ko sya at niyakap na rin."Oo, pinaakyat ko na kay Manang. Babe? Gawa na tayo ng kalaro ni Jb." Ngali-ngali kong batukan si Stan sa sinabi nya."Ano ka? Sinuswerte? Kung gusto mo, ikaw manganak!" Sabi ko."Biro lang naman. Ayoko nang makita na nahihirapan ka
Alex's POVHindi naging madali ang mga sunod na buwan para sa akin. Naging sensitive ako, at moody.Laking pasasalamat ko at naiintindihan ako ng mga tao sa paligid ko. Grabeng pagpapasensya ang ginagawa nila, lalo na ang asawa ko.Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Napakalaki na ng tyan ko, di ko alam kung nakakahinga nga ba talaga ang baby ko sa loob."A-Aray." Napahawak ako sa tyan ko. Omg! Manganganak na ata ako!"Stan!!" Sigaw ko.Tarantang lumabas naman si Stanley sa C.R na nahihirapang itapis sa katawan ang towel."What happen?" Hindi magkandaugagang tanong nito."Aray! Manganganak na ata ako!" Halos mapaupo na ako sa kama sa sobrang sakit."Really?" Excited na tanong nito at kinuha ang cellphone."Hey! Anong ginagawa mo?!" "Itetext ko sila John." Nakangiting sabi nito.Kung hindi lang masakit ang balakang ko, baka naupakan ko na sya!"Uunahin mo pa ba yan kesa sa panganganak ko?!" Sigaw ko.Natigilan naman sya. "Ay oo!" Agad nitong kinuha ang mga
Merry Christmas!---Stan's POV"Ok na naman ako eh. Bakit nyo pa kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang nakahiga sa hospital bed."Aba! Eh alangan naman na pabayaan ka namin na mamatay sa labas ng bahay nila Alex!" Sabi ni James."Mas mabuti pa nga siguro 'yun. Hindi na nga ako matanggap ng asawa ko eh." Naalala ko na naman si Alex. Hindi nya na siguro ako mapapatawad pa."Ikaw naman kasi eh. Gagawa ka lang ng kasalanan, magpapahuli ka pa!" Pang aasar nito.Tinignan ko lang sya ng masama."I was shocked pare. Hindi ko alam na magagawa 'yun ng secretary ko. Bata pa 'yun at alam kong family nya ang priority nya." Paliwanag ko. "Hindi ko inaasahan na ganun' ang gagawin nya.""Sabi nga nila, expect the unexpected.""Stan!" Halos lumundag ang puso ko ng biglang pumasok si Alex at yakapin ako kahit pa na nakahiga ako."S-Stan. Sorry." Sabi nito at halatang umiiyak na.Bumangon ako pero nakayakap pa rin sya."Hey, stop crying." Sabi ko.Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang luha nya."I'
Wag tayong magalit kay Stanley. Lahat po ng pogi, nagkakamali :)---Stan's POVThree days. Three days ang lumipas simula ng umalis sa bahay si Alex.Three days na parang three years na. I know it's my fault. I didn't expect that Karen, my secretary would do that. Nagresign na sya after that incident.Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag ina ko. I always bring fruits at Alex's house, hindi nga lang ako nagpapakita sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya.(KRING. KRING)Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. It's John.[Stan.]"Yeah?"[Are you free? Let's meet at my resto.]"After my work. Marami pa akong hindi natatapos." Sagot ko.[Okay, just text me kung on the way ka na.] Then he hung up.Napahawak ako sa sentido ko, wala akong gana magtrabaho. Ang dami nang nakatambak na papeles. Hindi na rin ako minsan umuuwi sa bahay, dito na ako natutulog sa office.(Tok. Tok)"Come in." Sab
"Mga walang hiya." Mahinang sabi ko.Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa tyan ko.Tinignan ko ng masama ang babae na kanina lang ay nakakandong sa asawa ko. Mukhang gulat na gulat sya."Lumabas ka na Miss at mamaya tayo magtutuos." Gigil na sabi ko.Dali-dali naman 'tong umalis.Lumakad si Stan papalapit sa akin at akmang hahawakan ako. Umiwas ako at umupo sa sofa. Kailangan kong kumalma dahil talagang nanggigil ako."Babe." Pagmamakaawa nito."Sa bahay lang ako nila mommy hanggang sa manganak ako. Ipapakuha ko ang mga gamit ko mamaya kay Kuya John. Wag na wag kang magtatangka na pumunta doon. Mag-usap na lang tayo after kong manganak." I came up to that decision.Alam ko na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalo na kapag galit. Kaso di ko maiwasan."Babe wag ka namang ganyan. Let me expla--""Magpapaliwanag ka? Una Stanley, bakit hindi mo sinabi na babae pala ang secretay mo? Pangalawa, 'yung babae na 'yun pa talaga? Alam mo bang napakalaki
"Ingat ka lang sa pagbaba!" Narinig kong sigaw ni Stan habang pababa ako sa hagdanan.Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero mahahalata na buntis na ako."Over acting lang?" Natatawa kong sabi. Lalo pa akong natawa ng makita ko syang naka apron at nagluluto. "Anong niluluto mo?""Pancit." Nagningning ang mata ko sa sinabi nya.It's been a month simula ng ibalita namin sa lahat ang pagdadalang tao ko. And they we're all happy for us."Matatapos na ba? Natakam ako." Sabi ko sabay upo."Malapit na." Sagot nya.Paghain nya sa akin ng pancit ay kaagad akong sumandok at nilagyan ng 'yun ng suka. Ang sarap talaga!"Gusto sana kitang samahan dito maghapon kaso kailangan kong bumalik sa office." Sabi nya habang nagtatanggal ng apron."I can handle myself. Tatawagan ko na lang sila kuya kapag may kailangan ko." Simula kasi ng sinabi ko sa kanilang buntis ako ay kaagad nilang sinabi na kapag may kailangan ako ay tawagan ko lang sila."It's good to hear. Maliligo lang ako saglit." Isan
It's been 3 days simula ng nalaman kong buntis ako, syempre nakapag pa check up na rin ako and it's positive!Kakagaling ko lang sa OB gyne ko at dumiretso na ako sa grocery store para mamili ng ipanghahanda mamaya sa surprise dinner ko kay Stan.I'm busy picking some item ng may bumangga sa akin."Oh shoot." Bulong ko. Napaatras ako sa pagbangga nya."Paharang harang kasi." Sabi nung nakabangga sa akin."Excuse me?" "Paharang harang ka sa kukunin ko!" Sigaw nito."Aba miss, customer din ako dito. Pati ang dami-daming coffee oh! Kaya hindi mo na kailangang manulak!" Ganting sigaw ko."Eh sa gusto ko dito eh, pakialam mo ba?" Muling pagtataray nya sa akin.Inirapan ko na lang ito at umalis na. Pasalamat sya at medyo good mood ako at ayoko ng gulo.Agad na akong pumila sa counter, at kung minamalas nga naman ako, nasa likod ko kasi yung babae na nakaaway ko kanina."Miss baka naman pwedeng paunahin mo na lang ako. Isa lang naman ang sa akin, sayo ay napaka rami." Sabi nito sa akin. Hin