Share

4

Author: Maria_Basa
last update Last Updated: 2023-07-11 04:28:43

Alex's POV

Hindi na ako nagdala pa ng gamit. Just my cellphone and the key of my car.

Pagbaba ko sa sala nakita ko si Stan na nakatayo na ng maayos. Mukhang inaabangan ako. Nilagpasan ko lang sya ng bigla nya akong hinawakan sa braso.

Irita akong lumingon sa kanya.

"What?" Singhal ko.

"San ka pupunta? It's already 9pm."

"Diba sabi ko sayo wag mo akong papakialaman?" Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

Bumitaw na sya pagkakahawak ko.

I smiled. The bitter one.

"Marunong ka naman pa lang umintindi eh." And by that, Umalis na ako.

Pinaharurot ko agad ang sasakyan papunta kila Daddy.

Ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ako, may sarili akong isip kaya alam ko kung ano ang ginagawa ko. Hangga't maaari ay hindi ako nanghihingi ng tulong sa iba.

Mabilis akong nakarating sa bahay.

"Hey Princess." Bungad sa akin ni Kuya Alfred

"Kuya Alfred." Bati ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang bait!

"Bawal na ba ako dito?" Kunwaring nagtatampo pa ako.

"Sungit. Syempre hindi." Sabi nya, and then pat my head.

"Hehe. Dito ako matutulog." Hinawakan ko sya sa braso. I miss him.

"Why? Nag away ba kayo ni Stan?" Napakunot noo na sya.

"Pinapakialaman nya kasi ako. Pati binagyo yung room ko." Sabi ko.

"Then?" Sabi nya na mukhang may hinihintay pa.

"Magulo syempre! Wala akong matutulugan." Ano ba naman yan!

"Anong ginagawa ng room ni Stan?" Kaswal na sabi nya.

"Ayoko dun. Mabaho dun." Pero mabango naman talaga ang kwarto ni Stan, palusot lang to!

"Wag ka ng mag inarte, asawa mo na yun diba?"

"I don't like him." Diretsong sagot ko.

Biglang bumaba si Daddy.

"Princess. What are you doing here?"

"Dad dito daw sya matutlog. Sabi ko naman kasi sayo dad pag isahin mo na lang yung room nila eh." Ito talaga si Kuya Alfred kung ipagtabuyan ako parang hindi ako kapatid eh. Kaasar!

"Princess papayagan kitang matulog dito ngayong gabi. Pero ngayon lang, ok?" Sabi ni Dad.

"Yes Dad." Woo! Lumapit ako kay Daddy at niyakap sya.

"Tsk! Spoiled Brat!" Bulong ni Kuya pero nakangiti.

"Kuya, I'm Hungry na." Paglalambing ko kay Kuya. Hehe.

"Hindi ka manlang kumain sa inyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

"Hindi eh."

"Tara na sa kitchen, ako na magluluto para sayo. Tulog na sila yaya eh."

"Salamat kuya."

"Mauna na ako sa inyo mga anak. Hinihintay na ako ng mommy nyo." Biglang singit ni Daddy.

"Bye Dad enjoy."

He kissed me on my forehead.

---

Stan's POV

Kausap ko si Daddy ngayon.

Dad: Son nag away ba kayo ni Alex?

Me: Nagkasagutan lang dad.

Dad: Tumawag sa akin si kumpadre Antonio. Nandoon daw sa bahay nila si alex, at dun daw matutulog.

Tumahimik lang ako. Kaasar! Isa pa to si Daddy!

Dad: What are you waiting for? Sunduin mo na ang asawa mo dun.

Me: Dad ang tigas ng ulo nya! Ayaw nyang pinapakialaman ko sya.

Dad: Son, asawa mo sya. Kahit gaano pa katigas ang ulo nya, dapat sinusuyo mo parin sya. Dapat tayong mga lalaki ang nasusunod.

Me: Fine. Tomorrow I'll fetch her.

Dad: Wag mo ng paabutin pa bukas. Go to Alex now.

Me: Tsk! Fine. Bye.

I ended the call.

No choice.

---

Alex's POV

After namin kumain ni Kuya, syempre pahinga muna.

Magvovolleyball kasi kami sa mini court na nasa labas ng bahay.

Varsity ako sa volleyball sa school. Not just that, captain pa ako.

"Game princess?" He says as he stretch his arms.

"Always ready kuya."

"Walang kapakapatid ah?" Pagbabanta pa nya

"Oo naman noh!" Natatawang sabi ko.

And then we start. Magaling din si Kuya Alfred kasi sya ang nagturo sa akin eh.

Iba ang laro namin ni kuya, hindi kagaya ng mga nakasanayang laro ng volleyball. Ang sa amin kasi once na natamaan mo sa any part ng katawan ang kalaban, dun ka pa lang mag kakapoint.

Puro spike ang ginagawa ko kapag malapit na ako sa net. Syempre magaling si kuya kaya naboblock nya yun. Magandang excercise to sa gabi.

Biglang may pumasok sa mini court namin. Nadistract ako.

And BOOM!! Tumama sa kanang hita ko yung bola. Napaupo ako sa sahig.

"HAHAHA."

Sinong tumawa? Si Alfred! Wala akong galang kapag naiinis ako sa kanya.

"One point Princess." Sabi ni Kuya na nakangiti pa.

"Nakaka abala ba ako?" Biglang singit ni Stan.

Tinignan ko sya ng masama.

"What do you think?" Mataray kong sagot.

"O Bayaw! Gabi na ah. Anong ginagawa mo dito?" Baling ni Kuya kay Stan.

Naupo na kami sa bench at pinagigitnaan nila ako.

"Susunduin ko kasi yung asawa ko." Diretsong sagot nya. Ano ba sya? Baliw?!

"Ah Ganun ba Bayaw? Sige mauna na ako." Nakatayo na si kuya.

"Alfred hindi pa tayo tapos!" Sigaw ko sa kanya. Wala talaga akong galang!

"Umayos ka ah. Wala kang galang ah. Saka ka na bumawi." Kuya kissed me on my forehead kahit na pawis ako.

"Ang alat Alex!" Sabi pa nya na umaarteng nasusuka.

"Tsk!" Nakakainis!

"Just kidding." Then kuya left.

Nilagyan ko ng cold compress yung namumula kong hita. Napatingin ako kay Stan.

"Anong tinitingin tingin mo?" Mataray kong sabi. Naiinis talaga ako sa lalaki na 'to.

"Wala. Umuwi na tayo." Sabi nya.

"Ayoko."

"Wag ng matigas ang ulo mo Alexan-- Alex!" Halatang sa boses nya ang pagka-irita.

"Diba sabi ko sayo wag mo akong papakialaman?" Paulit-ulit na lang!

"Asawa mo ako Alex! Kaya sa ayaw at gusto mo, ako ang masusunod!" Wow! Lakas ng loob.

Napatayo ako.

"Haha. Stan! Wag ka ngang umasta na parang mahal natin ang isa't-isa! Stop acting!" Natawa pa ako ng pilit.

Napatayo na rin sya.

"I'm not acting! Ginagawa ko lang ang tungkulin ng isang asawa!"

"Eh kung trabaho ng isang asawa ang makialam sa buhay ko, pwes tigilan mo na!" Tumataas na pareho ang boses namin.

Napahilamos sya sa mukha nya.

"Alex! Pwede ba? Umarte ka na lang na gusto mo! Umarte ka na lang na asawa ko! Kahit ako Alex, ayoko ng may nakikialam sa akin! Hindi ko 'to gusto Alex--- Hindi ko gusto ang makasal sayo! Pareho tayong napilitan!" Sigaw nya.

Nagulat ako sa sinabi nya, kahit na arrange marriage lang kami, never kong sinabi sa kanya na hindi ko gusto ang makasal sa kanya, kasi alam kong baka masaktan sya. Kahit naman b*tch ako, may soft side pa rin ako. Pero kong sabihin nya sa akin yun, parang iniisip nya na manhid ako.

Parang nagulat din sya sa sinabi nya kaya napayuko sya.

Tama sya. Hindi namin 'to gusto.

"Edi kung ganun, mag divorce na lang tayo." Agad na suhestyon ko.

Bigla syang napatingin sakin.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Hindi mo alam ang Divorce? Hiwalay! Separate! Total hindi naman natin to gusto diba? Napilitan lang tayo diba? Pati sorry Stan, I'm not a good actress. Hindi ko kayang umarte na mahal kita pero ang totoo naman ay hindi." Mahabang litanya ko.

"Alex kung ganun lang kadali 'yun sana ginawa ko na noon pa!"

"Kung hindi mo kaya, ako kaya ko. What do you expect from a B*tch like me?"

"Kung ano man ang pinaplano mo, tigilan mo na Alex. Pareho lang tayong mapapagalitan ng parents natin." Dickless.

"Akala ko ba ayaw mo sa aki-- I mean ayaw mong makasal sa akin. So bakit mo pa ako pinipigilan sa plano ko?" Yun na lang talaga ang solution.

"Fine!" Agad na sabi nya.

"Good then. Pwede ka ng umuwi."

"I'm not leaving without you. Iuuwi kita." Matigas na sabi nya.

"Haha. What a great actor! Fine! In one condition. Maglalaro tayo ng volleyball. Kapag tinamaan mo ako in anypart of my body, I'll go home with you. It's already 11pm, kapag umabot ng 12 mn at hindi mo pa rin ako natatamaan, pasensyahan tayo." Sabi ko with matching taas kilay pa.

"What the hell are you saying? Hindi ganyan ang laro ng volleyball, sa score tayo bumase!" Talagang tumututol pa sya.

"Well I'm sorry babe, but that's the way I played volleyball. So iuuwi mo ba ako o hindi?" Naiinip na sabi ko.

"Shit! Sinusubukan mo talaga ako Alex! Fine! Let's Start!"

Nag umpisa na nga kami.

Natatawa ako sa kanya, ang lakas ng loob pumayag eh hindi naman pala marunong mag volleyball.

( PAKK ) Tinamaan ko sya sa Left Shoulder.

( PAKK ) Tinamaan ko sya sa Stomach.

( PAKK ) At worst. Tinamaan sya sa mukha. Haha!

Mas lalo akong ginaganahan. Tinignan ko muna ang Cellphone ko to check the time.

"It's already 11:55 babe, hindi mo pa rin ako tinatamaan."

"Tsk! Matatamaan din kita Alex!" Sabi nya habang hinihimas ang ilong.

Natutuwa ako kapag nakikita ko syang tinatamaan ng bola.

"You only have 5 mins. babe!" Sigaw ko sa kanya.

"Sh*t! How can I hit my wife?" Sigaw nya.

With that. Natigilan ako. Kaya ba hindi nya ako matamaan, dahil concern sya sa akin? What a good actor. Then he spike.

( PAKK ) Tinamaan ako sa kaliwang balikat, pero mahina lang.

Lumapit agad sya sa akin.

"Ok ka lang Alex?" May bahid ng pag-aalala sa boses nya pero hindi ko 'yun pinansin.

"Yeah I'm fine." Naglakad ako paalis ng court.

"Alex where are you going?"

"You won. Uwi na tao." Sabi ko ng nakatalikod.

I can't believe na natalo ako ng manyak na 'to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Thanks everyone

    Salamat po sa lahat ng umabot dito at sa walang sawang pagsuporta. Sana ay suportahan nyo din ang isa ko pang story, Title: All About Her"Sorry na Jared! Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang cellphone mo eh!" Pagmamakaawa ko pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil kinaladkad nya ako papasok sa kwarto namin. Napaupo na lang ako sa sahig."Sorry? Ilang beses ko ng naririnig sayo 'yan! Putangina mo kang babae ka!" Hinaklit nito ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nasalubong ko ang namumulang mukha nya, marahil sa galit."I-Inilipat ko lang kasi nilinis ko 'yung lamesa." Pagpapaliwanag ko. Isa kasi sa pinaka ayaw nya ay ang pakialaman ang gamit nya."Tanga ka ba o ano? Malinaw na sinabi ko sayo, umpisa pa lang na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko! Lalo na ang cellphone ko!" Sigaw nya sa mukha ko kasunod ng isang malutong na sampal.Para akong nabingi sa impact ng sampal nya. Kusang tumigil ang luha ko, napatitig ako sa kanya. Bumubuka ang bibig nya pero wala akong

  • My Brutal Wife (Tagalog)   End

    "Jb! Oh my--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla syang tumakbo sa tatay nya. Napaka sutil talaga."O Alex, ba't ka sumisigaw?" Salubong sa akin ni Stan habang hawak sa kamay si Jb."Yang bata na 'yan talaga! Iniwan na naman ang t.v na bukas, ilang beses ko na 'yan pinagsabihan na patayin ang t.v after manuod." Sumasakit ang ulo ko sa anak ko. He's only five years old."I forgot. Sorry nanay." Malambing na sabi nito."Jb, you're a big boy now. Listen to your nanay." Sabi naman ni Stan habang inaayos ang magulong buhok ni Jb.Tumango naman ang bata. "Pumunta ka muna sa kwarto mo, susunod ako doon." Utos ni Stan kay Jb."Opo." Kiniss pa ako nito bago umalis."Babe, I think we need a nanny for Jb." Tinignan ko ng masama si Stan."What do you mean? Na hindi ko kayang alagaan ang anak ko?!" "N-No! Syempre sobrang likot na ni Jb, hindi na sya pwedeng magstay mag isa sa bakeshop kapag busy

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 31

    Alex's POVIt's been 8 months. Eight months ng paghihirap sa pagpapalaki kay Jb, pero sulit dahil sa konting ngiti lang ng anak namin ay napapawi lahat ng pagod namin.Abala ako sa pagluluto habang sya naman ay pinapatulog si Jb.Everything seems so perfect when our baby was born. Lalo kaming naganahan gumising sa umaga dahil alam namin na may magpapasaya sa amin.Ngayon ang iisipin namin ay palakihin ng mabuti si Jb. Minsan nga ay nagtatalo kami ni Stan kung anong kurso ang ipapakuha namin, hanggang sa marealize namin na malayo pa pala 'yun."Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan."Wala. Nakatulog na ba si Jb?" Hinarap ko sya at niyakap na rin."Oo, pinaakyat ko na kay Manang. Babe? Gawa na tayo ng kalaro ni Jb." Ngali-ngali kong batukan si Stan sa sinabi nya."Ano ka? Sinuswerte? Kung gusto mo, ikaw manganak!" Sabi ko."Biro lang naman. Ayoko nang makita na nahihirapan ka

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 30

    Alex's POVHindi naging madali ang mga sunod na buwan para sa akin. Naging sensitive ako, at moody.Laking pasasalamat ko at naiintindihan ako ng mga tao sa paligid ko. Grabeng pagpapasensya ang ginagawa nila, lalo na ang asawa ko.Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Napakalaki na ng tyan ko, di ko alam kung nakakahinga nga ba talaga ang baby ko sa loob."A-Aray." Napahawak ako sa tyan ko. Omg! Manganganak na ata ako!"Stan!!" Sigaw ko.Tarantang lumabas naman si Stanley sa C.R na nahihirapang itapis sa katawan ang towel."What happen?" Hindi magkandaugagang tanong nito."Aray! Manganganak na ata ako!" Halos mapaupo na ako sa kama sa sobrang sakit."Really?" Excited na tanong nito at kinuha ang cellphone."Hey! Anong ginagawa mo?!" "Itetext ko sila John." Nakangiting sabi nito.Kung hindi lang masakit ang balakang ko, baka naupakan ko na sya!"Uunahin mo pa ba yan kesa sa panganganak ko?!" Sigaw ko.Natigilan naman sya. "Ay oo!" Agad nitong kinuha ang mga

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 29

    Merry Christmas!---Stan's POV"Ok na naman ako eh. Bakit nyo pa kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang nakahiga sa hospital bed."Aba! Eh alangan naman na pabayaan ka namin na mamatay sa labas ng bahay nila Alex!" Sabi ni James."Mas mabuti pa nga siguro 'yun. Hindi na nga ako matanggap ng asawa ko eh." Naalala ko na naman si Alex. Hindi nya na siguro ako mapapatawad pa."Ikaw naman kasi eh. Gagawa ka lang ng kasalanan, magpapahuli ka pa!" Pang aasar nito.Tinignan ko lang sya ng masama."I was shocked pare. Hindi ko alam na magagawa 'yun ng secretary ko. Bata pa 'yun at alam kong family nya ang priority nya." Paliwanag ko. "Hindi ko inaasahan na ganun' ang gagawin nya.""Sabi nga nila, expect the unexpected.""Stan!" Halos lumundag ang puso ko ng biglang pumasok si Alex at yakapin ako kahit pa na nakahiga ako."S-Stan. Sorry." Sabi nito at halatang umiiyak na.Bumangon ako pero nakayakap pa rin sya."Hey, stop crying." Sabi ko.Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang luha nya."I'

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 28

    Wag tayong magalit kay Stanley. Lahat po ng pogi, nagkakamali :)---Stan's POVThree days. Three days ang lumipas simula ng umalis sa bahay si Alex.Three days na parang three years na. I know it's my fault. I didn't expect that Karen, my secretary would do that. Nagresign na sya after that incident.Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag ina ko. I always bring fruits at Alex's house, hindi nga lang ako nagpapakita sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya.(KRING. KRING)Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. It's John.[Stan.]"Yeah?"[Are you free? Let's meet at my resto.]"After my work. Marami pa akong hindi natatapos." Sagot ko.[Okay, just text me kung on the way ka na.] Then he hung up.Napahawak ako sa sentido ko, wala akong gana magtrabaho. Ang dami nang nakatambak na papeles. Hindi na rin ako minsan umuuwi sa bahay, dito na ako natutulog sa office.(Tok. Tok)"Come in." Sab

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 27

    "Mga walang hiya." Mahinang sabi ko.Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa tyan ko.Tinignan ko ng masama ang babae na kanina lang ay nakakandong sa asawa ko. Mukhang gulat na gulat sya."Lumabas ka na Miss at mamaya tayo magtutuos." Gigil na sabi ko.Dali-dali naman 'tong umalis.Lumakad si Stan papalapit sa akin at akmang hahawakan ako. Umiwas ako at umupo sa sofa. Kailangan kong kumalma dahil talagang nanggigil ako."Babe." Pagmamakaawa nito."Sa bahay lang ako nila mommy hanggang sa manganak ako. Ipapakuha ko ang mga gamit ko mamaya kay Kuya John. Wag na wag kang magtatangka na pumunta doon. Mag-usap na lang tayo after kong manganak." I came up to that decision.Alam ko na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalo na kapag galit. Kaso di ko maiwasan."Babe wag ka namang ganyan. Let me expla--""Magpapaliwanag ka? Una Stanley, bakit hindi mo sinabi na babae pala ang secretay mo? Pangalawa, 'yung babae na 'yun pa talaga? Alam mo bang napakalaki

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 26

    "Ingat ka lang sa pagbaba!" Narinig kong sigaw ni Stan habang pababa ako sa hagdanan.Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero mahahalata na buntis na ako."Over acting lang?" Natatawa kong sabi. Lalo pa akong natawa ng makita ko syang naka apron at nagluluto. "Anong niluluto mo?""Pancit." Nagningning ang mata ko sa sinabi nya.It's been a month simula ng ibalita namin sa lahat ang pagdadalang tao ko. And they we're all happy for us."Matatapos na ba? Natakam ako." Sabi ko sabay upo."Malapit na." Sagot nya.Paghain nya sa akin ng pancit ay kaagad akong sumandok at nilagyan ng 'yun ng suka. Ang sarap talaga!"Gusto sana kitang samahan dito maghapon kaso kailangan kong bumalik sa office." Sabi nya habang nagtatanggal ng apron."I can handle myself. Tatawagan ko na lang sila kuya kapag may kailangan ko." Simula kasi ng sinabi ko sa kanilang buntis ako ay kaagad nilang sinabi na kapag may kailangan ako ay tawagan ko lang sila."It's good to hear. Maliligo lang ako saglit." Isan

  • My Brutal Wife (Tagalog)   Book 2 Chapter 25

    It's been 3 days simula ng nalaman kong buntis ako, syempre nakapag pa check up na rin ako and it's positive!Kakagaling ko lang sa OB gyne ko at dumiretso na ako sa grocery store para mamili ng ipanghahanda mamaya sa surprise dinner ko kay Stan.I'm busy picking some item ng may bumangga sa akin."Oh shoot." Bulong ko. Napaatras ako sa pagbangga nya."Paharang harang kasi." Sabi nung nakabangga sa akin."Excuse me?" "Paharang harang ka sa kukunin ko!" Sigaw nito."Aba miss, customer din ako dito. Pati ang dami-daming coffee oh! Kaya hindi mo na kailangang manulak!" Ganting sigaw ko."Eh sa gusto ko dito eh, pakialam mo ba?" Muling pagtataray nya sa akin.Inirapan ko na lang ito at umalis na. Pasalamat sya at medyo good mood ako at ayoko ng gulo.Agad na akong pumila sa counter, at kung minamalas nga naman ako, nasa likod ko kasi yung babae na nakaaway ko kanina."Miss baka naman pwedeng paunahin mo na lang ako. Isa lang naman ang sa akin, sayo ay napaka rami." Sabi nito sa akin. Hin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status