Nandito na kami ni Alex sa bahay. Sa loob ng kwarto ko.
"Alex dyan ka na lang sa kama, ako na sa sofa." Basag ko sa katahimikan."Sige." Simpleng sagot nya. At nahiga na sya sa kama.Nagshower na ako. Sya naman tapos na, dun sa room nya.Tahimik na gabi, sinusulyapan ko sya. Ang himbing ng tulog nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babae na 'to.Nasira ang buhay binata ko ng dahil sa kasal, I'm not blamming her. I know naman na pareho namin tong hindi gusto, naipit kami sa sitwasyong pareho naming kinabigla. It's not my intention na sigawan sya kanina, nasstress lang ako. Sya lang ang nakilala kong babae na napaka brat. Kakaiba!Hay! Makatulog na nga lang.( KRINNGGGG )Alarm Clock. 6am na.Mulat. Tulog pa rin si Alex. Naligo na lang muna ako.Paglabas ko galing C.R, tulog pa rin sya? Tumapat ako sa tenga nya at ..."HOY ALEX!! GUMSING KA NA!!" Bigla syang bumalikwas ng bangon.Haha! Grabe yung itsura nya! PRICELESS!! Sabog yung mahaba nyang buhok at nakatulala. Parang iniisip kung anong nangyari at kung nasaan sya.Napatingin sya sa akin. At..."ARGGGHHH!!" WTF! Sumigaw sya ng pagkalakas-lakas. Pumasok agad si Manang na may dala ang spare key at kawali.Kawali?"A-Asan ang magnanakaw?" Hindi magkandaugaga na tanong ni Manang."Pftt-- Haha~!" Ako yan!Nakakatuwa yung itsura ni Manang, so panglaban nya talaga 'yung kawali sa magnanakaw? Bakit hindi na lang kutsilyo? Haha."M-Manang-- Haha! Wala pong magnanakaw! Nagkatuwaan lang po kami ni Alex. Haha." Hindi pa rin ako mapigil sa pagtawa."Jusko! Kayo talagang mga bata kayo! Pagkatapos nyo dyan bumaba na kayo para kumain." Napatingin naman si Manang sa hawak nya na kawali at napailing."Manang next time po knife na lang. Haha." Pahabol ko pa kay Manang bago sya lumabas. Napabaling ako kay Alex na ngayon ay nakatulala na."Hindi ka pa ba babangon dyan?" Tanong ko sa kanya.Tumayo na sya. Papalapit sa akin. Lalabas na siguro, nakaharang kasi ako sa pinto."AKK! B-Bitawan mo ako! Hi-Hindi ako makahinga!" Sinakal nya lang naman kasi ako."Sa susunod na gulatin mo ako para lang gisingin, mapapatay talaga kita! Ngayon pagbibigyan kita." Sabi nya na talagang handa na akong patayin."A-AKK. O-Oo na!" Binitawan nya naman na ako. Akala ko katapusan ko na. Dire-diretso na sya sa C.R ko."Alex anong oras pasok mo?" Tanong ko habang hinihimas ang leeg."8:30" Sigaw nya sa loob ng c.r"Ahh, ako rin eh." Nakangiti pa ako."Hindi ko tinatanong.""Tsk! Sabay tayo!" See? Ang ganda talaga ng ugali nya."Sige. Kotse ko gagamitin natin, ako magdadrive." Sabi nya."Sige." Yun naman pala eh.-----Alex's POV( Habang naliligo )I take a deep breath, I inhaled the vanilla scent, one of my favorite.Paano ko ba lulusutan 'tong gulo na 'to? Dapat noon pa ako kumilos, sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Pambihira!Papasok ba ako? Parang tinatamad ako eh."Damn! Wala nga pala akong gamit sa C.R ni Stan!" Luminga-linga ako sa paligid. Ayun towel!Wala na naman siguro sa room si Stan, lalabas na ako.-----Stan's POVNandito na ako sa Living room, nakaupo sa sofa. Ang tagal ni Alex, sabay na lang kami mag bebreakfast.( maria's singit note 'spoiler' : may 2nd flr. ang bahay nila, so kapag lumabas ka ng room, tanaw mo na agad ang living room. Kapag ang tao sa living room ay tumingin sa left side sa pataas, kita nun ang paglabas ng tao sa 2nd flr. Particularly sa room. )Maya-maya bumukas na ang pinto ng room ko. At--- ang babae, naka towel lang."Anong tinitingin-tingin mo lalaki?" Mataray na tanong nya."W-Wala. Ang bagal mo! Kumain na tayo." Nag-iwas na lang ako ng tingin."Kakain ako ng nakaganito? Don't tell me gusto mo akong makitang kumakain na naka towel lang?" Agad akong napalingon sa kanya and she smirk. Pababa na sya ng hagdan."W-What? S-Syempre hindi no! Asa ka naman!" Sh*t! Ba't ba ako nauutal?!Fuck! She's seducing me!"Kunwari ka pa Stan!" She smiles. Ngiting demonyita. At ngayon katapat ko na sya."Tumigil ka nga Alex! Baka nakakalimutan mo, lalaki ako." Pinilit kong tigasan ang boses ko."Alam ko. Babae naman ako ah.""Ewan ko sayo! Magbibihis na ako ng Uniform." Iniwan ko na sya sa baba at agad na pumasok sa kwarto.Parang hindi sya babae, walang pakialam sa kung ano man ang suot nya. Sh*t lang! I have my needs!After kong magbihis, kumain na kami. Ngayon sumakay na kami sa kotse ni Alex. It's a red lamborghini. Ganda. Pwedeng pang race."Kung ako sayo mag se-seatbelt ako. " Sabi sa akin ni Alex habang nagse-seatbelt sya."No need.""Ok. Sabi mo eh." Para naman akong biglang kinabahan sa sinabi nya.She open the stereo."Alex! Ilipat mo." Angal ko."Manahimik ka nga dyan! Favorite ko yan eh!" Pagmamatigas nya.Habang nagdadrive, sinasabayan nya yung kanta.( Summertime By: My Chemical Romance )"♩♪When the lights go out, would you take me with you? And carry all this broken bone. Through six years down in crowded rooms, and highways i call home.♩♬"Infairness magaling syang kumanta. Pagdating sa chorus."♬♪And if you stay. I would even wait allnight. Or until my heart explode how long? Until we find our way in the dark and out of harm. You can run away with me anytime you want.♩♬"Biglang bumilis yung pagdadrive nya."Fuck! Dahan-dahan Alex!" Para ng humihiwalay ang kaluluwa ko."Haha~" Yun lang ang sagot nya sa akin.Paano ba naman halos paliparin nya na yung kotse nya, nakikipag karera na sya sa mga kotse. Binubusinahan na lang kami ng nadadaanan namin. Baka mahuli pa kami dito.Hindi naman sa takot ko, pero takot na talaga ako. Buti sana kung ako mag dadrive, kahit gaano kabilis, may tiwala ako sa sarili ko. Eh sa Brutal na to? Ewan ko na lang."Sabi ko naman sayo magseatbelt ka eh." Kahit naman nagsasalita sya, nakatuon pa rin ang atensyon nya sa daanan."Alex! Slowdown!" Sigaw ko."Shut up Stanley! I know what i'm doing!" Kalmadong sabi nya.Para syang baliw. Nakarating na kami sa parking lot ng school.Bigla syang nag preno. Kaya ayun, tumama yung noo ko sa aircon sa harap."Hahaha~" Walang humpay nyang tawa."Anong nakakatawa?" Unti-unti na akong naiirita sa babae na 'to."Yung noo mo! Haha! Namumula na." Hindi pa rin matigil sa kakatawa.Pagtingin ko sa mirror. Boom! May sugat sa labi, yung tama ng bola, at namumula na nga yung noo ko."Tsk!" Nauna na ako sa kanya. Ano na lang sasabihin ng mga tropa ko? Badtrip!"Hey Babe! Hintayin mo ako." Sigaw ni Alex. Huminto naman ako."Dalian mo." Nakakainip.At nung nakalapit na sya, pumulupot sya sa braso ko. I stiffened. Something is new.Salamat po sa lahat ng umabot dito at sa walang sawang pagsuporta. Sana ay suportahan nyo din ang isa ko pang story, Title: All About Her"Sorry na Jared! Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang cellphone mo eh!" Pagmamakaawa ko pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil kinaladkad nya ako papasok sa kwarto namin. Napaupo na lang ako sa sahig."Sorry? Ilang beses ko ng naririnig sayo 'yan! Putangina mo kang babae ka!" Hinaklit nito ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nasalubong ko ang namumulang mukha nya, marahil sa galit."I-Inilipat ko lang kasi nilinis ko 'yung lamesa." Pagpapaliwanag ko. Isa kasi sa pinaka ayaw nya ay ang pakialaman ang gamit nya."Tanga ka ba o ano? Malinaw na sinabi ko sayo, umpisa pa lang na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko! Lalo na ang cellphone ko!" Sigaw nya sa mukha ko kasunod ng isang malutong na sampal.Para akong nabingi sa impact ng sampal nya. Kusang tumigil ang luha ko, napatitig ako sa kanya. Bumubuka ang bibig nya pero wala akong
"Jb! Oh my--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla syang tumakbo sa tatay nya. Napaka sutil talaga."O Alex, ba't ka sumisigaw?" Salubong sa akin ni Stan habang hawak sa kamay si Jb."Yang bata na 'yan talaga! Iniwan na naman ang t.v na bukas, ilang beses ko na 'yan pinagsabihan na patayin ang t.v after manuod." Sumasakit ang ulo ko sa anak ko. He's only five years old."I forgot. Sorry nanay." Malambing na sabi nito."Jb, you're a big boy now. Listen to your nanay." Sabi naman ni Stan habang inaayos ang magulong buhok ni Jb.Tumango naman ang bata. "Pumunta ka muna sa kwarto mo, susunod ako doon." Utos ni Stan kay Jb."Opo." Kiniss pa ako nito bago umalis."Babe, I think we need a nanny for Jb." Tinignan ko ng masama si Stan."What do you mean? Na hindi ko kayang alagaan ang anak ko?!" "N-No! Syempre sobrang likot na ni Jb, hindi na sya pwedeng magstay mag isa sa bakeshop kapag busy
Alex's POVIt's been 8 months. Eight months ng paghihirap sa pagpapalaki kay Jb, pero sulit dahil sa konting ngiti lang ng anak namin ay napapawi lahat ng pagod namin.Abala ako sa pagluluto habang sya naman ay pinapatulog si Jb.Everything seems so perfect when our baby was born. Lalo kaming naganahan gumising sa umaga dahil alam namin na may magpapasaya sa amin.Ngayon ang iisipin namin ay palakihin ng mabuti si Jb. Minsan nga ay nagtatalo kami ni Stan kung anong kurso ang ipapakuha namin, hanggang sa marealize namin na malayo pa pala 'yun."Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan."Wala. Nakatulog na ba si Jb?" Hinarap ko sya at niyakap na rin."Oo, pinaakyat ko na kay Manang. Babe? Gawa na tayo ng kalaro ni Jb." Ngali-ngali kong batukan si Stan sa sinabi nya."Ano ka? Sinuswerte? Kung gusto mo, ikaw manganak!" Sabi ko."Biro lang naman. Ayoko nang makita na nahihirapan ka
Alex's POVHindi naging madali ang mga sunod na buwan para sa akin. Naging sensitive ako, at moody.Laking pasasalamat ko at naiintindihan ako ng mga tao sa paligid ko. Grabeng pagpapasensya ang ginagawa nila, lalo na ang asawa ko.Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Napakalaki na ng tyan ko, di ko alam kung nakakahinga nga ba talaga ang baby ko sa loob."A-Aray." Napahawak ako sa tyan ko. Omg! Manganganak na ata ako!"Stan!!" Sigaw ko.Tarantang lumabas naman si Stanley sa C.R na nahihirapang itapis sa katawan ang towel."What happen?" Hindi magkandaugagang tanong nito."Aray! Manganganak na ata ako!" Halos mapaupo na ako sa kama sa sobrang sakit."Really?" Excited na tanong nito at kinuha ang cellphone."Hey! Anong ginagawa mo?!" "Itetext ko sila John." Nakangiting sabi nito.Kung hindi lang masakit ang balakang ko, baka naupakan ko na sya!"Uunahin mo pa ba yan kesa sa panganganak ko?!" Sigaw ko.Natigilan naman sya. "Ay oo!" Agad nitong kinuha ang mga
Merry Christmas!---Stan's POV"Ok na naman ako eh. Bakit nyo pa kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang nakahiga sa hospital bed."Aba! Eh alangan naman na pabayaan ka namin na mamatay sa labas ng bahay nila Alex!" Sabi ni James."Mas mabuti pa nga siguro 'yun. Hindi na nga ako matanggap ng asawa ko eh." Naalala ko na naman si Alex. Hindi nya na siguro ako mapapatawad pa."Ikaw naman kasi eh. Gagawa ka lang ng kasalanan, magpapahuli ka pa!" Pang aasar nito.Tinignan ko lang sya ng masama."I was shocked pare. Hindi ko alam na magagawa 'yun ng secretary ko. Bata pa 'yun at alam kong family nya ang priority nya." Paliwanag ko. "Hindi ko inaasahan na ganun' ang gagawin nya.""Sabi nga nila, expect the unexpected.""Stan!" Halos lumundag ang puso ko ng biglang pumasok si Alex at yakapin ako kahit pa na nakahiga ako."S-Stan. Sorry." Sabi nito at halatang umiiyak na.Bumangon ako pero nakayakap pa rin sya."Hey, stop crying." Sabi ko.Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang luha nya."I'
Wag tayong magalit kay Stanley. Lahat po ng pogi, nagkakamali :)---Stan's POVThree days. Three days ang lumipas simula ng umalis sa bahay si Alex.Three days na parang three years na. I know it's my fault. I didn't expect that Karen, my secretary would do that. Nagresign na sya after that incident.Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag ina ko. I always bring fruits at Alex's house, hindi nga lang ako nagpapakita sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya.(KRING. KRING)Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. It's John.[Stan.]"Yeah?"[Are you free? Let's meet at my resto.]"After my work. Marami pa akong hindi natatapos." Sagot ko.[Okay, just text me kung on the way ka na.] Then he hung up.Napahawak ako sa sentido ko, wala akong gana magtrabaho. Ang dami nang nakatambak na papeles. Hindi na rin ako minsan umuuwi sa bahay, dito na ako natutulog sa office.(Tok. Tok)"Come in." Sab
"Mga walang hiya." Mahinang sabi ko.Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa tyan ko.Tinignan ko ng masama ang babae na kanina lang ay nakakandong sa asawa ko. Mukhang gulat na gulat sya."Lumabas ka na Miss at mamaya tayo magtutuos." Gigil na sabi ko.Dali-dali naman 'tong umalis.Lumakad si Stan papalapit sa akin at akmang hahawakan ako. Umiwas ako at umupo sa sofa. Kailangan kong kumalma dahil talagang nanggigil ako."Babe." Pagmamakaawa nito."Sa bahay lang ako nila mommy hanggang sa manganak ako. Ipapakuha ko ang mga gamit ko mamaya kay Kuya John. Wag na wag kang magtatangka na pumunta doon. Mag-usap na lang tayo after kong manganak." I came up to that decision.Alam ko na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalo na kapag galit. Kaso di ko maiwasan."Babe wag ka namang ganyan. Let me expla--""Magpapaliwanag ka? Una Stanley, bakit hindi mo sinabi na babae pala ang secretay mo? Pangalawa, 'yung babae na 'yun pa talaga? Alam mo bang napakalaki
"Ingat ka lang sa pagbaba!" Narinig kong sigaw ni Stan habang pababa ako sa hagdanan.Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero mahahalata na buntis na ako."Over acting lang?" Natatawa kong sabi. Lalo pa akong natawa ng makita ko syang naka apron at nagluluto. "Anong niluluto mo?""Pancit." Nagningning ang mata ko sa sinabi nya.It's been a month simula ng ibalita namin sa lahat ang pagdadalang tao ko. And they we're all happy for us."Matatapos na ba? Natakam ako." Sabi ko sabay upo."Malapit na." Sagot nya.Paghain nya sa akin ng pancit ay kaagad akong sumandok at nilagyan ng 'yun ng suka. Ang sarap talaga!"Gusto sana kitang samahan dito maghapon kaso kailangan kong bumalik sa office." Sabi nya habang nagtatanggal ng apron."I can handle myself. Tatawagan ko na lang sila kuya kapag may kailangan ko." Simula kasi ng sinabi ko sa kanilang buntis ako ay kaagad nilang sinabi na kapag may kailangan ako ay tawagan ko lang sila."It's good to hear. Maliligo lang ako saglit." Isan
It's been 3 days simula ng nalaman kong buntis ako, syempre nakapag pa check up na rin ako and it's positive!Kakagaling ko lang sa OB gyne ko at dumiretso na ako sa grocery store para mamili ng ipanghahanda mamaya sa surprise dinner ko kay Stan.I'm busy picking some item ng may bumangga sa akin."Oh shoot." Bulong ko. Napaatras ako sa pagbangga nya."Paharang harang kasi." Sabi nung nakabangga sa akin."Excuse me?" "Paharang harang ka sa kukunin ko!" Sigaw nito."Aba miss, customer din ako dito. Pati ang dami-daming coffee oh! Kaya hindi mo na kailangang manulak!" Ganting sigaw ko."Eh sa gusto ko dito eh, pakialam mo ba?" Muling pagtataray nya sa akin.Inirapan ko na lang ito at umalis na. Pasalamat sya at medyo good mood ako at ayoko ng gulo.Agad na akong pumila sa counter, at kung minamalas nga naman ako, nasa likod ko kasi yung babae na nakaaway ko kanina."Miss baka naman pwedeng paunahin mo na lang ako. Isa lang naman ang sa akin, sayo ay napaka rami." Sabi nito sa akin. Hin