Share

Chapter 01

"Where is he na ba?!" inis kong bulong sa aking sarili. Kanina pa ako nakaupo rito sa gilid ng daan, sa ilalim ng puno ng balete. Paano kung may malignong lumabas dito? Baka mawindang ang buong katawang lupa ko!

I look at my wristwatch and see what time is it already. Ang aga-aga kong nakalabas ng Airport tapos magmumukha lang pala akong bilasang tilapya dito ngayon! Kung hindi lang dahil sa kumpanya ni Daddy nanaisin ko na lang talagang tumira sa America! Wala naman akong balak na umuwi rito, lalong wala sa isip ko na bumalik sa piling ng hambog kong asawa!

"Lord kung malakas talaga ako sa'yo, pwede bang magpatupad ka na ng diborsyo rito sa Pilipinas?!" Tumayo na ako at akmang aalis na sana, ng bigla na lang may bumusina mula sa likuran ko. "Anak ng tipaklong! Subukan mong lumabas diyan sa sasakyan mo! Makikita mo ang-"

"Get in!" Nanlaki ang mata at napaawang ang labi ko ng bumungad sa akin ang mukha ng driver. Ilang taon na ba ang lumipas? Dalawa? Tatlo? Pito? Putris bakit lalo yata siyang gumwapo sa tantalizing eyes ko?! "Sasakay ka ba o tatanga ka riyan?" aniya na nag pabalik sa anim na senses ko.

"You know what? I think you have a fever... You're so hot kasi! Even the latest version of the thermometer will give up because of your hot temper!" Inirapan ko siya at walang pakialam na umupo sa katabing upuan niya. Nilangaw na nga ako kahihintay sa kaniya kanina, tapos ganyan pa ang ibubungad niya sa akin?! Like hello! Pwede namang ngitian niya ako kahit na plastik lang para naman matuwa ako sa kaniya kahit papaano!

"Seat belt." Tinapunan niya lang ng tingin ang seat belt sa gilid ko, at sumenyas na ikabit ko. Hindi man lang nagkusang ikabit sa akin ang lintek na seat belt na ito! "Lilac, kung hindi ka titigil sa kaiirap mo sa akin at kaiingos mo riyan, might as well get out of my car. Marami pa akong trabahong gagawin, ayaw kong masira ang araw ko ng dahil sa'yo."

Nagpanting ang tenga ko ng dahil sa sinabi niya. Matapos niya akong pasakayin ay bigla niya na lang akong pabababain?! Wala talagang puso, atay, baga at bituka ang lalaking ito! Bakit ba ako pumayag na pakasalan ang pusong batong Lucas na ito?!

Muli kong kinalas ang seat belt na kakakabit ko lang at nagpasya ng bumaba talaga. Pakialam ko naman sa kaniya?! Makakauwi naman siguro akong mag-isa kahit na hindi siya kasama?! Bwisit! "Sorry ha! It was my face na kasi, I can't change it just to please you! Malay ko bang allergy ka sa maganda!" bwelta ko naman sa kaniya at tuluyan na ngang bumaba.

Kaagad niya namang minaniobra paatras ang sasakyan niya, bago nagmaneho na paalis. Iniwan nga talaga ako ng tukmol na Lucas na 'yon! Kung akala niya hindi ko kayang mag-isa at natatakot ako pwes... Tama siya!

"What should I do now?" I asked myself. I look around me and started to feel scared now.

Wala akong ibang makitang nagdaraan kun'di ang mga sasakyan na mabilis na lumalampas sa kinalulugaran ko. Wala rin namang bahay o kahit street vendor sana na pwede kong pagtanungan. My goodness, I was so helpless! Narinig ko pa ang malakas na kalam ng sikmura ko na ikinangiwi ko talaga. Ngayon pa nag welga ang mga alaga ko sa tiyan ko! "Kalma! Hindi ko na nga alam kung paano ako uuwi, sasabay pa kayo!" mariin kong sabi habang hawak ang tiyan.

Muli akong umupo sa pwesto ko kanina at yumuko. I swear to this balete tree that I will never forgive that fucking Lucas for leaving me here! Porke ba alam niyang patay na patay ako sa kaniya ay ganito na lang ang gagawin niya sa akin? Sabagay, noon pa man ay ganyan na talaga siya, bakit ba hindi pa ako nasanay?

"You look lost and don't know where to go." Napatingala ako ng marinig ko ang boses na 'yon, at tama nga ako... "Come on, let's go home."

"Akala ko ba iniwan mo na ako? Bakit bumalik ka pa?" baliwalang tanong ko sa kaniya. "Hindi mo rin ba ako matiis, tulad ng hindi rin kita kayang tiisin?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya, ngunit kumunot lang ang kilay niya.

"Bilisan mo na bago pa magbago ang isip ko." Napakasungit talaga ng mokong na 'to. Kapag talaga ito ay na in love sa akin, tatawanan ko talaga! Magpapakipot ako at hinding hindi ko siya papansinin. Pahihirapan ko siya hanggang sa umiyak siya ng dugo! "Hindi mangyayari yan kaya 'wag ka ng mag abala pang gumawa ng plano mong bulok!" mariin niyang saad na sadya nga namang kinagulat ko. Nasabi ko ba 'yong mga salitang dapat ay nasa isip ko lang? Itong mahirap sa akin pag gutom e! Sinasaniban ako ng masamang espirito at nakakagawa o nakakapagsalita ng hindi kanais-nais!

"Can we eat first? I was starving to death," I told him. He just nodded and remained silent till we reach the nearest restaurant to his company.

Lucas owned the Moris Hotel and Restaurant which has many branches inside the country. They owned the Montalban University also that came from his mother's side. That was also our alma mater and the most unforgettable place that I had once attended.

"Anong order mo?" tanong niya habang nakatingin lang sa menu. At least tinanong pa rin ako kahit na alam kong labag sa kalooban niya.

"Mayroon bang nakalagay d'yan na 'isang platong ngiti', at 'unlimited love'?" Binigyan ko siya ng nang-aasar na ngiti bago nagpatuloy. "Kung mayroon man, please lang orderan mo ako noon. Pakisamahan na rin ng take out." giit ko pa.

"How about 'hot honesty' which is hindi mo naman alam, and 'unlimited lying' dahil doon ka naman magaling?" sagot niya naman na ikinatawa ng waitress sa tabi niya. Bwisit talaga! May araw rin sa akin 'tong lalaking 'to! Tinaasan ko naman ng kilay ang waitress na kalaunan ay napayuko na lang. Tatawa pa kasi, akala niya naman nag jo-joke ang hudas kong asawa!

"Just buy those foods na masarap, and extra rice... Thanks!" Inirapan ko pa siya bago sumandal sa upuan. Ayaw kong ubusin ang energy ko dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kaniya. Kung pwede lang talagang hindi na mag krus ang landas naming dalawa, jusme ikatutuwa ko talaga!

"Saan ka tutuloy?" maya-maya ay tanong niya. Oo nga pala, kung sa Rest House namin sa Tagaytay ako uuwi, sino naman ang makakasama ko roon? Mababaliw ako ng wala sa oras kung doon ako tutuloy!

"Pwede bang sa puso mo na lang? Asawa mo naman ako, kargo mo ako sa ayaw at sa ayaw mo pa rin!" sagot ko na lang. Bahala na si batman sa aming dalawa, ang tanging hiling ko na lang talaga ay sana naman king-size ang ipagagamit niya sa akin na kama!

"No, you're not allowed to stay in my heart, baka ikamatay ko pa ng maaga. You can stay in my condo if you want, just mind your own business and don't disturb me... I want my privacy always," baliwalang sagot niya. Ngunit hindi iyon ang tumatak sa isip ko kun'di ang huling sinabi niya na sinabi niya rin sa akin seven years ago. Seems like a deja vu, bumalik tuloy sa isip ko ang nakaraan naming dalawa... Noong napakagaga ko pa!

"You're not my priority so don't act like a VIP."

***

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang sakit din magsalita ni lucas,tama ka lilac paibigin mo yang lucas na yan at pahirapan mo din oras na mahulog ang loob nya sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status