My Cheating Wife

My Cheating Wife

last updateHuling Na-update : 2022-06-28
By:  PaupauKumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
8 Mga Ratings. 8 Rebyu
96Mga Kabanata
32.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

"Magagalit ba ang panatang makabayan, kung ang iniibig ko ay ikaw?" ~Lyka~ Lilac Lyka Dela Vega, the spoiled brat blue-eyed heiress of Dela Vega Land Corporation. She's torn between loving or hating Nicholas "Lucas" Moris - the heartless billionaire and C.E.O of Moris Hotels and Restaurant, who almost sent her to jail as Lyka deliberately makes a scene to destroy Lucas' reputation for him to notice her. That day, they started to hate each other. Not until that scandal happened and suddenly find themselves marrying each other, that cause Lyka to be Mrs. Moris at a very young age. Will the heartless billionaire fall in love with his spoiled bratty blue-eyed heiress yet so-called 'My Cheating Wife?'

view more

Kabanata 1

PROLOGUE

"I love you, Lucas!" malakas kong sigaw habang nakatayo sa upuan dito sa cafeteria. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante o hindi! Kahit nga tumawa sila o pagchismisan pa nila ako ay kiber lang! Ang mahalaga ay maipagsigawan ko ang pesteng dare na iyan ng mga kaibigan ko, kaysa maging alipin nila ako ng isang linggo! Ni hindi ko nga kilala ang Lucas na iyon, anong malay ko kung mukha pala siyang pwet ng kabayo?!

"O ano? Happy na?" sunod-sunod kong tanong kina Belle at Maris. Nag thumbs up naman silang dalawa sa akin habang may ngiting tagumpay sa kanilang labi.

Kinuha ko ang bag ko at walang pakialam na sinukbit iyon sa balikat ko, naghahanda ng umalis upang mag escape sa susunod na klase. Nakakatamad naman kasi ang history, idagdag pa ang mala-ibong adarnang boses ng professor namin. This is the third school that I was transferred to. In the first and second schools, I got kicked out. Kasalanan ko ba naman kasing mukhang mga palakang nakamake-up ang mga istudyante roon, at ako ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki? Gosh! Ganda ko naman kasi!

Tumalikod na ako at akmang lalabas na sana ng bigla akong mabunggo ng isang lalaki. Hindi ko rin naman siya napansin, ngunit dahil mas malaking tao siya kaysa sa akin, sa lapag lang naman lumagapak ang beauty ko!

"Tumingin ka kasi sa daraanan mo," dinig kong sabi ng lalaki. Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko, sisinghalan na sana siya ngunit daig ko pa ang namaligno ng matitigan ang mukha niya! Shocks! Ito ang sinasabi nilang 'landi sa kabila ng pighati?!'

"Magagalit ba ang panatang makabayan, kung ang iniibig ko ay ikaw?" wala sa loob kong tanong. Putakte ang pogi! Makalaglag panty with panty-liner ang itsurahin ng irog ko! Siya na yata ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng earth na nakita ko, bukod syempre sa kuya ko at sa mga kaibigan niya! But this guy... "I do!" giit ko pa na para namang tinanong niya ako ng 'will you marry me?'

"Ilang katol ang nasinghot mo para umakto kang lamok na hilong hilo?!" malamig pa sa bangkay na tanong niya. Pero okay lang, kahit na kasing lamig pa siya ng Atlantic Ocean ay papatusin ko na. Makuha ko lang ang puso ng aking gwapong pagsinta!

"Hi, I'm Lilac Lyka Dela Vega, but you can call me 'love' tutal mahal naman natin ang isat-isa. Seventeen, 5'4", taking up Business Information Management at diyan lang ako sa MGS nakatira. Oo na! Payag na akong maging boyfriend ka, so ano? Tayo na ba?" Lalo namang kumunot ang kanina pang nakakunot na noo niya ng dahil sa mga pinagsasabi ko. Turo kasi sa akin ni Manang Hilda, maging totoo ka sa nadarama mo. Mas gagaang daw ang pakiramdam mo kapag sinasabi mo ang nilalaman ng iyong puso. Kaya naman heto, kung pahihintulutan ako ng lalaking ito'y ako na ang mag popropose sa kaniya!

"Lyka? What are you doing here?" sunod-sunod naman na tanong sa akin ng pinsan kong si...

"Kuya Justine? Omg! You're here pala?" Yes, he was my cousin. Justine Cortez, isa sa tinik sa aking lalamunan bukod pa kay kuya. But wait! Kilala niya kaya ang irog ko?

"It's almost time, you better go back to your class. Tapos na ang break n'yo right?" I pouted as he said that. Sa bawat magagandang eksena talaga, laging may kontrabida. At patunay na roon ang pinsan kong ito na hindi man lang ako binigyan ng kahihiyan sa harap ng crush ko!

"But I don't want to attend in my next subject. Miss Gonzales is such an..." Yumuko ako at pinagsalikop ang kamay sa likod ko, bago nagpatuloy. "Ibong Adarna. I felt sleepy sa subject na hawak niya!" I heard him sigh, napasapo pa siya sa noo niya. Well, I'm just telling the truth, and nothing but the truth!

"Huwag mong hintaying isumbong kita kay Tito, baka sa susunod wala ng school ang tumanggap sa'yo. Remember, Montalban University was the last school that accepted you, not minding the bad record you had in the last school that you attended." Napairap na lang ako at lalampasan na sana siya kasama ang aking pagsinta, pati na rin ang isa pang lalaki na ngiting ngiti kanina pa. Ngunit bago 'yon, I grabbed my love's collar then whispered something to his ear. After that, I run as fast as I could. Mag e-escape pa rin ako at wala silang magagawa!

***

"Wala ka talagang magagawa dahil sa ayaw at sa gusto mo, kasama ka sa auction na gaganapin sa opening ng hotel ko! And oh! I forgot, business partner nga pala kita, so yeah... Welcome to La Tigra, where all your kinky desires become real." Pag-iimporma sa akin ni Steve, may kasamang pang-aasar na rin.

I was busy signing all the papers here in my office when I received an overseas call from my brother-in-law. He was informing me that her sister Lyka-- my wife, was already at the Airport. Sa kaisipang iyon, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano ba dumating sa buhay ko ang spoiled brat na 'yon! And that has happened seven years ago!

"Nakikinig ka ba?" Binitawan ko ang hawak kong ballpen at napabuntong hiningang tumingin kay Steve. Ang aga-aga daig niya pa ang manok na putak ng putak!

"Lilac... My wife is coming," baliwalang sagot ko sa kaniya. Kilala ni Steve si Lilac dahil sa iisang University lang naman kami nag aral noon. But to my surprise, Steve laugh as if I told him a joke.

"Kaya pala kahit sinong pinakamagaling na pintor hindi kayang ipinta ang pagmumukha mo ngayon!" Tatawa tawa pa ring saad niya. "Well, good luck na lang bro! Kailangan mong manalangin ng taimtim para sa pagbabalik ni Lilac," giit niya pa bago ako iniwang nakatulala.

Kinuha ko ang cellphone ko ng biglang tumunog 'yon. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita ko ang hindi nakarehistrong numero na tumatawag ngayon. Ganoon pa man, sinagot ko pa rin at baka isa sa mga investors.

[Lucas?] Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mahimigan ko ang boses sa kabilang linya. It was her! The unregistered number was from my wife the hell! [Can you pick me up? I tried to call my cousin but he was unreachable. My parents weren't here... So ahm, are you busy?] I was about to decline because of too much paper works that I have to fill up. But still, I ask her! Fuck, I'm busy!

"Where are you?" I asked, massaging the bridge of my nose.

[On the road,] sagot niya naman na ikinakunot ng noo ko. Bakit ba nakalimutan kong napakamulala pala sa daan ni Lilac?! My goodness Lilac Lyka Dela Vega Moris, ikaw na yata talaga ang papatay sa akin ng maaga.

"Which road Lilac? I need the exact location, mayroon naman sigurong signage riyan kung nasaang lugar ka? At least the name of the street." Nasapo ko na lang ang sarili kong noo ng dahil sa kaniya. Bakit ba kasi umuwi pa siya?!

[I don't know okay! But I guess I'm still here... At the Airport?] I sigh, already giving up.

"Just wait for me there, and whatever happens don't go anywhere." I ended the call after I said that. Mukhang tama nga si Steve, kailangan kong manalangin ng taimtim upang magkaroon ng napakahabang pasensya para kay Lilac.

Ngunit sa kabila ng inis na nadarama ko ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya noon. Seven long years had gone fast, was she still the same spoiled, bratty, and the pampered girl I used to know?

"I'm gonna get you, by hook or by crook that's a promise!" That was the exact words she whispered to me seven years ago. And yes, she succeeds. Pero ngayon, ako naman.

Was she feel happy or angry if I greet her... "Welcome back, My Cheating Wife?"

***

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

default avatar
Oshasha Nerho
Yes my spouse cheated on me fews day back with a friends, I was able to read her chat from my phone after I had an encounter with macio spy team on IG
2024-06-18 00:53:24
0
user avatar
amor_mio99
pag-iipunan ko to para mabasa ko lahat
2022-10-05 22:15:44
1
user avatar
Mimi CUA
galing galing naman ni Paupau.
2022-05-11 14:27:25
1
user avatar
Paupau
thank you po sa support n'yo...
2022-03-02 02:03:39
4
user avatar
Melanie Dataylo Ramos
bakit hindi ata nag count yung iba kong gems.
2022-02-24 00:41:19
1
user avatar
Melanie Dataylo Ramos
babasahin ko nalang tlga....
2022-02-24 00:39:44
2
user avatar
Melanie Dataylo Ramos
ang ganda ng mga linyahan mo dai.....
2022-02-24 00:38:51
1
user avatar
Falling Psycho
The title is so eye captivating and the girst chapter is so fun to read. You are such a nice author...️...️
2022-02-19 13:16:43
1
96 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status