Akma na sanang aalis si Natalia nang harangan siya ni Czarina na kararating lang. Napaatras si Natalia at napatingin na rin kay Tyrone na nasa likod ni Czarina.
“Where are you going, Tita?” seryosong tanong ni Czarina saka siya napatingin sa maletang hawak ni Natalia. “Aalis ka ba? May business trip? Bakasyon? O balak mo nang tumakbo at takasan ang mga kasalanan mo?” may diing anas ni Czarina. Naikuyom niya ang kamao niya. Hindi pa man napapatunayan kung sino talaga ang pumatay sa kaniyang ina pero hindi niya mapigilan ang galit niya, hindi niya makontrol ang sarili niya dahil sa ginawa nito kay Owen.
Nilapitan ni Czarina si Natalia at malakas itong sinampal. Hindi pa siya nakontento dun dahil sinampal pa niya ang kabilang pisngi nito. Napaawang na lang ang labi ni Natalia at nabitiwan ang hawak niyang maleta. Hindi niya mahanap ang salitang sasabihin niya d
“Hi anak, I’m so happy to see you without that tube.” Aniya, hinawakan niya sa ulo ang anak niya saka niya ito hinahaplos habang kinakausap niya ito. Tila nakikilala naman ng anak niya ang boses niya kaya tumigil ito sa pag-iyak.“Nakikita mo na ba si mommy?” nakangiti niyang tanong dahil tila ba nakikipag-eye to eye na ang anak niya.“Hello po mommy, kumusta ka po?” masiglang tanong sa kaniya ng nurse.“Okay lang nurse. Kumusta ang baby ko?” tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa anak niya. Natutuwa siyang makitang wala na itong tubo. Ibig sabihin kaya na ng anak niyang huminga ng sarili niya.“Unti-unti na pong nakakarecover si baby. Inalis na po nila doc yung tubo niya kagabi, tolerable naman po ni baby kaya naka-oxygen na lang po siya. Inalis na po nila doc yung iba niyang gamot. Tatlo na lang po ang natitira. Mommy nasabi sa akin nila doc na kapag kaya na ni baby na magstay sa ward baka ilipat na po siya bukas kaya i-prepare niyo lang po mga gamit ni baby at gamit niyo pong m
Naglalakad na si Czarina papunta ng office niya nang makasalubong niya si Austin, ang lalaking niloko siya noon. Lalampasan niya na lang sana ito nang harangin siya ni Austin. Blangkong tiningnan ni Czarina si Austin.“What do you need?” seryoso niyang tanong.“May partnership tayo, remember? Nagpunta ako rito para kausapin ka sa partnership natin pero kung hindi mo naman ako kayang kausapin pwede naman ang representative mo na lang.” wika niya. Napataas ang kilay ni Czarina. Matagal na siyang nakamove on kay Austin.Akmang aalis na sana si Czarina nang muling magsalita si Austin.“Siya nga pala nabalitaan ko ang nangyari sa anak mo. Kumusta na siya ngayon?” tanong nito. Naikuyom ni Czarina ang kamao niya. Ang pinakaayaw niya ay ang pinag-uusapan ang pangalan ng anak niya o ang kalagayan nito. Inis na hinarap ni Czarina si Austin.“Nagpunta ka ba rito para sa partnership ng mga kompanya natin o nagpunta ka rito para malaman ang nangyayari sa akin? Dahil ba sa nangyayari sa akin ngayon
Napakarami na nilang pinagdaanan, tila ba mas marami pa yung hindi magandang memories kesa sa mga magaganda. Hanggang kailan ba sila magtitiis? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?“Pasensya ka na kung minsan makasarili na ako ha? Sana hindi ka magsasawang intindihin ako.” Malambing na saad ni Czarina saka niya tiningnan ang asawa niya.“Bakit kita susukuan? Naging akin ka ng wala man lang kahirap-hirap kaya hindi kita hahayaang mawala sa akin. Mabilis mang naging akin ka pero hindi ka ganun kadaling makakaalis sa akin. You’re my wife at simula nang dumating ka sa buhay ko marami akong mga natutunan. Marami kang pinaranas sa akin. Iminulat mo ako sa maraming bagay kaya huwag mong iisipin na susukuan kita dahil kahit dumating na sa puntong mahirap ka ng intindihin hinding hindi kita susukuan. Mark my words, love. I will never let go of your hand kahit na nasa pinakamahirap na tayong sitwasyon.” Tumango at matamis na ngumiti si Czarina. Gusto niyang siilin nang halik ang labi ng asawa
Gaya ng dati ipinakita lang ng nurse ang vital signs ni Kalix sa monitor at ipinaliwanag ito.“Binawasan ulit nila doc ang settings ng ventilator ni baby and tolerable niya naman mommy. Pinapabili na rin po kayo ni doc ng ram cannula para kapag na-extubate si baby yun na lang ang gagamitin niya. Aalisin na po itong tubo niya kung sakali mang magpatuloy ang recovery ni baby.” Sa narinig ni Czarina para bang bumilis ang tibok ng puso niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Masaya pero natatakot. Masaya siya dahil maalis na ang tubo ng anak niya, natatakot din dahil paano kung biglang hindi kayanin ng anak niya ng walang suporta ng ventilator?Humugot ng malalim na paghinga si Czarina.“Ito mommy yung reseta ng ram cannula niya. Magtanong na lang po kayo sa pulmonary office kung available po yan.” Ibinigay na ng nurse ang reseta. Tumango lang naman si Czarina. Sana ay magtuloy tuloy na ang paggaling ng anak niya hanggang sa mailipat sila sa ward at hanggang sa makauwi na ulit si
“Maupo ka,” saad ni Czarina kay Natalie. Naupo naman si Natalie.“Gusto ko sanang mag-apply ng trabaho dito. Okay lang kahit cleaner, janitress o kung papayagan mo ay maging intern.” Wika ni Natalie.“What happened to your current job?” seryosong tanong ni Czarina. Nahihiyang yumuko si Natalie saka nilaro ang mga daliri niya.“Mababa kasi ang sahod bilang intern. Hindi kasya sa maintenance fee ng condo ko, pangkain ko, gasolina at panghulog sa mga credit card ko. Binenta ko na kasi lahat ng mga branded bags ko, heels at mga damit pero nagkulang pa rin para mabayaran ko lahat ng utang ko sa credit card ko. Nabalitaan ko kasing itinaas mo ang sahod sa lahat ng mga empleyado. Yung sahod ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko, sahod lang cleaner niyo dito sa kompanya. Isa pa hindi rin kasi maganda ang trato sa akin ng mga katrabaho ko dahil I once a princess daw to pulubi real quick. Hindi naman ako nagrereklamo sa mga trabaho ko pero pinapabigat lalo ng mga katrabaho ko ang mga ginagawa ko
Nakapagfocus si Czarina sa mga trabaho niya sa kompanya dahil kahit papaano ay magaan ang loob niya. Halos lahat ng mga naiwan niyang trabaho ay natapos niya pati ang mga dokumento na kailangan niyang basahin at aprobahan.“Come in,” sagot niya nang may kumatok sa pintuan niya. Nasa laptop at mga papeles pa rin ang atensyon niya. Pumasok naman si Owen na may dalang meryenda. Tinitigan ni Owen si Czarina, pansin niyang nakafocus talaga ito sa mga trabaho niya. Mabuti na rin yun para hindi na lang siya iyak nang iyak kapag naaalala niya ang anak niya.“Magmeryenda ka muna para may lakas ka pang magtrabaho.” Agaw atensyong saad ni Owen. Iniangat naman ni Czarina ang paningin niya. Si Owen pa rin ang partner niya hanggang ngayon sa project nila.“Thank you, siya nga pala basahin mo ‘to. Nabasa ko naman na rin yan, tingnan mo kung aaprobahan mo.” Iniabot ni Czarina ang isang envelope na maraming mga papeles.“What do you think about this? Approve ba sayo?” tanong ni Owen. Pinasadahan niya