Share

Kabanata 90.1

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-12 23:59:41

Matamis na ngumiti si Czarina. Hindi niya mapigilang lumuha sa tuwa dahil sa mga nangyayari ngayon. Nalulungkot man siya dahil sa nangyari kay Owen pero panandalian niyang nakakalimutan ang mga problema niya dahil malapit niya ng mabigyan ng hustisya ang kaniyang ina. Nang makita ni Tyrone ang asawa niyang mag-isa lang sa pool area ay nilapitan niya ito. Sa kawalan nakatingin si Czarina at dahil sa lalim ng iniisip niya hindi pa niya nararamdaman si Tyrone na nasa gilid niya na.

“Are you okay?” agaw atensyong tanong ni Tyrone. Nabalik na sa wisyo si Czarina saka niya hinarap ang asawa niya at matamis na ngumiti.

“Medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Sa tingin mo ba mapapabilis ang pagproseso sa mga isasampa nating kaso? May sasampa si Tita Amelia dahil sa nangyari kay Owen, magsasampa si Yaya Mila dahil sa pagpatay niya rito, ang pagnanakaw niya ng pera sa kompany

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Contract Marriage    Kabanata 91.2

    “Nandito ba sa loob ng kwartong ito ang tinutukoy mo? Maaari mo bang ituro?” tanong ng judge. Si Mila naman ang tumayo at hinanap ng mga mata niya si Natalia. Walang pag-aalinlangan niyang itinuro si Natalia.Nagpatuloy pa ang paglilitis sa loob ng korte. Inuna na muna nila ang kasong isinampa ni Mila at sa kasong isinampa ni Czarina. Nang matapos ang unang paglilitis ay nagsilabasan na silang lahat. Inilabas na rin si Natalia pero nang makita niya si Czarina ay mabilis niya itong nilapitan at hinila ang mga buhok kahit na nakaposas ito.“Dapat pinatay na kita noon! Ikaw ang baliw, Czarina! Ikaw ang baliw!” sigaw ni Natalia. Buong lakas na inalis ni Tyrone ang mga kamay ni Natalia sa buhok ni Czarina. Gusto niyang sampalin si Natalia pero hindi niya magawa dahil babae pa rin ito.Sa inis ni Melanie ay malakas niyang sinampal si Natalia.“Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang manakit sa anak ko? Kung meron mang baliw sa inyong dalawa ikaw yun Natalia. Masyado kang obsess

  • My Contract Marriage    Kabanata 91.1

    Nasa korte na silang lahat ngayon, nasa loob na ng court room si Czarina habang nasa labas pa si Tyrone kasama si Chairman at ang lawyer nila.“Siguraduhin mong hindi makakalaya si Natalia. Kung kailangan nating bayaran ang judge gagawin natin.” Seryoso at maawtoridad na saad ni Tyrone. Pumirma naman si Chairman sa blank cheque niya at ibinigay sa lawyer nila.“Ibigay mo ito sa judge. Babayaran natin silang lahat huwag lang makalaya ang babaeng yun. Isulat niya diyan ang halagang gusto nila, I don’t care.” wika rin ni Chairman. Tiningnan ni attorney ang black cheque bago sinalubong ang tingin sa kaniya ni Chairman.“Hindi na natin kailangan yan Chairman. I will make sure she will rot in jail. Marami tayong ebidensya at sapat na sapat na ang mga yun para mabulok siya sa kulungan. Marami ang magsasampa sa kaniya ng kaso at kahit hindi magsampa ang lahat, mabubulok pa rin siya sa kulungan. Nasiguro na rin ni Mr. Jimenez na tetestigo ang mga naging kasabwat ni Miss Natalia.” Confident na

  • My Contract Marriage    Kabanata 90.2

    “Hindi naman. Masaya ako dahil magkasundo kayo ni Mommy. Okay lang kung isinasantabi niya ako, ang mahalaga mas inuuna niya kayo.” Nakangiting sagot ni Tyrone na ikinangiti na lang din ni Czarina. Nang makakababa sila ay sinalubong kaagad ni Melanie si Czarina at niyakap ito.“Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Melanie.“Ayos lang po ako, Mom. Huwag niyo akong alalahanin. Si Tyrone po baka kailangan niyong kumustahin.” Nilingon ni Melanie ang anak niya pero inismiran niya lang ito na ikinanlaki ng mga mata ni Tyrone dahil sa gulat.“Hindi ko naman na siya kailangang kamustahin pa. Alam ko namang okay lang siya, kaya niya na ang sarili niya. Masyado na siyang malaki, alam niya na ang ginagawa niya. Kung may masakit sa kaniya pwede naman siyang magpacheck-up kaagad.”

  • My Contract Marriage    Kabanata 90.1

    Matamis na ngumiti si Czarina. Hindi niya mapigilang lumuha sa tuwa dahil sa mga nangyayari ngayon. Nalulungkot man siya dahil sa nangyari kay Owen pero panandalian niyang nakakalimutan ang mga problema niya dahil malapit niya ng mabigyan ng hustisya ang kaniyang ina. Nang makita ni Tyrone ang asawa niyang mag-isa lang sa pool area ay nilapitan niya ito. Sa kawalan nakatingin si Czarina at dahil sa lalim ng iniisip niya hindi pa niya nararamdaman si Tyrone na nasa gilid niya na.“Are you okay?” agaw atensyong tanong ni Tyrone. Nabalik na sa wisyo si Czarina saka niya hinarap ang asawa niya at matamis na ngumiti.“Medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Sa tingin mo ba mapapabilis ang pagproseso sa mga isasampa nating kaso? May sasampa si Tita Amelia dahil sa nangyari kay Owen, magsasampa si Yaya Mila dahil sa pagpatay niya rito, ang pagnanakaw niya ng pera sa kompany

  • My Contract Marriage    Kabanata 89.2

    Sumunod si Tyrone at Czarina sa prisinto. Makakahinga na ng maluwag si Tyrone dahil kapag napakulong na nila si Natalia magkakaroon na ng katahimikan ang buhay ni Czarina, magiging tahimik na rin ang pamilya nila.Pagdating nila ng prisinto ay sigaw kaagad at pagwawala ni Natalia ang naririnig nila.“Sapat na ba yung ebidensya para huliin niyo ako?! Pahiram ako ng cellphone and I will call my lawyer! Hindi tama itong ginagawa niyo sa akin. Hindi dahil asawa siya ng isang Fuentes, siya na ang dapat niyong paniwalaan!” patuloy na pagwawala ni Natalia. Nang hindi siya pinahiram ng cellphone ay sinagi niya ang mga gamit na nasa front desk.“Oh, really, Natalia?” sabat naman ni Chief Romero. Nilingon ni Natalia yun at nang makita niya kung sino ang kasama nito ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Maging si Czarina ay n

  • My Contract Marriage    Kabanata 89.1

    Akma na sanang aalis si Natalia nang harangan siya ni Czarina na kararating lang. Napaatras si Natalia at napatingin na rin kay Tyrone na nasa likod ni Czarina.“Where are you going, Tita?” seryosong tanong ni Czarina saka siya napatingin sa maletang hawak ni Natalia. “Aalis ka ba? May business trip? Bakasyon? O balak mo nang tumakbo at takasan ang mga kasalanan mo?” may diing anas ni Czarina. Naikuyom niya ang kamao niya. Hindi pa man napapatunayan kung sino talaga ang pumatay sa kaniyang ina pero hindi niya mapigilan ang galit niya, hindi niya makontrol ang sarili niya dahil sa ginawa nito kay Owen.Nilapitan ni Czarina si Natalia at malakas itong sinampal. Hindi pa siya nakontento dun dahil sinampal pa niya ang kabilang pisngi nito. Napaawang na lang ang labi ni Natalia at nabitiwan ang hawak niyang maleta. Hindi niya mahanap ang salitang sasabihin niya d

  • My Contract Marriage    Kabanata 88.2

    “Calm down, Tito. Walang makakapantay sa galit na nararamdaman niyo pero hindi natin pwedeng patayin ang driver. Paano natin malalaman kung sino ang nag-utos sa kaniya kung mamamatay siya?” anas ni Tyrone. Galit na inalis ni Levi ang pagkakahawak sa kaniya ng mga pulis. Habang kinakausap ni Tyrone ang Tito niya ay pumasok naman sa loob ng interogation room si Czarina.Nakayuko na ang driver, may dugo sa gilid ng labi at may pasa na rin sa pisngi.“Nakikiusap ako sayo, ayaw naming saktan ka pero sana maintindihan mo ang galit ng isang magulang. May pamilya ka ba?” mahinahon na tanong ni Czarina. Hindi naman sumagot ang driver. “Alam kong may pamilya ka at naghihintay sila sa pagbabalik mo hindi ba? May mga anak kang umaasa sayo, tama ba? Pakiusap, sabihin mo na sa amin kung sino ang nag-utos sayo nito para mabaling ang galit naming lahat sa taong yun. H

  • My Contract Marriage    Kabanata 88.1

    Nang madischarge si Czarina ay una niyang pinuntahan si Owen na nasa ICU pa rin. Pagkatapos niyang magbihis ng gown ay pumasok na siya sa loob ng kwarto. Inilibot niya ang paningin niya sa mga machine na nakasuporta kay Owen. Humingang malalim si Czarina para pigilan ang paglandas ng mga luha niya. Nang dahil lang sa inggit o galit ng isang tao ay ganito ang nangyari kay Owen. Kung siya ang nasa sitwasyon ni Owen ngayon hindi niya alam kung kakayanin niya ba, hindi niya alam kung magtatagal pa siya ng ilang araw.Nanginginig ang mga kamay ni Czarina na hinawakan ang kamay ni Owen. Tanging ingay ng mga machine ang naririnig niya sa buong kwarto. Napalunok si Czarina, hindi niya akalain na ganito kalala ang natamo ni Owen sa aksidente. May benda ang ulo at ilang bahagi ng katawan, dalawang tube ang nakasalpak sa bibig niya at maraming mga apparatus ang nakakabit sa katawan niya.&ldq

  • My Contract Marriage    Kabanata 87.2

    Naikuyom ni Tyrone ang kamao niya. Kung sakali mang mag-isa lang si Czarina nung araw na yun siguradong siya ang nasa sitwasyon ni Owen ngayon. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin. Pakiramdam niya ay masisiraan siya ng ulo kapag si Czarina ang nirerevive ngayon.Mariing ipinikit ni Tyrone ang mga mata niya saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Alam nilang sinadya ang aksidente, may tao talagang gustong patayin si Czarina at walang ibang nasa isip ni Tyrone kundi ang stepmom ni Czarina.Naghintay pa sila ng halos isang oras. Hindi nila alam kung sa paglabas ba ng mga doctor ay may magandang balita silang maririnig.“May balita na ba kayo kung sino ang gumawa nito?” seryosong tanong ni Levi. Bakas ang galit sa tinig nito.“Sa ngayon Tito nag-iimbestiga pa. Nahuli na nila Mr. Jimenez ang driver ng truck pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita. Paulit-ulit niyang sinasabi na nakatulog siya pero hindi niya maipaliwanag kung bakit may plate number na nakasulat s

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status