Mag-log in1. MARRYING THE GAY BILLIONAIRE > GENRE: RomCom | Marriage of Convenience | Fake Relationship | Enemies to Lovers >Vibe: Masaya, nakakakilig, puno ng asaran at bangayan! >FAMOUS LINE: "Kailangan ko ng pera, at kailangan mo ng asawa. Kaya 'wag ka nang maarte diyan at halikan mo na ako!" > BUOD: Si Rowan Fontano ay isang supladong CEO ng cosmetics company na pilit na pinag-aasawa dahil sa tsismis na siya ay gay. Si Samarah Castillo naman ay isang palabang beauty queen at rakitera na desperadong nangangailangan ng pera para sa sakit ng kapatid. Para sa pera at pamilya, papasok sila sa isang kontrobersyal na kasunduan. Kakayanin kaya ng isang Gay Billionaire ang kaniyang Amazonang bride? > BAKIT MO ITO DAPAT BASAHIN? Kung naghahanap ka ng kwentong nakatatanggal ng stress, puno ng katatawanan, at may sobrang nakakakilig na asaran ng dalawang taong ayaw magpatalo, ito ang para sa iyo! SAAN MABABASA?: GOOD NOVEL 2. I AM MY HUSBAND'S MISTRESS >GENRE: Dark Romance | Drama | Revenge |
FIVE MONTHS LATERNapakapresko ng simoy ng hangin sa probinsya. Nakaupo si Caroline sa malapad na papag sa ilalim ng malaking puno ng mangga habang dahan-dahang nagpapaypay gamit ang kaniyang abaniko. Panay ang haplos at himas niya sa kaniyang napakalaking tiyan habang sarap na sarap na kumakain ng manggang hilaw."Iyon pa, kunin mo iyon! Mas gusto ko iyong nasa dulo ng sanga! Mukhang mas green eh!" turo ni Caroline pataas habang nakatingala."Eh Mahal, pare-pareho lang naman silang kulay green eh. Baka naman mahulog ako doon, manipis na iyong sanga sa parteng iyon eh," reklamo ni Tobias na nasa itaas ng puno.Wala siyang suot na damit pang-itaas, nakasabit lang ang isang face towel sa kaniyang balikat, at pawis na pawis ang kaniyang matipunong katawan. Subalit napakagwapo pa rin nitong tingnan kahit halos gawin na siyang unggoy ng asawa."Baka pwedeng sungkitin ko na lang?" pakiusap pa ni Tobias habang maingat na kumakapit."Kukuha na nga lang ng mangga, ang dami pang reklamo!" nalulu
3RD PERSON’S POV"Mama!" sigaw ni Sheila habang inalalayan ang nakahawak sa pisnging si Lola Rina. Humarap siya kay Caroline na halos lumuwa ang mga mata sa galit. "Walangya ka, Caroline! Tobias, hahayaan mo lang bang gawin niya ito sa Lola mo?!"Pero hindi siya pinansin ng anak."Nanahimik kami!" sigaw ni Caroline na umalingawngaw sa buong hall, galit na galit ang boses habang nakatitig sa dalawang matanda. "Sa kabila ng mga ginawa ninyong pagtatangka sa buhay namin, nanahimik kami! Pero hindi ko na hahayaang gamitin ninyo na naman si Tobias para sa mga kasakiman ninyo!"Napanganga si Lola Rina at mabilis na dumuro pabalik, nanginginig ang boses sa galit at kaba. "How dare you accuse us?!"Dahil sa narinig na pahayag ni Caroline, lalong lumakas ang bulungan ng mga investors, negosyante, at media sa buong venue."Tinangka nilang patayin sina Caroline at Tobias?""Sarili nilang dugo, ginawa nila iyon?""Oh gosh, totoo nga ang mga tsismis tungkol sa kasamaan ng mga Del Fierro!""Kayo an
Caroline’s POV"Bukod dito, we are also ready to supply our partner stores with high grade gold at a price much lower than the current market rate, without compromising its quality," patuloy ng niya habang nakangiti sa mga investors. "And to top it all off, our store will feature exclusive, limited-edition, and handcrafted collector's designs made by our finest artisans."Nagsunod-sunod sa screen ang mga larawan ng pambihira at napakagagandang sample designs ng mga kwintas, singsing, at bracelet. Manghang-mangha ang mga tao habang pinagmamasdan ang kislap at detalye ng bawat alahas.Pagkatapos ng maikling presentasyon ni Caroline, isang napakalakas at sunod-sunod na palakpakan ang bumalot sa buong hall.Nang humupa ang malakas na palakpakan, hinawakan nang mahigpit ni Caroline ang mikropono. Tumingin siya nang diretso sa madla, bakas ang matinding pagmamalaki at emosyon sa kaniyang mga mata. Pero mababakas din sa kanyang boses ang panginginig at kaba."Subalit ang tagumpay na ito, kasa
3RD PERSON's POV"Are you really okay? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Caroline, sinusuri ang bawat galaw ni Tobias.Bahagyang ngumiti si Tobias, hinawakan ang mga kamay ng asawa na nasa kaniyang mukha at inilapit ito sa kaniyang mga labi para halikan."Baby don't be scared, I'm good. Pero hindi ko lang kasi talaga maalala kung sino ang babaeng iyon," sagot niya habang nakakunot ang noo, tila pilit na inaalala ang mukha ng sariling ina ngunit wala talagang anumang lumalabas sa kaniyang isip.Pareho silang natigilan at nagtaka sa kung bakit ganoon ang nangyari. Noong magkaharap sila ni Raegan, halos mawalan ng malay si Tobias sa matinding sakit ng ulo at panic attack dahil sa mga bumabalik na takot at trauma. Subalit kanina sa harap ni Sheila, ang sarili niyang ina na nagpalaki sa kaniya… ni wala man lang kahit katiting na emosyon o pisikal na reaksyon si Tobias. Para lamang siyang nakatitig sa isang estranghero na ngayon niya pa lang nakita.Maituturing man itong
3rd Person’s POVHindi makapaniwala si Carol sa nasaksihan. Pero nakahinga din siya ng maluwag kahit papaano. Alam niya kasi na kahit ganon ay mahal na mahal ng mga magulang nito si Jade. She was a spoiled brat growing up, naibibigay ang lahat ng gusto, ngunit mabuti na nga lang at hindi lumaking suwail at masama ang ugali.Napangiti na lang siya."Hayaan mo, mana naman iyan sa magulang niya. Pare-pareho silang may topak."Minabuti ng mag-asawa na lumabas muna ng kuwarto para bigyan ng privacy ang pamilya ni Jade kasama sina Kael at Lander.Hindi pa rin mapigilan ni Carol ang mapahagikgik habang naglalakad sila sa hallway. Natatawang napakamot naman sa ulo si Tobias habang nakahawak sa bewang ng asawa."Seriously, Carol? May nakakaisip palang ipamigay ang sariling parents para lang makaiwas sa kasal? She’s utterly insane.""Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? That's how they show their love. At saka, palagi talagang ang gusto ni Jade ang nasusunod pagdating sa decisions ng family nila. Kita







