Caroline’s POV“Sir? Good morning po! Oh! Miss Monte Carlo, nandito ka rin pala.”Dali-dali kong nilunok ang kinakain ko at napaayos agad ako ng tayo nang pumasok sa opisina si Mister Castro, ang head ng aming legal department.“Good morning,” malamig na bati sa kaniya ni Sir Tobias mula sa kaniyang mesa.“Mukhang dito ka na nag-almusal, Miss Monte Carlo, ah? Hahaha!” Papalit-palit ang makahulugang tingin niya sa aming dalawa.“A-ahh, ano kasi, Sir... tinitikman ko lang 'yung pagkain ni Sir Tobias. Baka kasi hindi niya po magustuhan, hehe,” utal kong dahilan habang pilit na ngumingiti.“Grabe ka naman pala tumikim? Nakalahati mo na 'yung plastic tub, ah?” nakangisi niyang sabi.“Right? That’s why I asked for two portions. Dahil siguradong uubusan niya ako,” biglang hirit ni Sir Tobias.Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya habang tawang-tawa naman si Mister Castro.“W-Wow, hahaha!” Hindi ako makapalag. Nakakainis!Nag-excuse na lang ako at mabilis na lumabas ng opisina para makapag-usap
Last Updated : 2026-06-26 Read more