Partager

5. HER SAVIOR

Auteur: Mir
last update Date de publication: 2026-06-23 19:01:22

Caroline’s POV

“Bakit niya ba pinadala sa akin ito?”

Nakatitig ako sa box ng dress at sapatos na ipinadala ni Raegan. Ano ito? Pagkatapos ng lahat ng nangyari gusto niyang sabay kaming magpunta sa investor’s party nila? Na para bang hindi niya binastos ang pamilya ko nung nakaraan?

Hay! Ang hirap maging sunud-sunuran sa kanya!

Pagdating ko sa venue ay puno na ng paparazzi ang paligid. Panay ang tawag at text ko kay Raegan pero hindi siya sumasagot.

I decided na lumabas na lang ng sasakyan at maghintay sa gilid. Pagbaba ko ay kaagad akong tinutukan ng mga camera. Mabuti na lang at may mga barricade kaya hindi sila makalapit sa akin.

“Miss Caroline, totoo po ba na ikakasal na kayo ng tagapagmana ng mga Del Fierro?”

“Gaano po katotoo na inagaw mo ang boyfriend ng dating bestfriend mo?”

“A-ano? Bestfriend ko?” bulong ko sa sarili. Ano bang pinagsasasabi nila?

Mabuti na lang ay dumating na ang sunod na sasakyan kaya natuon ang atensyon nila doon. Muli kong tinawagan si Raegan pero panay ring lang ang cellphone niya at walang sumasagot.

Nang bumaling ang tingin ko sa kotseng kadarating lang ay doon ko nakita ang fiance’ ko. Nakatayo habang hawak ang kamay ni… Rhea. Inalalayan niya itong makababa sa sasakyan at sabay nilang hinarap ang madla.

Si Rhea? Siya ba ang tinutukoy nila na dati kong bestfriend na inagawan ko?

“Wow! She looks stunning in her red dress!”

“Bagay na bagay sila ni Sir Raegan!”

“Miss Rhea! Ano pong masasabi niyo sa kumakalat ngayon sa social media na pag-agaw ni Miss Caroline sa boyfriend ninyo?”

Ang kaninang ngiti sa mukha ni Rhea ay napalitan ng lungkot. Humarap siya kay Raegan na parang naiiyak.

“Sabi ko naman sa ‘yo hindi dapat ako ang kasama mo rito. Hintayin mo na lang ang fiancee’ mo.”

Umiling si Raegan at hinawakan ang kamay niya, “No, babe. Sabay tayong papasok dito. Alam mo naman na ikaw lang ang importante sa akin hindi ba?”

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kung may taong mahilig mang-agaw sa aming dalawa, siya iyon!

“Miss Caroline! Mukhang naiiyak na po si Miss Rhea, hindi po ba kayo nakokonsensya?”

Nalaglag ang panga ko nang biglang bumaling sa akin ang isang reporter at sabihin iyon ng napakalakas. Nagsitinginan tuloy silang lahat sa akin!

“I.. A-aahh…” Anong isasagot ko?!

“Babe, nandito na pala ang fiance’ mo, mukhang hinihintay ka niya. Sige na, mauuna na akong pumasok.”

Hanggang ngayon, pa-victim pa rin ang Rhea na ito!

“No! Sabay tayong maglalakad papasok.” Bumaling si Raegan sa akin, “Caroline! Ano bang itinat*nga mo dyan? Hinihintay mo ako? Sa tingin mo ba talaga ikaw ang sasamahan ko papasok ng event hall? Tsk! Hindi ka na nahiya!”

Hindi ako makapaniwala, napakakapal ng mukha nila! Akmang sasagot na ako nang biglang may umakbay sa akin.

“I’m sorry for making you wait, shall we?” Magandang ngiti ni Tobias ang bumungad sa akin.

Ang puso ko, napakabilis ng tibok!

“Uncle? Y-You’re with her?” hindi makapaniwalang tanong ni Raegan.

Pati si Rhea ay nanlalaki na ang mga mata.

“Why? You got a problem?”

Napailing si Raegan. Wala silang nagawa kung hindi tumabi sa gilid nang alalayan ako ni Sir Tobias at sabay kaming naglakad sa red carpet. Inoffer niya pa ang braso niya sa akin at nakangiti naman akong umangkla roon.

Sa pagkakataong ito ay sa amin natuon ang atensyon hindi lamang ng mga paparazzi kung hindi pati na ng iba pang mga bisita.

“Anong nangyayari? This is the first time na may nakitang babaeng isinama si Sir Tobias sa red carpet!”

“Indeed, he usually goes alone. Pero ngayon he has a muse, at ang fiance’ pa talaga ng pamangkin niya. What is going on?!”

Parang mga bubuyog na nagbubulong-bulungan ang mga tao.

“Sir, thank you,” bulong ko sa kanya.

“Don’t call me Sir. Gusto ko iyong pangalang ibinigay mo sa akin kagabi.”

Taka akong nag-angat ng tingin sa kanya at sinalubong naman niya iyon, “T-Toby?”

I was mesmerized when he smiled at me again. Bigla ring lumakas ang mga flash ng camera nang tagpong iyon. Nakangiti siya habang magkatinginan kami. Sa mga hindi nakakaalam ng sitwasyon naming dalawa ngayon ay aakalain talaga na kami ang ikakasal.

Ang weirdo niya. Minsan masungit, minsan palabiro, pero I'm grateful na lagi siyang nandyan para saluhin ako.

Sinamahan niya ako buong gabi. Pero sina Raegan at Rhea ay parang mga agila na nakaabang at naghihintay ng pagkakataon para daigitin ako. Nang may kausaping investor si Toby ay sabay silang lumapit sa akin.

“Napakaharot mo naman Caroline, ikakasal ka na kay Raegan pero inaakit mo pa yung Tito niya!”

“Umpisa pa lang alam ko na pera lang ang habol niya sa amin, pero ngayon mukhang tumaas ang pangarap niya at Tito ko naman ang gusto nyang akitin.”

“Ako pa talaga?! Eh anong tawag sa ginag—” Biglang sumabat si Rhea.

“Totoo naman ah? Wala kang karapatan magmataas sa harap ng isang Del Fierro, Caroline! Kaya ‘wag kang sumagot-sagot dyan! Kung hindi dahil sa mana, hindi ka papatulan ni Raegan. Akala mo ba gusto ka niyang pakasalan? Napipilitan lang siya!”

I smiled bitterly at saka ako tumango, “Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Kaya pala! Bakit? Sa tingin mo ba gusto kong magpakasal sa isang arogante at egoman*ac na katulad mo?!” baling ko kay Raegan.

“Nababaliw ka na ba?!” singhal ni Rhea.

“Oo! Nasisiraan na ako ng bait! Pero mas mababaliw ako kapag pinakasalan ko ang lalakeng ito! Napakasama ng ugali mo, kampon ka ni Sat*nas!” Napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ko.

“Hah! Ang lakas ng loob mo! Kailangan niyo ang pamilya namin, anong sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila ito?”

Napatingin ako sa gawi nila Dad na papunta na sa pwesto namin, “I’m sorry Dad, I can’t do this. I’m backing out.”

“No, Caroline! You can’t!” Bumaling si Dad kay Raegan, “I’m really really sorry about this, hayaan niyo at didisiplinahin ko ang anak ko.”

“Dapat lang, nakakalimutan niya yata kung saan dapat ang lugar niya!” Pinagduduro niya pati si Dad.

“Dad, I don’t want to!” Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

“Caroline anak, alam mo naman na kailangan natin ito. Go apologize to Raegan, please anak,” pagmamakaawa ni Mama.

“Hahaha! Nasaan ang tapang mo ngayon? Halika rito sa harap ko. Lumuhod ka at magmakaawa!” Nakangisi silang pareho na parang mga demonyo.

“Mom, Dad please don’t make me.”

I’m begging my parents but they both pushed me to apologize.

“See? You’re nothing without Raegan,” mayabang na sabi ni Rhea.

“I am your only chance. Sa tingin mo ba may t*ngang lalake pa na isasalba ka at pakakasalan? Kahit lumuha ka ng dugo, ako at ako lang ang pag-asa mo!”

I was defeated. Under everyone’s gaze, unti-unti akong lumapit kay Raegan. Basa ng luha ang mukha ko at halos hindi na makahinga dahil sa sama ng loob. Luluhod na sana ako nang may humawak sa braso ko at inalalayan akong tumayo.

“Ako. Ako ang t*ngang lalake na handa siyang isalba at pakasalan.” Hinila niya ako at niyapos, “Are you okay?”

“T-Toby…”

Mir

To show your love, please drop some comments in the review section and share this story to your friends. Pwede rin po kayong magpadala ng mga regalo at gems as a support sa inyong mahal na author, maraming salamat po! Happy reading!

| 11
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
Helda Resuelo Juarez
I like this
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Toby!!! Ikaw na ba ang future ko?
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   196. LASING

    Caroline’s POV Tahimik na ang paligid sa parking lot ng karaoke bar paglabas namin. We spent the whole night drinking, dancing, singing and getting wasted. Inilabas ko ang lahat ng pwede kong ilabas ngayong gabi. Ala una na ng madaling araw, pero pakiramdam ko ay kakaumpisa ko pa lang magsaya. Ang kaso nga lang, uwing-uwi na itong mga kasama ko."Isa pa! Mabilis lang, isa pang bote!" sigaw ko habang sumasayaw-sayaw pa at pilit na kumakawala sa hawak nina Mel at Jeff."Caroline, tama na! Lasing na lasing ka na!" sigaw ni Mel habang hinihila ang braso ko, halos mapaupo na siya sa pagpigil sa akin. “Carol huwag kang magulo, aray! Yung paa ko huwag mong apakan!”“Isa pa! Hanggang alas singko! Huwag na tayo pumasok!” malapad ang ngiti kong aya sa kanila. “Libre ko kayo! Hihihi! Tag five pesos.”“Wala na, lasing na talaga ‘to,” natatawa at naiiling na sabi ni Jeff habang tumatawa.“Anong lasing? Wala na sa sarili iyan! Paano natin to iuuwi? Sabi niya magtataxi lang siya.”“Hindi ako lasin

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   195. LOVE BOMBING

    Caroline’s POVBumuntong-hininga si Melissa at hinawakan ang balikat ko. "Oh siya, sige. Tahimik lang kami. Maupo ka na muna rito at uminom. Tensed ka masyado eh."Diretso kong tinungga ang isang buong baso ng malamig na beer. Hiningal pa ako nang bahagya pagkalapag ko ng baso sa mesa.Natawa nang mahina si Mel habang nakatitig sa akin, umiling-iling pa bago kumuha ng pulutan."Dahan-dahan lang, te! Baka malasing ka agad nyan, 'di ka pa nga nakakakanta," natatawang hirit ni Mel, saka seryosong inilapit ang mukha sa akin. "Seryoso, ano bang nangyari? Mukhang stressed na stressed ka na naman sa asawa mo ah?"Napayuko ako at pinaglaruan ang baso kong yelo na lang ang laman. Si Jeff naman ay pinatay muna ang mic para makinig sa amin, hinihintay ang kasunod kong sasabihin.Inilapag ko ang baso sa mesa bago ako tuluyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar," panimula ko, ramdam ang panginginig ng boses ko sa matinding galit at pagod. "Gust

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   194. BAHALA KA SA BUHAY MO!

    Caroline’s POVTumingin siya ulit sa akin. May sumisilip na luha sa gilid ng kaniyang mga mata na pilit niyang pinipigilang pumatak."Nasa 'yo na ang lahat ng bagay na pinangarap ko, eh," dagdag pa niya, nanginginig ang boses. "May pamilya ka na mahal na mahal ka, may career ka na tinitingala ng lahat, mahal ka ng mga tao sa paligid mo... kaya nung pumasok ka pa sa buhay namin ni Raegan, naisip ko na... bakit pati siya? Bakit kailangan pati 'yung nag-iisang taong gusto ko at meron ako, aagawin mo pa sa akin?"Parang naputol ang hininga ko habang pumapasok sa utak ko ang bawat salitang binitiwan niya. Sa mga oras na iyon, sa kabila ng inis at galit na nararamdaman ko sa kanya ay bigla ko siyang naintindihan. Bigla kong napagtagpi-tagpi ang mga rason kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon. Ni minsan ay hindi ko akalaing darating ang araw na maiintindihan ko siya. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, gagawin ko rin ang lahat para protektahan kung ano ang akin.“I may have done s

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   193. RHEA'S SIDE

    Caroline’s POV"You should eat," ani Rhea sabay lapag ng pagkain sa desk ko."I'm not hungry," malamig kong tanggi. Pero mabilis siyang napangisi nang marinig niya ang pagkulo ng tiyan ko. "Doesn't sound like it."Tiningnan ko ang dala noyang rice meal. Dahil nanginginig na rin ang katawan ko, pikit mata kong tinanggap ang dala niya. Tahimik ko na lang na kinuha ang kutsara saka iyon binuksan at nagpasimulang kumain. Nakatayo pa rin siya roon sa gilid ko. Akala ko aalis na siya, pero bigla siyang nagsalita."Are you still thinking about what happened last night?"Napatigil ako sa pag-nguya. Mabilis na nangunot ang noo ko at tiningnan nang masama. "Rhea, seriously? Don't ask me about personal stuff while we're at work. Know your place," pagsusungit ko.Bahagyang siyang nagtaas ng kilay at sumulyap sa wristwatch niya."There are still eighteen minutes left for lunch break, Caroline," seryoso pero may bahagyang hamon sa boses niya. "So technically, you're not my boss right now."Inis

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   192. JEALOUS

    Caroline’s POV Bago pumasok sa opisina, naglagay ako ng makapal na concealer at foundation para itago ang pamamaga ng mga mata ko. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa opisina. Ayaw kong magpatalo sa kanya. Pagpasok ko pa lang sa lobby ay sinalubong agad ako ni Jeff. "Good morning, Carol. Coffee?" Tipid ko siyang nginitian at saka ako tumango. Dumiretso kami sa pantry. Napatitig ako sa pagpatak ng ulan sa labas, iniisip kung paano ko siya haharapin mamaya. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bawal ang office relationship. Paano kami magtatrabaho ng magkasama ngayon? Isa pa iyang Rhea na iyan, nakakastress. Ibinaba ni Jeff ang mainit na kape sa tapat ko. "Nag-almusal ka na ba?" tanong niya saka naupo sa katapat kong stool. Dahan-dahan akong umiling. "Hindi pa eh." "Sakto pala eh. Gusto mo ng cupcake? Nagpadala si Mama, bagong bake galing sa shop niya," nakangiti niyang alok sabay labas ng isang maliit na pastry box mula sa bag niya. “Sure, namiss

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   191. I'M YOUR FAMILY TOO

    Caroline’s POVNakatitig lang ako sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami pabalik ng mansyon. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko. Ilang beses tinangkang abutin ni Tobias ang kamay ko habang nagmamaneho siya, pero sa tuwing hahawakan niya ako, kusa kong inilalayo. Nakakairita. Nakakainis!Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto, hinubad ko agad ang heels ko at pabalang kong inihagis ang bag ko sa sofa.Naramdaman ko ang paglapit niya mula sa likod ko. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko tapos sinimulang halik-halikan ang balikat ko papunta sa leeg, gaya ng lagi niyang ginagawa. Pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon.I feel uncomfortable with his presence. Especially because of what he did.Pagalit kong siniko ang braso niya at mabilis akong humakbang palayo."Don't touch me, Tobias," malamig at walang kagana-gana kong sabi, nang hindi man lang siya nililingon."Come on, Caroline... What's wrong with you?" tanong niya, halatang naiirita na rin. "Siguro malapit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status