Share

4. BITE ME BABY

Author: Mir
last update publish date: 2026-06-23 19:00:40

Caroline’s POV

I was running for my life. Literal na parang hinahabol ako ng zombies mapigilan ko lang siya.

“Waaaag!!!”

Binuksan niya na ang pintuan at akmang papasok na sana sa banyo pero mabuti na lang narinig niya ako. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero nang malapit na ako sa kanya ay bigla naman akong nadulas at naitulak ko siya papasok!

“Aww!”

“S-Sir!--- aah!!!”

Bumagsak ako sa sahig. Tumama ang lower back ko, dahilan para hindi ako makatayo kaagad. Napakasakit!

“What the h*ll is this?”

Nakahawak pa rin ako sa likod ko at pilit na bumangon. Pag-angat ko ng tingin ay nakasaklob na sa mukha niya ang isa sa mga p*nty ko. Sinubukan kong agawin sa kanya iyon pero huli na ang lahat…

“Bite me, baby,” basa niya sa nakasulat doon.

Tumigil ang lahat pati na ang paghinga ko.

“S-Sir, a-ano kasi…” Pareho kaming hindi makatingin sa isa’t isa hanggang sa iabot niya sa akin ang p*nty at lumabas siya ng CR.

“I think I should go, sa bahay na lang ako magshashower. The investors can wait.”

Pulang-pula ang mga tenga niya habang hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kahihiyan.

Umupo ako sa dining area at saka nagmukmok sa lamesa. Sa lahat ng makakakita ng p*nty ko, bakit si Sir Tobias pa?!

Pagdating ko sa opisina ay mabilis akong naupo sa table ko. Nasa labas lang iyon ng opisina niya at may ipinalagay pa siyang monitor na konektado sa pwesto niya para daw nakikita niya kung nandito ako. Pero sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung paano kami makakapag-usap ng hindi naiilang. Lalo lang akong nao-awkward dahil sa monitor na ito!

Pag-upo ko ay napansin ko ang nakalapag na hangover medicine sa desk ko.

“Kanino ‘to galing? Sa kanya kaya? May kasama pang chocolate candy.” Napangiti ako. Iyon kasi ang lagi kong nginunguya habang nagtatrabaho, sakto dahil hindi ako nakabili ngayon.

Maganda ang naging simula ng araw ko sa trabaho dahil doon. Pero bigla ko na namang naisip ang tungkol kay Raegan. Naninikip ang dibdib ko kapag naaalala ko siya. Para kasi akong sinasakal. Ang bigat-bigat ng lahat. It’s suffocating.

“Caroline!”

“Ay! Anak ka ng kambing!” Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo na pala si Sir Tobias sa harap ko.

Naniningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, “I’ve been calling you for the third time.” Mariin at puno ng otoridad ang pagkakasabi niya non.

Tumahimik ang buong floor nang umalingawngaw na ang boses niya. Hindi naman siya nagtataas ng boses pero dahil sa lalim non ay parang dumadagundong.

“S-Sorry sir, may iniisip lang po ako.” Umasa ako na maiintindihan niya ako dahil naikwento ko naman ang mga nangyari kagabi.

“Then huwag mong dalhin sa trabaho. I don’t need unprofessional people in my office. Kanina pa kita pinapapasok sa opisina ko. Bring the contracts for Mr. Enriquez, now!”

Nakatingin ang mga ka-trabaho ko sa akin.

“Hay nako, why don’t you change your secretary, hijo? She seem incompetent for someone like you.”

Nakangisi si Mister Enriquez habang nagtataas baba ang titig sa akin.

“No wonder palubog na ang kumpanya ng mga iyan. Kung ganito ka incompetent ang anak, malamang nagmana iyan sa tatay! Hahahaha!”

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga ka-trabaho ko. Tinitigan ko lang siya nang masama kahit gustong-gusto ko na siyang saktan. Ang sakit bilang anak na insultuhin ang Dad ko pero wala akong magawa.

“You are here to ensure your company survives, aren’t you?” matatalim ang ipinupukol na tingin sa kanya ni Sir Tobias.

Ang kaninang mayabang na kilos ni Mister Enriquez ay napalitan ng pagkabigla.

“My secretary is none of your business. So watch your words or I’ll drop everything and shred your company to pieces.”

Naglakad kami papasok at umupo silang pareho sa may desk ni Sir habang tahimik akong nakatayo sa gilid.

Umupo pa ng naka dekwatro si Mister Enriquez. Halatang hindi pa napagtatanto kung anong klaseng halimaw ang nasa harap niya, “Don’t you think you’re a bit harsh hijo? We’re partners, remember? Hahaha!”

“You’re disrespectful to her.”

Nanuyo ang lalamunan ko nang tapunan niya ako ng tingin. Ipinagtatanggol niya ba ako? Hindi. Imposible.

“So why should I hold back? Besides, your company is beyond saving. So tell me, why should I waste my energy in that trash when I could just sell it off, shredding it piece by piece?”

Napanganga na lang ang matanda, hindi siya makapaniwala.

“W-What do you mean? You can’t do that. Hindi ganyan ang napag-usapan natin.”

“You’ve been treating your employees poorly, Mister Enriquez.” Iminwestra niya ang kamay sa akin kaya inabot ko ang mga dokumentong kailangan niya.

Puno iyon ng mga ebidensya ng negligence pagdating sa construction company ni Mister Enriquez. Site safety at workmanship negligence. Mga basic rules na hindi dapat pinababayaan. At dahil doon ay may ilan silang mga empleyado na napahamak. Hindi nakakuha ng hustisya ang mga ito dahil idinaan nila sa pananakot at pera.

“W-What? These are private data! You can’t do this!” Galit niyang pinagpupunit ang mga papel.

Lumapit ako sa projector at doon naman finlash ang mga ebidensya.

“Hindi mo pwedeng gawin ito! Paano mo nakalkal ang mga impormasyong iyan?”

“My incompetent secretary did it.” Nakangisi at nagmamalaking sabi ni Sir, “Not so incompetent now, isn't she?”

Napangiti ako nang sabihin niya iyon. Linya ko iyon kagabi eh!

“Here’s my offer. Hand over the company to me and live peacefully with your shares. Or go bankrupt from rumors of your negligence.”

Para siyang sumugod sa isang laban na may dalang sangkatutak na baril pero ang hindi niya alam ay tangkeng pang gyera ang itututok sa kanya ni Sir Tobias.

Tobias Lion Del Fierro. He's ruthless, manipulative and always 10 steps ahead. People fear him more than criminals because he is legal and untouchable.

Mir

To show your love, please drop some comments in the review section and share this story to your friends. Pwede rin po kayong magpadala ng mga regalo at gems as a support sa inyong mahal na author, maraming salamat po! Happy reading!

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   210. A WOLF'S CRY

    3rd Person’s POVKINABUKASAN“Dahan-dahan ka sa paggalaw-galaw, Carol! Baka mabinat ka!” tarantang alalay ni Jade habang iniaayos ang mga unan sa likod ni Caroline.“Babe, huwag kang magalaw, baka mapano ka. Ako na aalalay kay Carol. Maupo ka na lang d'yan,” mabilis na suway ni Kael sabay higit sa braso ni Jade para pasimpleng iupo ito sa sofa sa loob ng kwarto ng kaibigan.“Jade, iha... buntis ka ba?” biglang tanong ni Mommy Mara habang inilalapag ang tray ng mirienda sa coffee table.“H-Ha? Tita Mara naman! Nakakagulat ka naman po magtanong!” pigil-hiningang tanggi ni Jade habang napatayo nang alanganin.“Iha, naranasan ko na nag magbuntis at manganak. Kabisado ko ang kilos ng taong may dinadala,” nakangiting pambubuko ni Mara sabay turo kay Kael. “At ang kilos nitong boyfriend mo, kilos ng lalaking takot na takot na mahulog ang anak niya. Medyo OA nga lang, hahaha!”“A-ay… hehehe,” tanging sagot ni Kael habang palingon-lingon kay Jade.“Ano nga? Umamin na kayo, nasa tamang edad nama

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   209. HOMELESS

    3rd Person’s POVNaningkit ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa tinidor. Natahimik bigla ang buong mesa. Sa tapat nila, sina Tobias, Kael, at Raegan ay sabay-sabay na napayuko para lang itago ang kani-kaniyang pigil na ngiti.Bumuntong-hininga si Jade, dahan-dahang binuksan ang bibig, at pikit-matang kinain ang ibinigay na karne."Yes! Suhol works!" napahagikgik na bulong ni Rhea.Napailing na lang si Caroline habang nakatitig sa dalawa. Kasi kahit gaano kataltalera, palamura, at palaban si Jade, alam nila na ito pa rin ang may pinakamalambot na puso sa kanilang lahat.Malambot na puso plus walang prenong bibig, perfect combination!Pagkalipas ng isang linggo,sa wakas ay nakalabas na ng hospital si Caroline. Pero imbis na dumiretso sa dating bahay nila ni Tobias, sa bahay ng mga magulang niya siya dinala ng pamilya niya at ni Tobias.She can’t wait to finally lie in her childhood bed. Pero pagdating doon ay kaagad siyang nagulat sa nakita niya.Naka-arrange sa loob ng kwarto ang

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   208. NOTHING MATTERS

    3rd Person’s POVNapatitig si Caroline kay Tobias.“What do you mean? Everything?” nangunot ang noo ni Caroline. “Everything, Carol. Isinuko niya ang lahat so the Del Fierros won’t bother you anymore,” she said, full of sincerity.Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Caroline habang nakatitig sa lalaking nakatungo lang sa gilid. Alam na alam niya kung gaano naghirap si Tobias para mabuo ang sarili nitong pangalan at maabot ang lahat ng mayroon ito. Tapos ngayon… wala na. She can’t help but feel guilty, dahil sa kanya nawala kay Tobias ang lahat."Ah... eh 'di mahirap ka na niyan?" tanong ni Jade sa gitna ng seryoso nilang usapan."Babe, pigilan mo 'yang dila mo," suway agad sa kaniya ni Kael sabay higit sa braso nito, pero sadyang walang sinumang makakapigil kay Jade."Nagtatanong lang ako!" baling ulit ni Jade kay Caroline sabay duro sa asawa nito. "Wala ka na palang mapapala d'yan, Carol, eh! Hahanapan na lang kita ng bago. Marami akong kakilalang mayaman—""Hey, may ipon ako!"

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   207. THE WHOLE PUZZLE

    3rd Person’s POV“So ang ibig mong sabihin, kaya pala all this time zero-jowa count 'yang si Tobias, kasi ayaw ng pamilya niyang magkaroon siya ng tagapagmana?” tanong ni Jade habang pabalik-balik ang lakad sa loob ng hospital room. Para siyang detective sa mga crime series, minus the trench coat.“Gano'n na nga. At no'ng na-realize nilang hindi na talaga mapipigilan 'yong kasal, that’s when they planned the b*mbing,” sagot ni Raegan habang nakaupo sa couch, katabi ang girlfriend niyang si Rhea.Sa kabilang couch naman, magkatabi sina Kael at Tobias. Panay ang lingon ng ulo ni Kael kasunod ng paroo’t paritong paglalakad ni Jade.Napatigil si Jade sa gitna ng kwarto, itinuro si Raegan, at nagtaas ng kilay. “At gusto nilang ikaw ang mag-handle ng kumpanya kapag nawala si Tobias? Eh 'di ba bob* ka?”Zero filter. Straight to the point.Muntik nang maibuga ni Carol ang gatas na iniinom niya sa kama. Pinigilan lang niya ang sariling mabulunan habang mabilis na pinupunasan ang labi.“Hey! D

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   206. NABALIW NA

    3rd Person’s POVMAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW.Napakagaan na ng aura sa loob ng hospital room nang sa wakas ay magising na si Caroline. Everyone was happily tending to her. Nakaupo siya sa kama habang maingat na sinusubuan ng lugaw ni Mommy Mara, surrounded by her family’s laughter and warmth.Naka-videocall pa sa iPad na hawak ni Claire ang matalik niyang kaibigan na si Jade."Asus! Hiwalayan mo na 'yan!" nanggagaliting sigaw ni Jade mula sa kabilang linya ng screen, complete with wild hand gestures pa! "Ginanon ka niya? Pakyu siya kamo! Kung nandyan lang ako tatadayakan ko sa lalamunan yan sinasabi ko sa iyo!"Napailing nalang na natatawa ang mga kasama nila sa kwarto."Ano ka ba, babe? 'Yung mga salita mo, ayusin mo nga. Tsaka mabait naman si Pareng Tobias, baka nabigla lang 'yung tao sa mga nangyari,” biglang sabat ni Kael. Ipinagtatanggol ang kaibigan.Mabilis siyang lilingonin ni Jade, pinagtaasan ng kilay. "Ikaw ang biglain ko riyan, gusto mo?"Mahinang napatawa si Caroline sa k

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   205. BE THE HUSBAND CAROLINE DESERVES

    3rd Person’s POVNang mailipat si Caroline sa isang malaking private room matapos ang ilang oras na kababaang-loob sa ER, tila nabawasan ng kaunti ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ng lahat. Ipinaliwanag ng doktor that Caroline is in a state of coma dahil sa extreme fatigue at severe hypoglycemia dahil sa sobrang stress, pagod, at gutom. It was her body's natural defense mechanism to shut down and heal. Hindi naman daw ito ganun kaseryoso at kailangan lang talaga nitong makapagpahinga nang husto at makabawi ng lakas.Kahit narinig na ang magandang balita, panay pa rin ang sisi ni Tobias sa kaniyang sarili. Nakaupo siya sa tabi ng kama habang mahigpit na nakahawak sa malamig na kamay ng asawa, looking entirely consumed by guilt at ayaw na ayaw niyang umalis sa tabi nito kahit na halos manghina na rin siya.Dahil dito, sina Mara at Claire na mismo ang nag-asikaso sa kaniya. Pilit nila siyang pinakain at pinainom ng pampakalma at pampatulog para lamang mapilitan itong makapagpahi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status