Share

CHAPTER 3

Penulis: Piggy.g
Tinitigan ni Franco ang dalagang halatang kinakabahan habang nakatitig sa kanya. Tahimik siyang naupo sa sofa, parang walang narinig o nakita.

Panakaw ang tingin ni Lily kay Franco bago siya marahang naupo. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili.

“Ah, Franco, si Lily nga pala. Siya 'yung nag-apply bilang interpreter. Ako at si Trevor, nagkasundo na tanggapin siya sa team,” ani Chris habang nakatingin kay Franco na tahimik lang na umiinom, hindi maipinta ang mukha.

Sandaling sumulyap si Trevor kay Chris, saka siya ang bumasag sa katahimikan. “Anong oras ulit ‘yung meeting natin bukas?”

“Alas otso ng gabi,” sagot ni Chris, tapos ay humarap kay Lily. “Paano ka pupunta? Gusto mo ba sunduin kita?”

“Ako na lang po ang magmamaneho, okay lang po.”

“Mas mabuti sigurong ako na lang ang dumaan sa’yo. Hindi ligtas ang bumiyahe mag-isa,” sabi ni Chris sabay ngiti. “Nasa dati ka pa ring bahay?”

“Opo, nandoon pa rin po ako.”

“Sige, alas-siyete kita susunduin.”

“Sige po, maraming salamat,” tango ni Lily. “Mauna na po ako. Kadarating ko lang galing abroad, jet lag pa ako.”

“Hmm, samahan na kita,” alok ni Chris habang tumatayo.

“Huwag na po, kaya ko na po ito,” sagot ni Lily sabay ngiti. Lumingon siya kay Trevor. “Kuya Trevor, mauna na ako. Dadaan ako minsan para makipaglaro sa anak mo.”

“Hmm,” tango ni Trevor na may bahagyang ngiti.

Bago tuluyang lumabas ng silid, saglit pang nilingon ni Lily si Franco. Pero nanatili itong walang imik.

"Haay..." Napabuntong-hininga si Lily paglabas ng pinto. Eksakto namang may dumaan na waiter kaya’t agad niya itong tinanong, “Kuya, saan po ang CR?”

“Diretso lang po, tapos kanan.”

“Salamat,” sagot niya bago tumuloy.

Ilang minuto ang lumipas…

Nakaharap si Lily sa salamin habang naghuhugas ng kamay. Tulala siya, malalim ang iniisip.

“Tama ba talaga ang desisyon kong bumalik?” bulong niya sa sarili, bahagyang umiling. Kita sa mukha ang pagod. Kinuha niya ang bag at tumalikod na.

“Bakit ka pa bumalik?”

Napatigil si Lily. Dahan-dahan siyang lumingon. Naroon si Franco, nakasandal sa pader. Walang emosyon ang mukha, malamig ang tingin.

“F-Franco…”

“Bakit ka pa bumalik?” mariing tanong niya, rinig ang hinanakit sa tinig.

“Kasi… gusto ko lang talagang bumalik sa Pilipinas…” mahina ang sagot ni Lily habang iniiwas ang tingin.

“Hindi mo ba alam kung gaano ako nasusuklam tuwing nakikita kita? Ha?!”

Dahan-dahang lumapit si Franco, mabigat ang bawat hakbang.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ni Lily, pinipilit siyang tumingin sa mga mata niya.

“Umalis ka. Lumayas ka!”

“Hindi! Hindi ako aalis!” nanginginig ang boses ni Lily. May pagmamakaawa. “Franco, pakiusap… pakinggan mo naman ako... kahit sandali lang...”

“Tumigil ka!” singhal ni Franco, matalim ang titig. “Ayoko nang marinig kahit isang salita mula sa’yo.”

Binitiwan ni Franco ang mukha ng dalaga at tumalikod.

"Franco… pakiusap… kahit minsan lang, pakinggan mo naman ako..." Hinawakan ni Lily ang braso ng lalaki, nanginginig at namumugto ang mga mata.

"Maawa ka… kahit isang beses lang…”

Marahas na inalis ni Franco ang kamay ni Lily, sabay tulak na naging dahilan para mapasandal siya sa pader.

"Aray!" daing ni Lily, halos manghina sa sakit. Napatingala siya, nanginginig, habang tuluyang bumagsak ang luha sa pisngi.

"Ang tanging gusto ko lang… ay mawala ka sa buhay ko!" sigaw ni Franco, bago tuluyang naglakad paalis.

"Franco…hindi ko ‘yun ginawa… wala akong kasalanan… huhuhu…" Hinayaan na lang ni Lily na bumagsak ang katawan niya sa sahig. Wala na siyang lakas. Ang mga luha niya, bumalot sa bawat piraso ng kanyang pag-asa.

Sa condo ni Lily….

Maririnig ang pagbukas ng pinto, at pumasok si Lily na parang wala sa sarili. Patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

Narinig niya naman ang pagtunog ng kanyang phone kaya sinagot niya ito.

"Kamusta ang interview mo, Lily?"

"Umm...N-nakita ko si Franco... huhu..."

"Galit pa rin siya... gaya ng dati...." Tinakpan ni Lily ang bibig habang humahagulgol. "At ako... mahal ko pa rin siya... ang tanga-tanga ko..."

"Sana hindi na lang ako bumalik. Mali ‘to... isang malaking pagkakamali..." Napaupo siya sa malamig na sahig, hawak pa rin ang cellphone, pero wala nang lakas para tumayo.

"Lily... kalma lang, papunta na ako d’yan." Malumanay pero punong-puno ng pag-aalala ang tinig sa kabilang linya.

"Wag na... gusto ko munang mapag-isa."

"Sige, pero kung kailangan mo ako, tawagan mo lang. Nandito lang ako."

Pinutol niya na ang tawag. Kasabay nito, muling sumiklab ang mga hikbi niyang hindi na niya mapigilan.

Sa kabilang banda…

Biglang bumukas ang pinto. Napatingin si Trevor nang pumasok si Franco, halatang iritado at galit.

"Anong problema?" tanong ni Trevor habang inaayos ang hawak na laptop.

Tahimik lang si Franco, diretso sa bar counter, at walang sabi-sabing tinungga ang alak.

"Heh." Napangisi si Chris, nakaupo sa tabi, hawak din ang baso niya. "Mag-ingat ka, Franco. Baka pagsisihan mo ‘yang kayabangan mo sa huli."

"Anong pinagsasasabi mo?"

Matalim ang tingin ni Franco kay Chris.

"Kung tungkol ‘yan kay Lily… hinding-hindi ko siya pagsisisihan!"

"Talaga lang ha? ‘Wag ka lang tumahol gaya ni Trevor nung iniwan siya ng ex niya."

"Hoy!" sabat ni Trevor na napatingin sa kanila, "Anong kasalanan ko? Ba’t nadamay ako?"

Tahimik pa rin si Franco. Pero kita sa mukha niya ang tensyon, habang muling tinungga ang baso na para bang gusto niyang limutin ang lahat.

Kinabukasan…

"Aishh… anong oras na ba ‘to…?"

Dahan-dahang dumilat si Lily. Halos hindi siya nakatulog. Agad niyang inabot ang cellphone.

"Tanghali na?!"

Ting! Line Message:

Vanessa: Lily, kamusta ka na?

Lily: Medyo okay na.

Vanessa: Anong plano mo ngayon?

Lily: Susubukan ko ulit. Baka… may pag-asa pa.

Vanessa: Nasa ‘yo ‘yan. Kung naniniwala ka pa, laban lang.

Lily: Oo. Salamat.

Matagal na nakatitig si Lily sa cellphone niya bago siya napailing at marahang hinaplos ang mukha, tila sinusubukang buuin ang loob.

“Subukan ko na lang ulit... baka sakali, ‘di ba? Sana naman, ‘di na mauwi sa gulo...” mahina niyang bulong sa sarili.

Tumayo siya para ayusin ang sarili—nagbihis, nag-ayos ng buhok, at sinigurong kumpleto ang laman ng bag—bago maghanda para sa event na nakatakda ngayong gabi.

Ilang oras ang lumipas—

Tumunog ulit ang kanyang phone.

“Hello?”

(Ako ‘to. Nasa malapit na kami.) Masiglang tinig ang sumagot sa kabilang linya.

“O sige po, bababa na ako.”

(Sige, ingat ka diyan.)

Ibinalik niya ang cellphone sa bag at agad lumabas ng condo. Sa harap ng gusali, napansin niyang papalapit ang isang itim na van. Huminto ito sa harap niya, at bumukas ang pinto.

Bumaba si Chris, ngumiti, at kinawayan siya.

“Sakay na. Naghintay ka ba ng matagal?”

“Hindi naman po,” sagot ni Lily, sabay ngiti.

Pagsakay niya sa van, agad siyang napatigil. Sa loob, naroon si Franco, tahimik pero halatang malamig ang tingin. Hindi iyon tingin ng isang kaibigang matagal nang ‘di nakita. Agad na napayuko si Lily, marahang naupo sa malayong bahagi ng upuan.

“Lily,” ani Chris habang lumingon, “Intsik ‘yung mga kliyente natin mamaya. Okay lang ba sa’yo?”

“Opo, ayos lang po!” mabilis at magaan ang sagot ni Lily, pilit na pinangiti ang sarili.

“Pero… hindi ba marunong ka rin mag-Chinese, Kuya Chris?”

“Konti lang. Ikaw pa rin ang mas magaling,” biro nito, sabay haplos sa ulo ni Lily na parang nakababatang kapatid.

“Kuya naman!” natatawang reklamo ni Lily.

Biglang sumingit si Franco.

“Ang ingay niyo,” madiin nitong sabi, halatang inis.

“Heh,” tumawa si Chris, walang kaapekto-apekto sa tono ng kaibigan. Inilayo na rin niya ang kamay mula sa ulo ni Lily.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 188

    [Busy ka ba ngayon? Pwede ba kitang maistorbo sandali?]“Hindi naman, bakit? Ano ‘yon?”[Nakalimutan ko yung importanteng dokumento para sa client sa office. Pwede mo ba akong tulungan at dalhin dito?]“Oo, sige,” sagot ni Zoey habang naglakad papasok sa opisina ng binata. “Ito ba yung brown na envelope sa mesa?”[‘Yun nga.]“Okay. Paki-share na lang ng location mo ha, para hindi ako maligaw.”[Sige, mag-ingat ka. Kita tayo mamaya.]Isinilid ni Zoey ang cellphone sa bag, kinuha ang envelope, at agad lumabas ng silid.Makalipas ang ilang sandali…Bumaba si Zoey mula sa kotse at tumingin-tingin sa paligid. Pamilyar sa kanya ang lugar—isang restawran sa tabi ng ilog na minsan na siyang dinala ni Drexell. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ito habang naglalakad papasok.“Nandito na ako. Nasaan ka?” tanong ni Zoey habang patuloy sa paglakad.[Lakad ka lang diretso papunta sa may ilog. Nandito ako naghihintay. Huwag mo muna ibaba ang tawag.]Medyo nagtaka si Zoey pero sumunod na lang.

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 187

    Makalipas ang ilang sandali…“Hindi ka ba magpapahinga muna?” tanong ni Drexell bago yumuko para halikan sa noo ang dalaga. “Hindi ka ba napapagod?”“Gusto ko lang matapos agad,” sagot ni Zoey habang nakatingala sa kanya. “Mamaya anong gusto mong kainin? Ako na ang magluluto.”“Kahit ano, ikaw na bahala,” sagot ni Drexell sabay kuha ng laptop para ipagpatuloy ang trabaho sa tabi ng dalaga.Narinig naman nilang may kumatok sa pinto.“Bubuksan ko na,” sabi ni Zoey bago tumayo at lumakad papunta sa pinto.“Kuya Dean! Kuya James!” tawag ni Zoey na nakangiti, saka agad lumapit para yakapin ang mga kapatid. “Miss ko na kayo.”“Miss mo pero ayaw mo namang umuwi, ha,” biro ni Dean habang niyayakap din ang kapatid. Pagkatapos ay nilingon niya si Drexell. “Simula nung nagkabati kayo, ayaw mo na talagang pauwiin ang kapatid ko ah.”Ngumisi si Drexell at kinindatan ang kaibigan nang may pang-aasar. “Ano namang ginagawa ng mga bwisit rito?”“Eh kasi hindi ka na sumasama sa inuman, kaya kami na mism

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 186

    Sa paglipas ng ilang oras…“Ay, ang sakit na ng likod ko,” reklamo ni Zoey habang iniunat at binabaluktot ang katawan.Binitiwan ni Drexell ang tingin mula sa laptop at napangiti habang nakatingin sa dalaga. “Magpahinga ka muna. Kanina pa kita nakikitang tutok sa screen.”“Gusto ko na lang tapusin agad,” sagot ni Zoey sabay bigay ng maliwanag na ngiti. Unti-unti siyang gumapang papalapit at sumandal sa dibdib ng lalaki na parang batang naglalambing.“Hmm...” Nilapat ni Drexell ang palad niya sa balikat ng dalaga, marahang hinahagod. “Gusto mo ng meryenda? Ipabibili ko kung ano gusto mo.”“Hindi na. Gusto ko lang ipahinga ‘yung mata ko.” Umangat ang mukha ni Zoey at medyo nahihiyang hinalikan ang pisngi ng binata. “Ikaw rin, puro ka computer. Dapat nagpapahinga ka rin.”Tumango si Drexell, isinara ang laptop at inilagay sa tabi. “Kung ganun… ano gagawin ko ngayon?” tanong niya sabay tingin ng may kapilyuhan at marahang hinagod ang likod ng dalaga.“Hoy, itigil mo ‘yan ha,” mabili

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 185

    “Sorry na, Zoey,” mahina ang boses ni Drexell bago siya dumampi ng halik sa sentido ng dalaga. “Ang hirap kasi pigilan, ang cute mo eh, gusto lang kitang lambingin.”“Huwag mong ibunton sakin ang sisi,” nagmamaktol na sagot ni Zoey, halos pabulong.“Sa tingin ko mas mabuti kung ipasundo na lang natin ang pagkain sa kwarto,” dagdag ni Drexell habang hinila siya patayo. “Mukhang pagod ka na talaga.”Tahimik lang na tumango si Zoey at sumunod na parang batang masunurin papunta sa sasakyan.Makalipas ang ilang sandali….“Zoey, ayusin mo ang higa mo, baka manakit ang braso mo niyan,” wika ni Drexell habang nagmamaneho, ramdam ang bigat ng kamay ng dalaga na nakapulupot sa kanya. May halong pag-aalala ang kanyang tono.“Wala ‘to… kaya kong matulog ng ganito,” pabulong na sagot ng dalaga, nananatiling nakapikit.Napangiti si Drexell, puno ng pag-aalaga ang tingin niya habang ipinagpatuloy ang pagmamaneho gamit ang isang kamay lamang, dahil ang kabila ay mahigpit na hawak ni Zoey.Dalawang ora

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 184

    “Ako na lang mag-sketch dito, tapos Zoey doon ka na lang sa kabilang side tumingin,” paliwanag ni Shawn habang itinuro ang parte ng lote. “Mga isang linggo, balik tayo dito para pag-usapan ang design. Ayos ba?” ngumiti siya kay Zoey na nakatayo sa tabi.“Ayos lang,” tumango si Zoey na may ngiti bago siya lumipat sa lilim ng puno. “Grabe ang init, parang uulan na.”“Hmm,” sang-ayon ni Shawn. “Kaya ba namumutla ka, dahil sa init o kulang ka sa tulog?”“Dahil sa init,” sagot ni Zoey mahina, habang namumula ang pisngi niya.“Eh bakit namumula pa lalo?” biro ni Shawn sabay kurot sa pisngi ng dalaga. “Wala pa naman akong sinasabi.”“Alisin mo nga kamay mo,” biglang sumulpot si Drexell na may malamig na ekspresyon, nakatingin sa kamay ni Shawn. “Kahit hindi ka mahilig sa ibang babae, huwag kang basta humahawak sa asawa ng iba.” Kasabay nito ay inakbayan niya si Zoey, halatang seloso.“Drexell!” singhal ni Zoey sa nobyo. “Kaibigan ko siya.”“Alam ko,” sagot ni Drexell, nakakunot-noo. “Pero ayo

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 183

    "Ah...Drexell...dahan-dahan nga," pakiusap ni Zoey na may halong pag-ungol, nahihirapan sa sabay-sabay na sarap at hapdi."Umakyat ka sa ibabaw, para 'di ka mahirapan," sabi ni Drexell at binaligtad ang dalaga upang siya na ang nasa itaas."'Di ako marunong, eh.""Gumalaw ka lang, mahal," pagturo ni Drexell habang hinawakan ang balakang nito at inakyat-baba. "Ganyan. Hmm, ang sarap, Zoey." Sinundan niya ito ng paghalik sa dibdib ng dalaga nang may matinding pagnanasa."Ang lalim ng posisyon na ‘to..ughhh..." daing ng dalaga at mahigpit na nakapitan ang braso ng lalaki bago dahan-dahang sinimulang gumalaw nang may pag-aalalang."Puwede ba ng mas mabilis, mahal ko?" pakiusap ni Drexell na may malalim na tinig, at pinilit ang balakang ng dalaga na gumalaw nang mas mabilis."Ah...Drexell... 'di ko na kaya... masyadong masarap..." pag-ungol ni Zoey habang patuloy sa pag-akyat-baba, na sumabay sa paparating na rurok."Ipagpatuloy mo lang, mahal. 'Di na rin ako makatiis," sabi ni Drexe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status