“Ahh ganoon ba,” tumango si Samantha. “Sige, dito na ba ako matutulog sa tabi mo ngayong gabi?”“Ayos lang po, makakatulog naman po ako,” ngiti ni Lily, medyo nahihiya.“Pero... paano mo po pala nalaman ito Kuya Trevor? Si Kuya Chris ba nagsabi sayo?”“Oo. Sinabi ni Chris sa akin ang nangyari sayo,” sagot ni Trevor habang bahagyang sumulyap kay Franco. “Huwag mo na kasing intindihin. Madalas talaga silang gumawa ng kalokohan nang walang pakundangan.”“Ihatid mo na si Samantha, para makapagpahinga siya,” mahina pero mariing sabi ni Franco.“Okay,” tango ni Trevor.“Kung may kailangan kayo, tawagan niyo lang ako kahit anong oras. Kailangan ko na rin umalis, iniwan ko kasi si baby sa yaya,” dagdag ni Trevor, sabay lingon kay Lily na tahimik na nakaupo sa kama.“Opo, maraming salamat po talaga,” sagot ni Lily, may ngiting pasasalamat.“Sige, aalis na ako. Pag gumaling ka na, isasama kita para makilala mo si baby,” sabi ni Samantha, bago tuluyang lumabas ng silid.“Sige po, sobrang excited
Read More