After lunch ay sinundo na nga ng mga make-up artists si Lenie. Nagulat din siya dahil sa sobrang ganda ng damit na isusuot niya. Hindi tuloy niya maiwasan na mahiya sa iba niyang katrabaho.
Rinig na rinig niya ang mga bulungan ng mga katrabaho. Kahit nga yata magtakip siya ng tenga ay maririnig pa rin ni Lenie ang usap nila.
“Saan na naman kaya siya dadalhin ni Sir? Ang alam ko, pina-clear ni boss ang schedule niya para maayusan lang,” sabi ni Celeste.
“Ewan ko ba dyan, buhay prinsesa talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatrabaho pa iyan dito eh,” bulong naman ng isa pa.
Dahil narinig ni Zyra ang pag-uusap ng dalawa ay kinausap niya ito. Wala na siyang pakialam kung may iba pang katrabaho ang makarinig sa kanya. Ang importante ay maipagtanggol niya ang kaibigan na si Lenie.
“Hoy, mga inggitera! Kung ako sa inyo ay bumalik na kayo sa cubicle niyo. Kahit kailan, hindi kayo magiging katulad ni Lenie dahil sa mga ugali ninyo. Sige na, balik na!” inis na sabi ni Zyra roon sa dalawa.
Dahil sa inis ay nag-make face pa ang dalawa bago tuluyang bumalik sa kanilang cubicle. Pagkatapos noon ay bumalik naman si Zyra kay Lenie para i-check kung okay na ba ang kanyang kaibigan.
“Ano? Ayos ka na ba? Nakuha mo na ang lahat ng gamit mo?” tanong ni Zyra.
“Ahh, oo. Kaya lang, nahihiya akong umalis kasama ‘tong mga make-up artists. Kitang-kita na naman kasi ako ng mga katrabaho natin,” pabulong na sagot ni Lenie.
“Naku, kung ako sa iyo ay hindi ko papansinin ang mga iyan. Kanina nga lang, napagsabihan ko si Celeste at si Vivian. Pinag-uusapan na naman kasi nila itong pag-alis mo sa office,” sumbong ni Zyra, nagulat naman si Lenie dahil sa nalaman.
“Ha? Ikaw talaga, dapat hindi mo na lang pinatulan ang mga iyon. Baka mamaya ay mawalan ka pa ng trabaho kapag sinumbong ka nila kay Lance. Ayaw ko naman noon,” may pag-aalala na sagot ni Lenie.
“Naku, huwag kang mag-alala sa akin. Kaibigan ko si Sir Lance, alam niya ang ugali ko. Baka mamaya pa nga niyan ay sila ang matanggal dahil sa ginagawa nila sa iyo,” sagot naman ni Zyra, sinisigurado niya sa kaibigan na okay lang ang lahat.
“Eh, basta. Pilitin mong tumahimik kapag may naririnig ka tungkol sa akin. Kung may dapat mang magalit sa kanila, ako iyon. Ako na ang bahalang kumausap doon sa dalawa pagbalik ko, okay?” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay ngumiti kay Zyra.
Hindi na nagawang magpaalam ni Lenie kay Alexis dahil pinagmamadali na siya ng mga make-up artists. Wala rin naman siyang magpaalam dito dahil inis pa rin siya kay Alexis sa pag-clear nito sa schedule niya.
Sa condominum ni Alexis sila pumunta. Agad silang sinalubong ng katiwala ni Alexis doon. Dahil first time niyang makakapunta sa condo ni Alexis ay manghang-mangha siya. Kitang-kita na sobrang yaman ni Alexi Alexis kaya para bang nanliit si Lenie sa kanyang sarili.
“Ma’am, dito po. Pasok po kayo,” sabi ni Aling Edith kina Lenie.
“Manang, hindi niyo na po ako kailangang tawaging Ma’am. Lenie na lang po, okay na iyon,” sagot ni Lenie, nahihiya pa roon sa matanda.
“Ah, hindi po pwede. Ang sabi po sa akin ni Sir Alexis ay magiging asawa niya raw po kayo kaya dapat lang na ibigay ko ang tamang paggalang sa inyo,” sagot noong matanda.
Dahil sa sinabi ni Manang Edith ay nagulat si Lenie. Hindi pa nga niya sinasagot si Alexis ay ganoon na ang pakilala nito sa kanya. Noong mga oras na iyon ay gustong-gusto na ni Lenie na tawagan si Alexis para kumprontahin ito pero dahil busy ay hindi niya iyon magawa.
Makalipas ang isang oras ay natapos din ang pagme-make up kay Lenie. Hindi niya makakaila na magandang mag-make up ang mga kinuha ni Alexis para sa kanya. Nang makita siya ni Manang Edith ay tuwang-tuwa ang matanda.
“Aba, ang ganda niyo po, Ma’am. Bagay na bagay po sa inyo ang make-up ninyo. Tiyak na matutuwa po sa inyo si Ma’am Beverly niyan kapag pinakilala na po kayo ni Sir Alexis sa kanya,” sabi ni Aling Edith na pinagtaka naman ni Lenie.
“Manang, sino po si Ma’am Beverly?” tanong ni Lenie, agad naman siyang kinabahan dahil doon.
“Ah, hindi po ba sinabi ni Sir kung bakit niya kayo pinapunta dito para ayusan?” tanong ni Manang Edith, halata sa mukha niyang nagulat din itong hindi alam ni Lenie kung ano ba talaga ang nangayari.
“Hindi po, Manang Edith. Ang sabi niya lang po sa akin ay gusto niya akong maka-date. Nagtataka na nga rin po ako dahil dati naman ay nagde-date kami pero hindi umaabot sa puntong kailangan po akong make-upan,” kwento ni Lenie.
“A-Ah, umuwi na po kasi si Ma’am Beverly, ang nanay po ni Sir Alexis. Ang alam ko po, balak niya po kayong ipakilala sa kanya mamaya,” nauutal na sagot ni Aling Edith kay Lenie.
Napaawang naman ang labi ni Lenie nang malaman na kaya pala siya inayusan ay dahil ipapakilala na siya ni Alexis sa parents nito. Dahil tapos naman na ang make-up sa kanya ay agad niyang kinuha ang cellphone para tawagan si Alexis.
“Alexis! Kahit kailan talaga ay pinapasakit mo ang ulo ko! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na makikipagkita pala tayo sa parents mo? Siguro, gusto mo talagang mapahiya ako sa kanila, ano?!” galit na sabi ni Lenie.
“Lenie, ano bang sinasabi mo? Kahit kailan ay hindi kita kinahiya kahit kanino! Saka, kung sabihin ko ba sa iyo ang totoo ay sasama ka sa akin? Hindi naman, ‘di ba?” sagot naman ni Alexis, halata sa boses nito ang pagkairita.
“Pero dapat sinabi mo pa rin! Kung hindi pa sinabi sa akin ni Manang Edith ay hindi ko pa malalaman! Magmumukha pa akong tanga mamaya sa harapan ng mga magulang mo!” sigaw ni Lenie, wala na siyang pakialam kung kaharap niya si Manang Edith o ang mga make-up artists na nag-ayos sa kanya.
“Teka nga, pupuntahan kita sa condo at dyan tayo mag-usap. Hintayin mo ako, huwag na huwag kang aalis dyan!” pagkatapos sabihin ni Alexis iyon ay binaba na niya ang tawag.
Halos itapon naman ni Lenie ang kanyang cellphone sa sofa sa sobrang inis. Bumalik siya sa make-up chair at kinalma ang sarili. Halong inis at kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa