LOGINSA ISANG EXPENSIVE hotel lounge ay kaharap ni Samantha ang isa niyang client na nakatakdang ikasal sa susunod na buwan. Sa hotel kung nasaan magaganap ang kasal ng kliyente niya lalo pa at may magandang venue ito for the ceremony and receptions.
"Thank you Ms. Camnice, palagay na ang loob ko na magiging maayos at memorable ang kasal namin ng fianceé ko." masayang ani ng bride na matamis na ikinangito ni Samantha sa couple. "Don't thank me, Ms. Reyes, ginagawa ko lang ang dapat kong gawin as wedding coordinator. Everything is mostly done sa preparation ng kasal niyo, the venue is already set, the catering and even the designs for the receptions are already settled. May mga ilang suppliers nalang ako na dapat kausapin but other than that, wala na kayong dapat isipin." paliwanag na pahayag ni Samantha na kita niyang ikinatuwa ng couple na kaharap niya. "We're grateful that we chose you to be our wedding coordinator, hindi exaggerated ang mga nababalitaan namin sayo, Ms. Camnice, it is true that you are a good and excellent wedding coordinator." puri ng groom na kahit ilang beses nang naririnig iyon ni Samantha sa mga nagiging kliyente niya ay hindi parin siya masanay sa mga pamumuri ng mga ito. "Humahanga din ako sayo, Ms. Camnice, nagagawa mo ng maayos ang trabaho mo kahit most of the time ay kasama mo ang anak mo." ani ng bride na sabay nilang ikinalingon kay Spade na busy sa dessert na kinakain nito. "Wala kasi siyang pasok today kaya isinama ko na sa meet up natin, busy rin kasi ang friend ko today para tingnan ang anak ko." "It's okay, you're a good mother to your son. Sana pag nagkaanak kami ng love ko, maging katulad mo ako sa future babies namin." ngiting ani ng bride na ikinangiti ni Samantha dito. "I'm sure you will be a good moth--" hindi natuloy ni Samantha ang sasabihin niya nang mapalingon sila sa entrance ng hotel kung saan may ilang reporter na nakapasok sa loob dahil sa kagustuhang makapanayam ng mga ito ang Prime Minister ng Romania na kakapanuod lang ni Samantha dito sa balita. Mula sa malayo ay nakikita ni Samantha ang guwapong prime minister na may seryosong expression sa mukha nito. Kung narito lang si Vladi baka nagtatakbo na iyon papalapit sa kanila makita lang ang prime minister na 'yun. pahayag ni Samantha sa kaniyang isipan. "I thought rumor lang but mukhang dito sa hotel na 'to magaganap ang Leadership Summit ng mga political leaders mula sa iba't-ibang bansa." ani ng groom kung saan inalis nalang ni Samantha ang tingin niya sa mga press at ibinalik ang focus ang trabaho niya. "Puwede na nating pag-usapan ang magiging program sa kasal niyo. I have the sample program sample, please take your time to review it, at kung may ipapabago kayo just tell me." ani ni Samantha kung saan agad na niyang kinuha ang envelop na dala niya at agad ibinigay sa couple ang ginawa niyang program sample. At habang abala at focus si Samantha sa pakikipag-usap niya sa kaniyang kliyente ay hindi na niya napansin na bumaba si Spade sa kinauupuan nito upang pumunta ng banyo, at hindi na inabala ang kaniyang ina na abala sa trabaho nito. Tinatahak ni Spade ang isang hallway upang makahanap ng banyo yet, wala siyang makita kahit saan siya lumingon. "Am I lost while looking for the bathroom?" takang tanong ni Spade kung saan pagharap niya ay napadaing siya nang pabagsak siyang napaupo sa sahig. "T-That hurts.." "Are you okay, kid?" Napalingon si Spade sa matangkad at guwapong lalaki na inalalayan siyang makatayo sa pagkakaupo niya sa sahig. "Sorry, I didn't notice you. But why are you wandering around by yourself in this area?" tanong ng lalaki kay Spade na sandaling natigilan nang matitigan nito ang mukha ni Spade. "I'm looking for a bathroom, Mr. but i think i lost my way." Pa squat na umupo ang lalaki sa harapan ni Spade habang nakatitig ito sa mukha nito. "Why Mr? May dumi po ba ang mukha ko?" inosenteng tanong ni Spade na bahagyang ikinangiti ng lalaki. "There's no dirt in your face, kid, but i can't help but to see my boss in you." ani nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Spade. "What do you mean po?" tanong ni Spade na ngiting ikinailing ng lalaki. "Nothing. Anyway, i'm going to the bathroom too. Let's go toget--" hindi natapos ng lalaki ang sasabihin nito kay Spade nang tumunog ang cellphone nito, na agad rin naman niton sinagot. "Yes Prime Minister. Îmi cer scuze că nu m-am întors repede, doar că am întâlnit un micuț care se rătăcise. (I apologize for not coming back quickly; it's just that I encountered a little one who got lost.)" ani nito kung saan pinababalik na siya ng boss niya kaya pagkababa nito ng phone ay hinawakan nito ang balikat ni Spade. "If you turn right at the end of this hallway, you'll see the bathroom. You can find it, right?" ngiting ani ng lalaki kay Spade na ikinatango nito sa kaniya. "Ofcourse, i'm good in direction po." "You're a smart kid, just like him." ani ng lalaki bago ito tumayo at bahagyang yumuko kay Spade bago niya ito iwan. "He's not my daddy, he's totally not like me." inosenteng kumento ni Spade bago tinungo na ang daan papunta sa bathroom na tinuro ng lalaking nakabunggo sa kaniya. HINDI NAMAN mapakali si Samantha habang pabalik-balik ang paglalakad niya sa lounge ng hotel habang hinihintay ang pagdating ni Vladi. She is worried dahil matapos ang pakikipag-usap niya sa client niya ay pagtingin niya ay wala na si Spade sa kinauupuan nito. Alam ni Samantha na hindi basta-bastang umaalis si Spade sa tabi niya nang hindi nagpapaalam, yet bigla itong nawala nang hindi niya alam. "Sam!" Agad na napalingon si Samantha sa kakarating lang na si Vladi na agad niyang sinalubong. "A-Anong gagawin ko Vladi, hindi ko makita sa lounge si Spade." nag-aalala at kinakabahang ani ni Samantha na ikinahawak ni Vladi sa magkabila niyang balikat. "Kalma ka lang, for sure narito lang sa hotel na 'to ang anak mo. Sinubukan mo na bang hanapin sa buong hotel?" tanong ni Vladi na ikinailing ni Samantha. "Hi-Hindi pa, inaalala ko kasi baka pag umalis ako ay bumalik siya dito at hindi ako makita." "Then..." hinila ni Vladi si Samantha at iniupo sa isang bangkuan. "Stay here, ako ang hahanap kay Spadey sa hotel. Kumalma ka lang okay i'm sure andito lang ang anak mo." assurance ni Vladi na ikinatango ni Samantha bago ito umalis upang hanapin si Spade. "Saan ba nagpupunta ang batang 'yun?" nag-aalalang ani ni Samantha na kahit nakaupo na siya ay hindi parin niya maiwasang mapakali. Hindi man mapakali ay sinubukang manatili ni Samantha sa kinauupuan niya, nag-aalala siya yet alam niyang mahahanap ni Vladi ang anak niya. Ilang minuto ang lumipas nang mapalingon si Samantha sa may hallway kung saan agad siyang napatayo ng makita niya si Vladi na hawak-hawak si Spade sa kamay nito. "Spade Cedric!" napalakas na pagtawag ni Samantha sa anak na agad niyang ikinatakbo palapit dito at agad niyakap. "You're okay, thank God." sambit ni Samantha na nakahinga ng maluwag nang mayakap na ang anak. "Galing nang banyo ang inaanak kong 'yan, he's eight years old yet nagpapaka-mature na." ngiting ani ni Vladi na ikinakalas ni Samantha sa pagkakayakap sa kaniyang anak. "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Alam mo bang nag-alala ako sayo?" "Sorry mom, ayaw lang po kitang maabala sa work mo and i want to pee po talaga." "Next time magpapaalam ka sa akin para hindi ako nag-aalala, big boy ka na but you're still a baby to me." ani ni Samantha na muling niyakap ang kaniyang anak. "Kumain na tayo ng lunch, treat ko." aya ni Vladi na kinuha kay Samantha si Spade at binuhat. "I'm big na po, ninong." "I know. Pero minsan kailangan ka paring i-baby." "But i don't want you and mom treat me like a baby, i'm big na po." "Ikaw na bata ka, bakit ba gusto mong umaktong matured na eh eight years old ka palang." sita ni Samantha sa kaniyang anak. "To find daddy po, if i act mature po then i know i can find my daddy na po." ani ni Spade na ikinapisil ni Samantha sa magkabilang pisngi ng kaniyang anak. "Don't think and act like a mature person, you're still young, anak." payo ni Samantha na ikinalingon lang niya kay Vladi na nagkibit balikat bago sila naglakad na palabas na nang hotel. "Is there a problem, Prime Minister?" tanong ni Mihai Dumitrescu, ang secretary ni Cedric na nakatingin sa kaniya. Kakatapos lang ng unang session nila sa conference room ng hotel, at they are on his way to eat lunch outside dahil ayaw makisabay ni Cedric sa ibang mga political leaders dahil alam niya ang magiging usapan sa buong oras ng lunch break nila. Yet, natigil si Cedric sa kaniyang paglalakad nang marinig niya ang isang pamilyar na boses kung saan narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. As Cedric turned to locate the source of the voice, he noticed a woman running breathlessly toward a young boy, whom she enveloped in a hug. Hindi alam ni Cedric bakit napatitig siya sa mga ito, lalo na sa babaeng pakiramdam niya ay narinig na niya ang boses nito lalo pa nang marinig niya ang pagtawag ng pangalan niya. "Prime Minster?" "Is it common for people in this country to share the same name?" seryosong tanong ni Cedric habang sa tatlo parin nakatuon ang tingin niya hanggang maglakad na angga ito palabas ng hotel. "De ce întrebați, domnule Prim-ministru? (Why do you ask, Prime Minister?)" tanong ni Mihai na ikinapamulsa ni Cedric bago naglakad na palabas ng hotel na agad sinundan ni Mihai. "Nimic, doar am întrebat. (Nothing, I just asked.)" plain na sagot ni Cedric kung saan hindi na niya nakita ang tatlo sa paglabas niya sa hotel na sa tingin niya ay isang pamilya. "Let's go." "Where do you want to eat lunch, Prime Minister?" "Let's go to Baba's house." ani ni Cedric na sumakay na ng kotse kasunod si Mihai. *Baba means grandmother, this is a more informal and affectionate term for grandmother, similar to "Granny" or "Grandma" in English.*PAGKARATING NI EUNICE sa tapat ng manor ni Cedric ay akmang dederetso siya ng pasok nang harangan siya ng isang marshall na nagbabantay sa gate. Napakunot ang noo ni Eunice dahil nakakapasok naman siya before sa manor ni Cedric nang walang bantay na pumipigil."De ce mă blochezi? Dă-te din fața mea. (Why are you blocking me? Get out of my way.) sita ni Eunice sa bantay"Îmi pare rău, dar Prim-Ministrul a interzis cu strictețe intrarea oricui în conac fără o notificare prealabilă din partea sa. (I'm sorry, but the Prime Minister has strictly forbidden anyone from entering the manor without his prior notice.)" paliwanag ng bantay na ikinacross arms ni Eunice at tinaasan ng kilay ang bantay."Nu știi cine sunt? Sunt sigur că nu ești nou aici, așa că lasă-mă să intru. Dacă îi spun lui Cedric că mă blochezi, îți vei pierde slujba. Sunt foarte apropiat și special pentru Prim-Ministru, așa că dă-te la o parte! (Don't you know who I am? I'm sure you're not new here, so let me in. If I tell Ce
BANAYAD NA hinahaplos ni Samantha si Spade na natutulog sa kaniyang tabi, nasa kuwarto parin sila ni Cedric at hindi na umalis simula ng iwan sila doon ni Cedric.Mabigat parin ang loob ni Samantha dahil sa pinaratang ng ina ni Cedric sa kaniya, ang masakit pa ay narinig iyong lahat ng kaniyang anak. Akala ni Samantha ay makakaya niyang maririnig ang mga masasakit na salita na ibabato sa kaniya ng ina ni Cedric, yet masyado siyang naapektuhan sa mga paratang nito na alam ng Dios at ng kaniyang sarili na hindi totoo ang mga iyon.Napalingon nalang si Samantha ng may kumatok sa pintuan, at nang magbukas iyon ay si Radu ang pumasok kasama sina Sorin at Calina na may dalang tray ng mga pagkain."Ms. Samantha we brought your lunch." ani Radu na ikinaupo ng maayos ni Samantha sa kama."Thank you, but i'm not hungry.""Skipping meals is not good in your health, Ms. Samantha." ani ni Radu na bahagyang ikinangiti ni Samantha."Thank you, Radu but i have no appetite to eat right now.""I apolog
DAHAN-DAHANG isinara ni Cedric ang pintuan ng kuwarto niya at iniwan ang kaniyang mag-ina na sa kaniyang kama. Cedric can feel the weigh of pain from Samantha's tears dahil sa kaniyang ina, though alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ina ang tungkol kina Samantha, yet hindi siya makapaniwala na magsasalita ng masasama ang kaniyang ina.Nagpambuntong hininga si Cedric bago naglakad na sa hallway, pagkababa niya sa sala ay nakita niya si Alexius na may pinapanuod ang isang laptop sa may center table, habang si Mihai ay nakaupo sa mahabang sofa.Naroon na rin si Radu at ilang mga katulong na napalingon kay Cedric.Sa paglapit ni Cedric ay naririnig niya na ang boses ng kaniyang ina na nasa laptop, naririnig ni Cedric kung anong sinasabi ng kaniyang ina kay Samantha."We apologize that we didn't handle the situation, i was told by your mother to prepare a tea for her. And when i came back i saw her excorting by Mihai. I have no idea that the madam is slandering Ms. Samantha with her
ABALA ANG MESA ni Cedric sa mga paperworks na kailangan niyang tingnan, mula sa problema ng recessions, high unemployment, and financial crises na may malaking impact na puwedeng kaharapin ni Cedric katulad nalang ng pagtaas ng nahihirapang mamamayan ng Romania, social uncrest, at pagbaba ng government revenue.Isa pa sa tinututukan ni Cedric ay ang nangyaring Budget Deficit na nasa investigation status pa, kung saan ilalagay si Georghe Antonescu budget hearing para tanungin ito patungkol sa pera na kinuha nito, para sa dapat na proyekto ng gobyerno.Cedric is wearing his reading glasses habang hawak ang mga papel na tinitingnan niya, nang pumasok si Alexius sa kaniyang opisina."Prime Minister, Mr. Rares Laurice is here to speak with you." pagbibigay alam ni Alexius na bahagyang ikinakunot ng noo ni Cedric."Why does he want to talk to me?""He didn't disclose to me, Prime Minister, should i tell him that you are busy as of this moment?" saad ni Alexius na bahagyang ikinabuntong hini
NAKATULALA lang si Samantha sa kaniyang pagkakahiga dahil walang nagpe-play sa kaniyang isipan kundi ang paghalik ni Cedric sa kaniya. Malinaw pa rin sa kaniya ang bawat galaw ng labi ni Cedric sa labi niya kung saan wala paring ideya si Samantha bakit siya hinalikan ni Cedric.Dahan-Dahang itinaas ni Samantha ang kaniyang kanang kamay at idinako sa kaniyang bibig, bago unti-unting nilingon si Cedric na natutulog sa kaniyang tabi kung saan isang dipa ang layo nila sa isa't-isa.Bakit mo ko hinalikan? tanong ni Samantha sa kaniyang isipan nang bumalik sa isipan niya ang tagpo na 'yun.*FLASHBACK*Sa bawat galaw ng labi ni Cedric sa kaniyang labi ay napahawak si Samantha sa magkabilang balikat nito. Ramdam niya ang kabog ng puso niya, at wala siyanv lakas na pigilan si Cedric sa paghalik sa kaniya.Miya-miya ay si Cedric na ang kusang pumutol sa halikan nila, their eyes met. Naguguluhan man si Samantha sa ginawa ni Cedric ay hindi niya magawang makapag salita, hanggang humakbang na pala
SA HAPAGKAINAN ay magkakasamang kumakain sa mesa sina Aunt Elena, Spade, Samantha, Cedric, Mihai at Alexius. Maraming ipinahanda si Aunt Elena para sa kanila, yet hindi makakain ng marami si Samantha since walang tumatakbo sa isipan kundi si Cedric.Pasimple niyang nilingon si Cedric na naka focus sa pagkain nito, biglang pumasok sa isipan ni Samantha ang muntikan ng paglapat ng kanilang mga labi. Palaisipan kay Samantha ang ginawa ni Cedric, na para bang gusto siya nitong halikan."Cedric, bakit hindi pa kayo magpakasal ni Samantha?""P-Po?" gulat na baling ni Samantha kay Aunt Elena na hindi niya alam na kanina pa siya nito napapansin lalo na ang pagtingin nito kay Cedric.Dere-deretso lang sina Mihai at Alexius sa pagkain nila, ganun din si Spade na pinanggigitnaan ng dalawa."What? May masama ba sa sinabi ko? I mean may anak kayong dalawa, hindi ba dapat ay ikasal kayo para mabigyan niyo ng buong pamilya si Spade?" saad ni Aunt Elena na napalingon si Samantha kay Cedric na tuloy-







