Home / Romance / My Dangerous Temptation / Chapter 3: The Untapped Potential

Share

Chapter 3: The Untapped Potential

Author: Yzabelle
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 01:56:29

Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.

“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.

Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.

“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”

Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-libong kahon doon.”

Napatigil si Valerie sa pagtitipa at dahan-dahang isinara ang kanyang laptop. Ang tunog niyon ay sapat na para kabahan ang kanyang sekretarya. “Two days? I am facing the board of directors in less than four hours, Amanda. At sasabihin niyo sa akin na kailangan ko pang maghintay ng dalawang araw para sa isang dokumento?”

“S-Sorry po, Ms. Boromeo. Pero ipinahahanap ko na po sa mga interns—”

“Never mind. I’ll go down myself,” malamig na putol ni Valerie habang marahas na tumayo. “Hindi ako pwedeng umasa sa mga interns na walang alam gawin kundi mag-cellphone.”

Bitbit ang kanyang matatalas na tingin at ang mabigat na tunog ng kanyang stilettos, bumaba si Valerie patungo sa basement server at archive room. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng bakal na p***o, ang amoy ng lumang papel at ang malamig na semento ang sumalubong sa kanya. Inaasahan niyang makikita ang isang makalat at magulong kwarto, ngunit laking gulat niya sa kanyang nadatnan.

Ang mga naglalakihang bakal na istante ay perpektong naka-hanay. Ang mga kahon ay may malilinis na label na kulay asul at pula, may mga petsa, at may barcode. At sa dulo ng pasilyo, nakita niya si Nick Sarmiento.

Nakasakay ito sa isang maliit na hagdanan, may suot na face mask at puting cotton gloves habang maingat na pinupunasan ang ibabaw ng mga lumang folder. Isang maliit na clipboard ang nakasukbit sa kanyang baywang, at ang kanyang oversized na polo shirt ay may kaunting dumi na ng alikabok. Kitang-kita ang dedikasyon at pagiging responsable nito sa trabaho kahit na walang nakatingin na boss.

“Sarmiento,” tawag ni Valerie.

Bahagyang nagulat si Nick kaya muntik nang mabitawan ang hawak na folder. Mabilis siyang bumaba sa hagdan, tinanggal ang kanyang face mask, at maingat na iniayos ang kanyang makakapal na salamin.

“M-Ms. Boromeo! Magandang tanghali po. May... may kailangan po ba kayo rito sa ibaba?”

“I need the 2021 financial audit ledger for the South project. Sabi ni Amanda magulo raw ang archives,” direktang saad ni Valerie habang pinaliligid ang kanyang paningin sa napakagandang ayos ng silid.

“Ah, may mga bahagi na po dito natapos ko ang pag-reorganize, bale yung buong sector C at D kahapon, Ma'am,” magalang na sagot ni Nick, may kasamang mahiyain ngunit disenteng ngiti.

Mabilis siyang naglakad patungo sa ikatlong istante sa kanan. Nang walang kahirap-hirap, hinila niya ang isang makapal na itim na binder na may malinis na label. Iniabot niya ito kay Valerie nang may paggalang. “Eto po, Ms. Boromeo. 2021 Financial Audit, Section 4—South Expansion. Naka-cross-reference na rin po 'yan sa digital drive para kung sakaling kailanganin niyo sa presentation niyo mamaya.”

Napatitig si Valerie sa binder, pagkatapos ay sa maamong mukha ng lalaki. Ang dokumento na sabi ng iba ay aabutin ng dalawang araw, nahanap ni Nick sa loob lang ng tatlumpung segundo. Napansin din niya ang isang maliit na notebook sa tabi ng computer ni Nick kung saan nakasulat ang mga suhestiyon nito kung paano mas mapapabilis ang cloud encoding ng kumpanya.

“You did all of this? Alone?” tanong ni Valerie, bahagyang nababawasan ang lamig sa kanyang boses.

“Opo, Ma'am. Sabi niyo po kasi noong unang araw ko, ayaw niyo ng mga taong panay reklamo. Kaya ginawa ko po ang lahat para maayos ang system para hindi po kayo maabala kung sakaling magkaroon ng emergency gaya nito,” sagot ni Nick habang bahagyang nakayuko ang ulo.

Tinitigan siya ni Valerie nang matagal bago dahan-dahang tumango. “Good job, Sarmiento. At least someone in this building actually listens to my instructions.”

Bitbit ang binder, bumalik si Valerie sa kanyang opisina sa 45th floor. Habang nag-aayos siya ng mga papel bago ang board meeting, pumasok muli si Amanda para ibigay ang ibang mga dokumentong kailangang pirmahan.

“Amanda,” tawag ni Valerie habang pinipirmahan ang isang papeles. “Tungkol sa bakanteng posisyon para sa Executive Assistant ko... may nakuha na ba ang HR mula sa labas?”

Huminga nang malalim si Amanda at umiling. “Iyon nga po ang problema, Ms. Boromeo. Pangatlong batch na po ang ni-reject ng HR dahil karamihan sa mga aplikante ay walang experience o kaya naman ay masyadong mataas ang hinihinging compensation para sa isang panimulang posisyon.

Sa totoo lang po, wala pa tayong opisyal na nakukuha para sa posisyon na ito.”

Ibinaba ni Valerie ang kanyang panulat at sumandal sa kanyang upuan.

“I need someone immediately. Ang dami kong closed-door meetings sa susunod na linggo at hindi mo kayang hawakan ang lahat ng external at internal schedules nang mag-isa.”

Nag-atubili si Amanda, pabalik-balik ang tingin sa kanyang hawak na tablet bago maingat na nagsalita.

“Ms. Boromeo... kung mapapansin niyo po, si Nick Sarmiento mula sa Archives... isa po siya sa mga nakikita kong may pinakamalaking potential na junior associate dito sa executive floor, kung natatandaan nyo, nung nagpadala ng mga resume ng mga junior associate, sya ang nag stand out sa lahat at may potential na maging EA, Sobrang tapat niya po sa trabaho, responsable, at nakita niyo naman po kung paano niya naayos ang gulo sa basement sa loob lang ng maikling panahon.”

Bahagyang itinaas ni Valerie ang kanyang isang kilay, nakikinig sa kanyang sekretarya.

“Kaya lang po...” pagpapatuloy ni Amanda, medyo nanghihinayang ang tono ng boses. “Nasa Archive Assistant ang posisyon niya ngayon. Medyo malayo po ang agwat ng rank-and-file sa pagiging isang Executive Assistant na direktang hahawak ng mga confidential files ninyo. Pero kung bibigyan niyo po siya ng pagkakataon, tingin ko po ay mabilis siyang makakapag-adjust dahil napakasunurin nya”

Natahimik si Valerie. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Nick noong isang linggo—ang kwento nito tungkol sa kanyang mga magulang at kung paano niya gustong matuto sa corporate world nang mas maaga para patunayan ang sarili sa kanyang mga nakatatandang kapatid. Naalala rin niya ang malinis at mabilis na pagkilos ng lalaki sa basement kanina.

Sa mundong puno ng mga lobong nag-aabang sa kanyang pagbaba, marahil ang isang tupa na tapat at walang maruming ambisyon ang pinakakailangan niya sa kanyang tabi.

“Sabihan mo si Sarmiento na mag-report sa opisina ko bukas ng umaga,” malamig ngunit may pinal na desisyon na utos ni Valerie.

“Bibigyan ko siya ng isang buwang trial run. Kung magpapakita siya ng kakayahan, siya ang gagawin kong bagong Executive Assistant.”

“Sige po, Ms. Valeria! Sasabihan ko po agad siya bago matapos ang araw na ito,” masayang sagot ni Amanda bago mabilis na lumabas ng silid.

Nang sumara ang p***o, tiningnan ni Valerie ang portrait ng kanyang yumaong kapatid na si Arthur.

‘Protect the empire, Valerie,’ ang boses ng kanyang mga magulang ay muling umalingawngaw sa kanyang isip. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Valerie na baka may mahanap siyang isang tao na pwedeng makatulong sa kanya sa pagbubuhat ng mabigat na tronong ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Dangerous Temptation   CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

    “Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”Cold. Unforgiving. Lethal.Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nak

  • My Dangerous Temptation   Chapter 4: The Predator’s Lens

    Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon."Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok n

  • My Dangerous Temptation   Chapter 3: The Untapped Potential

    Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-li

  • My Dangerous Temptation   Chapter 2: The First Encounter

    Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.Tok. Tok.“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa pinto.“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan" Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”Bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang lea

  • My Dangerous Temptation   Chapter 1: The Monster Boss

    “Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator. “Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status