Home / Romance / My Dangerous Temptation / CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

Share

CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

Author: Yzabelle
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-24 00:15:33

“Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”

Cold. Unforgiving. Lethal.

Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.

Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nakatitig lamang sa makintab na kahoy ng mesa, nagdarasal na sana ay hindi sila ang susunod na mapansin ng kaniyang mapanuring tingin.

Ito ang dahilan kung bakit binansagan siya ng buong industriya ng korporasyon bilang ang "Monster Bitch Boss."

Si Valeria, o Val sa kaniyang mga piling kakilala, ay walang sinasanto. Bilang Acting CEO ng Boromeo Group, tila wala siyang puso, walang emosyon, at walang pakialam kung may maiyak man sa harap niya dahil sa tindi ng kaniyang mga standard. Sa edad na dalawampu't lima, pinatatakbo niya ang isang bilyong pisong imperyo nang may kamay na bakal. Para sa kaniya, ang kahinaan ay isang nakakahawang sakit na walang lugar sa kaniyang kumpanya

“Meeting adjourned. Get out of my sight,” malamig niyang dugtong bago pabalabag na isinara ang hawak na iPad. Ang tunog niyon ay tila isang hatol ng kamatayan sa mga nakikinig.

Awtomatikong nagmamadaling tumayo ang mga directors, halos magkatisod-tisod sa pagkuha ng kanilang mga papeles at laptop upang makalabas agad sa silid bago pa man magbago ang isip ng kanilang reyna. Walang lumingon sa likod. Ang tanging layunin ng lahat sa sandaling iyon ay makalayo sa radius ng kaniyang galit.

Nang tuluyang magsara ang mabigat na p***o ng boardroom at masiguro niyang wala nang natitirang tao, unt-unting bumaba ang tuwid na tindig ng mga balikat ni Val. Parang isang lobo na unt-unting nawalan ng hangin, ang kaniyang matikas na tindig ay naglaho. Huminga siya nang malalim—isang mabigat, pagod, at nadudurog na buntong-hininga na hinding-hindi niya ipapakita sa harap ng kahit na sino. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang hinahawakan ang kaniyang sentido na kanina pa kumikirot dahil sa matinding migraine.

The flashing cameras, the elite boardrooms, the expensive designer clothes—it was all a beautifully crafted mask.

Sa likod ng kaniyang matapang na awra, si Val ay patuloy na nagdurusa sa tindi ng pangungulila at trauma.. Iniwan sa kaniyang mga kamay ang kumpanya kasabay ng napakataas na expectations at pressure na tila unt-unting sumasakal sa kaniyang leeg araw-araw.

Nag-aaral siya noon ng kaniyang Master’s Degree sa New York, masaya sa kaniyang tahimik at pribadong buhay, malayo sa gulo ng corporate world. Ngunit sa isang iglap, isang tawag sa telepono ang bumago sa lahat. Pinilit siyang umuwi, bitawan ang kaniyang mga pangarap, at maging isang halimaw upang protektahan ang pangalan ng pamilya Boromeo. Kailangan niyang maging matatag dahil alam niyang sa oras na magpakita siya ng kahit kaunting patak ng luha, lalamunin siya nang buhay ng mga buwaya sa industriya.

“Ma’am, heto na po ang kape ninyo. Black, double shot of espresso, at walang asukal.”

Isang mahinahon, malambot, at napakalinis na boses ang bumasag sa kaniyang malalim na pag-iisip.

Awtomatikong bumalik ang talas ng mga mata ni Val habang umangat ang kaniyang tingin. Sa tabi niya ay nakatayo ang kaniyang bagong hire na Executive Assistant—si Nick Sarmiento. Ito ang kaniyang unang opisyal na araw matapos ang kaniyang mabilis na promotion mula sa archives.

Si Nick ang depinisyon ng isang lalaking hindi mo mapapansin sa isang pampublikong lugar. Suot nito ang kaniyang makapal na salamin sa mata na medyo may gasgas sa gilid, bahagyang malaki ang kaniyang corporate suit na tila binili lang sa isang ukay-ukay o lumang department store, at palaging nakayuko nang kaunti na tila nahihiya sa kaniyang sariling anino. Mukha siyang isang inosente, lampa, at tahimik na nerd na naliligaw sa mundo ng mga pating sa Makati. Hawak niya ang isang mamahaling porselanang tasa, ang kaniyang mga kamay ay may bahagyang panginginig na tila natatakot na mabitawan ito

Subalit sa kabila ng kaniyang pagiging mahiyain, si Nick ay may isang katangian na hindi matagpuan ni Val sa iba pang mga naging asisstant niya: siya ay napakalmado. Kahit gaano ka-magulo ang araw, kahit gaano kalakas sumigaw si Val dahil sa galit, o kahit magwala ang mga kliyente, nananatiling tahimik, seryoso, at maayos na ginagawa ni Nick ang kaniyang trabaho nang walang anumang reklamo. Walang kahit isang bakas ng pagkataranta sa kaniyang mga kilos.

Ibinaba ni Nick ang tasa sa tabi ng iPad ni Val nang may labis na pag-iingat, tinitiyak na hindi ito gagawa ng anumang ingay na makakarindi sa kaniyang boss.

“Iwan mo na 'yan sa lamesa, Nick. At ihanda mo ang sasakyan, may out-of-town business trip tayo sa Batangas bukas ng madaling araw,” malamig na utos ni Val, mabilis na ibinabalik ang kaniyang seryoso at walang pakialam na mukha.

“Nakahanda na po ang lahat ng papeles, Ma’am Val. At na-check ko na rin po ang sasakyan sa driver natin, pati ang hotel reservation ninyo para sa overnight stay ay kumpirmado na po,” mahinahong sagot ni Nick. Inangat niya ang kaniyang kanang kamay upang marahang ayusin ang kaniyang salamin na bahagyang umuusdos sa kaniyang ilong. “May kailangan pa po ba kayo? Pwede ko rin pong i-adjust ang aircon kung masyadong malamig para sa migraine ninyo.”

Natigilan si Val. Paano nito nalaman na sumasakit ang ulo niya? Hindi naman niya ito sinabi kahit kanino, at buong meeting ay pilit niyang itinago ang kaniyang discomfort. Tinitigan niya si Nick ng ilang segundo, sinusubukang basahin ang iniisip ng lalaki. Ngunit sa ilalim ng makapal na salamin ni Nick, tanging ang isang tapat at inosenteng pag-aalala lang ang kaniyang nakikita. May kung anong kapayapaan sa boses nito ang pilit na humihila sa pagod at bugbog na puso ng CEO.

“Wala na. Pwede ka nang bumalik sa desk mo,” medyo lumambot ang tono ni Val, isang bagay na bihirang mangyari sa loob ng Boromeo Tower.

“Salamat po, Ma’am. Huwag po kayong masyadong magpapagod. Masama po sa kalusugan ang palaging lumalagpas sa oras ng tanghalian,” banayad na sabi ni Nick bago ito marahang yumuko bilang paggalang at tahimik na lumakad palabas ng boardroom, bitbit ang kaniyang lumang leather portfolio.

Nang masara ang p***o, tinitigan ni Val ang tasang iniwan ng lalaki. Humawak siya rito, at ang init ng kape ay gumapang sa kaniyang malamig na mga palad. Hindi alam ni Val kung bakit, ngunit sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon na puno ng takot, stress, at pagluluksa, naramdaman niya ang isang pamilyar na init sa kaniyang dibdib.

Sa pagkakataong ito, hindi niya kailangang magpanggap na malakas. Isang maliit at napakatipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi—isang ngiti na matagal nang ipinagkait sa kaniyang mukha bilang reyna ng Boromeo Group.

Subalit sa labas ng boardroom, sa sandaling tuluyang sumara ang p***o at lumayo siya sa mga mata ng mga empleyado, unt-unting nagbago ang senaryo.

Habang naglalakad si Nick patungo sa kaniyang sariling cubicle sa labas ng executive suite, unt-unting nawala ang mahiyain, inosente, at kabado nitong ekspresyon. Ang kaniyang bahagyang pag-kuba na tila pasan ang mundo ay napalitan ng isang tuwid, firm, at eleganteng tindig ng isang tunay na ginoo. Nawala ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Inangat niya ang kaniyang mukha nang may mataas na kumpiyansa.

Sa likod ng makapal na salamin na kaniyang suot, ang maamong tingin ay naglaho; sumilay ang isang malamig, blanko, at mapanganib na kislap sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang aura ay naging kasing talas ng isang patalim na handang pumatay.

Pumasok siya sa kaniyang cubicle, naupo, at siniguradong walang sinumang nakatingin sa kaniyang pwesto. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang malaking suit at mabilis na nag-type ng isang encrypted na mensahe para sa kaniyang kapatid na si Flynn.

“The target is lowering her guard. Infiltrating the Boromeo Group is complete. Malapit ko nang makuha ang buong tiwala ng reyna nila. Handang-handa na ang lahat para sa paghihiganti natin. I’ll make sure she relies on me for everything until she has nothing left.”

Pinanood niya ang status ng message hanggang sa maging Sent. Isang malamig at nakakapangilabot na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha. Ang bawat hakbang, ang bawat salita, at maging ang pag-alam sa kaniyang paboritong timpla ng kape at sa kaniyang migraine ay bahagi ng isang kalkulado at madilim na plano.

Ipinasok niya muli ang telepono sa bulsa, muling inayos ang kaniyang makapal na salamin gamit ang isang daliri, at sa isang kurap ng mata ay bumalik sa kaniyang perpektong pagbabalatkayo bilang ang mahiyain, tahimik, at laging nanginginig na si Nick Sarmiento.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Dangerous Temptation   CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

    “Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”Cold. Unforgiving. Lethal.Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nak

  • My Dangerous Temptation   Chapter 4: The Predator’s Lens

    Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon."Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok n

  • My Dangerous Temptation   Chapter 3: The Untapped Potential

    Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-li

  • My Dangerous Temptation   Chapter 2: The First Encounter

    Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.Tok. Tok.“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa pinto.“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan" Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”Bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang lea

  • My Dangerous Temptation   Chapter 1: The Monster Boss

    “Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator. “Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status