Home / Romance / My Dangerous Temptation / Chapter 4: The Predator’s Lens

Share

Chapter 4: The Predator’s Lens

Author: Yzabelle
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 01:58:02

Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon.

"Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”

Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.

Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.

Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok ng archive division. Doon ay nakalatag ang isang itim na folder na hindi bahagi ng mga dokumento ng kumpanya.

Naglalaman ito ng mga nakaw na litrato ni Athena Valeria Boromeo—mga kuhang larawan habang lumalabas ito ng building, habang seryosong nakikipag-usap sa mga kliyente, at mga larawan ng kanyang mukha tuwing gabi kung kailan akala niya ay walang nakatingin.

Hinaplos ni Phoenix ang magandang mukha ni Valerie sa litrato gamit ang kanyang gloved na daliri.

“Masyado kang naging kampante sa tore mo, Valeria,” bulong niya sa hangin.

Ang bawat detalye ng nagdaang dalawang linggo ay dumaan sa kanyang isip na parang isang pelikula. Walang kahit isang bagay ang nangyari nang dahil sa tsamba. Ang pagkakagulo ng mga file sa Sector C at D? Siya ang may gawa niyon noong nakaraang weekend. Ang pagkawala ng 2021 financial audit ledger na kailangang-kailangan ni Valerie para sa board meeting? Isang simpleng pagbabayad lang sa isang utility worker ang kinailangan niya para ilipat ang kahon sa pinakailalim na bahagi ng istante.

Alam niya ang takbo ng utak ni Valerie. Pinag-aralan niya ang bawat galaw nito. Alam niyang kapag nagmamadali ang tinaguriang "monster boss," hindi ito maghihintay sa mabagal na proseso ng HR o ng mga interns.

Bababa ito. Hahanapin nito ang file nang mag-isa. At kapag bumaba siya, kailangang naroroon si Nick Sarmiento—ang perpekto, masipag, at tapat na empleyadong handang magligtas sa kanyang presentation.

Maging ang naging sagot niya tungkol sa kanyang "mga magulang at mga nakatatandang kapatid" ay isang lason na binalot sa asukal. Alam niyang bawat salita niyon ay pupukaw sa damdamin ni Valerie tungkol sa namatay nitong kuya na si Arthur. Ginamit niya ang sarili nitong trauma para piliting buksan ang p***o ng executive floor.

Mabilis na nagbago ang eksena nang biglang bumukas ang p***o ng archives. Mabilis na isinuot muli ni Phoenix ang kanyang salamin at ibinalik ang bahagyang kuba at mahiyain niyang tindig.

“O, Nick! Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Mang Roger, ang matandang gwardya na nag-iinspeksyon sa basement. “Kanina ko pa nakikita na bukas ang ilaw mo rito. Masyado kang masipag, baka magkasakit ka niyan.”

Ngumiti si Nick—ang inosente at magalang na ngiti na nakasanayan ng lahat.

“Ah, Mang Roger. Opo, tinatapos ko lang po itong huling box para malinis na po bukas. Ayoko po kasing maiwanan ng trabaho, baka mapagalitan po tayo ni Ms. Boromeo.”

Tumawa ang matanda at tinapik ang balikat niya.

“Naku, sinabi mo pa! Napakahigpit ng babaeng 'yan. Akala mo naman hindi tao kung mag-utos".

" Kaya nga po minsan, nakakatakot magkamali, baka mawalan ako ng trabaho"

“Naku, huwag kang matakot, Nick,” pagpapalakas-loob ng matanda. “Mabait kang bata at napakasipag mo. Sa totoo lang, ikaw lang ang nakita kong nakatagal sa pag-aayos ng bodegang ito na walang reklamo. Sige na, dalian mo na riyan at para makauwi ka na.”

“Opo, Mang Roger. Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo ,” sagot ni Nick habang nakangiti.

Nang tuluyang sumara ang p***o at lumayo ang mga hakbang ng gwardya, unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Phoenix. Ang kanyang mukha ay muling naging parang bato—walang emosyon, walang awa.

Kinuha niya ang kanyang lumang leather bag at sinimulang ilagay doon ang kanyang mga personal na gamit. Isang maliit na recorder, isang ballpen na may nakatagong micro-camera, at ang maliit na notebook na naglalaman ng lahat ng schedule at habits ni Valerie na palihim niyang binantayan sa nakalipas na labing-apat na araw.

Alam niya kung anong oras ito dumating (7:30 AM), kung anong oras ito umiinom ng kape (8:15 AM at 3:00 PM), at kung paano ito mag-react kapag sumasakit ang ulo nito dahil sa matinding stress. Alam niya na ang matapang at walang pusong reyna na kinatatakutan ng lahat ay isang hungkag na shell na lamang na pilit na pinatatakbo ng takot at pressure ng sarili nitong pamilya.

“Isang buwang trial run...” bulong ni Phoenix sa kanyang sarili habang isinasara ang zipper ng bag.

“Isang buwan para patunayan na ako ang pinakatapat na asong pwede mong makuha, Valeria.”

Lumabas siya ng archive room at sumakay sa elevator. Sa halip na pindutin ang ground floor para umuwi, pinindot niya ang button patungo sa 45th floor. Gabi na, at alam niyang wala nang tao sa labas ng opisina ni Valerie maliban sa mismong Acting CEO.

Nais niyang makita ang kanyang target mula sa malayo bago ang kanyang opisyal na pag-akyat kinabukasan.

Nang bumukas ang elevator sa executive suite, napakatahimik ng buong floor. Patay na ang karamihan sa mga ilaw, maliban sa liwanag na nagmumula sa ilalim ng p***o ng CEO office.

Dahan-dahang humakbang si Phoenix, walang tunog ang kanyang sapatos sa makapal na karpet. Huminto siya sa may malaking glass wall na medyo may awang ang blinds. Mula sa kanyang pwesto, nakita niya si Valeria.

Wala roon ang matikas na reyna na nakita niya sa elevator noong nakaraang araw. Nakaupo si Valerie sa sahig, sa gilid ng kanyang mesa, habang nakasandal ang ulo sa cabinet. Ang kanyang pitong pulgadang stilettos ay nakakalat sa sahig, at ang kanyang mukha ay nakasubsob sa kanyang mga palad. Ang kanyang mga balikat ay marahang gumagalaw. Umiiyak siya. Mag-isa, sa gitna ng imperyo na unt-unti nang kumakain sa kanyang kaluluwa.

Tinitigan siya ni Phoenix mula sa dilim. Walang kahit anong awa ang rumesponde sa kanyang dibdib sa tindi ng iyak ng babae. Para sa kanya, ang bawat luha ni Valerie ay kabayaran sa bawat patak ng dugo na nawala sa pamilya Rodriguez dahil sa kasakiman ng mga Boromeo. Ang kahinaan na ipinapakita nito ngayon ay ang pinakamagandang armas na magagamit niya.

‘Umiyak ka lang, Valeria,’ sa isip ni Phoenix habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa babaeng sugatan sa loob ng opisina.

‘Dahil kapag pumasok na ako sa silid na iyan bukas, sisiguraduhin kong ako ang magiging tanging sandalan mo. Ako ang magiging kapayapaan mo. Gagawin ko ang lahat para mahulog ka sa akin, para ibigay mo sa akin ang puso mo at ang kumpanyang ito.’

Maingat siyang humakbang pabalik sa elevator, muling isinuot ang kanyang makakapal na salamin, at hinayaan ang p***o na sumara sa pagitan nila. Bukas ng umaga, ang laro ng manipulasyon ay opisyal nang magsisimula.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Dangerous Temptation   CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

    “Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”Cold. Unforgiving. Lethal.Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nak

  • My Dangerous Temptation   Chapter 4: The Predator’s Lens

    Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon."Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok n

  • My Dangerous Temptation   Chapter 3: The Untapped Potential

    Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-li

  • My Dangerous Temptation   Chapter 2: The First Encounter

    Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.Tok. Tok.“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa pinto.“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan" Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”Bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang lea

  • My Dangerous Temptation   Chapter 1: The Monster Boss

    “Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator. “Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status