Home / Romance / My Dangerous Temptation / Chapter 1: The Monster Boss

Share

My Dangerous Temptation
My Dangerous Temptation
Author: Yzabelle

Chapter 1: The Monster Boss

Author: Yzabelle
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 01:54:10

“Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”

Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.

“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator.

“Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”

“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”

“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can I trust you with a fifty-million-peso account? Pack your things.’ Ganoon! Walang ka-emosyon-emosyon ang mukha, parang yelo! Akala mo naman hindi siya nagkakamali. Sobrang inhuman talaga!”

Ting.

Bumukas ang p***o ng elevator sa 45th floor—ang executive suite ng Boromeo Group. Sabay na napatigil sa paghinga ang dalawang empleyado nang mag-angat sila ng tingin. Ang kanilang mga dila ay biglang natuyo, at ang malamig na hangin mula sa central centralized AC ng floor ay tila mas lalong nagpalamig sa kanilang mga sistema.

Doon nakatayo ang dahilan ng kanilang bangungot.

Athena Valeria Boromeo.

Nakatayo siya roon habang hawak ang isang mamahaling tablet. She was wearing a flawless, tailored charcoal-gray pantsuit that screamed power, complementing her statuesque figure. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay nakapusod nang mahigpit, walang kahit isang hibla ang nakawala—perfectly structured, just like how she ran the company. Her dark eyes, sharp and calculating, scanned the two employees like a predator sizing up its prey.

Agad na yumuko ang dalawa, halos magbuhol ang mga dila sa takot. Pakiramdam nila ay umurong ang kanilang mga hininga sa tindi ng presensya ng babae.

“G-Good morning, Ms. Boromeo.”

Hindi sila tiningnan ni Valerie. Dire-diretso siyang naglakad papasok sa elevator, ang tunog ng kanyang pitong pulgadang stilettos sa makintab na sahig ay parang countdown ng isang ticking bomb na bawat hakbang ay nagdadala ng takot.

“Before you gossip about my leadership style, make sure your quarterly reports are flawless,” malamig na sabi ni Valerie habang nakatalikod sa kanila, her voice low but laced with authority that made the two employees freeze on the spot.

Dahan-dahan siyang lumingon, ang isang kilay ay bahagyang nakataas habang nakatitig sa nanginginig na junior associate.

“You have exactly two hours to submit the Q3 marketing analysis, or you can join Mr. Alcaraz in the unemployment line. Have a productive day.”

Bago pa man makasagot ang dalawa para humingi ng paumanhin, sumara na ang p***o ng elevator.

Napabuga ng isang malalim na hininga si Valerie nang mawala na ang dalawa sa kanyang paningin. Binaybay niya ang tahimik na pasilyo at naglakad patungo sa kanyang malawak na opisina. Pagkapasok na pagkapasok niya, agad niyang ibinagsak ang tablet sa ibabaw ng kanyang mahogany desk. Ang tunog niyon ay umalingawngaw sa apat na sulok ng marangyang silid.

Pagod na pagod niyang hinilot ang kanyang sentido, dahan-dahang pinakakawalan ang tension sa kanyang mga balikat na tanging sa loob lamang ng silid na ito niya pwedeng gawin.

Monster. Bitch boss. Walang puso.

Iyan ang mga bansag sa kanya araw-araw. Naririnig niya sa mga pantry, sa mga banyo, at maging sa mga chat groups ng mga empleyado kapag akala nila ay walang nakakakita. Sanay na siya. Kung tutuusin, siya naman ang may gawa ng reputasyong iyon. Sinadya niyang maging ganoon dahil alam niyang sa oras na magpakita siya ng kaunting lambot, lalamunin siya ng buhay ng mga tao sa paligid niya.

Dahil sa mundong ginagalawan niya—ang magulong mundo ng mga naglalakihang korporasyon—ang kahinaan ay katumbas ng kamatayan. Ang konting pagpapakita ng emosyon ay gagamitin ng mga kalaban para tapakan ka. Lalo na ngayon na marami ang nag-aabang sa kanyang pagbagsak, mga taong nagpapanggap na kakampi pero handa siyang saksakin sa likod kapag lumingon siya.

Dahan-dahang lumingon si Valerie at tiningnan ang malaking portrait na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina.

It was her late brother, Arthur Boromeo. Si Arthur ang sanang hahawak ng posisyong ito. Si Arthur ang paborito ng lahat—matalino, mabait, charismatic, at handang dalhin ang Boromeo Group sa rurok ng tagumpay nang may ngiti sa mga labi. Siya ang ginto sa mata ng kanilang mga magulang, ang anak na kailanman ay hindi nagdala ng kabiguan.

But two years ago, a tragic car accident took him away. Ang pag-asang iyon ay gumuho sa isang iglap, nag-iwan ng malalim na sugat sa pamilya. At sa isang kurap ng mata, ang lahat ng mabigat na responsibilidad ay bumagsak sa balikat ni Valerie. Isinubo siya sa mundong hindi naman niya hiningi, pinwersang maging kapalit ng isang perpektong anak.

‘You have to be like your brother, Valerie,’ laging paalala sa kanya ng kanyang ama sa tuwing nakakakita ito ng kahit konting pagkakamali sa kanyang mga desisyon. ‘Do not let the family name slide. You cannot afford to be weak. We already lost Arthur; don't make us regret putting you there.’

‘Valerie, protect the empire at all costs,’ sabi naman ng kanyang ina, na sa tuwing tatawag ay puro shares, stock market, at kumpanya ang tinatanong—hindi man lang siya tinatanong kung kumain na ba siya, kung nakakatulog pa ba siya, o kung okay lang ba siya sa kabila ng bigat ng kanyang dinadala.

Ikinuyom ni Valerie ang kanyang mga palad habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata, ngunit mabilis niya itong pinunasan. Bawal umiyak. Ang mga luha ay para sa mga mahihina, at siya ay isang Boromeo.

Walang nakakaalam kung gaano kasakit ang bawat gabi na umiiyak siya sa sulok ng kanyang marangyang kwarto, yakap-yakap ang sarili habang dinadama ang labis na pangungulila at ang kawalan ng taong makakaintindi sa kanya. Walang nakakakita sa mga kamay niyang nanginginig sa takot sa tuwing haharap siya sa board of directors na binubuo ng mga matatandang buwaya na naghihintay lang na magkamali siya para mailatag ang sarili nilang mga agenda at tuluyang agawin ang pamumuno

She wore her fierce aura like a bulletproof vest. It was a mask. Isang maskara para itago ang isang babaeng sugatan, pagod, at sumisigaw na ng tulong sa loob. Ngunit alam niyang walang darating para iligtas siya. Sa mundong ito, siya lang ang mayroon siya. Kailangan niyang maging matatag, kahit na ang ibig sabihin niyon ay ang maging isang halimaw sa mata ng iba.

Isang marahang katok sa p***o ang pumutol sa kanyang malalim na iniisip.

“Come in,” malamig na utos niya. Sa isang iglap, mabilis niyang ibinalik ang kanyang poker face at matikas na tindig. Ang mahinang bersyon ng kanyang sarili ay muling nagtago sa dilim, pinalitan ng reynang walang patawad.

Bumukas ang p***o at iniluwa nito ang kanyang administrative head, bitbit ang ilang mga mapuputing folder na naglalaman ng mga bagong mukha na papasok sa kumpanya.

“Ms. Boromeo, here are the resumes for the newly hired junior associates assigned to the executive floor. Kasama na rin po rito ang mga files para sa top candidates na pwedeng maging bago ninyong Executive Assistant,” magalang na ulat nito habang maingat na inilalagay ang mga folder sa gilid ng mesa, iniiwasang makagawa ng anumang ingay na pwedeng ikagalit ng amo.

“Just leave it on my desk. I’ll review them later,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin, kunwaring may binabasang mahalagang email sa kanyang laptop upang tapusin agad ang usapan.

“Yes, Ms. Boromeo. Malapit na rin po ang induction nila sa ground floor.” Pagkatapos magbigay-galang ay tahimik na lumabas ang administrative head, ramdam ang ginhawa nang makalabas sa silid.

Nang maiwan siyang mag-isa, dahan-dahang binuklat ni Valerie ang unang folder ng bagong hire na junior associate para sa Archive Division. Isang pamilyar ngunit simpleng mukha ang tumambad sa kanya mula sa 2x2 ID picture na nakaklip doon.

Nick Sarmiento.

Ayon sa resume, graduate ito na may magagandang grado mula sa isang disenteng unibersidad, pero walang kahit anong ingay ang background. Walang malalaking nakaraang kumpanya, walang matatayog na parangal, at walang koneksyon sa mga maiimpluwensyang tao. Mukhang tahimik at simpleng tao lang na kuntento na sa mababang posisyon, malayo sa mga ambisyosong aplikante na madalas niyang makasagupa. Sa picture, may suot itong salamin at may tipikal na mahiyain ngunit disenteng ngiti—ang klase ng ngiti na madaling lamunin at durugin ng malulupit na tao sa corporate world.

‘Isa na namang mapapagod at iiyak sa akin pagkalipas ng isang linggo,’ sa impressesyon ni Valerie sa sarili bago walang gana at mabilis na isinara ang folder para itabi ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Dangerous Temptation   CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

    “Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”Cold. Unforgiving. Lethal.Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nak

  • My Dangerous Temptation   Chapter 4: The Predator’s Lens

    Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon."Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok n

  • My Dangerous Temptation   Chapter 3: The Untapped Potential

    Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-li

  • My Dangerous Temptation   Chapter 2: The First Encounter

    Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.Tok. Tok.“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa pinto.“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan" Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”Bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang lea

  • My Dangerous Temptation   Chapter 1: The Monster Boss

    “Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator. “Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status