Home / Romance / My Dangerous Temptation / Chapter 2: The First Encounter

Share

Chapter 2: The First Encounter

Author: Yzabelle
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 01:55:24

Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.

Tok. Tok.

“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa p***o.

“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan"

Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”

Bumukas nang tuluyan ang p***o. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.

Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang leather shoes ay medyo gasgas na ang dulo, at ang hawak niyang ballpen ay ang tipikal na murang brand na ginagamit ng mga estudyante.

Bahagyang nakayuko ang kanyang ulo habang dahan-dahang humahakbang pabalik-balik, halatang kinakabahan sa tindi ng lamig at awra ng executive floor.

“G-Good afternoon po, Ms. Boromeo,” mahiyain at medyo nanginginig ang boses na bati ni Nick. Iniayos niya ang kanyang makakapal na salamin na bahagyang bumaba sa kanyang ilong.

Doon lang siya tuluyang tiningnan ni Valerie. Mula ulo hanggang paa, sinuri niya ang lalaki gamit ang kanyang matatalas na mata.

Sa paningin niya, si Nick ang depinisyon ng isang taong madaling mayuyurakan sa corporate world. Masyadong malambot. Masyadong inosente.

“Sit down, Nick Sarmiento,” malamig na utos ni Valerie, habang itinuturo ang bakanteng silya sa harap ng kanyang mesa.

“Salamat po, Ma'am,” maingat na naupo si Nick, dahan-dahang inilapag ang kanyang simpleng bag sa kanyang kandungan na parang isang pananggalang.

Inabot ni Valerie ang isang makapal at lumang folder mula sa gilid ng kanyang mesa at ipinatong ito sa harap ng lalaki.

“This is the internal audit ledger mula pa noong limang taon ang nakararaan. I want you to encoding everything into the secure cloud network, double-check the figures, and archive the hard copy. Ayoko ng kahit isang maling numero. Is that clear?”

“O-Opo, Ms. Boromeo. Malinaw po. Sisiguraduhin ko pong walang magiging pagkakamali,” mabilis na sagot ni Nick, sabay tango nang sunod-sunod.

Tinitigan siya ni Valerie. May kung anong kakaiba sa lalaking ito na pumukaw sa kanyang interes—isang bagay na bihirang mangyari. Tiningnan niya muli ang resume nito na nakabukas pa rin sa kanyang tablet. May nakasaad doon na ang kanyang pamilya ay may maliit na lokal na negosyo sa probinsya, ngunit narito siya ngayon, nag-aapply para sa isang rank-and-file at minimum-wage na posisyon sa Maynila.

Dahil sa kuryusidad na bihira niyang maramdaman, sumandal si Valerie sa kanyang executive chair at pinagsaklop ang kanyang mga daliri.

“I’ve read your background, Sarmiento,” panimula ni Valerie, ang boses ay nananatiling patag. “Your credentials aren’t bad. You graduated with good marks. Kaya nagtataka ako kung bakit nag-decide kang magtrabaho rito bilang isang simpleng archive assistant. In your record, your family owns a small trading business. Bakit hindi ka na lang doon nagtrabaho?”

Sandaling natigilan si Nick. Ang mga mata nito sa likod ng makakapal na salamin ay kumurap, at dahan-dahan nitong ibinaba ang tingin sa mga kamay na nakapatong sa bag.

Isang lungkot ang biglang gumuhit sa kanyang maamong mukha.

“Ah, ano po kasi, Ms. Boromeo...” panimula ni Nick, medyo bumaba ang tono ng kanyang boses, tila nahihirapang balikan ang isang masakit na alaala.

“Mula po kasi nung mamatay ang mga magulang namin ilang taon na ang nakakalipas, ang mga nakatatanda ko pong kapatid ang nag-manage ng naiwang negosyo.”

Tumingin si Nick kay Valerie, may bahid ng pagsusumamo at pekeng pagkahiya sa kanyang mga mata. “At dahil ako po ang pinakabata sa amin, parang palagi na lang po nila akong tinitingnan bilang isang bata na walang alam. Gusto ko pong patunayan sa kanila na kaya ko rin. Nais ko po sanang matuto sa totoong corporate world ng mas maaga, bago ako tuluyang sumabak at tumulong sa negosyo namin. Gusto ko pong maranasan ang magsimula sa ibaba nang walang tulong ng kahit sino.”

Napatitig si Valerie sa lalaki. Ang mga salitang binitawan ni Nick ay direktang tumama sa isang bahagi ng kanyang puso na matagal na niyang ibinaon sa limot.

Mula nang mamatay ang mga magulang... ang mga nakatatandang kapatid ang nag-manage... nais matuto sa corporate world bago sumabak sa negosyo.

Pakiramdam ni Valerie ay nakikita niya ang kanyang sarili sa kwento nito. Noong namatay ang kanyang kuya na si Arthur, bigla rin siyang isinabak sa malupit na mundong ito. Ang kaibahan nga lang, si Nick ay boluntaryong pumasok para matuto at patunayan ang sarili, habang siya naman ay pinilit at walang pagpipilian. Ramdam niya ang bigat na pinagdaraanan ng lalaki—ang pressure na gustong kilalanin ng sariling pamilya.

Saglit na lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Valerie, ngunit bago pa man ito mapansin ng sinuman, mabilis niya itong binawi at ibinalik ang kanyang malamig na awra.

“The corporate world is not a playground, Nick ,” mariing sabi ni Valerie, bagaman may kaunting bawas na ang bagsik ng kanyang boses. “Hindi ito tulad ng negosyo ng pamilya mo kung saan pagbibigyan ka kapag nagkamali ka. Dito, kapag nagkamali ka, tapos ka. Walang pamilyang magtatanggol sa iyo rito.”

Ngumiti nang bahagya si Nick—isang maliit, mahiyain, ngunit tila determinadong ngiti. “Alam ko po, Ms. Boromeo. Kaya nga po ako nagpapasalamat na sa Boromeo Group ako natanggap. Alam ko pong sa ilalim ng pamumuno ninyo, marami akong matututunan. Handa po akong mapagalitan basta po matuto ako.”

Huminga nang malalim si Valerie at muling ibinalik ang paningin sa mga dokumento sa ibabaw ng kanyang table .

“We’ll see. Papatunayan mo 'yan sa gawa, hindi sa salita. You may go to the archive room now. Amanda will show you the way.”

“Maraming salamat po, Ms. Boromeo. Magtatrabaho po ako nang mabuti,” sabi ni Nick habang mabilis na tumayo, yumuko nang bahagya bilang paggalang, at dahan-dahang lumabas ng opisina habang bitbit ang makapal na folder.

Nang sumara ang p***o, naiwan muli si Valerie na mag-isa. Tinitigan niya ang bakanteng silyang iniwan ng lalaki. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming buwan, hindi corporate strategy ang laman ng kanyang isip. May kakaibang pakiramdam na iniwan ang maamong mukha ni Nick Sarmiento. Isang tao na tila hindi bahagi ng maruming sistema ng kumpanya.

Habang sa labas naman ng opisina...

Naglalakad si Nick sa mahabang pasilyo patungo sa elevator, kasabay si Amanda na abalang nagpapaliwanag ng mga patakaran ng floor. Hawak ni Nick ang folder sa kanyang dibdib, ang kanyang ulo ay nananatiling bahagyang nakayuko habang sumasagot ng “Opo” at “Sige po” sa sekretarya.

Ngunit nang pumasok sila sa loob ng elevator at humarap sila sa malaking salamin nito, unti-unting nawala ang maamong ekspresyon sa mukha ni Nick.

Sa likod ng kanyang makakapal na salamin, ang kanyang mga mata ay nag-transform—naging madilim, matalas, at puno ng tagumpay. Ang bawat salitang binitawan niya sa loob ng opisina ay isang sining ng manipulasyon. Alam niya ang kwento ng pamilya Boromeo. Alam niyang sensitibo si Valerie pagdating sa usapin ng pamilya at ang pagkamatay ng kapatid nito. Ang pagbabalatkayo niya bilang ang "pinakabatang kapatid na gustong patunayan ang sarili" ay ang perpektong pain para makuha ang atensyon at simpatya ng babaeng ito.

Isang palihim na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nick, Naramdaman niya ang bahagyang paglambot ng depensa ni Valerie kanina, at alam niyang kumagat ito sa pain.

‘Napakadali mo palang basahin, Athena Valeria,’ sa isip niya habang maingat na inaayos ang kanyang salamin. ‘Umiyak ka at magtiwala ka sa akin. Dahil kung gaano mo kabilis ibababa ang maskara mo, ganoon din kita kabilis na dudurugin.’

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Dangerous Temptation   CHAPTER 5: THE GHOST IN THE BOARDROOM

    “Kung hindi ninyo kayang i-deliver ang fifty percent sales growth na hiningi ko noong nakaraang quarter, I suggest you all submit your resignation letters before five in the afternoon today. Hindi nagpapasahod ang Boromeo Group sa mga taong ang tanging ambag lang sa board meeting ay ang lakas ng kanilang buntong-hininga.”Cold. Unforgiving. Lethal.Umalingawngaw ang baritonong boses ni Athena Valeria Boromeo sa loob ng malawak at marangyang boardroom sa pinakatuktok ng Boromeo Tower sa Makati. Ang kaniyang mga daliri, na may makikinang at perpektong manicure na mga kuko, ay marahang nakatukod sa ibabaw ng mahogany table. Nakataas ang kaniyang mukha, at ang kaniyang matatalas na mga mata ay tila sumasaksak sa bawat marketing director na nakayuko at hindi magawang huminga nang malalim.Ang hangin sa loob ng silid ay tila nag-freeze. Walang sinuman ang nangahas na gumawa ng ingay, kahit ang mga simpleng tunog ng pagbaba ng mga mamahaling ballpen ay nawala. Ang bawat isa sa kanila ay nak

  • My Dangerous Temptation   Chapter 4: The Predator’s Lens

    Malamig ang gabi sa labas ng Boromeo Tower, ngunit mas malamig ang hangin sa loob ng basement archive room. Sa ilalim ng fluorescent lights, ang anino ni Nick Sarmiento ay nakatayo sa sementadong sahig. Hawak niya ang kanyang telepono, binabasa ang text message ni Amanda sa ikalimang pagkakataon."Nick, mag-ready ka bukas. Pinapa-akyat ka ni Ms. Boromeo sa office niya. Bibigyan ka niya ng trial run para maging bagong Executive Assistant! Congrats!”Isang marahang tawa—mababa, baritono, at puno ng sarkasmo—ang kumawala sa kanyang mga labi.Dahan-dahang tinanggal ni Nick ang kanyang makakapal na salamin. Sa isang iglap, ang maamo, mahiyain, at laging nanginginig na rank-and-file employee ay naglaho. Ang natira sa dilim ay si Phoenix Rodriguez. Ang panganay na anak ng mga Rodriguez. Ang lalaking sumumpa sa harap ng puntod ng kanyang pamilya na uubusin ang bawat hininga ng kahariang itinayo ng mga Boromeo at maghihiganti sa mga ito.Lumakad siya patungo sa maliit at lumang mesa sa sulok n

  • My Dangerous Temptation   Chapter 3: The Untapped Potential

    Lumipas ang dalawang linggo at nanatiling tahimik ang takbo ng buhay sa Boromeo Group. Habang ang buong kumpanya ay abala sa papalapit na quarterly audit, si Nick Sarmiento ay tahimik na gumagawa ng sarili niyang ingay sa pinaka-ibaba at pinakamalamig na bahagi ng tore—ang basement archives.“Ms. Boromeo, eto na po ang kape niyo,” maingat na inilapag ni Amanda ang isang tasa ng mainit na espresso sa gilid ng mesa ni Valerie.Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na tumitipa habang ang kanyang kilay ay magkasalubong.“Amanda, nasaan na ang 2021 financial audit ledger mula sa South expansion project? I need it for the 2:00 PM board meeting today.”Bahagyang natigilan si Amanda at napalunok. “Ah... Ma'am Valerie, iyon po ba? Kasi po, bago po natanggal si Manager Alcaraz, medyo nagkagulo po ang filing ng mga lumang dokumento sa basement. Ang sabi po ng mga staff sa ibaba, baka umabot po ng dalawang araw bago mahanap dahil sa libu-li

  • My Dangerous Temptation   Chapter 2: The First Encounter

    Ang sumunod na dalawang araw ay naging mabilis para sa Boromeo Group, ngunit para kay Valerie, ang bawat oras ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban. Nakaupo siya sa kanyang malawak na opisina, napapaligiran ng mga nagtataasang tambak ng papeles at mga ulat na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang linggo. Ang ingay ng air conditioner at ang marahang pagtick ng orasan sa dingding ang tanging sumasaliw sa katahimikan ng kanyang silid.Tok. Tok.“Ms. Boromeo?” dahan-dahang sumungaw ang ulo ng kanyang administrative head mula sa pinto.“Narito na po ang bagong hired na junior associate para sa Archive Division. Sabi niyo po ay gusto niyo siyang makita para personal na ibigay ang unang set ng confidential files na kailangan" Hindi nag-angat ng tingin si Valerie mula sa kanyang laptop. “Let him in.”Bumukas nang tuluyan ang pinto. Pumasok ang lalaking nakita niya sa resume kamakailan—si Nick Sarmiento.Gaya ng nasa larawan, mukha siyang napakasimple. Ang kulay brown niyang lea

  • My Dangerous Temptation   Chapter 1: The Monster Boss

    “Sinasabi ko sa inyo, she’s not a human. She’s a certified, cold-blooded monster.”Bulong ng isang junior marketing associate habang mabilis na nag-aayos ng mga folder sa loob ng elevator. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig pa habang hawak ang mga nagkakagulong papeles.“Shh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka may makarinig sa’yo,” saway naman ng kasama niyang may hawak na kape, na halos matapon ang laman dahil sa kaba habang pabalik-balik ang tingin sa floor indicator ng elevator. “Alam mo namang kahit ang mga pader dito sa Boromeo Tower ay tila may tainga kapag tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.”“Pero seryoso, totoo ba? Ipinatapon niya talaga sa bench project si Manager Alcaraz dahil lang sa isang maling font sa presentation?” tanong muli ng unang associate, hindi makapaniwala sa lupit ng kanilang acting CEO. “He’s been with the company for five years!”“True! Sabi niya mismo sa harap ng buong board, ‘If you can’t even pay attention to a simple Arial versus Calibri font, how can

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status