Share

Chapter 42

Author: Inabels143
last update Last Updated: 2025-10-19 21:05:05

Chapter 42

“Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong ni Cormac, habang pinagmamasdan si Naomi na bahagyang nanginginig pa rin kahit tapos na ang lahat.

“O-oo naman…” mahina niyang sagot, pero halata sa boses niya ang pagod at kaba.

“Kung ayos ka talaga,” malamig pero mabigat ang tono ni Cormac, “bakit mo ako tinawagan? Alam mo bang muntik nang bumaba ‘yung driver para sundan ka papasok sa community niyo? Naomi, ikaw, ‘yung biyenan mo, at ‘yung anak mo tatlo kayong babae sa bahay. Naisip mo ba kung gaano kadelikado ‘yung ginagawa mong pag-uwi nang mag-isa sa gabi?”

Tinitigan siya ni Cormac nang diretso, malamig ang mga mata pero may halong pag-aalala. “Paano kung hindi ako nakarating ngayong gabi?”

Hindi agad nakasagot si Naomi. Napayuko siya, parang batang napagalitan.

“Iyong nangyari ngayong gabi… aksidente lang talaga. Hindi ko na uulitin. Mag-iingat na ako sa susunod,” mahinahon niyang sagot.

Tahimik sandali si Cormac, bago muling nagsalita, mababa at may bahid ng pangungutya.

“‘Yung
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
syang lng nmatay ung Isa s twin nla🫶🫶🫶🫶🫶🫶;-(
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 64

    Chapter 64Hindi kailangang dumalo ni Naomi sa kasal ng pinsan pero dapat pa rin siyang pumunta kahit sandali dahil hiling ng lola.Kaya nang dumating ang weekend, kumuha siya ng day-off sa trabaho. Plano sana niyang isama si Neriah, pero mahigit isang daang kilometro ang biyahe, kaya pinakiusapan na lang niya si Lola Maria na bantayan muna ito.Bumili siya ng ilang vitamins at gatas para kay Lola bago sumakay ng bus. Dalawang oras at kalahati ang biyahe.Pagdating niya sa Laguna tila bumalik siya sa nakaraan. Dito siya lumaki. Dito niya natutunang maglakad, magbasa, at umiwas sa tsismis ng baryo.Ngayon, habang naglalakad siya sa makitid na daan, napansin niyang maraming matatandang nakaupo sa harap ng mga bahay—mga kilalang mukha noong bata pa siya. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakilala siya.Tinitigan lang siya na para bang estranghera.Nagsimula na namang umalingawngaw ang mga bulungan na pilit niyang kinakalumutan pero bumabalik pa rin sa alaala niya.“’Yan ba ang apo ni Lai

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 63

    Chapter 63Dinala ni Naomi ang anak niya papasok sa elevator.Gaya ng nakagawian, hindi nakalimot si Neri na lumingon at kumaway.“Bye, Doc Pogi! Bye, Yda!” masigla nitong sigaw habang pumipindot sa air, parang totoong nagpa-farewell show.Napangiti si Naomi kahit medyo nangilid ang luha niya. Pero nang magsara ang pinto ng elevator, dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ng anak.“Neri,” mahinahon niyang sabi. “Naalala mo ‘yong sinabi ni Mama dati?”Tumango ang bata, kumunot ang noo. “’Yung huwag ko daw sabihin kay Doc Pogi na kamukha siya ni Daddy?”“Oo, ‘yun nga,” mahinang tawa ni Naomi, pero may halong kaba. “Kasi… baka magalit si Doc Pogi o malito lang siya, okay?”“Pero, Mama,” sabat ni Neri, nakatungo, “bakit po talaga sila magkamukha? Si Doc Pogi at si Daddy?”Sandaling natigilan si Naomi. Nilagay niya ang kamay sa pisngi ng anak at pinilit ngumiti.“Siguro kasi mabait din si Doc Pogi, gaya ng Daddy mo,” sagot niya, pilit na kalmado ang tono. “Pareho silang may mga ngiti na… para

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 62

    Chapter 62“Ma, nagsisinungaling ka. Walang lamok dito e.” Nanliit ang mata ni Neriah at muling yumakap sa kanya. “Eh bakit meron ka rin sa leeg, Ma?”Natigilan si Naomi. Wala siyang maisagot. Hindi talaga niya kayang ipaliwanag.Sa sandaling iyon, may narinig siyang kaluskos sa labas ng pinto. Tumayo siya at binuksan iyon. Pumasok ang golden retriever, masiglang kumakawag ang buntot.Diretso ito sa kama at tumingin kina Neriah at sa maliit na aso doon.“Hello! Ako si Neriah,” masayang bati ng bata.Mahilig talaga si Neriah sa mga aso. Sa bahay pa lang nila, may dalawa na silang alaga. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng golden retriever, at n

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 61

    Chapter 61Hindi rin niya magawang pumunta sa study o silid-tulugan nito para hanapin ang data cable nang walang pahintulot niya.Tahimik na lumingon si Naomi at marahang naglakad.Gumalaw ang lalaki.Nahulog ang kumot na nakatakip sa kanya sa sahig.Tahimik na lumapit si Naomi, yumuko para pulutin iyon, mahigpit na hinawakan ng kanyang mahahabang daliri, saka muling itinakip sa lalaki.Paalis na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang pulso.Pagkatapos, iminulat ni Cormac ang kanyang mga mata.Ang dilim ng gabi at ang mga matang iyon parang nang-aakit.Mabilis na tinangkang hilahin ni Naomi ang kamay niya, ngunit mas mahigpit ang kapit ng lalaki.“D-Dr. Lagdameo.. ehem, malapit nang maubos ang battery ng phone ko. May charger ka ba…”Hindi na niya natapos ang sasabihin.Damang-dama niya kasi na bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa pulso niya ngunit naramdaman niya rin ang magaspang na dulo ng mga daliri nitong dumadampi sa balat niya.May kakaibang panginginig na dumaloy s

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 60

    Chapter 60Nakatayo si Naomi sa may pintuan, pinanood habang tinatabingan ni Cormac ng kumot si Neriah.Siguro, kapag kinasal na siya kay Shane at nagkaroon ng anak, magiging mabuting ama rin siya, naisip ni Naomi.May biglang humagod sa binti niya. Pagyuko niya, nakita niyang isang Golden Retriever pala iyon. Maputla na ang balahibo, at mukhang medyo matanda na. Naalala ni Naomi na nasa bahay pala siya ng iba.Kaya agad siyang naghubad ng sapatos at tumingin sa shoe rack — puro pantsinelas ng lalaki ang nandoon. Napatigil siya. Dapat may gamit din dito ng babae, hindi ba? Hindi ba’t si Shane ay madalas ding pumunta rito…?Yumuko si Naomi upang buksan ang kabinet ng sapatos nang marinig niya mula sa

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 59

    Chapter 59Nakatulog si Neriah sa kandungan ni Naomi. Habang naghihintay ng berdeng ilaw sa intersection, bahagyang itinaas ni Cormac ang paningin. Ang makitid niyang mga matang itim ay tila walang hanggan ang lalim. Tahimik niyang pinagdikit ang mga labi at tinitigan ang mukha ng babae sa repleksyon ng rearview mirror.Ayaw ni Cormac na isipin na tinitingnan niya si Naomi bilang anino ni Lydia dahil lamang sa sarili niyang mga isyo ngunit hindi niya maikakaila na magkahawig talaga sila.Ngunit magkaibang-magkaiba silang dalawa. Kaya bakit gano’n ang pakiramdam niya tuwing tinitingnan niya ito? Iisa lang ang sagot isang bagay na hindi niya gustong tanggapin.Ayaw niyang isipin na sinasadya ni Naomi ang lahat na isa lang siya sa mga babaeng kilala niya na gin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status