Share

Chapter 4

Author: Inabels143
last update Huling Na-update: 2025-09-26 08:37:56

Chapter 4

Sa loob ng private room, maliwanag ang ilaw, kumikislap sa mukha ni Cormac. 

Sa pagitan ng mga daliri niya, nakasipit ang isang sigarilyo. Uminit na ang pulang baga at sinunog ang balat niya, ngunit tila wala siyang naramdaman. Parang manhid ang kanyang mga ugat. 

Bigla siyang tumayo at yumuko upang pulutin ang nahulog niyang coat sa sahig.

“Abala ako sa ospital ngayon, mauuna na ako,” paalam ni Cormac. 

Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

Mabilis kumilos ang lalaki. Para bang may hangin sa kanyang mga paa. Waring hindi niya na kayang manatili roon ng kahit isang segundo pa.

Sinubukang habulin ni Alexis si Cormac pero mabilis nawala sa paningin nito. Bumalik na lang siya sa loob ng silid.

At doon, sa gitna ng tawanan at bulungan, isang babaeng kaklase na kanina pa tahimik ang biglang nagsalita, may alinlangan ang tono.

“Wala ba kayong narinig na tsismis?"

"Anong tsismis?" may nagtanong.

"Magka-klase sina Lydia at Cormac sa St. Aurelius University nong huling sem. Tatlong beses silang nagkaroon ng palihim na relasyon nung college."

Nagulat ang lahat.

Napasinghal si Farah, matalim ang boses. "Sandy, nagbibiro ka ba? Lydia? Iyong mataba at pangit na iyon? Bakit si Cormac papatol sa ganyang klaseng babae? Nananaginip ka ba?"

"Oo nga, Sandy, baka nalilito ka lang. Kung kaya ni Lydia na maging boyfriend si Cormac, edi sana ako rin ‘di hamak na mas maganda ako roon ‘no!”

Isang lalaki ang hindi napigilang sumabat, "Hindi naman tama ‘yan. Mataba si Lydia, oo, pero hindi siya pangit. Maputi siya at maganda ang boses."

Tumango si Sandy. "Ganyan din ang reaksyon ko nung una. Pero totoo ito, kasi ate ko taga-St. Aurelius din. Kilalang-kilala ang tsismis na iyon noon kasi kumalat sa forum na isang matabang babae raw ang secret girlfriend ng heartthrob at school idol e si Cormac iyon. Kung hindi kayo naniniwala, tanungin n’yo mismo si Cormac!”

Pero sino ba ang may lakas ng loob na magtanong kay Cormac? Kahit nakakatawa at imposible pakinggan, nakita nilang seryoso si Sandy, kaya’t unti-unti silang naniwala.

"Pero… patay na ba talaga si Lydia ngayon?" tanong ng isa.

Napahigpit ng hawak sa baso si Farah. "Malamang. Hindi ba’t sinabi ni Fatima na nakita niyang may malaking tumor sa tiyan niya?"

"Oo nga, siguro wala na siya. Kung buhay pa siya, dapat matagal na natin siyang nakausap. Hindi uso sa panahon ngayon ang walang social media life."

Tumango-tango ang ilan, at sumang-ayon.

PAGLIKO ni Cormac sa pasilyo, bigla siyang nabangga ng isang tao. Mabilis ang kanyang hakbang kaya hindi niya napansin ang kasalubong.

"Aray!" mahina at pino ang boses ng babae.

Bahagyang natumba pa ito at napakapit kung saan-saan, hanggang sa mahila ang laylayan ng shirt ni Cormac.

"Pasensya na," mabilis na sabi ni Naomi.

Ngunit nang mapatingin siya sa mukha ng nabangga, biglang namutla ang kanyang mga mukha. Hindi niya inaasahan… na muli niyang makikita ang pinakaiiwasan niya.

Ganito ba kaliit ang mundo nilang dalawa?

"Sorry," tanging sabi ni Cormac at inalis ang pagkakahawak sa damit nito, hindi man lang nagtagal ng tingin sa kaniya.

Agad itong umalis, mabilis at hindi mapakali. Baka may emergency sa hospital. 

Mablis ring naglaho ang pamilyar na amoy na iniwan ng lalaki. Nakatigil pa rin si Naomi sa kinatatayuan niya. Lumabas lang siya para gumamit sana ng restroom, pero hindi inaasahan na ang taong minsang naging pinakamalapit sa kanya ang mababangga niya.

Pagyuko niya, napansin niya ang isang cufflink ng lalaki na nahulog sa sahig. Tiningna niya iyon, maganda ang pagkakagawa. Pinulot niya ito, at hindi namalayang sinusundan niya na ang lalaki.

Ngunit agad siyang tumigil.

Wala na silang koneksyon ngayon. Hindi niya na dapat bigyan pa ng dahilan ang tadhana na muling mag-krus ang landas nila.

PAG-UWI ni Naomi, naligo siya at nahiga sa kama. Nasa tabi ng kanyang unan ang cufflink na pinulot niya kanina. Dahan-dahan niya itong hinaplos, habang nakatulala, waring nalulunod sa alaala.

Hindi nagbago ang mga gawi at hilig niya. Ganito pa rin siya. Mahilig pa rin sa parehong brand—simple, low-key, pero branded.

Naputol ang kanyang mga iniisip nang biglang tumunog ang cellphone. Nang makita ang pangalan sa screen, agad niya itong sinagot.

"Hello, Lola. Bakit po kayo napatawag?"

"Lydia, bakit ka na naman nagpadala ng pera? Hindi ko na kailangan ‘yan, wala naman akong masyadong ginagastos dito sa bahay,” pagalit nito sa kaniya.

Napangiti si Naomi, kahit may bahid ng sisi sa boses ng kanyang lola, dama pa rin ang pag-aalala nito. 

"Itabi mo na lang po para sa akin."

Nag-usap pa sila ng ilang minuto. Kamakailan ay abala si Naomi sa trabaho. Dati, balak niyang dalhin si Neri sa probinsya bago magbukas ang klase, pero hindi siya makaalis sa dami ng projects. Plano niya sana kapag medyo maayos na ang schedule, saka niya isasama ang lola para makasama rin nila sa siyudad ng ilang araw.

Iisa na lang ang kamag-anak na natitira sa kanya.

Habang malapit nang ibaba ni Naomi ang tawag, narinig niya ang tinig ng matanda mula sa kabilang linya.

"Lydia, kung ano man ang ginawa ng tito mo noon… tito mo pa rin siya. Patawarin mo na siya, apo. Umuwi siya kamakailan at nagtanong tungkol sa’yo." May alinlangan sa boses ng kanyang lola.

Ngunit ayaw na ni Naomi na mag-alala pa ito sa mga bagay na iyon.

Maaga pa lang, nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang. Umalis ang kaniyang ina, at hindi na muling bumalik—kahit nang pumanaw ang kanyang lolo.

Dalawang taong gulang lang si Naomi noon, kaya kakaunti ang alaala niya sa kanyang ina. Ang tatay naman niya, isang sugarol. Kapag natatalo, nagtatago. Kapag nananalo, saka lamang siya bibigyan ng masarap na pagkain. At sa mga panahong nawawala ito, iniiwan siya sa kanyang mga lolo’t lola.

Lumaki siyang inaruga ng mga ito.

"Lola, okay lang po ako iyon na lang ang sabihin niyo." Mahina at banayad ang sagot ni Naomi.

Alam niyang panlilinlang lamang iyon para gumaan ang pakiramdam ng matanda.

Wala siyang balak makipag-ugnayan sa kanyang mga tiyuhin o tiyahin, kahit nasa iisang lungsod lang sila.

Pagkababa ng telepono, kinuha niya ang cufflink at inilagay ito sa isang selyadong box, saka maingat na itinabi.

SA LINGGONG iyon, nang isinama niya si Neri sa ospital para sa regular check-up, sadyang iniiwasan ni Naomi ang schedule ni Cormac. Tuwing Martes kasi ang consultation ni Cormac, kaya’t palagi siyang pumipili ng Lunes o Miyerkules.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na sila muling nagkakasalubong. Ang ospital ay laging puno ng mga taong balisa at pagod—dala ng sakit at problema.

Suot ang mask, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyang anak habang pumapasok sila sa siksikang elevator.

"Doctor Lagdameo," tawag ng isang nurse mula sa likuran.

At kasunod noon, narinig niya ang pamilyar na malalim na tinig ng lalaki. Nanigas ang kanyang katawan. Ramdam niya ang presensya ni Cormac sa mismong likuran nillya. Hindi nakalagpas sa kaniya ang mainit nitong paghinga sa kaniyang batok. 

Pinagpapawisan siya ng malamig. Pagdating sa ikatlong palapag, nag-unahan ang mga tao sa pagbaba. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng anak pagkalabas ng elevator at doon lang siya nakahinga ng maluwag bago pumila sa Clinic 6. 

Nakita niyang pumasok si Cormac sa Clinic 7.

"Mommy, basa po ang kamay mo," bulong ni Neri, sabay pisil sa kamay niya.

Bahagyang yumuko si Naomi at pinilit gawing kalmado ang anyo, saka bahagyang niluwagan ang kapit sa kamay ng anak. Kumislap ang pawis sa kanyang palad.

Tuwing nagtatagpo silang muli ni Cormac, hindi niya mapigil ang pagkabog ng dibdib niya. Kahit malinaw sa kanya na hindi na siya makikilala ng lalaki.

Isa lamang itong aksidenteng hindi niya kontrolado. Pero hindi niya mapigil ang pag-ikot ng damdamin sa kanyang puso.

Kinagabihan, iniwan niya ang cufflink sa information desk.

PAGKARATING sa bahay, dumungaw siya sa kuwarto ng kanyang anak. Mahimbing nang natutulog si Neri, yakap ang paboritong stuffed bunny.

Napangiti si Naomi. Magkasinghulma ang kilay, ilong, at mata ni Neri at Cormac. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama. Natatakot siyang kapag madalas nagtagpo ang landas nila ay makilala nito si Neri bilang anak niya.

Pumasok siya sa banyo at tumitig sa sariling repleksiyon. Payat ang kanyang mukha, maputi ang kutis, ang buhok ay mahaba na malayang bumabagsak sa balikat. Ang mga mata niya ay kumikislap, at ang labi’y mapusyaw na kulay pula. Walang makakaugnay sa itsura niya ngayon sa matabang babaeng kilala ng lahat pitong taon na ang nakalipas.

Sa isang siyudad na tulad ng Manila ay may ilang milyong naninirahan, ang ganitong mga pagtatagpo ay parang pagdaan lamang ng dalawang estranghero.

SAMANTALA, sa tahanan ng pamilya Lagdameo, nagtipon sila para sa hapunan.

Biglang bumagsak ang chopsticks ng ama ni Cormac kasunod ang malamig na buntong-hininga. Matalim ang tingin ng ina ni Cormac sa asawa bago ibinaling ang mga mata sa kanilang bunsong anak.

Hindi lingid sa kaalaman ng pamilya Lagdameo bago pa magkaanak si Mrs. Lagdameo ay namatay sa plane crash ang matalik na kaibigan nito. Naiwan ang labindalawang taong gulang na anak, si Havoc, na kalaunan ay inampon ng pamilya at pinagamit ang kanilang apelyido.

Hindi nagkaanak si Mrs. Lagdameo hanggang umabot siya sa edad na 33, at noon lamang siya nagkaroon ng anak na babae, si Georgia. Ngayon, hawak nina Havoc at Georgia ang pamamahala sa Lagdameo Group of Companies.

Sa edad na 45, ipinanganak niya ang kambal na sina Cain at Cormac. Ngunit dalawampung taon na ang nakalilipas, yumanig ang balita sa isang kidnapping. Dinukot ang kambal ng pamilyang Lagdameo—at isa lamang ang nakaligtas. Si Cormac.

Laging sumasakit ang dibdib ng matanda tuwing naaalala ang nawalang anak. Ngunit sa hapag-kainan ngayong gabi, habang masigla ang lahat, palihim na pinunasan ni Mrs. Lagdameo ang luha bago ibinaling ang kanyang pansin kay Cormac.

Ito ang anak na hindi kailanman nagbigay sa kanila ng sakit ng ulo—maliban sa usaping pag-ibig. Maraming beses na niyang naisip kung may iniingatang lihim na girlfriend ang kanyang anak, kaya walang balita na nakaka-relasyon ni minsan.

Ngayon, 70 anyos na siya. Bagaman masayahin, hindi na niya napigil ang magalit.

"Cormac, hindi ka raw sumipot sa bkind date ninyo ng anak ng pamilya Monte Carlos nitong Miyerkules. Bakit?"

"I'm busy, Ma. Hindi ko kayang isingit sa hectic kong schedule ang blind date,” tanging tugon ni Cormac.

"Ano’ng hectic schedule? Kilala ko si Shane Monte Carlos. Maganda siya bukod doon ay mabait, at madalas pang pumunta dito noon. Ang Papa niya at ang lolo mo ay magkasama sa militar. Hindi mo man siya magustuhan, dapat kilalanin mo siya muna. Malapit ka na sa lumampas sa kalendaryo, anak."

Bahagyang kumunot ang noo ni Cormac. "Wala akong oras para diyan, Mama. Pero kung mapilit kayo… set us up next time.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 81

    Chapter 81Napakunot ang noo ni Naomi. Hindi niya inasahan na iisipin ni Cormac ng gano’n. Pero mali ang iniisip ng lalaki.‘Yung tsinelas na ‘yon… hindi kay Glenn ‘yon. Siya mismo ang bumili noon. Bilang isang single mother at sila lang mag-ina, kailangan niyang magkunwaring may lalaki sa bahay, para makaiwas sa mga mapanghusga at usisero.Sa balkonahe, may dalawang piraso ng damit panglalaki na nakasampay. Isa roon ay kay Glenn na nakuha niya mula sa aparador ni Lola Maria.Ang tsinelas sa pinto? Para iyon sa mga bisitang dumarating, hindi dekorasyon lang. Pero nitong mga nakaraang araw, may butas bigla sa tsinelas parang sinunog. Hindi niya alam kung sino ang may gawa noon.Hindi rin niya akalaing hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Cormac na kasal siya kay Glenn na si Neriah ay anak nilang mag-asawa. Pero sa isang banda, mabuti na rin iyon para hindi niya kailanman malalaman na ang batang iyon ay anak niya.Huminga si Naomi nang malalim. “Siyempre iniingatan ko ang sarili ko. Kaya

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 80

    Chapter 80Pagbukas ng pinto, isang lalaki ang tumambad kay Cormac. Nagkatinginan sila na agad ikinakunot ng noo niya. Ang mga mata ni Cormac ay madilim at malalim, bahagyang nakapinid ang labi, tila pinipigilan ang kung anong emosyon.Kumurap-kurap si Neriah. “Uncle Erick!”Ngumiti si Erick at hinaplos ang buhok ng bata. “Neriah, nag-enjoy ka ba ngayong gabi?”Halatang alam niyang lumabas si Neriah para maglaro. Ngunit nang mapansin niya si Cormac, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito halatang galing sa ibang antas ng lipunan. Bahagya siyang nailang.“Gabi na. Salamat sa paghatid kay Neriah,” wika ni Erick nang may paggalang.Wala namang mali sa sinabi niya. Pero sa pandinig ni Cormac, tila may tumusok na kirot. Anong karapatan niya para magpasalamat sa akin? Hindi ko naman siya kinakausap. Papansin!Tahimik na pumasok si Cormac, hawak ang kamay ng batang babae. Habang naglalakad siya, dumaan siya sa tabi ni Erick at bahagyang tinapik ang balikat nito parang hindi sina

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 79

    Chapter 79Nangunot ang noo ni Cormac, nanatiling walang ekspresyon, saka isinara nang mariin ang bintana. Pagbalik niya sa sariling kotse, naroon si Neriah sa likurang upuan, tahimik at maayos na nakaupo. Sa paglingon niya, naramdaman niyang unti-unting nawawala ang inis na kanina’y bumabalot sa kaniya.“Doc Pogi,” tanong ng bata. “Sigurado po bang okay lang ‘yong hindi ko sabihin kay Mama?”“Kailangan niyang mag-overtime ngayong gabi,” mahinahong paliwanag ni Cormac. “Ihahatid kita mamaya bago mag–alas-nueve.”Plano niyang gawin muna, saka na magpaliwanag kay Naomi.“Neriah,” tanong niya, nakangiti, “gusto mo bang makipaglaro kay Doc Pogi, ha?”Tahimik na tumango si Neriah at malawak ang ngiti.Alam niyang parang hindi gusto ni Mama si Doc Pogi dahil kamukha raw nito si Daddy sa larawan.Kapag sinabi niyang nakipaglaro siya kay Doc Pogi, malulungkot si Mama. Pero gusto niya si Doc Pogi. Mabait ito, at tuwing magkasama sila, masaya siya.“Opo!” excited na sagot niya..Nang marinig iy

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 78

    Chapter 78Narinig iyon ni Cormac at bahagya lang siyang ngumiti bago tuluyang bumalik sa trabaho.Tinitigan ni Dr. Bautista ang case file sa harap niya. Kabisa na niya ang kalagayan ng batang babae—si Neriah Mendoza. Alam niyang labis ang malasakit ni Cormac sa batang ito. Kung tatanggihan niya, malamang ay haharangan siya ni Cormac sa opisina at hindi siya tatantanan.Ngunit may napansin si Dr. Bautista na kakaiba. Hindi niya iyon binanggit. Sa totoo lang, para bang may pagkakahawig si Neriah kay Cormac lalo na sa mga mata at sa hugis ng kilay.At kahit sabihing interesado nga si Cormac kay Naomi, malinaw pa rin na napakalaki ng agwat ng mga pamilya nila. Halos imposibleng mangyari iyon.“Hihilingin ko sa ospital na kontakin ang ina ni Neriah para ayusin na ang petsa ng operasyon,” seryosong sabi ni Dr. Bautista.Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Cormac.“Salamat, Dr. Bautista,” sagot niya, kalmado ang tinig.Napakagat siya sa ibabang labi, marahang nadama ang hapdi ng sugat doon,

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 77

    Chapter 77Muling tumunog ang cellphone ni Naomi, kasunod ang isang mensahe mula kay Cormac.Cormac: Huwag mo akong subukang i-block, dahil kapag may nagtanong bukas tungkol sa labi ko, sasabihin kong ikaw ang kumagat.Pinindot ni Naomi ang do not disturb setting para sa mga mensahe ni Cormac at itinapon ang cellphone sa gilid.Kinabukasan, sa ospital. Habang abala si Cormac sa trabaho, napansin niyang marami ang palihim na nakatingin sa kaniya. Sampung katao na ang dumaan sa harap niya, lahat ay nagpipigil ng tawa, at kapag nakalampas na siya ay nagbubulungan ang mga ito.“Anong nangyari sa labi ni Dr. Lagdameo?”“Ang laki ng sugat! Parang kinagat ng kung ano.”“Ano pa nga ba? Baka ng girlfriend niya.”“Sino namang may lakas ng loob na magtanong kay Dr. Lagdameo?”“Hindi ako. Narinig ko pa nga—”“Shh! Lakasan mo pa ‘yan, ayan na si Dr. Amery!”Napatingin silang lahat nang dumaan si Dr. Amery, suot ang puting coat, at malamig ang ekspresyon. Tiningnan niya ang nurse na kanina pa masi

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 76

    Chapter 76Awtomatikong hinarangan ni Cormac ang pinto. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang naging reflex niya—siguro dahil ayaw niyang makita ng bata ang sarili niyang hindi maganda.“Ah… ngayong gabi…” napakamot siya sa batok, halatang nag-iisip ng dahilan.Pero kahit anong pilit, wala siyang maisip na matinong paliwanag.Sa kabilang banda, si Neriah, antok na antok na, ay lumabas lang para magbanyo.“Doc Pogi?” pautal niyang sabi habang kinukusot ang mata.Nakasuot pa siya ng pajama na may print ng mga bituin, hawak ang paborito niyang stuffed rabbit.“Teka, bakit gising ka pa?” pilit na ngumiti si Cormac.Naamoy agad ng bata ang sigarilyo.Napakunot ang maliit nitong noo. “Amoy usok po…”Biglang napahiya si Cormac, tinapik ang sigarilyong nakapatay na.“Ah, ano lang may inaayos lang ako. Matulog ka na, ha?”Pero lumapit pa si Neriah, kuryusong-kuryoso.“Doc Pogi, bawal po ‘yan. Sabi ni Mama, masama sa baga.”Napatawa si Cormac, pero hindi niya alam kung matutuwa o maiilang.“Aya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status