Share

Chapter 5

Author: Inabels143
last update Last Updated: 2025-09-28 21:02:46

Chapter 5

"Aakyat muna ako sa itaas."

Tumayo si Cormac matapos magsalita. Tinitigan ng ina ni Cormac ang likod ng bunsong anak habang hawak ang kanyang dibdib.

Bumuntong-hininga ang ama ni Cormac. "Talagang pareho kayo ng ugali ng anak mo, Olivia. Magta-trenta ka na, Cormac. Yung mga kasing-edad mo, kasal na o may anak na. Pero ikaw? Ang iniisip lang ay ospital buong araw."

"Hmph, anong masama ro’n, Rigor?" Tumitig si Mrs. Olivia sa asawang si Rigor. "Sa study ka matutulog ngayong gabi ha. Aakyat na rin ako."

“Asawa naman…” agad na reklamo ni Mr. Rigor na agad na pinanlakihan ng mata ni Mrs. Olivia kaya agad natahimik ito.

Kakapasok pa lang ni Mrs. Olivia sa hagdan nang makita niya si Cormac, nakabihis na muli at pababa na ng hagdan.

"Ma, may biglaang operasyon sa ospital. Kailangan ko ng bumalik roon."

Hindi pa nakakareact si Mrs. Olivia, nakaalis na ang anak.

Sa loob ng dining hall, napalakas ang hampas ni Mr. Rigor sa mesa. "Kita niyo? Yan ang anak mo. Nasa ospital buong araw. Isang oras pa lang sa bahay, umalis na agad. Sino ang gugustuhing pakasalan ang taong ganyan?"

"Anong sigaw-sigaw mo diyan?" Tinakpan ni Mrs. Olivia ang tainga. "Anak ko siya. Wala kang pakialam, 'di ba? Responsibilidad din naman ang pasyente."

Alas-onse y medya ng gabi nang makauwi si Cormac mula ospital. Naglagay siya ng tubig sa baso at bumalik sa study.

Hindi niya naisara ang bintana kaninang umaga, kaya’t nagkalat sa lamesa ang mga libro at dokumento. Yumuko ang lalaki at isa-isang pinulot ang mga ito.

Mga medical records ang karamihan ng mga iyon, na kamakailan lang niyang sinuri. Maraming posibleng sanhi ng matinding abdominal swelling.

Sa pagbabasa ng mga ito, namumula at sumasakit ang mga mata niya sa pagod. Inalis niya ang kanyang salamin at pinisil ang bridge ng kanyang ilong, pero hindi nawala ang sakit.

Tinignan niya ang kanyang cellphone at nakita ang mensahe kaninang umaga na hindi pa niya nasasagot.

‘Tinanong ko si Angel, siya 'yung nasa Class 2 dati, at pinakamalapit kay Lydia. Sabi rin niya, hindi raw niya ma-contact si Lydia.’

Tiningnan ni Cormac ang cellphone at kumunot ang noo. Hindi ma-contact ang pinakamatalik na kaibigan? Imposible naman yata iyon.

Binuksan ni Cormac ang group chat at sinilip ang pangalan ng grupo. May 48 miyembro ito, karamihan ay may notes sa pangalan, pero anim o pito lang ang mga numerong walang label.

Matagal na niyang hindi ginagamit ang group chat. Sa kanyang Messenger, na-block na siya ni Lydia. Sa puntong iyon, tinitigan niya ang anim o pitong ID at in-add silang isa-isa.

Sa loob lang ng ilang minuto, tatlo agad ang tumanggap.

Nagbigay ng mga magalang at pormal na mensahe tungkol sa “pagpapanatili ng koneksyon.” Pero wala doon si Lydia.

Kinabukasan, pumayag rin ang tatlong natitira. At gaya ng inaasahan wala rin ang hinahanap.

Natira lang ang isang gray na avatar.

Matagal itong tinitigan ni Cormac, bago ito i-click. Hindi naka-lock ang profile, pero wala rin namang makabuluhang impormasyon. Ang larawan ay isang babaeng kuha lang sa internet, medyo katawa-tawa.

Mukhang luma, ‘di na bagay sa panahon ngayon. Halos sigurado na siya na ito si Lydia.

Pagsapit ng hapunan, muling tiningnan ni Cormac ang kanyang cellphone. Wala pa ring reply mula sa friend request niya.

Pero walang nag-accept noon.

“Doc Lagdameo, parang wala ka sa sarili ngayon ah? Panay ang tingin mo sa cellphone mo. Nag-aabang ka ba ng text ng girlfriend mo?” pagbibiro ng clerk sa tabi niya. 

Sa ospital, maraming babaeng doktor ang may gusto kay Cormac, kaya’t agad silang napatingin nang marinig ito.

Lahat sila ay palihim na naghihintay ng tsismis.

Pagkarating pa lang ni Dr. Lagdameo, tinanggihan na niya agad ang tsismis na may kaugnayan siya sa anak ng direktor at kumalat ito sa buong ospital.

Sunod-sunod ang pag-amin ng mga babaeng doktor ng kanilang damdamin. Pati mga nurse, palihim na nagdadala ng agahan para sa kanya paminsan-minsan.

Pero si Dr. Lagdameo ay cold at seryoso palagi. Matigas ang pagtanggi niya, at ni hindi niya pinapansin ang sinuman sa kanila.

Karaniwan, hindi niya pinapatulan ang mga ganitong biro. Ngunit ngumiti ng mapait ang isang tsismoso ring doktor.

Isang linggo ang lumipas bago binuksan ni Naomi ang group chat at makita ang friend request ni Cormac. Nanlaki ang mga mata niya. Halos mabitawan niya ang cellphone.

Simula noon, palihim niyang binubuksan ang kanyang group chat at pinagmamasdan kung paanong paulit-ulit na pumapasok at lumalabas si Cormac doon. Araw-araw ay dumarami ang bilang ng pagbisita nito.

Pinagmasdan ni Naomi ang friend request na iyon at nagkunwaring walang nangyayari. Samantala, si Cormac naman ay panay ang silip sa lumang group chat tuwing may pagkakataon, tila ba naghihintay ng sagot. Araw-araw niyang tine-check ang profile ni Naomi.

Nanatiling walang tugon ang friend request niya. Bawat break niya, kusa niyang kinukuha ang cellphone para tingnan kung may response ang babae. Ang profile ni Lydia ay kulay gray na avatar lang, parang matagal nang hindi nagagamit ang account. At kung minsan, naiisip niya… baka patay na nga siya.

Katapos lang mag-workout ni Cormac, mainit pa ang dugo niya at basang-basa ng pawis ang gray t-shirt na hapit na hapit sa katawan. Lantad ang kanyang mga abdominal muscles. Bahagya niyang iniangat ang baba, habang ang mga butil ng pawis ay dumadaloy mula sa matayog niyang ilong at tumutulo sa kanyang panga.

Mabilis siyang tumakbo sa treadmill, pinapaagos sa dopamine ang bigat ng iniisip niya. Ayaw pa rin niyang paniwalaan na patay na si Lydia.

Isang hapon sa outpatient clinic. Mabilisang break lang at agad kinuha ni Cormac ang cellphone at nag-create account sa app.

“Baka naman buhay pa siya. Baka gumagamit pa rin siya ng group chat, pero wala na siyang pakialam sa akin. Katulad noon, nang ibinigay ko sa kanya ang lahat, ipinadala naman niya pabalik ang lahat ng gamit nang walang pag-aalinlangan.”

Sinagot niya ang tanong na automated sa account ni Lydia.

‘Anong kailangan mo? Sino ka? Ano ang gusto mo?’

Sawang-sawa na si Cormac sa tatlong tanong na ito.

Sinubukan niyang ibang pangalan ang gamitin.

"It's me, Amir Villanueva. Hinahanap kita.’

Si Amir Villanueva ay isang physical education clerk sa Class 2D noon—mahusay mag-basketball at sikat sa campus. Minsan, nakita ni Cormac sina Lydia at Angel na nagbigay ng love letter kay Amir Villanueva.

Hapon noon, at pulang-pula ang mga pisngi ni Lydia. Maputi siya, suot ang asul at puting uniporme. Halatang kinakabahan, nanginginig ang kamay habang nakayuko. Pagbaba nila ng hagdan, hawak-hawak ang kamay ni Angel, masayang lumulundag na parang may malaking tagumpay ang ginawa nila ng tanggapin ni Amir ang love letter.

“Isang love letter lang naman… kailangan bang ganu’n kasaya?” ismid ni Cormac.

Alam ni Cormac na mali ang ginawang paggamit sa pangalan ni Amir Villanueva para mahanap ang account ni Lydia. Pero dala ng bugso ng damdamin para bang may nagtutulak sa kanya na gawin iyon.

“Kung tatanggapin niya ang friend request at message ko, ibig sabihin buhay pa siya.”

May tinik sa puso niya na hindi maalis, hindi malunok. At kung patuloy na nando’n, tiyak na sasakit at mamamaga.

Pitong taon na niyang dala ang tinik na ito. Ngayong taon lang siya nakabalik ng bansa. Ilang beses na niyang napanaginipan si Lydia sa loob ng mga taon na iyon. Noong una niyang semestro ng senior year bago siya umalis, inaya niya ito sa hotel. Isang buong araw at gabi sila ro’n.

Masunurin si Lydia noong araw na iyon. Sa simula, aksidente lang ang lahat. Pero sa paglipas ng panahon, parang nalulong na siya sa babae.

Napansin din ni Cormac na may kakaiba siyang hilig. Hindi niya gusto ang karaniwang relasyon sa kama. Mas gusto niyang nakikitang umiiyak si Lydia iyon ang nag-uudyok sa kanya lalo itong akitin.

Mataba si Lydia, pero mahilig si Cormac sa ehersisyo. Isa siyang lalaking may taas na halos 6 footer, kaya hindi mahirap para sa kanya ang buhatin ito. Bago siya umalis ng bansa, binigyan niya si Lydia ng card na may lamang 200,000 pesos.

Tinanggap iyon ni Lydia, at natuwa si Cormac. Karaniwan, ayaw ni Lydia tumanggap ng regalo mula sa kanya. Sa tatlong taon nila, marami siyang ibinigay pero madalas tinatanggihan nito. Minsan tatanggapin lang kung sasabihin niyang itapon na lang kung ayaw.

Noon, nakahiga si Lydia sa kanyang mga bisig, pulang-pula ang balat. Sinabi niya rito na kunin ang pera at bumili ng gusto niya. Mahinahon itong sumagot ng “oo.” Masunurin at maamo ang babae na gustong-gusto niya.

Wala pang isang buwan mula nang umalis siya ng bansa, tumawag ang ina niya para sabihing may package na dumating para sa kanya.

Pagdating sa abroad, inabot siya ng ilang linggo ng pagkahirap sa klima at matinding pagod. Nahiga siya sa kama, nahihilo, at hindi nakipag-ugnayan kay Lydia. Laking gulat niya nang hindi rin siya kinontak ni Lydia sa Messenger.

Tatlong taon silang magkasintahan pero tahimik ito at hindi kailanman nauuna sa pakikipag-ugnayan. Nang magpadala siya ng mensahe, nakita niyang naka-block na pala siya.

Si Cormac ay sanay na sa lahat. Matalino, bihira magkamali. Hindi niya kailangan si Lydia kung tutuusin. Aalis lang naman siya ng bansa, hindi pa huli ang lahat. Pero nagalit ito sa kanya. Kaya pala tahimik ito nitong huli. 

Hanggang sa dumating ang New Year, bumalik si Cormac sa bansa. May isang malaking package sa kanyang study mula kay “Lydia.” Bigla siyang kinabahan.

Habang binubuksan niya ang package, nakaramdam siya ng hirap sa paghinga. Napakalaking kahon ang ipinadala ni Lydia. Hindi niya alam kung ano ang laman. Hindi binubuksan ng pamilya niya ang gamit niya kaya kalahating taon na itong nando’n.

Pagkabukas niya, napatigil siya. Lahat ng bagay na ibinigay niya kay Lydia sa loob ng tatlong taon ay naroon. Pati lahat ng perang ibinigay niya rito ay isinama sa isang card at ibinalik sa kanya.

Bawat gamit ay may sticky note. Nakalagay kung kailan binigay at kung saang lugar. Kahit mga pagkain at milk tea, nakatala pati presyo, pati mga hotel room. May nakalagay pang pera ayon sa halaga ng bawat item.

Ang pinakamahal na regalo niya ay apat na bag, isang bracelet, isang kwintas, at isang relo, na umabot sa mahigit pitong daang libong peso. Bagong-bago at hindi pa nagagamit. Kahit mga mumurahing gamit at pang-araw-araw, nakatala roon.

Sa sobrang sama ng loob at pananakit ng dibdib, sinipa ni Cormac ang kahon at nagkalat ang mga laman nito. Kasama sa gumulong ang dalawang kahon ng condom na hindi nagamit. Nahulog iyon sa kanyang paanan.

Parang kinukutya siya. Pinagtatawanan. Napakalinaw ng mensahe ni Lydia na ayaw na nito ng kahit anong koneksiyon sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 13

    Chapter 13Hindi rin nakatulog si Cormac. Mayroon pa siyang aasikasuhing operasyon kinaumagahan, kaya dapat ay maaga siyang makapagpahinga. Subalit paikot-ikot siya sa higaan, binabaha ng paulit-ulit na alaala ang kanyang utak. Ilang beses siyang pumikit, pilit na tinataboy ang iniisip, pero bawat sulyap niya sa kisame ay parang imahe ni Lydia ang nakaukit doon.Sa huli, napilitan siyang uminom ng sleeping pill. Ngunit maya-maya lang ay muling lumitaw ang mukha ni Lydia sa kanyang isip.Umuulan noon at halos wala nang tao sa parking lot ng campus nang makita ni Cormac si Lydia na pawisan at may dalang maliit na karton. “Lydia, ano ’yang dala mo?” tanong ni Cormac, nakataas ang isang kilay.Lumapit ang babae, at nang idikit sa kanya ang karton, sumilip ang isang gusgusing tuta na payat, nanginginig, at may sugat sa tenga.“Napulot ko lang sa labas. Walang pumapansin, kawawa naman. Cormac… pwede bang ikaw muna ang mag-alaga?” Nagmamakaawa ang mata ni Lydia.Napasinghal si Cormac. “Ako?

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 12

    Chapter 12Malinaw na hindi naniwala si Cormac. Dumulas ang kanyang mga mata sa mukha ng babae, parang gustong basahin ang nakatagong lihim.Uminit ang hininga ni Naomi. Mahigpit niyang kinuyom ang tuta sa kanyang mga bisig at kusang umatras ng dalawang hakbang, hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa malamig na pader ng elevator.“Tanong lang naman, Miss Mendoza. Bakit ka ba parang kabado?” malamig at mabagal ang tinig ng lalaki.Pinilit ni Naomi na huwag ipakitang nanginginig ang boses niya. “Dr. Lagdameo,” matigas ang tinig niya, “hindi ba sa tingin mo masyado nang bastos ang ginagawa mo?”“Nakatayo lang ako sa labas ng elevator, dalawang metro ang layo sa iyo, tatawagin mo akong bastos?” Pagkasabi noon, tumigil siya sandali, saka dahan-dahang ngumisi. “O baka naman… may tinatago ka?”Nanlamig ang batok ni Naomi. “Kung mayroon man akong tinatago,” mabilis ang sagot niya, “ikaw ang huling taong dapat makialam.”Bahagya pang lumapit si Cormac, hindi para pumasok kundi para lalo siy

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 11

    Chapter 11Biglang gusto ni Naomi na tumakbo paalis. Ngunit may bahagyang tinig sa loob niya na ayaw pang bumitaw.Mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang baywang ni Cormac.Pinilit ni Naomi ang sarili na amgsalita“Dr. Lagdameo," mariing bigkas niya.Saka lamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Mabilis siyang tumayo, humakbang papalayo sa lalaki, saka huminga nang malalim.“Dr. Lagdameo,” wika niya. “Kung ayaw mong igalang sarili mo, pwes igalang mo ako.”Pagkasabi nito, bigla siyang tumalikod at lumabas.“Paggalang sa sarili…” marahang ngumiti si Cormac. Sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Naomi.Ang mahabang palda blue nito ay lumilikha ng banayad na alon habang ito'y naglalakad, at may manipis na halimuyak na sumasabay sa hangin. Napakagat labi siya habang nakatitig sa manipis na bewang ng babae. Hindi niya napigilan ang sariling ilagay ang daliri sa sariling labi at ngumiti.Makalipas ang ilang minuto, palabas na rin si Cormac mula ospital at sa di-kalayuan ay na

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 10

    Chapter 10Naaalala ni Naomi na isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Cormac na abala siya at sa susunod na linggo na lamang niya kunin ang aso.Ilang araw pa lang ang nakaraan nang kausapin niya si Lola Maria tungkol sa pag-aalaga ng aso. Agad pumayag ang matanda; may maliit na terasa kasi sa labas ng kanilang silid sa attic kaya may malaya itong gagalawan. Nang magpasiya si Naomi na alagaan ang aso, pinangako niya sa sariling pag-aaralan niyang mabuti ang pagpapalaki rito. Basta’t hindi gaanong maingay at di istorbo sa kapitbahay, makakasama pa ito ni Neri kapag siya’y abala.Maraming puamsok sa isipan niya nitong isang linggo. At isa roon kahit wala mang kasintahan si Cormac, imposibleng sila pa rin ang magkatuluyan.Mula ngayon, iiwasan na niya ang numero ni Cormac kapag may follow-up checkup sa ospital. Malaki ang Manila kaya maliit ang posibilidad na lagi silang magkita.Napansin ni Hannah ang kunot sa noo ni Naomi. “Ano’ng problema? May nangyari ba?”“Wala naman.” Um

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 9

    Chapter 9Napailing na lamang ang ginang. “Inaasar mo nanaman ata ang kapatid mo.”Pumasok ang inang si Olivia. Agad nitong dinakma ang kamay ni Cormac at nag-usisa. “Anak, naghahanap ka ba ng kasintahan o ng modelong pang-rampa? Ang mga pamantayan mo, puro numero at sukat. Hindi ka naman engineer…” “Ma, I’m busy. Please iwan niyo muna ako,” agap ng anak.“Oh, okay.” +Mabilis na isinara ang pinto ni Mrs. Olivia.Bumuntong-hinga ito pagkalabas at naroon pa rin si Georgia na natatawa dahil hindi manlang tumagal ng dalawang minuto e lumabas na rin.“Huwag mo munang ipapaalam sa ama mo ang type na babae ng kapatid mo. Baka sabihing kabastusan at kababawan lang alam,” sermon dito.“Ma…” maingat ang boses ni Georgia, “naaalala mo ba… noong nasa college si Cormac? May girlfriend siya…”“Naaalala ko. Dahil sa babaeng ’yon kaya pinaalis si Ace Mirando papuntang abroad…” Malinaw sa isip ni Mrs. Olivia ang nangyari noon. Siya mismo ang nakakita ng gulo.Halos nakalimutan na ni Mrs. Olivia ang

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 8

    Chapter 8Pagkapasok ni Naomi sa sala, halos pumikit na sa antok si Neri. Binuhat niya ang bata papasok sa kuwarto, marahang hinaplos ang likod, saka isiniksik sa mga braso nito ang pink na rabbit na laruan.Inayos niya ang gamit ng anak para sa eskuwela, saka napatingin sa munting asong kulay krema na nakahiga sa lumang diyaryong ginuhitan ng kamay.Napabuntong-hinga si Naomi. Nagpasya siyang dumaan bukas sa pet shop para tumingin ang mga aso.Ibinagsak naman ni Cormac ang cellphone sa mesa sa tabi ng kama. Nakapulupot sa leeg niya ang gray na tuwalya, pinupunasan ang basa niyang buhok.Nakatayo malapit si Georgia, sunod-sunod ang tanong.“Babaeng pasyente ba ’yon? Bata at maganda ang boses ha. Single ba? Pabebe ka magsalita ha. Siya ba may-ari nitong aso?”“Ate Georgia, kailan ka naging tsismosa?” Mababa ang tinig ni Cormac, nakapikit ang talukap habang binabanggit ang pangalan nito.“Aba, nag-aalala lang ako sa ’yo ‘no. Wala ka bang balak mag-asawa?”Bahagyang kumurba ang kanyang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status