Share

Chapter 3

Author: Inabels143
last update Huling Na-update: 2025-09-26 08:37:44

Chapter 3

Alas-diyes na ng gabi nang nakahiga na si Naomi sa kama at binuksan ang matagal nang naka-deactivate na FV account niya.

May ilang mensahe na ipinadala ang kanilang class monitor na si Alexis.

‘Lydia, may class reunion tayo sa BGC next week. Nasa group chat na ang mga detalye. Ikaw na lang ang kulang. Pupunta ka ba?’

Nagpadala ako ng mensahe pero hindi ka sumasagot. Lydia, kung may problema ka sa buhay, sabihin mo lang sa amin, handa kaming mga kaklase mong tumulong.’

Binuksan ni Naomi ang group chat. Sunod-sunod ang usapan doon, parang walang katapusan. Sa totoo lang, pumasok siya para i-quit na sana ang group. Pero dahil may 48 members, magiging halata kung bigla siyang aalis. Kaya hindi na niya halos ginagamit ang account na iyon.

Nang i-scroll niya paitaas, wala ni isang bumanggit sa pangalan niya. Gaya ng dati sa klase parang wala lang siya, invisible.

Pero kahit parang hangin, hindi siya lubos na nakakalimutan ng mga ito. Dahil sa timbang niya noon, kahit pilitin niyang huwag makialam, lagi pa rin siyang pinag-uusapan.

“Fat girl, baboy, dram ng tubig, gasul…”

Kahit wala siyang ginagawa, kahit dumadaan lang, may bulungan agad.

Nong high school, hindi naman siya ganoon kalaki. Pero dahil sa iniinom niyang gamot, nagkaroon ng side effects at tumaba siya nang sobra.

Samantala, ang pangalan ni Cormac ang palaging bukang bibig ng buong campus. Kahit saan, ito ang sentro ng atensyon.

Laging kaakibat ng pangalan ng lalaki ang  salitang “prodigy”, “school idol”, “heartthrob”, “yaman”, at “kapangyarihan.”

Magkaibang-magkaiba sila ni Naomi.

Na-click ni Naomi ang profile niya. Halata sa lumang profile picture na bihira na itong mag-online.

MABILIS lumipas ang mga araw hanggang sumapit ang Sabado.

Sa isang linggong trabaho, nakakuha rin ng kumpirmasyon mula sa VL ang unang version ng design. Nilagdaan ang kontrata at agad nagbayad. Siyempre, tinanggihan ang pangalawang version ng design kaya’t mainit pa rin ang ulo ni Director Shane.

Pero dahil si President Albano mismo ang nagyayang magkaroon ng celebration dinner, hindi puwedeng tumanggi si Naomi. Sa BGC sa Canton Road ginanap, isang bagong Chinese-style na lugar na patok sa mga internet celebrities.

Nang marinig ni Naomi ang pangalan ng venue nangayaw siya bigla… ngunit wala siyang magawa kundi sumama.

Bandang alas-siyete, nagtataas ng baso ang lahat sa loob ng private room. Nakisama rin si Naomi at nakainom ng dalawang baso.

Sa kabilang kuwarto naman, huli nang dumating si Cormac.

Puno ang box ng mga dating kaklase mula sa Class 3. Sinalubong siya ng kantiyawan at aya ng inom. Matangkad at matipuno ang kanyang katawan. Cormac is cold and aloof. 

“Cormac, tumagay ka naman!” aya ng isa sa mga kaklase niya.

Bahagyang ngumiti si Cormac. “Hindi ako puwedeng uminom, baka tawagan ako ng ospital anumang oras ngayong gabi.”

Pero nang tumanggi siya ay wala nang naglakas ng loob na pumilit pa.

Namula ang ilang babaeng kaklase, at palihim na naglabas ng cellphone para kuhanan siya ng litrato.

Mula pa noong highschool hanggang sa college sa St. Aurelius University ay kilalang-kilala na si Cormac dahil sa itsura nito. Hindi maipagkakaila ang kagwapuhang taglay nito. Medyo moreno ang balat, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata na talagang kakaiingitan ng kababaihan, mapupula ang labi at napakaganda ng mata na hugis almond. Higit pa roon ay matalino, at galing sa mayamang pamilya.

“May girlfriend ka na ba?” tanong isa.

Ngumiti si Cormac at umiling. “Sobrang busy kaya, laging naka-on call.”

“Paano pa magkaka-time sa love life niyan?” kantiyaw ng ilan.

“Cardiac surgery raw siya ngayon. Nakakapagod iyon ‘di ba?” tanong ng isang babaeng namumula ang pisngi. 

Siya si Farah Laurel, dating campus beauty, at halatang kinakabahan habang nagtatanong.

Kita ng lahat na interesado siya kay Cormac. At dahil sa kantiyawan, lalo pang namula ang mukha niya na parang peach blossom.

Umupo si Cormac, bahagyang tumango, ngunit wala siyang maalala tungkol sa babaeng nagtanong.

Malaki ang private room—may karaoke at mga mesa para sa chess at baraha. Diretso siyang umupo sa isang single sofa. Nakasuot pa rin siya ng business attire mula sa media interview kanina. Tinanggal lang niya ang itim na coat at isinabit sa upuan. Sa ilalim, moon-white shirt na nagpapatingkad ng malamig niyang aura, tuwid at elegante ang tindig.

Napapikit siya saglit, pinisil ang sentido, malamig at maputla ang likod ng kamay. Saglit siyang tumingin sa relo.

Wala siyang gaanong interes sa reunion. Ang tanging dahilan ng pagdalo ay dahil paulit-ulit siyang inimbita ni Alexis, at nagkataon ding maluwag ang oras niya.

Medyo nadismaya si Farah dahil hindi siya pinansin ni Cormac.

Inabutan naman siya ni Alexis ng isang baso si Cormac. 

Ang pamilya ni Alexis Roda ay may negosyo sa furniture at minsang nakipag-partner sa Lagdameo enterprise. Nais din nitong palakasin ang koneksyon kay Cormac. Alam ng lahat na ang panganay na kapatid ni Cormac ay ampon lang. Si Cormac ang tunay na anak ng pamilya Lagdameo na siyang tagapagmana. 

Tiningnan lang iyon ni Cormac.

“Huwag kang mag-alala.” Tumawa si Alexis. “Tubig iyan.”

Inabot niya ang baso. “Salamat.”

“Magkaklase tayo noon, huwag ka nang masyadong pormal.” Tinapik siya sa balikat ni Alexis.

Ngumiti lang si Cormac at hindi nagsalita pa.

Ayon sa mga kaklase niya ay siya ang pinakahuling dumating. Pero sa tuwing bumubukas ang pinto at may pumapasok, bahagya siyang napapalingon.

Hindi alam ni Cormac kung ano ba talaga ang inaasahan niya.

Sa isip niya, inaabangan niya kung sino ang taong makikita niya sa susunod na pagbukas ng pinto.

Maingay sa loob ng private room. May dumating muli pero nanlumo siya dahil isa lang ito sa kaklase nilang babae. 

Mabilis na naglakad si Alexis palapit sa dumating at agad itong pinapainom. Masaya namang tinanggap ng babae.

Tumitig si Cormac sa hawak na baso at pinaikot iyon. 

Alyssa, bakit ang laki yata ng tinaas ng timbang mo?” biro ng isa sa mga kaklase nila.

“Oo nga, hindi kita agad nakilala kanina. Parang ilang  kilo ang nadagdag sa’yo ah. Napabayaan ka ba sa kusina?” Nagtawanan ang karamihan.

Sa pagbanggit ng salitang mataba, napaangat ang tingin ni Cormac kay Alyssa. Isang mabilis na sulyap lang mula sa maitim niyang mga mata, ngunit may kakaibang bigat na dumapo sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit may kaba at inis na sumiksik sa loob niya, kaya kumuha siya ng alak at tinungga iyon.

Nakahilig siya sa single sofa, nakataas ang isang paa at nakaayos ang suot na pantalon. Isa-isang nauubos ang mga laman ng basong hawak niya. 

Sa pulsuhan niya, kumikislap ang liwanag ng platinum watch. Nang ibaba niya ang tingin doon ang sariling mukha ang nakita, perpekto at matikas na features. Dahil dito, maraming babae ang gustong lumapit ngunit nag-atubili dahil sa presensya niya.

“Hmm… Cormac?” Kagat-labi si Farah nang tuluyang lumapit, hawak ang baso ng alak.

“May kamag-anak kasi akong may sakit sa puso. Kailan ka ba available para sa outpatient check-up? Sasamahan ko sana siya…”

Naharangan ang liwanag sa harap niya kaya napaangat ang kilay ni Cormac. Pinagmasdan niya ang babae at malamig na ngumiti.

“Puno na ang schedule ko sa susunod na linggo. Kung malubha na ang sakit ng kamag-anak mo, magpa-appointment na lang kayo sa ibang doctor.”

“Ah s-sige…” mahina nitong sagot, kita ang pagkapahiya. Gusto pa sana nitong magtanong pero nang makita ang malamig na ekspresyon ni Cormac, napaurong ito at bumalik sa kanyang upuan, halatang nadismaya.

Matapos ang masayang usapan, ipinagpatuloy ni Alexis ang reunion at ipinamahagi ang mga munting regalo—discount membership card para sa furniture brand ng pamilya nila at isang tea set.

“Hoy, may naka-contact ba kay Lydia? Padalhan din natin ng package.”

Pagod na pagod na si Cormac sa buong araw na trabaho. Uminom siya ng alak at nagsimulang sumakit ang ulo niya. Pumikit siya, kunwari’y natutulog, pero nang marinig niya ang pangalang iyon, kusa siyang napakunot-noo. Para bang may alarmang tumunog sa utak niya at bigla siyang nagising.

“Si Lydia? Iyong matabang babae? Naalala ko pa noong high school, tumakbo siya ng 800-meter race. Grabe, sobrang nakakatawa siyang tingnan noon, hingal na hingal habang unaalog iyong malaki niyang tiyan haha–” 

Pero natigilan bigla ang nagsalita dahil nahuli nito ang malamig at matalim na titig ni Cormac.

Halos mabulunan si Pelaez, nakilala niya sa eplyido. Akala ni Pelaez, masyado lang malakas ang boses niya at naistorbo si Cormac, kaya natahimik na lang siya. Ngunit nagpatuloy pa rin ang bulungan ng iba.

Si Naomi na hindi sumipot sa reunion ay hindi alam na kahit pitong taon na siyang nawala, madalas pa rin siyang pag-usapan ng mga kaklase.

Hanggang sa may nagsalita nang may alinlangan.

“Si Lydia… may narinig akong balita na parang patay na raw siya…”

Biglang bumalot ang katahimikan sa loob ng silid, ilang segundo na parang huminto ang oras.

“Ha? Patay na? Imposible!”

“Kaya pala hindi na siya nagpapakita sa reunion. Nag-PM pa ako sa kanya dati, pero hindi na sumasagot…”

May ilan na napabuntong-hininga.

“Totoo, anim na taon na ang nakalipas. Nasa ospital ako noon kasi masama ang pakiramdam ng lola ko. Nakita ko si Lydia, ang payat-payat ng katawan pero ang laki ng tiyan niya—sobrang laki, parang may tumor… Kawawa naman siya.”

Muling bumigat ang hangin, at lahat ay napatahimik.

Maya-maya, may nagtanong kay Cormac, marahil dahil isa siyang doktor.

“Hindi ba’t may doktor tayo sa klase? Cormac, kung may tumor si Lydia sa tiyan, terminal ba iyon? Wala naman silang pera… baka kaya hindi na natin siya ma-contact kasi patay na siya?”

Sabay-sabay silang napatingin kay Cormac. 

Natigilan ang lalaki.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 81

    Chapter 81Napakunot ang noo ni Naomi. Hindi niya inasahan na iisipin ni Cormac ng gano’n. Pero mali ang iniisip ng lalaki.‘Yung tsinelas na ‘yon… hindi kay Glenn ‘yon. Siya mismo ang bumili noon. Bilang isang single mother at sila lang mag-ina, kailangan niyang magkunwaring may lalaki sa bahay, para makaiwas sa mga mapanghusga at usisero.Sa balkonahe, may dalawang piraso ng damit panglalaki na nakasampay. Isa roon ay kay Glenn na nakuha niya mula sa aparador ni Lola Maria.Ang tsinelas sa pinto? Para iyon sa mga bisitang dumarating, hindi dekorasyon lang. Pero nitong mga nakaraang araw, may butas bigla sa tsinelas parang sinunog. Hindi niya alam kung sino ang may gawa noon.Hindi rin niya akalaing hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Cormac na kasal siya kay Glenn na si Neriah ay anak nilang mag-asawa. Pero sa isang banda, mabuti na rin iyon para hindi niya kailanman malalaman na ang batang iyon ay anak niya.Huminga si Naomi nang malalim. “Siyempre iniingatan ko ang sarili ko. Kaya

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 80

    Chapter 80Pagbukas ng pinto, isang lalaki ang tumambad kay Cormac. Nagkatinginan sila na agad ikinakunot ng noo niya. Ang mga mata ni Cormac ay madilim at malalim, bahagyang nakapinid ang labi, tila pinipigilan ang kung anong emosyon.Kumurap-kurap si Neriah. “Uncle Erick!”Ngumiti si Erick at hinaplos ang buhok ng bata. “Neriah, nag-enjoy ka ba ngayong gabi?”Halatang alam niyang lumabas si Neriah para maglaro. Ngunit nang mapansin niya si Cormac, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito halatang galing sa ibang antas ng lipunan. Bahagya siyang nailang.“Gabi na. Salamat sa paghatid kay Neriah,” wika ni Erick nang may paggalang.Wala namang mali sa sinabi niya. Pero sa pandinig ni Cormac, tila may tumusok na kirot. Anong karapatan niya para magpasalamat sa akin? Hindi ko naman siya kinakausap. Papansin!Tahimik na pumasok si Cormac, hawak ang kamay ng batang babae. Habang naglalakad siya, dumaan siya sa tabi ni Erick at bahagyang tinapik ang balikat nito parang hindi sina

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 79

    Chapter 79Nangunot ang noo ni Cormac, nanatiling walang ekspresyon, saka isinara nang mariin ang bintana. Pagbalik niya sa sariling kotse, naroon si Neriah sa likurang upuan, tahimik at maayos na nakaupo. Sa paglingon niya, naramdaman niyang unti-unting nawawala ang inis na kanina’y bumabalot sa kaniya.“Doc Pogi,” tanong ng bata. “Sigurado po bang okay lang ‘yong hindi ko sabihin kay Mama?”“Kailangan niyang mag-overtime ngayong gabi,” mahinahong paliwanag ni Cormac. “Ihahatid kita mamaya bago mag–alas-nueve.”Plano niyang gawin muna, saka na magpaliwanag kay Naomi.“Neriah,” tanong niya, nakangiti, “gusto mo bang makipaglaro kay Doc Pogi, ha?”Tahimik na tumango si Neriah at malawak ang ngiti.Alam niyang parang hindi gusto ni Mama si Doc Pogi dahil kamukha raw nito si Daddy sa larawan.Kapag sinabi niyang nakipaglaro siya kay Doc Pogi, malulungkot si Mama. Pero gusto niya si Doc Pogi. Mabait ito, at tuwing magkasama sila, masaya siya.“Opo!” excited na sagot niya..Nang marinig iy

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 78

    Chapter 78Narinig iyon ni Cormac at bahagya lang siyang ngumiti bago tuluyang bumalik sa trabaho.Tinitigan ni Dr. Bautista ang case file sa harap niya. Kabisa na niya ang kalagayan ng batang babae—si Neriah Mendoza. Alam niyang labis ang malasakit ni Cormac sa batang ito. Kung tatanggihan niya, malamang ay haharangan siya ni Cormac sa opisina at hindi siya tatantanan.Ngunit may napansin si Dr. Bautista na kakaiba. Hindi niya iyon binanggit. Sa totoo lang, para bang may pagkakahawig si Neriah kay Cormac lalo na sa mga mata at sa hugis ng kilay.At kahit sabihing interesado nga si Cormac kay Naomi, malinaw pa rin na napakalaki ng agwat ng mga pamilya nila. Halos imposibleng mangyari iyon.“Hihilingin ko sa ospital na kontakin ang ina ni Neriah para ayusin na ang petsa ng operasyon,” seryosong sabi ni Dr. Bautista.Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Cormac.“Salamat, Dr. Bautista,” sagot niya, kalmado ang tinig.Napakagat siya sa ibabang labi, marahang nadama ang hapdi ng sugat doon,

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 77

    Chapter 77Muling tumunog ang cellphone ni Naomi, kasunod ang isang mensahe mula kay Cormac.Cormac: Huwag mo akong subukang i-block, dahil kapag may nagtanong bukas tungkol sa labi ko, sasabihin kong ikaw ang kumagat.Pinindot ni Naomi ang do not disturb setting para sa mga mensahe ni Cormac at itinapon ang cellphone sa gilid.Kinabukasan, sa ospital. Habang abala si Cormac sa trabaho, napansin niyang marami ang palihim na nakatingin sa kaniya. Sampung katao na ang dumaan sa harap niya, lahat ay nagpipigil ng tawa, at kapag nakalampas na siya ay nagbubulungan ang mga ito.“Anong nangyari sa labi ni Dr. Lagdameo?”“Ang laki ng sugat! Parang kinagat ng kung ano.”“Ano pa nga ba? Baka ng girlfriend niya.”“Sino namang may lakas ng loob na magtanong kay Dr. Lagdameo?”“Hindi ako. Narinig ko pa nga—”“Shh! Lakasan mo pa ‘yan, ayan na si Dr. Amery!”Napatingin silang lahat nang dumaan si Dr. Amery, suot ang puting coat, at malamig ang ekspresyon. Tiningnan niya ang nurse na kanina pa masi

  • My Daughter's Doctor is my Ex Lover   Chapter 76

    Chapter 76Awtomatikong hinarangan ni Cormac ang pinto. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang naging reflex niya—siguro dahil ayaw niyang makita ng bata ang sarili niyang hindi maganda.“Ah… ngayong gabi…” napakamot siya sa batok, halatang nag-iisip ng dahilan.Pero kahit anong pilit, wala siyang maisip na matinong paliwanag.Sa kabilang banda, si Neriah, antok na antok na, ay lumabas lang para magbanyo.“Doc Pogi?” pautal niyang sabi habang kinukusot ang mata.Nakasuot pa siya ng pajama na may print ng mga bituin, hawak ang paborito niyang stuffed rabbit.“Teka, bakit gising ka pa?” pilit na ngumiti si Cormac.Naamoy agad ng bata ang sigarilyo.Napakunot ang maliit nitong noo. “Amoy usok po…”Biglang napahiya si Cormac, tinapik ang sigarilyong nakapatay na.“Ah, ano lang may inaayos lang ako. Matulog ka na, ha?”Pero lumapit pa si Neriah, kuryusong-kuryoso.“Doc Pogi, bawal po ‘yan. Sabi ni Mama, masama sa baga.”Napatawa si Cormac, pero hindi niya alam kung matutuwa o maiilang.“Aya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status