Chapter 106 – May Bago na Siya?Pagtatago? Diyan ako magaling! Hanggang ngayon ay tinatago ko pa si JJ kay James. Baka kasi itatwa niya si JJ. Baka hindi niya ito angkinin. Baka ayawan niya ang bata. Paniniwalaan ba ako ni James kung basta ko na lang sasabihin sa kanya na may anak kami? Kung sakali, ayaw kong danasin ng anak kung paano siya tangihan ng kanyang ama. Masakit sa isang bata yun, lalo na kay JJ na asang asa na isang araw ay makakapiling niya ang kanyang Daddy. Ngayon, si Mama na ang sumusundo kay JJ sa school, hindi na ako kaya 9am to 4pm na ang office hours ko. Minsan isang Biyernes ay tumuloy sa office ko sina Mama at JJ. Nag-ayang mag-shopping si Mama sa Glorietta dahil magpapasko na!Maraming pinamili si Mama na pamasko lalo na para kay JJ. Mabuti na lang at kasama namin sina yaya at ang driver para bitbiting ang sangkatutak na mga pinamili namin. Kumain muna kami sa McDo bago umuwi. Nagpaalam ako sandali kina Mama para magpunta sa CR. Ito ang hirap sa Glorietta
Chapter 105 - Tears of JoyNakalipat na kami ni JJ sa bahay nina Papa at Mama sa San Lorenzo Village sa Makati. Kasama siyempre sina Yaya at Inday. Kumuha rin si Kuya Phillip ng isa pang driver para hatid sundo ako at si JJ sa school. niya at sa work ko.Malaking kaluwagan para sa akin ang paglipat namin ni JJ sa bahay ng pamilya ko. Mabilis kinagiliwan nina Papa at Mama si JJ dahil bukod sa matalino ito, masunurin ay may pakunswelo pa sa mga matatanda. Sina Kuya Phillip at Kuya Hunter na dati rati ay halos hatinggabi na kung umuwi ay laging maaga na ngayon upang makalaro at maka-usap lang si JJ. Inabot ng isang linggo bago nasanay si JJ na mag-isang matulog sa kanyang kuwarto. Kahit sanay na siyang mag-isa, nagkabit pa rin ako ng remote camera sa kanyang kuwarto para paminsan-minsan ay nakikita ko ang pagtulog niya. Isang gabi, masinsinan kaming nag-usap nina Mama, Papa at ng dalawang kuya ko tungkol sa nangyari sa akin noon at kung paano nito binago ang buhay ko na balot sa t
Chapter 104 – Tanggapin pa kaya ako ng pamilya ko?Hindi ko talaga sinasagot ang mga tawag ni James. Manigas siya sa katatawag! Bigla na lang uminit ang ulo niya nung ihatid niya ako sa parking lot ng aking office building, matapos akong molestiyahin ni Basti. Kausap ko lang si JJ sa cellphone at tinawag ko nang sweetheart ang anak ko, uminit na ang ulo at pakababa ko ng sasakyan ay pinaarangkada agad niya ang kanyang kotse!Minsan ay sumama si Mama kay Papa sa aming opisina para mag-shopping dahil malapit na ang Pasko, kaya pinatawag ako ni Papa. “Papa, do you need anything?” tanong ko kay Papa na nakaupo sa kanyang executive chair. May isang babaeng nakatanaw sa may bintana at ng humarap ito sa amin, “Mama!!!” sigaw ko sabay lapit at yakap sa kanya.“Ikaw na bata ka, kung hindi ko pa nabasa yung business magazine na inuwi ng Papa mo, hindi ko malalaman na matagal ka na pala sa Pilipinas! Dito ka pa nagtatrabaho sa advetising agency ng Papa mo!” bungad na sabi ni Mama. “At success
Chapter 103 - Come to Terms with MyselfLunes ng umaga, tumawag sa akin si Basti sa opisina. Humihingi siya ng paumanhin sa nangyari sa amin noong Biyernes. Sinabi rin niyang nakabalik na siya ng Cebu at ipinaalala pa niya na magsumite raw ako ng proposal sa kanilang kumpanya para sa advertising campaign nito. “It's okay, Basti. So long as I don't see you again! I will send one of my account officers once you have approved our proposal.” madiin kong sabi kay Basti. “Goodbye!” Naging sobrang busy na ako sa opisina dahil sa apat na malalaking kontratang nakuha ko. Tinututukan kong maige ang mga ginagawa ng aking creative teams. Ayaw kong mapahiya sa mga kliyente ko.Muli naging laman ako ng mga magazines at newspaper sa Pilipinas. This time, sa business section naman partikular na dito ang Business World at BizNewsAsia. Pumunta ang mga reporters ng dalawang magazines para interbyuhin ako sa aking opisina. Sa Business World, ako ang nasa cover na nakasuot ng ng oversized corporat
Chapter 102 – May Bago na Ako!“Kulay pulang balat sa dibdib ang natatandaan ni James sa akin apat na taon na ang nakararaan.” bulong ko sa sarili. “Maging siya pala ay may pagkakakilanlan sa akin?”“Natatandaan mo pa iyon?” tanong ko kay James.“Oo naman! Ikaw ang kaunaunahang babaeng birhen na naka-ulayaw ko. Hindi kita namukhaan noon. Natakot at nalito kasi ako noong oras na iyon ng makita ko ang bahid na dugo sa kumot. Paano ang nangyari at ang isang prostitute ay virgin pa? Kaya mabilis akong nagbihis at agad na umalis sa kuwarto.” sagot ni James. Alam mo bang pinahanap pa kita kay Paul? Pinakuha ko rin ang CCTV footages sa hallway para mamukhaan kita. Ang nakita ko lang ay ang pagpasok mo sa aking kuwarto at ang paglabas mo na may kasamang lalaki na tila umiiyak ka!”“Talaga? Hinanap mo ako?” hindi makapaniwalang sabi ko kay James.“Sige na! Maligo ka na. May spare akong tootbrush dyan at pumili ka na lang muna sa mg damit ko dyan sa closet ng puwede mong maisuot. Ang mga d
Chapter 101 - Kulay Pulang Balat.Parang nakita ko nga si James kanina na papasok sa office building namin pero ng muli ko siyang ligunin ay wala naman. Guni-guni ko lang siguro.Nagpunta kami ni Basti sa Raging Bull Chophouse and Bar na nasa Shangrila, Fort Bonifacio. Nang marinig ko ang salitang Shangrila ay kinabahan ako. Ayaw kong naririnig ang Shangrila dahil sa hotel na ito ako na rape, sa Shangrila-Makati nga lang. Pagpasok pa lang namin sa resto-bar, hindi na ako mapakali.“Is anything wrong? You seem to be distracted.” tanong ni Basti. Hindi ako sumagot at umorder na ng dinner namin si Basti. Sa isang corner table kami naka-upo. Ang mesa ay pabilog at ang upuan ay parang sofa na nakapaikot sa mesa. Kapag sa ganitong mesa at sofa kayo nakaupo ay intimate ang puwesto ng dalawa, kung magsing-irog ang mga ito.Katulad ng pangalan ng resto-bar, steak ang inorder ni Basti. Pagkatapos naming kumain ay umorder ng alak si Basti. “Sorry, pero hindi ako umiinom nga kahit anong a