Chapter 145 - Parang Walang Asawa!“Bakit may ipinagmamalaki ka na ba?” usisa ni James. “Sino? Si Ethan?”“Sino??? Si Ethan? Ipagmamalaki ko sa iyo?” nagtataka kong tanong. “Si Ethan, nagpapadala pa lang siya ng mga bulaklak sa akin, okay? What is wrong with that!”“May-asawa ka, George!” impit na sigaw ni James.“Asawa? May-asawa nga ako pero wala naman siya sa buhay ko! Sabi niya mahal niya ako pero wala naman siyang ginagawa para patunayan ito. Magkalapit nga kami pero parang long distance relationship ang nangyayari sa amin. I need to be loved and cherished, I need stability, and most of all I need him to be there for me. Sabi nga ni Ethan, 'Actions speaks louder than words!'” inis kong sabi.“So, nag-uusap pala kayo ng Ethan na iyon!” galit na sabi ni James. “Mag-iingat ka sa kanya!”“Wala namang masama kung mag-usap kami. Usap lang naman yun!. It's not as if may ginagawa kaming milagro!” inis na inis kong sabi kay James. “Besides, ngayon ko lang kasi nararanasan ang maliga
Chapter 144 -Naghahabol!Hindi ko pinansin sina James at Ethan sa stage pero nararamdaman ko na ang kanilang mga mata ay nakatitig sa akin. Nang matapos tawagin ang sampung awardee sa stage ay picture-picture muna at pakikipag-kamay ng bawat awardee sa isa't isa. Kinamayan lang ako ni James. Kinamayan at hinalikan naman ako sa pisngi ni Ethan. Nakita kong sumimangot si James sa kanyang nakita.Inalalayan naman ako ni Ethan pababa ng stage at hinatid papunta sa mesa nina Papa. Ipinakilala ko si Ethan sa aking mga magulang at mga kuya. “This is Ethan Montenegro, CFO of Publicus!” pakilala ko sa kanila.“So, ikaw yung infamous flower sender ni George!” sabi ni Papa.“Guilty as charged, Sir!” sagot ni Ethan. “So nice to finally meet you all!”“Ethan, taga-saan ka?” tanong ni Mama.“Mam, sa kabilang kalye nyo lang po ako nakatira.” sabi ni Ethan.“Ano? Sa kabilang kalye ka lang nakatira? Talaga?” gulat na sabi ni Kuya Hunter. “Wait, kapatid mo si Marcus Montenegro?”“Oo, younger
Chapter 143- Awards Night.Isang buwan ng ang nakakalipas mula ng huli kaming magkita ni James. Oo, tumatawag siya tuwing gabi upang kumustahin ako pero other than that, hindi siya nag-eexert ng effort para puntahan ako, dalawin ako o makipagkita ng personal. Naiinis na ako sa ganitong relationship set-up namin. Parang long distance relationship, gayung pareho lang naman kaming taga-Makati.Patuloy namang nagpapadala ng bulaklak o dili kaya ay chocolate o pagkain si Ethan, na kinakainis ni JJ. Hindi na kami muling nagkausap pa magmula noong magkasabay kaming nag-jogging.Dahil bakasyon ni JJ sa school at bilang regalo ko na rin sa kanya sa pagiging top 1 sa klase ay nagbakasyon kami sa aming beach resort and hotel sa Boracay dahil hindi pa nararanasan ni JJ ang maligo sa beach. Two days lang naman kami sa Boracay. Parang bonding na rin namin mag-ina ang bakasyon na ito. Pero malungkot si JJ dahil nakikita niya sa beach ang pami-pamilyang nagbabakasyon kasama ang kanilang mga ama.
Chapter 142-Bakit Ako?Isang eye-opener ang mga salitang binitawan ni JJ. Sino ag mag-aakala na talo pa ng isang maglilimang taong gulang na bata ang kanyang 26 years old na Mommy pagdating sa pagdedesisyon sa buhay!“Yaya! Kunin mo na si JJ, paghilamusin mo na at mag-brush kamo ng ngipin.” utos ko kay yaya. Kinuha nga ni yaya si JJ pero habang nilalayo ni yaya ito ay masakit na tingin ang pinupukol niya sa akin. Nang maiwan na kami sa hapag kainan ay masinsinan akong kinausap nina Papa at Mama. “Ano pa ba ang problema ninyo ni James at hindi pa kayo nagsasama?” tanong ni Papa.“Ako po ang may problema, Papa.” sagot ko. “Hindi kasi alam ni James na may anak na kami. Hindi ko pa ito naipagtatapat sa kanya.”“Di kausapin mo siya! Ipagtapat mong may anak siya sa iyo!” sabi ni Kuya Phillip.“Hindi ko alam kung matatangap niya si JJ. Basta ko na lang bang sasabihin sa kanya na 'Hoy! Nagkaanak ako sa iyo! Kilalanin at akuin mo ito!' Matagal na panahon na ang nakalipas.” sagot ko.“
Chapter 141-Imaginary friend.Gabi, habang kumakain kami ng hapunan ay lumapit si yaya na may bitbit na regalo. Naka-gift wrapped pa ito.“Ano yan, yaya?” tanong ni Kuya Hunter.“May nagpadala po ng regalo para kay JJ.” sagot ni yaya.“Regalo? That's weird! Hindi naman birthday ni JJ!” sabi ni Kuya Phillip.Inabot ni yaya ang regalo kay JJ. Binasa ni JJ ang nakasulat sa gift card. “JJ, So proud of you!”walang nakasulat kung kanino galing ang regalo. Agad namang binuksan ni JJ ang kahon at bigla itong sumigaw ng malakas sa tuwa ng makita ang nakasulat sa kahon. Isa itong 13-inch iPad Pro M4 Wi-Fi + cellular 2TB na may kasama pang Apple Pencil Pro. Top of the line at latest model ng iPad ito!Nagulat kaming lahat sa regalong natanggap ni JJ. “Kuya, sino sa inyo ang nagpadala ng iPad kay JJ?” tanong ko kina Kuya Phillip at Hunter.“Naku, hindi kami! Ni hindi nga namin alam kung anong okasyon kung bakit siya binigyan ng regalo!” sabay na sagot nina Kuya Phillip at Hunter.Hindi
Chapter 140-Anak?Pinirmahan nga ni Michelle ang "Affidavit of Undertaking and Confirmation," isang dokumento na nagsasabing inaamin ni Michelle na hindi si James ang ama ng ipinagbubuntis nito at hindi siya magsasampa ng anu mang kaso laban dito. Panay naman ang kuha ng mga litrato ni Atty. Ramirez sa pagpirma ni Michelle sa mga dokumento para may ebidensya at siya na rin ang magnonotaryo ng dokumento. Nakita ko sa mukha ni Michelle ang katuwaan ng abutin niya ang One Hundred Thousand Pesos na tseke mula sa akin. Kinunan rin ni Atty. Ramirez ito. “Ayaw na naming makita ang pagmumukha mo at higit sa lahat, huwag na huwag mo nang lalapitan pa o tatawagan si James!” mariin kong sabi kay Michelle. “Kapag lumabag ka sa ating kasunduan, ako mismo ang makakalaban mo!”Mula ng pirmahan ni Michelle ang dokumento hanggang sa pagtanggap niya ng tseke ay wala na itong masabi. Parang gusto na niyang umalis agad dala ang tseke. “Hindi ka ba hihingi ng tawad sa mga ginawa mo?” tanong ko k