Chapter 27 – Sino si James?Kinagabihan, tumawag ang Kuya Phillip ko. “George! Nasa Makati Medical Center kami. Inatake si Mama sa puso!” sabi ni Kuya Phillip. “Nasa surgery siya ngayon at kritikal ang kanyang kalagayan. Inooperahan siya ngayon! Heart by-pass operation.” “Baka na-trigger ang sakit niya sa puso dahil sa sinabi ko, kuya! Sabi ko kasi kung ipipilit niya ang arranged marriage na gusto niya, ituring na lang niya akong patay.” umiiyak kong kuwento ko kay Kuya Phillip. “Kasalanan ko kapag may nangyaring masama kay Mama!”“Puwede ngang na-trigger ang sakit sa puso ni Mama dahil sa hindi ninyo pagkakaunawaan.” sagot ni Kuya Phillip. “ Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Actually, kinausap ko siya tungkol sa pagpapakasal mo sa anak ng bestfriend niya. Ang katwiran niya, bukod sa ito ay isang sagradong kasunduan nilang mag-bestfriend ay nais niyang makita na nasa maayos kang kalagayan sa iyong buhay may-asawa.”“Sige kuya, balitan mo na lang ako sa kalagayan ni Mama.” paa
Chapter 28 – Bakla si James?Naudlot ang pagbalik ko sa Pilipinas dahil sa arranged marriage na gusto ng Mama ko. Bukod kasi sa ayaw kong makita ng personal ang kalunus-lunos na kalagayan ng Mama ko sa Pilipinas pagkatapos niyang operahan sa puso ay ayaw kong bumalik agad sa bansa baka hanapin at puntahan ako sa bahay namin ng James na anak ni Ninang Rose na siyang mapapangasawa ko raw .Naihinga ko kay Chrissy ang aking problema. Humingi ako sa kanya ng payo. “What??? Arrange marriage??? Is that still done? Darling, you can always refuse that arrangement!” gulat na sabi ni Chrissy. “Besides, you're already an accomplished model! You don't need him or his money!”“Chrissy, you know us Filipinos, we value our parents more than anything else. I was the cause of my mother's recent heart attack which almost cost resulted to her death. I don't want my mother to die!” umiiyak kong kuwento kay Chrissy. “Please help me!”“If you cannot avoid marrying this man, you can at least do it here
Chapter 29 – Ano ang hidden agenda ni James?Inumpisahan ko na ang pagsisiyasat sa background ni James.Kailangan malaman ko kung ano ang sikreto ng James na ito. Bakit pumayag itong magpakasal sa akin. May hidden agenda ang lalaking ito.Alas nuwebe ng gabi sa Los Angeles, tinawagan ko si James sa kanyang cellphone. Hindi via messenger para hindi niya ako makita at hindi niya malaman ang FB account ko. Matagal bago niya sinagot ang kanyang cellphone.“Hello! Is this James Vergara?” magalang kong tanong.“Hello! Sino ito? Ang aga aga mong tumatawag! Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw! Nakaka-istorbo ka ng tulog!” sigaw ni James na parang pupungas-pungas pa ang kanyang boses. “Sino ka ba.? Paano mo nalaman ang cellphone number ko? Put......ina mo!“I am so sorry! My fault! I forgot the time difference between here in Los Angeles and Manila. Anyway, I'll call you later!” paghingi ko ng paumanhin kay James. “By the way, this is George Razon. Ninang Rose gave me your number. Bye!”
Chapter 29 – Money and Power ang dahilan!“No way! Kailangang matuloy ang kasal na ito! Kahit na sa anong paraan!” galit na sagot ni James. “Kailangang mangyari ang ating kasal two week from now! Yan ang pinangako ko kay Mommy!”“Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako kilala, o namumukhaan man lang at higit sa lahat hindi mo pa ako nakakausap kung payag ba ako o hindi sa kasalang ito, nangako ka na sa mommy ng petsa ng kasal?” galit kong sabi. “Ang kapal na ng mukha mo, assumero ka pa! Ano ang tingin mo sa sarili mo? God's gift to women?”“I am so sorry, pero ako nga iyon!” “ patawang sabi ni James.“Gago ka pala! Sobrang bilib mo sa iyong sarili!” galit kong sagot.“E ikaw, ano naman ang hitsura mo?” tanong ni James. “Wala ka kasing picture profile sa iyong FB account. Wala ka ring Tiktok, Snapchat o X account. Actually, parang dormant na nga ang FB page mo, kasi yung huling posting doon was three years ago pa.”“Aba't bina-background check mo na ako? Stalker ka! Pangit
Chapter 30 – Kontrolado ko Dapat ang Arranged Marriage ko!Tatlong araw na ang nakalipas, hindi ko pa rin tinatawagan si James. Tatlong araw kasi ang palugit na hiningi ko para makapagdesisyon kung magpapakasal ba ako sa kanya o hindi. Habang nagpapahinga ako sa photo shoot ko para sa isang sports magazine ay tumawag siya. Dahil maingay ng paligid ay medyo lumayo ako ng puwesto.“Hello, James!” sago ko sa kanyang tawag.“Hello, George! Hinihintay ko ang tawag mo sa akin kahapon. Hindi ka tumawag, kaya tinawagan na lang kita! Ano ang desisyon mo?” tanong ni James.“Kung hindi lang dahil kay Mama ay hindi talaga ako magpapakasal!” sagot ko.“So, payag ka nang magpakasal tayo?” tanong ulit ni James.Payag na ako but it has to be on my own terms! Either you take it or leave it!” ultimatum kong sabi ka James.“Your terms????” tanong ulit ni James.“Bingi ka ba? Ayaw mo???” hamon ko kay James.“Hindi naman sa ayaw, kaya lang.....” sabi ni James“Love! Let's resume the photo shoot
Chapter 32 - Pagdating sa pera, una ako diyan!Nagdadalawang-isip si James kung itutuloy pa niya ang kasunduan ng Mommy niya sa Mama ko na pakasalan ako. Una, pangit ako. Ikalawa, sobrang dominante ako at dinidiktahan siya. Pangatlo, nanghingi ako ng kabayarang Ten Million Pesos para magpakasal sa kanya! Sinadya ko talagang gawin ito para umatras si James sa aming kasal.Isang araw pagkatanggap ng aking email ni James ay nag-reply itong payag siya sa lahat ng aking mga kondisyon. “Hala! Pumayag siya! Ano ang hidden agenda ni James? Kapit sa patalim?” sabiko sa sarili.Muli ko na namang tinawagan si James. Sinadya kong tumawag ng madaling araw sa Pilipinas para magalit at mainis na naman siya sa akin. “Hello, George! Talaga bang nananadya kang tawagan ako tuwing madaling araw? Antok na antok pa ako!” sabi ni James.“Magdusa ka! Gusto mo akong pakasalan di ba?” panunudyo ko kay James. “Sobra ka namang kapit sa patalim, matuloy lang ang kasal natin!”“Wala ka ng pakialam doon!” g
Chapter 33 – Kasal-kasalan.Sumapit na rin ang araw ng aking pagpapakasal kay James sa Las Vegas. Magkikita kami ni James sa Las Vegas Clark County ng 5am para pirmahan ang aming marriage license na inaplayan ko online at pagkatapos ay pupunta sa Little White Chapel para sa isang drive-thru wedding ceremony kung saan ay nakapag-reserve na rin ako ng 6am slot.“Hanapin mo ako sa may main door ng Clark County. Nakasuot ako ng all-white pantsuit at naka-sunglass na white rin. Maglalagay rin ako ng name tag na George. “ sabi ko kay James ng tawagan niya ako kahapon.“White na polo shirt, brown pants at brown shoes ang suot ko. Para hindi obvious magsusuot na rin ako ng sunglass kahit na medyo madilim pa. Maglalagay ako ng maliit na yellow ribbon sa aking wrist.” sabi ni James. “Kasama ko ang rin ang aking bestfriend para maging witness sa wedding.”“Good! See you there!” sabi ko. “Please remember our agreement. After the wedding, we will go our separate way. You can bring the Marr
Chapter 34 – I want a low-keyed life!Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng “ikasal” kami ni James sa Las Vegas kaya nagpasya na kong bumalik sa Pilipinas. Bago ako umuwi sa Pilipinas ay naglunch date muna kami ni Jessie at sinabi niyang bibisita daw siya sa Pilipinas. Siya na kasi ang humahawak sa campaign strategy ng kanyang Dad na tumatakbong Governor ng California. “I'll miss you!” sabi ni Jessie.“I'll miss you too!” sabi ko. “You are my only male friend who I can trust here in LA!”“Will you still come back here in LA?” tanong ni Jessie“I will! I still have a contract with Elite Model Management under Chrissy and a non-exclusive contract with L'Oreal!” sagot ko. “But I will not be working as a model in the Philippines. Nobody there, except my family knows that I am Love, L'Oreal image model. Once I am back over there, I plan to work as a lowly employee in an advertising firm and I will dress up with my usual garb as Miss Granny!”“Why???? Why do you want to hide yoursel
Chapter 60 - Ako? Kamukha ni Love?Makalipas ang isang linggo, sa opisina, laking gulat ko ng ibigay sa akin ng HR ang promotion paper ko. Pinapapirmahan sa akin ang papel bilang patunay na tinatanggap ko ang promotion at payag ako sa mg kundisyong nakapaloob dito.“Paki-iwan na lang ang papel at pag-iisipan ko kung tatanggapin ko ang promotion.” sabi ko sa HR personnel. “Ibabalik ko na lang mamaya sa HR. Salamat!”Pinuntahan ko si Ms. Jenny, ang aming Advertising Manager. “Good morning po, Mam!” bati ko sa kanya.“O, Gina! May kailangan ka?” tanong ni Ms. Jenny.“Opo. Tungkol po sa promotions ko?” sagot ko. “Akala ko po ay nag-usap na kayo ni Boss James tungkol dito? Ayaw ko po ng promotion dahil baka maakusahan ako ng nepotism. Na kaya ako na-promote ay dahil girlfriend ako ni Boss. Ayaw ko po ng ganun.”“Gina, kaya ka mapopromote ay dahil sa iyong kakayahan! Hindi dahil girlfriend ka ni Boss!” paliwanag ni Ms. Jenny. “Ako ang nag-insist na ipromote ka! Walang kinalaman si Bo
Chapter 59 - Si George at Gina ay Iisa!“Are you done? Wala kang pakialam kung sino ang girlfrined ko! Wala kang karapatang lait-laitin siya. You don't even know her!” pagsaway ni James sa kanyang kapatid. “Kung wala kang sasabihing maganda, umalis ka na!”Nakatungo ako at hindi kumikibo habang nagtatalo ang magkapatid.“Isusumbong kita kay Mommy! I hate cheaters!” galit na sabi ni Jasmine. “Tumigil ka na, Jasmine! Huwag mong pakialaman ang buhay ko. Wala kang pakialam kung sino ang gusto ko. Sige, magsumbong ka! Tingnan ko lang kung hindi mawala ang allowance mo sa akin.” buwelta ni James sa kanyang kapatid. “Umalis ka na!”Inis at nagpupuyos sa galit na umalis si Jasmine. “I am sorry! Nag-away pa kayo ng kapatid mo ng dahil sa akin.” paghingi ko ng paumanhin kay James. “Sabagay, may katuwiran naman siya. Legally kasi, may-asawa ka pa and yet, eto ako, girlfriend mo. Ako ay ganun din.”Nang dumating na ang aming pagkain, hindi gaanong nagalaw ang mga ito dahil nawalan na kam
Chapter 58 – James, kumuha ka ng higit pa sa akin!Umakyat ako sa penthouse office ni James. Pinapasok agad ako ng kanyang secretary sa opisina nito. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Baka kasi may makita akong hindi kaaya-ayang tanawin sa loob o dili kaya ay makaistorbo ako. Pagpasok ko sa opisina ni James ay tila abala ito sa binabasang dokumento habang nakaupo sa tapat ng kanyang mesa. Hindi niya tinaas ang kanyang ulo upang malaman kung sino ang pumasok basta itinuro niya na tumayo ako sa harap ng kanyang mesa.Five minutes na akong nakatayo sa kanyang harapan ng, “Ms. Gina! Good thing you are here!” sabi ni James na parang nang-iinis. Tumayo siya mula sa kanyang mesa, lumapit sa akin at inikot-ikutan ako. “Ano naman ang peg ng lalaking ito? Ms. Gina pa ang tawag sa akin! Nakakainis na!” bulong ko sa aking sarili.“Mabuti at suot mo ang kuwintas na bigay ko sa iyo!” sabi ni James habang patuloy pa rin siya sa mahinang pag-ikot sa akin.Nahawakan ko tuloy ang kuwintas unco
Chapter 57 – Takot sa Pakikipagrelasyon!Magaling na ako at nakabalik sa rin sa trabaho. Open secret na ang relationship namin ni James sa opisina. Si James naman lalo siyang naging sweet sa akin. Every Sunday ay sa condo ko na siya nagbababad pagkatapos naming magsimba sa umaga, mamasyal at kumain sa labas.Minsan tinanong ko siya tungkol sa aming relasyon. “James? Saan hahatong itong relasyon natin? Pareho tayong may-asawa! Kung saka-sakaling magkatuluyan tayo, gusto mo bang magka-anak? Ano ang hinahanap mo sa isang babae? Ano ang expectation mo sa magiging asawa mo?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.Nagulat at parang nalito si James sa mga tanong ko. “Bakit parang nalito ka sa mga tanong ko? Wala ka bang balak na magkatuluyan tayo?” malungkot kong tanong.“Hindi naman ako nalito. Nagulat lang ako sa mga tanong mo. Kasi coming from you, para kasing ikaw yung may mga agam-agam sa ating relasyon. Lagi kang umiiwas kapag medyo umiinit na tayo sa romansa. Ikaw itong takot na ipa
Chapter 56- Pantasya ng BayanSinusubuan ako ni James ng pagkain para raw makakain akong mabuti. Patingin-tingin lang naman sa amin si Kuya. Nang matapos akong pakainin ay saka pa lang ito kumain. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Kuya Hunter pala.“Sis! Ano ba ang nangyari? Ngayon lang ako nakarating dito kasi ang dami kong inasikaso sa office.” sabi ni Kuya Hunter habang nakatingin kay James. “Kumusta ka na?“Okay lang kuya! Masakit kapag gumagalaw ako.” sagot ko kay Kuya Hunter. “Si James pala, Boss ko. Siya ang CEO ng JV Groupe Advertising.”Nakipagkamay naman si Kuya Hunter kay James.“Boyfriend niya!” pahabol ni Kuya Phillip.“Boyfriend? That's a first!” sabi ni Kuya Hunter. “Gaano na kayo katagal naging magboyfriend?”“Kuya!!!” sawata ko kay Kuya Hunter.“Well, three months na!” sagot ni James.“Three months and we got to know about it now?” galit na sabi ni Kuya Hunter. “You know James, she is our baby sister! That is why, overprotective kami sa kanya ni Kuya Phillip
Chapter 55 - Si Ava ang sumaksak sa akin!Sinugod ako sa Emergency Room ng Makati Medical Center. Si James pala ang nagsugod sa akin doon. Hindi na siya pinapasok sa ER pero kinunan muna siya ng statement sa kung ano ang nangyari sa akin ng mga pulis na naka-assign sa ospital dahil nasaksak nga ako.Nagising ako sa aking hospital bed kinabukasan ng umaga. Si Kuya Phillip ang una kong nakita na natutulog sa may sofa na katabi ng kama ko. “Kuya Phillip?” mahinang tawag ko sa kanya.“George! Kumusta na ang pakiramdam mo! Napasugod ako dito kaninang madaling araw ng tawagan ako ni James sa cellphone ko. Nag-ala tsamba lang siya ng pagtawag sa akin at tinanong kung kapatid daw ba kita dahil ang nakalagay lang sa contact ng cellphone mo ay kuya. Akala ko nga ay prank call.” sabi ni Kuya Phillip. “Pero nung makita kita dito ay natakot ako!”“Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat kuya.” mahinang sagot ko. “Nasaan na si James?”“Kakaalis lang niya at babalik daw siya after two hou
Chapter 54 – The Disgruntled Ex!Ahhhh... wala na akong mahihiling pa. Unti-unti ko ng nakakalimutan ang rape na nangyari sa akin almost four years ago. Nawala na rin ang takot ko sa mga lalaki dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa akin ni James. Subalit, may agam-agam pa rin sa aking puso. Matangap kaya ni James ang nangyari sa akin noon? Pabigat pa rin sa aking damdamin ang aking nakaraan kaya naman sukdulan ang galit ko sa taong gumawa nun sa akin.Isang araw ay dumalaw si Ms. Ava sa aming kumpanya upang kunin ang kanyang separation pay. Hindi siya sinesante ni James noon kundi pinag-resign na lamang upang hindi magkaroon ng bahid ang kanyang employment record at upang makakita agad ito ng trabaho. Sa accounting, napag-alaman niya na ako na ang girlfriend ni James. Noon kasi ay ipinagkakalat niyang siya ang girlfriend ni James kaya ilag sa kanya ang mga empleyado ng kumpanya. “Ms. Ava alam mo bang si Ms. Granny na ang girlfriend ni Boss ngayon?” sabi ng taga accounting habang
Chapter 53 – Ginayuma ko si James?Tama nga ang hinala ko. Kumalat na sa buong kumpanya na girlfriend na ako ni James. Noong una ay puro spekulasyon lang dahil sa mga bulaklak at mga regalo na pinapadala niya para sa akin sa aming department. Pero ngayon ay may patunay na at sa bibig mismio ni James nangaling ang kumpirmasyon na ako si Gina na isang Ms. Granny ay girlfriend na niya!Hindi naman ako naapektuhan ng mga ganitong usap-usapan dahil wala naman akong inaagrabiyadong tao. Medyo proud pa nga ako na boyfriend ko ang may-ari ng kumpanya dahil ipinamamalita niya ito sa kabila ng aking ayos. Ang hindi ko lang kinaya ay ang pag-alipusta ng ibang kasamahan ko sa trabaho sa aking pagkatao.Minsan sa canteen habang kumakain kami ni Ana ng tanghalian ay may narinig ako. “Ano kaya ang nakita sa kanya ni Boss? Tingnan mo kung manamit, parang matanda.” sabi ng isang taga accounting. “Talo ko pa nga yang kung pananamit ang pag-uusapan!”“Baka naman ginayuma nyan si Boss kaya nagustuhan
Chapter 52 - Girlfriend na niya Ako!Pumunta kami ni James o Paul sa Alfred Restaurant sa loob ng hotel. Halos magkasingtaas na kami dahil naka stilleto highheel shoes ako. Ang suot ko ay ternong pantsuit na kulay beige, naka make-up, walang eyeglasses at nakalugay ang mahaba kong buhok. Habang kumakain kami ng tanghalian ay tinanong ako ni James, “So, Love, you are a Filipina right?”“Yes, I am! “ sagot ko. “I finished my degree in UCLA. I was discovered by my agent Chrissy while doing my internship program at McCann.”“McCann? As in McCann WorldGroup? The leading advertising company?” gulat an tanong ni James. Same school as my wife, UCLA na biglang naisip ni James.“Yes, McCann!” sagot ko.“In case you decide to retire here in our country, perhaps, I could offer you a job in my company.” alok ni James.“Unggoy na ito! Inaalok pa ako ng trabaho sa kumpanya niya, e nagtatrabaho na nga ako dun!” sabi ko sa sarili. “Mali yata nang mabangit ko na sa UCLA ako nagtapos.”“Are you