Share

Chapter 3

Hindi ako warfreak na tao. Pero siguro dahil na rin sa galit, selos at sakit na nararamdam ko ngayon dahil kay Marc, hindi ko na napigilan ang paglapit sa lalaking nambwibwisit sa akin simula pa kahapon.

And that 'Great' guy had the audacity to grin wider as soon as I halted in front of him.

"Are you stalking me?" malakas na tanong niya na nagpalingon sa mga taong kanina lang pilit dinededma ang kaganapan dito. Tss.

"Excuse me! Wala akong reason para i-stalk kita! You're not even that attractive, fyi!" I rolled my eyes.

Tiningnan ko yung babaeng kanina pa naglilinis sa sahig. Napansin kong puro kanin na may ulam yung nililinis niya at hindi ice cream. Nagtaka pa ko dahil wala namang tindang kanin at ulam dito dahil ice cream parlor to. but I shrugged it off since pwede namang take out yun. So, I just planned to help her instead, pero tumayo na siya na parang tapos na kahit may mga tira-tira pang mga kalat sa sahig.

"Great---" sabi nung babae pero agad siyang pinutol ng lalaking dahan-dahan nang tumayo kahit hindi pa naman ubos yung kinakain niya.

"Clean it well," malamig na sagot nito pero sa akin siya nakatingin na parang ako yung tumawag sa kanya. "Do you want to help her? Make sure that no marks and tiny pieces will be left there" dagdag pa nito bago humakbang paalis at sadyang tinapon pa ang tira niyang ice cream sa sahig sa mismong tapat ko, kaya ang ending, natalsikan ang bagong-bago kong sapatos!

My precious shoes na iniyakan ko pa para lang bilhin ni Mommy!

Angry was understatement. I was freaking furious at nagdilim na lang bigla ang paningin ko. Nagpatung-patong na ang nararamdaman ko at siya ang nagpasiklab nito. Wala naman akong kasalanan sa kanya para gawin niya to sakin! I was just trying to help tapos ito mapapala ko?!

"You clean yourself too, para hindi ka na magmukhang basura," dagdag pa niya, adding the fuel to the burning flame, bago humakbang at sinadyang banggain ang balikat ko, making me almost stumble.

Kaya naman mabilis akong tumakbo at humarang sa harapan niya at walang sabi-sabi ko siyang in-uppercut sa sobrang gigil ko sa kanya. I don't care kung maraming tao dito. Wala naman kami sa loob ng campus kaya safe akong hindi masususpend or what. Ang tanging nasa isip ko lang ay makaganti! Huh! Hindi naman pwedeng palagpasin na lang to pagkatapos niyang dumihan ang sapatos ko at insultuhin ako! Kahapon pa siya! Dalawang beses na niya akong sinabihan na mukhang basura! Once is enough and twice is too much! Isa pang sabi niya, makakatikim na siya ng poison!

"Honey!" si Marc.

Hindi ko siya pinansin at madiin ko lang na pinanood si Great na iniinda ang sakit ng ilalim ng baba niya.

"Fvck! You're a fvcking amazona!" he hissed and equalled my glare as he caressed his chin.

Sana nakagat niya dila niya nung sinuntok ko siya para double kill!

"Honey. Let's go.."

I shook my head while throwing daggers at Great, "Serves you right! Hindi bagay sayo pangalan mo! Dapat 'Worst' kasi wala kang kwentang tao! Napakasama ng ugali mo!"

Kung matalim ang tingin ko sa kanya, mas matalim na ang binibigay niyang tingin sa akin ngayon. I don't easily get scared but the way he looked at me gave me warning signals to stop and just run. It honestly gave me chills. Siguro nasobrahan ako sa mga sinabi ko. I'm not a bad person and I don't really says mean things to people, pero dahil sa sobrang galit ko, nawalan na ng preno ang bibig ko at kung anu-ano na lang ang lumabas dito. Now, I feel guilty.

"Kuya!"

Paglingon ko, sobrang nagulat ako dahil nakita ko si Brittany Perkins na ka-buddy ko nung high school. Sa dami ng lugar na pwedeng pagkitaan namin? Dito pa talaga kung saan ako nakikipag-away?

"Brit?" tawag ko nang nilagpasan niya ako at dumiretso kay Great.

Parang doon niya lang ako napansin kaya biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, "Honey?" Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Great habang nakakunot ang noo, "I was told that my brother is having a fight with a girl.. Don't tell me ikaw yon?” she asked disbelievingly.

Mahaba ang sinabi niya pero isa lang yung pumasok sa isip ko, "Brother?" tanong ko. I looked at Great then back to Brittany. Well, they resemble each other pero hindi ko alam na may kapatid si Brittany. "May kapatid ka?"

"Bakit hindi mo alam? Didn't I told you before?"

Umiling ako. Hindi naman talaga kami nag-usap noon about personal life. Puro crushes niya lang nababanggit niya and never naman akong napadpad sa bahay nila.

Ngumiti na lang siya at hinawakan ang braso ng Kuya niya, "Anyways, this is my big brother, Great. If I should've known na mag-aaway kayo, sana pala napakilala na kita dati para close na kayo ngayon at hindi na to nangyari? Or maybe not. Masungit kasi tong si Kuya sa mga babae, may allergies yata--" sinamaan siya nang tingin ni Great kaya naputol yung sinasabi niya.

Tahimik ko silang pinanood. Medyo kumalma na naman ako kaya wala na yung urge na sugurin siya para sana sabunutan. Next time na lang kapag nagkita ulit kami at masama pa rin yung ugali niya.

"Iuuwi na kita," hinila ako nang mahina ni Marc, na nakalimutan kong nasa tabi pala at hawak pa rin ang braso ko.

Napalingon samin ang magkapatid, at hindi nakaligtas sakin ang masamang tingin ni Great sa akin. Syempre hindi ako magpapatalo kaya ginantihan ko rin siya ng masamang tingin. Hah! Pasalamat siya dumating yung kapatid niya, kung hindi baka nahila ko na yang matabas na dila niya at naputol! Tsk.

Umirap ako, naiinis na naman ako. Kaya imbis na ibalik yung galit ko, I just flipped my hair and turned to Brittany, "Nice to meet you again, Brit. I want to see you more, pero sana hindi na ulit kami magkita niyang kapatid mo," turo ko sa Kuya niya bago ako tumalokod at hinila si Marc paalis ng ice cream parlor.

"I saw what happened. May kausap lang ako saglit, nakipag-away ka na agad," inalalayan ako ni Marc pasakay sa passenger's seat ng kotse niya.

I rolled my eyes, "Busy ka kasing makipaglandian"

Buti na lang, galing ako sa pakikipag-away at alam niyang bwisit na bwisit ako. Dahil kung hindi, iisipin niyang nagseselos ako kaya ko sinabi yon. Napailing ako. Wow, may maganda din pa lang naidulot yung Great na yon ha! Buti na lang nasapak ko siya. Hindi yata kaya ng pride ko na magthank you nang dahil sa kasamaan ng ugali niya, nasave ang feelings ko para kay Marc.

"Landi agad? Hindi ba pwedeng nag-usap lang?" he chuckled.

Feeling ko, matatanggal na yung mga mata ko kakairap. "May usap bang naghahalikan?" I hissed.

Narinig ko siyang suminghap. I didn't bother to look at him at nanatili na lang akong nakatingin sa bintana. Tsk. Ayokong makita siyang nagbablush dahil naalala niya yung halikan at yakapan nila kanina!

"Sino ba yon? Girlfriend mo? Bakit hindi ko alam?" I swear, my voice sounds so poisonous right now. Bumabalik ang sakit na naramdaman ko kanina habang busy sila sa landian nila. Sana hindi ko na lang pinaalala.

"S-she's just a friend"

Halos matawa ako sa sobrang inis. 'Friend?!' I screamed inwardly. "May friend bang humahalik sa labi?" I glared at him, "Ako, best friend mo, pero hinahalikan ba kita?"

"Pwede naman.."

"What?! Niloloko mo ba ko?!"

Gusto ko siyang sabunutan at pasalamat siya dahil nagdadrive siya. Ayokong may mangyari saking masama kaya kung mapapahamak siya, dahil siya lang at hindi ako damay!

I knew he's playing with me lalo na nung tumawa siya nang malakas. Parang tuwang-tuwa pa siyang naiinis ako!

Sinamaan ko siya nang tingin. Halos mamatay na ko dito sa selos tapos siya tatawanan pa 'ko? Lintik lang ang walang ganti! "Sige, pag naging friends kami ni Great, hahalikan ko din siya!" I blurted out.

Halos tumalsik ako sa upuan ko. Kung wala akong seatbelt baka nabasag na yung salamin ng kotse at lumusot ako sa biglaang pagpreno ni Marc ng sasakyan.

"I'm sorry!" Mabilis niya sabi bago i-park sa gilid ang kotse at icheck kung okay lang ako.

I swear, today is a very bad day. Hindi na ako magtataka na mataas na ang blood pressure ko kung magpacheck ako.

Hindi na ako nagsalita. I just closed my eyes and tried to calm down. Nakakapagod ding magalit ano! Feeling ko nagbuhay ako ng malaking bato at gusto ko na lang humanga at matulog ngayon.

"Honey.."

I heaved a sigh. Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Bad joke, sorry.."

"Alin ang joke? Na friend mo lang yun?"

"Hindi" iling niya habang mahinang pinisil yung ilong ko. "She's really just a friend"

"Bakit humalik? Sa lips pa?" 'tapos yumakap ka pa' hindi ko tinuloy yung huli.

"Well.." napakamot ito ng batok na parang nahihiya. The urge to hiss was so strong pero pinigilan ko dahil kapag dinagdagan ko pa yung outburst ko, baka mahalata na niya ako.

"Yaan mo na nga! Tapos na! Umuwi na tayo. Gutom at pagod na ko. Gosh! Nakakapagod pa lang makipag-away" sinabi ko na lang para hindi na namin pa pag-usapan.

Mahirap na. Baka bigla siyang umamin na gusto niya yung girl tapos ano? Bigla akong hahagulgol dito at aamin na gusto ko siya?! No way! Mas mabuti nang wala akong alam. Innocence is a bliss, sabi nga nila.

Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bumilis yung tibok ng puso ko nang haplusin niya pa ito.

"Masakit ba? Namamaga na," he said while looking intently at my hand.

Doon ko lang napansin na maga nga. Kaya pala masakit. Akala ko epekto lang nag pagsintok ko.

"Lagyan natin ng icepack pagkauwi natin sa inyo"

Yun na nga yung ginawa niya. Inasikaso niya ako. Paano akong hindi maiinlove dito kung ganito ito kasweet? Hays.

Good thing nasa work pa ang parents ko kaya hindi sila magtatanong sa nangyari. Of course I won't tell them I fought like a guy outside our campus! Baka isipin pa nilang napapariwara na ako at ipatransfer ulit ako sa ibang university. Ayoko na kaya ng panibagong introduce yourself.

Tahimik yung dalawang araw na lumipas. Akala ko, magtutuluy-tuloy na at bumabawi ang tadhana sa sobrang harsh niya sakin. But I was wrong! Definitely wrong!

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa classroom nang makita ko si Brittany na nakatayo sa tapat. "Honey!" tawag niya when she finally saw me, "You're so tagal. Kanina pa kita hinihintay"

My forehead creased as I looked at her confused. "Bakit mo naman ako hinihintay?"

Nginitian niya 'ko. Lumabas yung dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi. Pwede na siyang endorser ng toothpaste dahil sa sobrang puti at pantay-pantay na mga ngipin. Pero hindi naman ako na-i-insecure, dahil maganda din ang mga ngipin ko, at lamang lang siya sa 'kin ng isang dimple.

"Kuya wants to apologize"

It was like a magic word na kumuha ng buong atensyon ko. "Si Worst?" I snorted.

Hindi nga? Yung lalaking yon gustong mag-apologize? I don't peg him as someone to do so. Feeling ko mas mataas pa yung pride non kaysa sa Statue of liberty. Anong pangbablackmail kaya ang ginawa nitong si Brittany para mag-apologize yun?

"Worst?"

I was my time to roll my eyes, "Si Great! Seriously, hindi bagay sa kanya yung name niya. Pwede bang pakisabi sa parents niyo na palitan ang pangalan niya since hindi naman 'great' yung personality niya?"

Brittany chuckled shortly but stopped and told me they don't have parents anymore. That made me feel very guilty. Hindi ko alam na orphan na sila. Brittany never told me about this before since hindi nga kami nag-uusap about our families.

"Sorry.."

"It's nothing. I don't really remember anything about them since I was still a baby when they're gone," she shrugged. "So, as I was saying.. Punta ka sa rooftop mamaya, nandoon lang si Kuya. Don't worry, short tempered lang yun pero hindi ka itutulak nun"

Nagdalawang isip ako pero napilit din ako dahil sa sobrang kulit ni Brittany. At dahil guilty rin ako. Di nga lang ako sure kung saan, sa pagkaalam na wala na silang parents o sa pagsapak sa kanya at pagsabi ng masakit na salita. Pero yung sapak, deserve niya yon! Saka nakucurious din naman ako kung paano siya magsorry. Yung mayabang at matalim na dilang lalaking yon, luluhod kaya para mapatawad ko? Naiimagine ko pa lang napapangisi na ako. I can't wait to see him kneeling down in front of me!

"Fine. But I can't promise na kaya kong i-tolerate yung kasamaan ng ugali at kasungitan niya ha. Baka hindi ako makapagpigil at bibigyan ko ulit siya ng pamatay kong upper cut!" sinabi ko nalang.

Para kasing laging galit sa mundo yung isang yun, malapit na sigurong mamenopause. Feeling naman niya may matres siya! Tse!

"Do what you want. No one's stopping you. And for me, kulang pa yung uppercut as a payment. Basta wag mo lang siyang itutulak sa taas ha!"

"Hindi naman ako killer!"

"Joke lang. Let's go. He's waiting.." she clung her arms on mine and pulled me with her to the next building.

Nakakapit pa rin siya sa braso ko habang umaakyat kami sa hagdan papuntang rooftop dahil feeling niya tatakas ako. Tss. Tumigil lang kami sa may pintuan at saka niya lang ako pinakawalan at nagpaalam na dahil may klase pa siya. Huminga ako nang malalim at nayakap ko ang sarili ko pagkatapos kong buksan yung pinto at sinalubong ako ng malakas na hangin.

"Kaya mo yan, Honey! Fighting!" pampalakas loob ko sarili ko.

Oo na, matapang ako pero may times na inaatake ako ng kaba dahil hindi naman ako prepared. Para akong sundalo na sumugod sa giyera ng walang dalang armas dito.

Huminga ulit ako nang malalim bago tuluyang maglakad palapit sa nakaupo sa sahig habang sumasandal sa pader at nakapikit na si Great na hindi naman talaga great.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status